"Ren-ren? Anak? Nasaan ka na ba?" tawag ng aking ina mula sa 'di kalayuan.
Agad ko siyang narinig after kong nanalangin. Ngunit, ang akala kong makahingi ako ng saklolo ay hindi pala mangyari. Tinakpan ng lalaking bumuhat sa akin ng tape ang aking bibig dahilan para di ako marinig ng ina kahit sumigaw-sigaw pa ako.
"Ren-ren? Ren-ren?" tawag ulit ng mga taong kasama ni inang tumulong sa paghahanap sa akin.
"Let me go!" pagsisigaw ko sabay suntok sa likod ng lalaki.
Hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy lang kami sa aming paglalakbay. Napagod ako sa pagbubulyaw, kaya tinigilan ko na muna. Umiyak na lang ako sa tago at pinikit ko ang aking mga mata sabay hiling sa itaas na paghihimalaan pa ako ng paraan para maka-escape sa guy na iyon.
Kinabukasan, naggising ako sa isang maliit na upuan. Nakatape ang aking bibig, nakapiring ang aking dalawang mata, at nakatali ang aking mga kamay sa upuan.
Maya-maya narinig ko ang boses ng mga lalaking nag-uusap malapit lang sa akin. Nagpupumiglas ako para humingi ng tulong, ngunit di ko magalaw ang aking bibig dahil nakadiin ito sa tape na nilagay dito.
"Kunin mo na ang takip sa mata ng bata," rinig ko mula sa lalaking nagsasalita malapit sa akin.
He untied the cloth na nakatakip sa mata ko. Pagbukas ng mata ko'y naaninag ko ang mukha ng tatlong taong nakatitig sa akin. Takot na takot ako noon sa pag-aakalang baka patayin na nila ako o ibenta sa isang mayamang tao para gawing bugaw. At isa pang naiisip kong paggamitan nila, ang aking organs. Malaking pera rin 'to sa kanila kapag naibenta mga body parts ko.
"Hello bata. Nabo-bored ka na ba rito?" tanong ng isang lalaki sa akin.
Kinuha niya ang tape sa aking bibig at doon na ako naglakas-loob na sumagot.
"Pakawalan n'yo po ako rito. Hinahanap na ako ni ina," pagsusumamo ko sa kanila.
Kinantyawan lang nila ako at tinawanan nang malakas habang ang luha ko'y pilit na ayaw tumulo sa takot na baka tuluyang hindi na nila ako pakawalan.
"Wala nang maghahanap sa 'yo dahil patay na ang ina mo. Iyong ina-inahan mo ay wala ng pakialam sa 'yo, naiintindihan mo ba hah?" wika ng masamang lalaki habang hinila-hila niya ang buhok ko.
"Hindi po totoo yan. Mahal ako ng mama ko. Ililigatas niya ako rito," mangiyak-ngiyak kong sabi.
Tinawanan nila ako ulit at inutos ng lalaking iyon sa kasamahan niya na ilagay daw ako sa sako. Nagsigaw-sigaw ako ng, "tulong", ngunit tila tahimik ang buong lugar. Nasa gitna pala kami ng kabundukan. Walang kapitbahay, walang ibang tao na dumaraan at sobrang malayo sa bayan, kaya wala akong mahingian ng tulong.
Dinala nila ako sa mabatong lugar. Dinig ko ang agos ng tubig kahit medyo nasa tuktok kami ng bundok. Bago pa man ako nila. inihagis sa ilog, sinipa-sipa muna nila ako ng ilang beses dahil malikot ako sa loob ng sako. Nahihirapan na rin kasi akong huminga sa pagkakataong iyon, kaya ako gumalaw-galaw hoping na maawa sila sa akin.
"There you go." Inihagis na nga nila ako sa mataas at malalim na ilog.
"Aaaaaah," malalim na sigaw ko naman.
Mahigit one hundred fifty talampakan yata ang taas no'ng binagsakan ko mula sa tuktok ng bundok down to river water.
Akala ko nga hindi na ako makasurvive e kasi hilong-hilo na talaga ako at malapit nang malagutan ng hininga nang nasa tubig na ako. Naisip kong gumawa ng butas sa sakong iyon para makawala, ngunit parang makapal ang pinili nilang lagayan ko.
"Tuloong," sigaw ko mula roon.
Wala pa ring nakaririnig pa rin sa akin. Kung hindi ako hahanap ng paraan, baka mamatay na lang ako roon habang nag-alala na si mama sa akin. Kaya, ginamit ko ang utak ko para makaligtas sa madilim na karanasang iyon.
Gumulong-gulong ako sa ilalim sa pag-asang baka may bagay doon na maaaring makapunit ng sakong kinalalagayan ko. Sa di inaasahan, may kahoy na tumusok sa sako, nasugatan pa ang paa ko dahil sa tulis na iyon.
Nilakihan ko ang punit ng butas at lumangoy ako paibabaw. Mabuti at hindi masyadong kalaliman ang ilog na iyon, kaya madali lang ako nakaahon mula sa ilalim. Nang nakarating na ako sa dulong abot lang ng hininga ko, nawalan ako ng malay habang nakalambitin sa isang nakaharang na kahoy. Ang kahoy lang talaga ang tanging nagliligtas sa akin.
Paggising ko ay tanaw ko pa rin ang lugar na iyon. Ang maberdeng paligid, ang kanta ng mga ibon at ingay ng agos ng tubig ay mga pawang signs na pumukaw sa akin na nasa danger zone pa rin ako. Iniahon ko ang aking sarili at tumapak sa lupa nang naka-paa lang. Sagabal din kasi kung magsusuot pa ako ng tsinelas.
"Saan kaya ako puwedeng dumaan nang hindi ako muling mamataan ng mga taong iyon?" tanong ko sa aking sarili.
Tatlong daan kasi ang aking nakita, mga sangang hindi ko alam kung sa bayan ba ang labas doon. Tumungo ako sa gitnang pathway. Pinili ko iyon dahil malaki ang daraanan, sakto lang ang takbo ko para madaling makarating sa bayan.
Nang narating ko na ang dulo, wala pa ring semento na daan ang aking nasilayan. Pawang mga kahoy, d**o at mga saging lang ang aking nakikita. Nalilito ako kung saan na naman ako magsisimulang maglakad. Ilang minuto pa'y nakakita ako ng tatlong pirasong mansanas sa bandang unahan. Pinulot ko iyon dahil kumakalam na rin ang aking tiyan.
"Sino kaya ang nag-iwan nito rito? Sigurado akong masarap 'to. Wala namang nakakita sa akin na kinuha ko 'to, kaya akin na lang 'to."
Inilagay ko sa aking bulsa ang dalawa at kinain ang isang mansanas. Matamis iyon at masarap kung kaya sobrang nasiyahan ako dahil sa wakas ay may laman na ang aking tiyan. Nang naubos ko na iyon, may biglang humablot sa aking braso.
"Huli ka! Ang galing mong tumakas sa bingit ng kamatayan ah," sambit ng taong nasa likuran ko.
Hindi ko kinayang tingnan ang mukha niya dahil baka kasamahan siya ng mga taong dumukot at nagtangkang pumatay sa akin.
"Huwag po. Gusto ko lang namang makauwi sa amin eh."
At kumalas ako mula sa pagkahawak niya sa akin. Tumakbo ako nang malakas sa 'di alam na rota. Hinabol niya ako dahilan para bilisan ko ang aking pagtakbo.
"Bata, tigil. Mapapahamak ka lang kung magpapatuloy ka diyan. Hindi iyan tang daan patungo sa inyo," malakas na sigaw niya.
Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Maya-maya pa nakasalubong ko ang dalawang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Bumalik ako sa aking dinaanan at nakita kong sinundan nila ako.
Napagod ako. Huminto muna ako saglit at nagtago sa damuhan. Hinablot na naman ako ng di mawaring nilalang. Iyon pala ang taong kanina pa'y nagbigay sa akin ng hint na mali ang dinaanan ko. Hindi ko alam kung masama ba siya o nagkukunwaring mabuti sa harapan ko para maibalik ako roon sa bossing niya. Mahigpit ang pagkahawak niya sa akin dahilan para mahirapan akong makawala sa mga bisig niya.