PAGE 24 An Exception ************** ILANG SANDALI lang ay nagawa ko na iyong kape. Ipinagtimpla ko na rin si Ms. Hannah. Bumalik na ako sa kung nasaan sila at inilapag ko sa may center table iyong tinimpla ko na dalawang kape. "The color is perfect Marcus." Boses ni Ms. Hannah. Napaangat ako ng tingin at lumingon. Natagpuan ko sila sa may itaas ng flatform. Tumayo ako ng deretso at pinagmasdan sila. Magkaharapan silang dalawa at halos isang hakbang lang ang layo sa isa't isa. Abala si Ms. Hannah sa pag-aayos sa suot na necktie ni Sir Marcus at buo ang atensyon nila sa bawat isa at halos hindi nila pansin ang pagdating ko. Ano man ang namamagitan sa kanila, nababasa ko sa mga mata ni Ms. Hannah na more than friends iyon. Though sa mukha naman ni Sir Marcus, kaswal naman ang mukha ni

