PAGE 45 Kaya ko ******** [Flashback] MALAKAS KONG itinulak pabukas iyong pinto ng ospital room. Tumakbo na ako palapit sa hinihigaan ni Ate at umiyak sa tabi niya. Napasubsob ako sa gilid ng kama niya at may ilang sandali na umiyak ng umiyak. Naka-school uniform pa ako at hindi ko na in-attendan iyong huli kong klase nang malamang nasa ospital si Ate. Na naman. A week ago nang muli kaming magkita ay galing siya ng ospital at ang dami niyang sugat at gasgas sa katawan. Fractured din ang kaliwang braso niya. Na-aksidente siya. Pero hindi niya sinasabi sa akin kung ano at saan. Naramdaman ko iyong magaan na kamay na nag-pat sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Ate na nakatingin sa akin at may mapait na ngiti sa labi. "Ate?!" "Angel? Why are you here? May klase ka pa di b

