Chapter 42 Magaan na ang kalooban ni Ayesha nang binabagtas na niya ang daan sa SLEX pauwi sa kaniyang bahay. Kagagaling niya lang sa kaniyang bakasyon ng ilang araw mula sa Balesin Island. Tapos na siyang hanapin ang kaniyang sarili at handa na siyang muling magsimula ng bagong yugto sa kaniyang buhay. Kasalukuyan man siyang nasasaktan sa sinapit ng kuwento nila ni Joe ay marami naman siyang natutunan. Handa na siyang tuluyang kalimutan ito, ngayon na mayroon na itong Clarissa sa buhay nito. Halos walang bahayan ang nadadaanan niya at mangilan-ngilang sasakyan lamang ang namamataan niyang nakakasabay niyang dumadaan sa SLEX nang mga oras na iyon. Napansin niya na may itim na Toyota Corolla na sumusunod sa bandang likuran ng kaniyang sasakyan. Noong una ay hindi niya iyon pinansi

