Made Me Dangerous

1184 Words
THREE YEARS LATER Sabi nila, time heals all wounds. Sinungaling sila. Ang oras, hindi nanggagamot. Tinatakpan lang nito ang sugat ng makapal na peklat hanggang sa hindi mo na maramdaman ang hapdi o kahit ano pa man. Hindi madali ang magbago. Sa mga pelikula, isang mabilis na montage lang ‘yan. Ipapakita ang bida na nagpapagupit, nag-aaral mag-make up, nagwo-workout, tapos boom—tapos na. Isang kanta lang, ibang tao na siya. Pero sa totoong buhay? It was three years of grueling, bone-breaking pain. Tatlong taon ng paggising sa isang bansang hindi ko kabisado ang lengguwahe. Tatlong taon ng pagtulog na mag-isa sa malamig na apartment sa 7th arrondissement ng Paris, habang yakap-yakap ang unan na basa ng luha. Lucien sent me here. Malayo sa Pilipinas. Malayo sa mga alaala. Malayo sa puntod ng anak ko na hindi ko man lang nadalaw dahil wala namang katawan na ibinurol. "You need to kill Laura Reyes," ang sabi niya sa akin bago ako sumakay ng eroplano noon. "She is weak. She is a victim. If you want to win, you need to be someone else." At ginawa ko. Pinatay ko si Laura. Araw-araw, unti-unti. Nag-aral ako. Not just academics, but everything. Business management, macroeconomics, corporate law. Sa umaga, nagtatrabaho ako sa isang high-end fashion house bilang junior assistant, hindi para kumita ng pera, kundi para pag-aralan ang mga mayayaman. Kung paano sila gumalaw, paano sila umirap, paano sila tumingin sa mga taong mababa sa kanila. Sa gabi, sa ilalim ng malamlam na ilaw ng lampshade, minemorya ko ang stock market. Inintindi ko kung paano pinapatakbo ang pera sa mundo. Lucien guided me via video calls, tinuturuan ako kung paano magbasa ng financial statements, kung paano maghanap ng loopholes. Natutunan kong maglakad nang taas-noo kahit nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Natutunan kong ngumiti nang hindi umaabot sa mata. Natutunan kong magsalita ng French nang may confidence, para matakpan ang probinsyanang accent na dating pinagtatawanan ni Margaret Salvador. Nakatayo ako ngayon sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina ko. Tanaw ko ang Eiffel Tower sa malayo, kumikinang sa gitna ng gabi. Ang ganda. Pero wala akong maramdaman. Napahawak ako sa puson ko. Kahit anong kapal ng cashmere na suot ko, ramdam ko pa rin ang lamig sa ilalim ng balat ko. Every time I felt tired, every time I wanted to quit and just disappear into the Seine river, hinahaplos ko ang peklat sa ilalim ng pusod ko. Isang manipis na linya. The physical reminder of the C-section intended to save a life, but ended up emptying me. The empty space where my child used to be. Bumalik ang alaala. Ang tunog ng makina. Ang boses ni Margaret. Ang kawalan ng boses ni Devon. Kumuyom ang kamao ko. The rage wasn't a fire anymore; it was cold liquid nitrogen flowing through my veins. It kept me alive. It kept me sharp. "Lau," isang matigas na boses ang bumasag sa pagmumuni-muni ko. Lumingon ako. Si Madame Dubois. Ang mentor ko dito sa Paris. Isa siyang legend sa investment banking. Siya ang humubog sa akin. "You are staring at the void again," puna niya, ang mga mata niya ay nanunuri sa likod ng kanyang designer glasses. "Sentimentality is a weakness inside the boardroom. Remember that." "I'm not being sentimental, Madame," sagot ko, ang boses ko ay kalmado. Inayos ko ang silk scarf sa leeg ko. "I'm just remembering." "Remembering is good. Rage is good fuel. But control is better," lumapit siya at inayos ang kwelyo ng blazer ko. "The gala in Manila is next week. Are you ready?" Humarap ako sa malaking salamin sa gilid ng opisina. The woman staring back at me was a stranger. Wala na ang Laura Reyes na laging nakasuot ng loose floral dresses para itago ang katawan. Wala na ang mahabang buhok na laging nakatali nang messy bun. Wala na ang mga matang laging nagmamakaawa ng pagmamahal. Ang nasa salamin ay si Lau Valez. Ang buhok ko ay sharp bob, itim na itim at glossy, na humuhugis sa mukha kong mas pumayat at naging angguloso. I wore a tailored cream suit that screamed power and money. My makeup was precise. I looked expensive. I looked intimidating. I looked like someone who could buy the Salvador family and sell them for scraps. "I was born ready," sagot ko, meeting my own eyes in the reflection. My eyes were cold. Dead. Perfect. Tumango si Madame Dubois, satisfied. "Good. Don't disappoint me. I invested a lot in you because I saw a killer instinct buried under that trauma. Use it." Umalis siya at naiwan akong mag-isa. Tumunog ang phone ko sa ibabaw ng mahogany desk. Isang notification. Kinuha ko ito. It was a message from Lucien. Kahit tatlong taon na ang lumipas, si Lucien lang ang tanging connection ko sa nakaraan na hindi ko kinalimutan. We talked almost every day, purely strictly business or at least, that’s what we pretended. Binuksan ko ang message. Lucien: The trap is set. Devon is looking for investors for his new resort project in Palawan. He’s desperate. Banks are closing their doors on him because of the anonymous tips we leaked about his mismanagement. You are his target. Napangisi ako. Isang ngising hindi umabot sa mata. Devon Salvador. The arrogant CEO who thought he was untouchable. Ngayon, naghahabol siya ng pera. Desperado. Naalala ko noong nagmamakaawa ako sa kanya ng piso para sa check-up ko noon dahil hinarang ni Margaret ang allowance ko. Naalala ko kung paano niya sinabing 'Wala akong extra, Laura. Magtipid ka.' habang bumibili siya ng bagong sasakyan. Ngayon, ako ang may hawak ng pera. Ako ang kailangan niya. Me: Then let him come to me. Nag-type ulit si Lucien. Lucien: Are you sure you can handle seeing him? Seeing them? Celeste is pregnant again. Seven months. Natigilan ako. Nanigas ang mga daliri ko sa screen. Celeste. Pregnant. Again. Parang may bumara sa lalamunan ko. Ang hangin sa baga ko ay biglang nawala. So, habang nagdurusa ako dito sa Paris, habang pinipilit kong buuin ang sarili ko mula sa mga pira-pirasong basag na salamin... sila ay bumubuo ng pamilya? Sila ay masaya? The injustice reignites the buried rage inside me. Hindi patas. Hinding-hindi patas. I closed my eyes and took a deep breath through my nose, counting to ten just like Madame Dubois taught me. Un. Deux. Trois... When I opened my eyes, the pain was gone. Replaced by lethal resolve. Good. Let her be pregnant. Mas masakit ang pagbagsak kapag mas mataas ang lipad. Me: I’m fine, Lucien. I’m not the same woman who cried over spilled milk. Book the flight. First class. Lucien: Copy. See you in Manila, Lau. Binaba ko ang phone. Tumingin ulit ako sa labas. Ang ganda ng Paris. Dito ako natutong huminga ulit. Dito ako naging tao ulit. Pero hindi dito ang ending ng kwento ko. Kinuha ko ang passport ko sa drawer. Lau Valez. Singaporean-Filipino investor. Wealthy. Mysterious. Deadly. Hinaplos ko ang mukha ko sa pasaporte. Kinuha ko ang handbag ko at naglakad palabas ng opisina. Ang tunog ng stiletto ko sa marble floor ay parang countdown ng isang bomba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD