PAGE 40 I like you ****** PAKIRAMDAM KO ay nakalutang na ko sa ulap at ang sayang ibinigay niya sa akin ay walang katumbas. Masaya na ako kanina na nakausap ko si Ate, pero hindi ko akalain mas pasasayahin ni Sir Marcus ang araw ko dahil sa halik. Hindi niya kinakalas ang titig sa akin matapos akong halikan. Pakiramdam ko ay forever na iyon at ayos lang sa akin. Ilang buwan ko bang pinantasiya iyon? Suminghap ako ng dahan dahan niyang luwangan ang pagkakahapit sa akin. Pero nanatili ang kamay niya sa beywang ko at ganun din ako. Parang ayaw ko ng lumayo sa kanya pero hindi pwede. Bumuntung hininga ako ng malalim at umatras ng isang hakbang palayo sa kanya. Inalis ko na ang kamay ko sa beywang niya at ganun din siya. Nadarama ko pa rin ang mainit niyang pagtitig sa akin. Nagbaba ako

