Page 10

2610 Words
PAGE 10 Calm ****** NANG GUMISING ako ay hapon na kaya nagmadali na akong mag-ayos para pumasok sa club. Medyo may kirot akong nararamdaman sa ulo ko pero naisip kong kulang lang ito sa tulog. Mamaya sa oras nang break ko sa club ay itutulog ko na lang yung oras. Dumaan ako sa isang carinderia para kumain ng tanghalian at hapunan na rin. Hindi rin naman ako nabubusog sa pagkain sa club dahil hindi pa ako komportable dun. Nakangiti akong inasikaso ng tindera sa may carinderia sa may kanto lang nang lugar na tinutuluyan ko. Hindi ko siya kilala sa pangalan pero sa mukha lang. Kilala naman niya ako dahil lagi akong bumili ng makakain sa kaniya. Marunong naman akong magluto yun nga lang madalang. Wala din naman akong paglulutuan na ibang tao maliban sa sarili ko. Pagdating ko sa club ay nag-lilinis pa iyong dalawang lalake na janitor. Kasabay ko na dumating si Precy, nauna lang ako ng ilang minuto. Tapos ay dumating na rin si Mama Ari. Yung owner ng club. Aries ang true name niya. Mabait naman siyang pakisamahan. Nagulat pa ako nang iabot sa akin ni Precy ang isang itim na tube skirt. May tila balahibo itong nakadesign sa laylayan. "Yung puting medyas ang isuot mo tapos booths." "Booths?!" Gulat na gulat kong bulalas. "Then isuot mo ito." Sabay abot sa akin ng head band na may tengang mahaba parang sa bunny. Bunny dress. What the hell?! "Precy sandali -- masyado yatang awkward tong ipinapasuot mo?" "Special night daw kasi ngayon. Maraming darating na bigating customer at yan ang gusto ni Mama Ari eh." Nakangiwing aniya. Napangiwi din ako. Ayoko sana pero may choice ba ako? Sumasakit ulo ko lalo. Napilitan akong suotin iyong bunny outfit. Kainis! Gusto kong murahin ang sarili sa itsura ko ngayon. Napabuntung hininga na lang ako. "Labas --!" Bumukas iyong pinto ng dressing room at pumasok si Mama Ari. Bigla nga lang itong huminto sa b****a nun at tumitig sa akin nang may amusement sa mukha. "Oh, my gosh! Sino ka?" Iyong amusement sa mukha niya ay priceless pero natakot ako. "Hah?!" Natulala naman ako. "PRECY?!!" Sigaw nito nang malakas na ikinapitlag ko sa kinatatayuan. May nabuhay na kaba at takot sa utak at dibdib ko. Bakit?! May mali ba sa itsura ko?! O, God! Bahadya pang nakaawang ang mga labi ko habang nakatingin. Dumating si Precy at nag-usap sila ni Mama Ari. Silang dalawa lang ang nagbubulungan pero pasulyap sulyap sa akin. OmyGod! I don't like this. Panay ang iling ni Precy at napapangiwi. Parang nahuhulaan ko na ang pinag-uusapan nila at lalong sumasama ang pakiramdam ko dahil dun. Nang umalis si Mama Ari ay kinausap naman ako ni Precy. "Sabi ko na eh. Imposibleng hindi ka pa mapansin niyan." "Magse-serve lang ako Precy." Nanginig ako at namutla. "Oo. Sinabi ko naman eh. Pero kakausapin ka niya mamaya." Mahina niya akong tinapik sa balikat. "Ibang iba ka sa suot mo eh. Sige na. Marami ng tao sa labas." Napahinga ako ng maluwang nang malaman na hindi naman pala nila ako pipilitin sa ayaw kong gawin. O, God! Ayoko talagang gawin yun. Kapag pinilit nila ako magre resign ako. Binigyan ako ng magandang ngiti ni Precy at sabay na kaming lumabas ng staff room na iyon. Marami na ngang customer. May nakakaakit at slow music na pumapailanlang sa paligid. Saxophone music. Panay ang buntung hininga ko sa bawat ikot ko sa mga mesa at pabalik sa counter tapos ikot uli sa lugar. Nakakahilo. May ilang pagkakataon na muntik pa akong mabangga sa mga customer, ayokong mag-isip ng masama pero sa dalawang gabi na pag-stay ko dito. Hindi na ko nagtaka kung nagkalat ang mga malilibog na gagawa ng paraan para makatsansing. Ganun sila sa mga server eh. Kahit may katable na sila. Haist. Kinakabahan ako nang husto dahil kakausapin daw ako ni Mama Ari. Parang alam ko na ang sasabihin niya at ngayon pa lang ay napapansin ko na minamasdan niya ang mga galaw ko. Ganito din sa akin si Sir Marcus noon eh. Para bang may mali sa galaw ko. Huminto ako sa isang mesa at nakita ang tatlong lalake na may tig-iisang ka-table na model. Well, model daw sila eh. Mukhang mga kasing age bracket ko lang itong nasa table. Mga disente ang itsura at mukhang estudyante o empleyado sa isang kumpanya. "Good evening po. Order po?" Matipid akong ngumiti tapos ay nagbaba ng tingin sa notepad kong maliit. Hindi ako nakikipag-eye to eye contact sa mga customers. Nakinig ako habang nagsasabi sila ng order at nililista ko naman iyon. Hanggang isa sa kanila ang pumansin sa akin. "Bago ka dito Miss?" Ito yung lalakeng nasa malapit sa akin. Actually ay nasa gilid ko lang siya. Sumulyap ako dito at nakita na nakadungaw ito sa mukha ko. "Opo. Bago po." Ani ko at umiwas na ng tingin. "Anymore to add po?" Baling ko dun sa mga kasama nito. "Ikaw Miss. Pwede ka bang i-add sa order namin?" May pilyong ngiti sa mga labi nang mga kasama nito. Muli akong tumingin sa lalake at nakitang nakatitig din pala ito sa akin. Bahadya nitong ipinamungay ang mga mata at ngumisi. "Sorry po. Server lang po ako eh. Kung gusto niyo po ng additional i-relay ko po kay Mama Ari." "Panu Miss. Ikaw yung gusto ko?" Bahadyang ipinilig nito ang ulo. Narinig ko iyong mahinang tawanan ng mga kasama nito sa table. "Sorry po." Iling ko. Umatras ako at humakbang paalis. Kaya lang paghakbang ko ay hindi ko napansin ang binti nung lalake na nakalabas pala at nakaharang sa daan. Napatid ako at muntik ng ma-out of balance. Kasunod noon ay tawanan nang nasa table. Liningon ko sila ng may matalim na tingin. "Sayang!" Tawanan nila at nagpalitan pa ng appear. Marahas akong napabuga ng hangin at tumayo ng deretso. Kalma pa Bethel. Tumalikod na ko at hahakbang na sanang paalis ng tuluyan pero mabilis na may pumigil sa braso ko at malakas akong hinila pabalik. Nagulat ako at nabitiwan ang hawak kong pad. Sa lakas ng pagkakahatak sa akin feeling ko ay nakalas ang buto ko sa balikat. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa humila sa akin na walang iba kundi iyong lalakeng nambabastos. Mukhang trip niya talaga ako. "Miss, dito ka na lang." Napapiksi ako at pilit na kumalas sa pagkakahawak nito pero mas lalo lang humigpit ang hawak nito. "Server nga lang po ako dito!" "Sus! Nagmamalinis ka pa. Virgin ka pa ba? Ako nang bahala sa yo. Dodoblehin ko pa ang ibibigay ko sa'yo." Umakma itong hahawakan pa ako sa baywang pero mabilis akong nanulak. "BASTOS KA!" Namula ang buo kong mukha. Iyong mga nasa malapit na mesa ay napapatingin lang sa amin pero walang nagtangkang kumilos para sumaklolo. "ANG ARTE MO NAMAN!" Malakas niya akong hinila papalapit at hinapit sa baywang nang tuluyan. "WAG!" Muntik nang masubsob ang mukha nito sa akin. Mabilis ko lang naitaas ang isa kong kamay para maiharang sa mukha nito sabay tulak. Nabitiwan ako nito at paupo akong bumagsak sa sahig. "AWW!" Ngiwi ko. Mangiyak ngiyak ako sa sakit. "PUCHA!" sigaw nung lalake dahil mukhang nakalmot ko ang mukha nito. Napahawak kasi sa pisngi iyong lalake. "P*T* KA!" Duro niya sa akin. Nangatog ako sa takot habang nakatitig sa lalake. Parang gong na umalingawngaw sa tenga ko yung sigaw niya. Bigla naman niya akong hinablot ng marahas sa isang braso at hinila patayo. Nasaktan ako sa lakas ng pagkakahigit niya at naluha lalo. Oh, God! "Look what you've done to my face!" Anito habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi ko naman masyadong pansin yung tinutukoy niya since dim ang lights ng paligid. "So-sorry po." Tila kinakapos pa ako ng hangin habang patuloy sa panginginig ang buo kong sistema. Napaigtad ako ng biglang may humila sa kuwelyo nung lalake. Sa lakas ng pagkakahila nun ay nabitiwan naman ako nito kaya ako napaatras. Sunod ay bumagsak sa sahig yung lalakeng nambastos sa akin. Sinuntok ito ng humigit sa kanya na tao. May malaking bulto na humarang sa akin at hinawakan ako sa kanan kong braso at tila hinaharangan akong makita kung anong nagaganap. May malakas na tilian sa paligid kaya alam ko kung anong nangyayari. Pag-angat ko nang ng tingin ay nagulat ako nang mapagsino iyong naka-alalay sa akin. Magsasalita sana ako kaya lang ay biglang may sumulpot na tao sa gilid niya at sinapak siya sa panga ng walang babala. Napaatras ako at malakas na napasigaw. "OmyGod!" "s**t!" Marahas na piksi ni Sir Marcus. Hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan. Bahadya lang napapilig ang ulo sa direksyon kung saan nilipad ng suntok ang mukha niya. Natabunan tuloy ng mahahaba nitong bangs iyong sariling mga mata. Hindi ko makita ang kanyang reaksyon pero dama ko yung lalong tumaas na tensyon sa paligid. Pag-angat nito ng tingin ay nakita ko ang matinding galit sa na nakalarawan sa mukha nito. Tumiim ang kaniyang mga bagang at kumuyom ang mga kamao. Alam ko na ang mangyayari sa susunod ay gaganti na ito ng suntok. Pagtaas niya ng braso ay mabilis akong kumapit doon para pigilin siya. "Wag! Tama na!" Mariin kong sigaw. Kumakabog ang puso ko ng napakabilis at nanghina ang aking mga tuhod. Biglang natahimik iyong paligid at natigil ang lahat. Sa ganun dumating iyong mga bouncer kasama sina Precy at Mama Ari para makaawat. Pero parang wala na ring saysay kasi nga huminto na sila. Humihingal ako na parang ako yung nakipagsuntukan o ako yung napagod. Napahinga ako ng malalim at tumingin dun sa lalakeng nambastos sa akin na tinutulungan na makatayo ng isa sa kasama nito. Nakatayo naman sa gilid nito ang walang iba kundi si Henry. Humihingal pa ito dahil sa ginawang pambubugbog sa lalake pero wala siyang ni isang galos maliban sa nalukot ang suot nitong polo shirt at ngayon ay inaayos niya. Napabaling ang tingin ko sa kanyang nasa harap ko. Nakakapit pa rin ako sa braso niya pero dama ko na bahadyang nawala na yung tensyon sa katawan nito. Marahang bumaba ang braso niya habang nagbaba din ng titig sa akin. Bahadyang lumamlam ang kanyang mga mata. Napasinghap ako nang mag-connect ang mga tingin namin. Hindi ko mabasa kung anong naiisip niya. Pero, ewan ko ba. Ibang iba iyong nadarama ko. Kinakabahan ako na katulad ng laging nadarama ko kapag nasa harap niya ako. Bakit ba ganito ang epekto ni Sir Marcus sa akin? "Tara na." Boses ni Henry. Hinawakan ako sa braso ni Sir Marcus bago nag-iwas ng tingin. Hinila niya akong paalis kasunod namin si Henry. Lahat nang mga mata ay nakasunod sa amin habang papalabas ng club. Sa parking area ay huminto kami sa tapat ng isang itim na sasakyang alam kong kay Sir Marcus. Humahangos na dumating sina Precy at Mama Ari. "Sorry Sir. Sorry sa nangyari." Narinig ko iyong tila nagmamakaawang boses ni Mama Ari habang kausap si Sir Marcus. Nasa tabi nila ako kaya kitang kita ko ang bawat ekpresyon ng mukha ni Mama Ari. Para siyang takot. Nakatingin ako sa kanila at bahadyang nangangatog pa rin. "Double check the backgrounds of your staff! Don't you know that she's my employee? She's still under my authority and you just bypass that by hiring her." "I didn't know." Mariing iling ni Mama Ari sumulyap siya sa akin at napayuko ng ulo. Feeling ko pa tuloy ay kasalanan ko pa ang nangyari at ngayon ay pinapagalitan pa ni Sir Marcus si Mama Ari dahil sa akin. Tama. Kasalanan ko nga talaga. Hindi iyon fair. Dapat ay ako yung pinapagalitan. "This can't happen again. You know me." Mariing babala ni Sir Marcus umiigting ang panga. Sunod sunod naman na tumango si mama Ari. Napasinghap ako. O, my God! Kasalanan ko ito. "Kilala mo ba sila?" Bulong sa akin ni Precy. Mahina akong tumango. Pero hindi ito ang oras para i-interogate ako ni Precy. Wag naman ngayon. "Wag mo ng tanggapin ang mga gagong iyon dito, Aries. I swear i'm gonna cease to close this club of yours." Dagdag babala pa ni Sir Marcus. Nataranta ang isang bahagi ng utak ko sa sinabi niya. Kaya nya bang gawin iyon? Sino ba sya para magawa iyon?! Lumingon sa akin si Sir Marcus at muling tumiim bagang. Agad din naman itong nagbawi ng tingin tapos ay napabaling sa ibang direksyon. Nakita kong kumunot ang noo niya at napapiksi. "Is that theirs?" Lumingon si Mama Ari sa direksyon na tinitignan ni Sir Marcus. Nakatingin sila sa isang kulay dilaw na sports car na nakapark sa ka-opposite lang ng kinatatayuan namin. "Sa-- kanila 'ata." Alanganing sagot ni Mama Ari. Biglang umalis si Sir Marcus at umikot sa sasakyan niya. Nakasunod ang tingin ko sa kanya. "Pucha!" Mura ni Henry. Lumingon ako rito at napakunot ng noo. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Sakay ka na Bethel." "Hah?!" Nabigla ako. "Sasama ka sa kanila?" Nagtataka naman si Precy. Siguro gulong gulo na siya sa nangyayari. Gulong gulo din ako sa nangyayari. Hindi ko din alam. Sasama ako sa kanila? Pagsulpot uli ni Sir Marcus ay deretso na ang hakbang nito papalapit dun sa sports car. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano na yung hawak niya. "Saan galing yun?" Bulalas ko. Umakma akong pipigil dito pero hinila akong pabalik ni Henry. "It's mine. Nakalimutan kong iuwi." Sagot ni Henry sa tabi ko. Napasinghap ako at muling tumingin sa gawi ni Sir Marcus. Bakit may ganun si Henry? What the hell?! Anong balak gawin ni Sir Marcus? May dala siyang baseball bat. Alam kong hindi basta basta ang bigat nun. Tinangka pa ni Mama Ari na pigilan si Sir Marcus pero wala din itong nagawa. Sunod na nangyari ay malakas na inihampas ni Sir Marcus iyong dala nitong baseball bat sa may salamin nang sports car. Pumailanlang sa paligid ang napakalakas na car alarm ng kotse. Binasag ni Sir Marcus pati iyong isang headlights ng sasakyan. Lahat nang nakakita ay nabigla sa nangyari. Maging ako. Panay ang tili ni Mama Ari at parang naiiyak na nga sa nasaksihan. Nalaglag ang panga ko at natulala. Matapos ang ilang sandali at humakbang ito pabalik sa pwesto namin ay parang wala lang nangyari. Inabot niya kay Henry iyong bat at hinawakan naman ako sa pulsuhan ko. Muli akong napasinghap. Nagtama ang mga paningin namin. Nakakatakot ang blankong ekpresyon ng mukha niya. "Sir Marcus?!" Naluluha na ang mga mata ni Mama Ari. "Send the bills to my office and let them talk to my lawyer." Walang lingon likod na ani Sir Marcus kay Mama Ari. Hinila niya ako palapit sa may kotse. Hindi naman ako nakatanggi. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa may likuran. "Get in." Tahimik akong tumalima at naupo. Si Henry naman ay naupo sa may tabi ng driver seat habang nasa harap ng manibela si Sir Marcus. Tulala ako habang nakaupo sa likod nilang dalawang Escaner. Hindi ko mapaniwalaang ganito ang nangyari. Suminghap ako at mahigpit na pinagsiklop ang mga kamay ko. Nanlalamig ako at kinakabahan pa rin hanggang ngayon. "Are you okay Bethel?" Lumingon sa akin si Henry at inabot ang kamay ko. Natagpuan naman niya ito at pinisil ng marahan. "Sorry about that." Napaawang ang labi ko pero wala akong masabi. "I think you should calm yourself first. Mukhang natakot ka talaga." Si Henry. Bumaling siya kay Sir Marcus habang maingat na binitiwan ang kamay ko. "Should be my place or yours?" "Sa bahay ko na lang." Malamig na sagot ni Sir Marcus. Napatingin ako sa kamay niyang umiigting pa rin ang mga ugat dahil habang nagda-drive. Mariin kong itinikom ang aking mga labi. Buhay na buhay pa rin ang kaba ko at hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako ngayong gabi. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD