Chapter 40 Masakit ang ulo ni Ayesha nang magising kinabukasan dala ng hang over. Nagsisi tuloy siya kung bakit uminom pa siya kagabi, tuloy ay ramdam niya ang pagguhit ng sakit sa kaniyang ulo. Ipinasya niyang iligo na iyon para maginhawahan ang kaniyang pakiramdam. Muli ay naalala niya si Joe, ganoong pagkakataon na may hang over siya ay nakahanda ang concoction nito na sa kaniya ay pinaiinom at agad namang nawawala ang sakit ng kaniyang ulo. Napailing siya sa kaniya naisip saka dinampot ang tuwalya na nakasampay sa may bangko saka siya dumiretso ng pasok sa banyo at nag-shower. Pagkalabas niya ng banyo narinig niyang tumutunog kaniyang cell phone. Hindi pa man siya nakakapagbihis ay agad niya iyong dinampot at sinagot nang makita niyang ang mommy niya ang tumatawag. Kipit-kip

