Madilim ang eskinita kung saan nakaparada ang sasakyan namin. Ang tanging liwanag ay galing sa kumukurap-kurap na neon sign ng isang dive bar. Kahit nasa loob ako ng tinted na SUV, amoy ko pa rin ang baho ng lugar—halu-halong amoy ng ihi, basurang nabubulok, at usok ng sigarilyo. Ito ang klase ng lugar na hindi pinupuntahan ng mga Salvador. Dito nagpupunta ang mga taong ayaw magpakita, o ang mga taong wala nang mukhang maihaharap. "Are you sure you want to listen to this?" tanong ni Lucien habang inaayos ang maliit na earpiece sa tenga niya. Hawak niya ang isang tablet na konektado sa recording device na nakatago sa bulsa ng jacket niya. Tumango ako, kahit nanginginig ang mga kamay ko. "Kailangan kong marinig, Lucien. I need to know how deep the rot goes." "Okay," sabi niya, tinapik an

