PAGE 31 Dare ****** HINDI NA rin kami lumayo at nagpunta sa isang class na restaurant na alam nila. Iba talaga ang feeling kapag kasama ko ang dalawang ito o kahit ang isa man sa kanila. Laging lutang ang pakiramdam. Masyado pa silang nakakaagaw ng pansin sa lahat at hindi ko maiwasang panliitan sa sarili. Tahimik ako pagpasok sa napili nilang kainan, inalalayan ako ni Henry katulad nang lagi niyang ginagawa at ngayon ay pinauna nila akong papasok at nahuhuli si Sir Marcus. Napabuga ako ng hangin at tumingin sa paligid ng nakahanap na kami ng mesa na mauupuan. "Gutom ka na talaga?" Lumingon ako kay Henry na nasa tabi ko lang. Nginitian niya ako at ngumiti din ako pabalik. "Sobra. Matatagalan ba bago dumating iyong pagkain?" Natawa si Henry sa akin. "Grabe. May tinatago ka palang ka

