PAGE 60 Escape ******* I WOKE up alone and empty. Hindi ko akalaing ganito pala katahimik ang umaga ko. Hindi ito katulad nang mga natural kong araw. May kakaibang kalungkutan ang paligid. Umikot ang paningin ko sa kabuuan ng apartment at lalo lang akong nanlata. Sanay naman ako na mag-isa. Matagal na. Pero ngayon. Iyong emptiness na nasa puso ko, sobrang bigat. Sobra. Naupo ako at tumulala sa kawalan. Matagal na tumulala. Oo nga pala. Ilang araw na ang lumipas mula ng inilibing si Ate. Pero bakit feeling ko parang kahapon lang iyon? Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Wala na siya. Wala na talaga at this time, its forever kaya mag-isa na lang talaga ako. For life. Buntong hininga. Dalawang araw lang ang naging burol. Marami namang kaibigan at kakilala na dum

