PAGE 34 You don't do that again ************************* PINAGSALUBONG ko ang aking mga kilay at nakameywang na tumayo sa harap niya. Ngumisi lang siya sa akin at lalo lang akong nainis. "Bakit ba?" Sinimangutan ko nga siya. "Sabi mo babalik ka pero hindi mo ginawa. Nakakainis ka talaga Henry." Tumawa siya sa akin. "Sorry naman. Nakatulog ako eh. Napagod ako." "Saan ka naman napagod?" "Sa pagbuhat kay Kuya Marcus? Anong akala mo, magaan lang yun. Eto, hindi na lang nagpasalamat na iniwan kita dito kasama si Kuya." Umismid ako at umirap. Torture sa akin ang ilang oras na lumipas. Hindi na nga ako nakatulog. Idlip lang at sa may sofa pa. Ang sakit tuloy ng batok ko ngayon. Haist. Napabuga ako ng hangin at tumayo sa may harap ng cooking table. Si Henry naman ay nakaupo sa kabilang

