Kasabay ng trahedyang nangyari sa ama ko, ang mo pagsilang ko sa mundong punong-puno ng kagandahan. Ipinanganak ako ng ina ko sa pribadong ospital malapit sa amin. Napakacute ko raw sabi ng nurse na naghatid sa akin papunta sa ina ko. Matangos ang ilong, kayumanggi ang kulay ng balat, at bilog daw ang aking mukha nang una akong nasilayan ng aking ina.
Masayang-masaya raw ang aking ina noon nang hinawakan niya ako. Naibsan kahit papaano ang kaniyang hapdi na nararamdaman sa kabila ng pag-iwan ni papa sa amin.
Sa gabing iyon, mahimbing na natutulog ang ina ko sa kama, habang may isang taong naghinay-hinay na pumasok sa kan'yang kuwarto. May nakapansin na nurse sa pagpasok ng naka-bonnet na estranghero, ngunit nabaling ang kanyang tingin nang siya ay inutusan ng doctor para kumuha ng gamot.
Kinabukasan, kumalap sa buong ospital ang balitang patay na ang aking ina. Ako na walang kamuwang-muwang ay pinagpasa-pasahan na lang ng mga nurse at doctor sa ospital. Walang may gustong umampon sa akin dahil halos lahat ng mga employees doon ay may mga pamilya na, maliban sa isang nurse na naka-night shift ang duty.
"Dalaga pa ako. Paano ko ba 'yan bubuhayin?" usal ng nurse na iyon.
"Ano ka ba Marian? Nag-iisa ka lang namang anak ng nanay mo, kaya ampunin mo na 'yan para hindi na ma-bored ang ina mo," sagot ng isang doktor.
Naawa raw si ate Marian sa akin, kaya dinala na niya ako sa kanilang bahay. Napagkamalan pa siyang ina ko nang nakita ng kapitbahay naming tsismosa na dala niya ako pag-uwi niya. Nang nakita na ako ng mama niya, napatanong kaagad siya kay ate.
"Ano 'yan Marian?"
Kasabay ng tanong ng mama niya ang pagbukas sa lampin. Nakita niya akong natutulog. Unang tingin niya raw sa akin, nagustuhan niya kaagad ako.
"Sino ba 'tong sanggol, anak? Ang cute naman niya," dagdag pang tanong ng mama niya.
Isinalaysay ni ate Marian sa ina niya ang buong pangyayari. Naging maayos naman sa kan'yang ina ang lahat. Tinanggap niya ako at inalagaan nang mabuti.
Lumipas ang apat na taon, lumaki na akong malusog at alagang-alaga ng inang kumupkop sa akin. Wala na pa lang asawa si mama, kaya kami na lang lagi ang magkasamang naglalaro at nagbebenta ng mga kakanin sa bahay-bahay. Sa murang edad ko pa lang, katuwang na ako ni mama sa gawaing-bahay at pati na rin sa hanapbuhay.
Isang buwan na rin ang nakalipas, nang iwanan kami ni ate Marian dahil sa kan'yang iniindang na sakit. Namatay si ate sa edad na bente otso sa sakit na leukemia. Kaya, kami na lang ni mama ang nagsisikap na itaguyod ang aming mga buhay.
Isang araw, habang naglalako ako ng suman, nakita ko ang isang batang lalaking inaagawan ng pagkain ng kap'wa bata lang. Ipinagtanggol ko siya sa mga batang iyon, at inalalayang tumayo. Halatang mayaman siya dahil sa kan'yang pananamit, kaya nagtaka akong napadaan siya sa aming lugar.
"Salamat, kaibigan," wika niya sa akin.
"Walang anuman iyon. Puwede bang magtanong?" tugon ko naman.
Tumango lang siya sa akin habang pinupunasan niya ang dumi sa kaniyang damit.
"Nasaan ba ang mga magulang mo? Bakit ka nila hinahayaang apihin ng mga batang iyon?" tanong ko sa kan'ya.
"Nasa—" putol na sagot niya.
Nawala siya bigla sa aking paningin nang may lumapit sa kaniyang isang lalaki at hinablot ang kaniyang kamay papasok sa mamahaling kotse. Hindi ko natanaw ang itsura ng lalaking iyon dahil tinawag na ako ni mama.
Ang naiwang kakanin ay inilako namin ni mama. Paubos na kasi rin iyon, sayang naman kung mapapanis lang. Lumiko kami sa ika-apat na kanto nang may narinig kaming boses na tumatawag sa amin. Ang mga tambay pala sa aming lugar ang gustong bumili sa aming kakanin. Nakatatakot silang tingnan, may mga tatoo sa braso at pawang mga malalaki ang nga katawan.
Tinago lang ako ni mama sa kan'yang likuran para hindi ako mapansin ng mga taong iyon. Napansin kong iba ang tingin ng mga lalaking iyon sa akin, para akong kakainin nila sa kakatitig head-to-foot. Ang bata ko pa pero may nahuhumaling na 'ata sa akin. Wala lang iyon sa akin, ngunit pati pala si mama napakiramdaman din ang kakaibang titig ng mga bumibili.
Nagmamadali si ina sa pagsusukli sa lalaki, halos nagka-hulog-hulog na nga ang barya. Subalit, nang tumalikod na kami para umalis na sana, biglang nagsalita ang isa sa kanila.
"Beth, parang nagmamadali ka yata ngayon? tanong ng lalaki habang ang mata niya ay natutok sa akin.
"Ah... gabi na kasi, kailangan ko pang ilako ang naiwang kakanin ko rito," sagot ni mama.
"Ang aga pa naman, magkuwentuhan muna tayo...Mukhang maganda 'yang bunso mo ah, puwede pahawak kahit sa pisngi lang?" hiling ng lalaki.
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni mama habang hawak niya ang bisig ko. Sa walang pag-alinlangan ay kinarga ako ni mama at itinakbo niya ako nang mabilis. Simula noon, hindi na ako isinasama ng ina ko sa pagbebenta. Iniwan na lang niya ako sa kapatid niya.
Isang araw, matapos kong ubusin ang lahat ng snacks na inihanda ni tita sa akin, nakaramdam ako ng pagka-bored. Maliban kasi sa laruan ay wala na akong ibang pinagkakaabalahan. Hindi rin ako magawang samahang maglaro ni tita dahil abala siya sa online selling niya at busy rin ang asawa niya sa pagrerenovate ng bahay nila.
Lumabas ako sa bahay at naglakad-lakad, nagbabaka-sakaling may makita akong mga kauri kong naglalaro sa kalsada. Ilang hakbang ko pang pasulong, mayroon nga akong nakitang mga paslit na ka-edad kong nagtagu-taguan. Lumapit ako at nakisali sa kanilang laro. Tinanggap naman nila ako at masaya akong nakikihalubilo sa kanila.
Maya-maya, may lalaking lumapit sa amin. Pamilyar siya sa aking paningin, ngunit hindi ko alam kung saan ko siya nakita dati. Nakangisi siyang sumalubong sa amin dala ang candies at tinapay sa kan'yang kamay.
"Kain muna kayo mga bata. Marami ako ritong mga pagkain," alok niya sa amin.
Ayaw ko sanang tumanggap ng kahit anong bagay mula sa estranghero, ngunit nakita kong ako na lang ang walang hawak na pagkain. I got jealous to them, kaya kumuha na rin ako ng isang pirasong tinapay at kinain ko lahat ng iyon. After naming maubos ang pagkain, naglaro kami ulit.
Sa pagkakataong iyon, sumali ang lalaki sa amin. Nagtagu-taguan kami kasama siya. Ialng minuto pa'y dumilim na ang kalangitan. Nagpasya akong umuwi na dahil baka hinanap na ako ng aking ina.
Sa aking paglalakad, sinundan ako ng lalaking iyon. Tumakbo ako at nang ako'y napagod ay huminto muna ako sa paglalakad. Hindi ko halos tanaw ang kalsada noon, dahil mahina ang sinag ng buwan sa kalangitan. Wala ring mga street lights sa gilid ng kalsada. Nang sinimulan ko na namang maglakad, nakasalubong ko ang isang lalaking sumusunod sa akin. Takot at pangamba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon.
"Bata, samahan na kita sa pag-uwi.
Hindi safe ang batang nag-iisa sa kalsada na naglalakad sa madilim na daan," wika niya.
"Kaya ko na pong mag-isa," sagot ko sabay akmang tumakbo, ngunit nahablot niya ang isang braso ko.
"Sige na, pumayag ka ng samahan kita. Mas ligtas ka sa akin," pagpupumilit niya.
Dahil sa labis na takot, umiyak na ako. Tinakpan niya ang bibig ko ng isang panyo at binulungan akong huwag daw mag-ingay. Sinubukan kong sumigaw, ngunit hindi ko maggawa dahil nakadiin ang kamay niya sa bibig ko. Nanalangin na lang ako sa mga oras na iyon na sana paghimalaan ako ni papa God nang taong magliligtas sa akin mula sa taong iyon.