PAGE 48 Babawi ******* LAHAT PARA sa akin ay isang bagong simula. Itong umaga na ito, ganito ang feeling ko nung unang beses akong nakarating ng Lungsod. Kinakabahan, kinikilabutan, nasasabik. Iyon nga lang may bagong damdamin akong nararamdaman ngayon. Kalungkutan. Bumuntung hininga ako ng mahaba. Gosh! Tahimik at mabagal akong naglalakad papalabas ng isang hotel. Nag-apply kasi ako pero sabi ng manager tatawagan na lang daw ako kung may bakante na. I doubt kung tatawagan niya nga ako. Haist. Nasa lobby na ako ng may masalubong akong kakilala. Hindi ko naman inaasahan na makita ito. Iiwas nga sana ako kaya lang nakita niya ako agad. "Bethel?" Tawag niya sa akin kaya no choice na ko kundi humarap dito ng lumapit ito. "Go-good morning po Ms. Hannah." Pilit akong ngumiti. Ang tin

