Sa bayan ng San Rafael, itinayo ang isang korporasyon na pinagmamay-ari ng magkaibigang Dante at Luis. Ang negosyong kanilang pinagkakasunduan ay pinangalanang, "Permora Mining Corporation" na mula pa sa pinagdugtong nilang apilyido, ang Perez at Zamora. Isa sa pinakamaliit na building sa buong lugar, ngunit mga matatalino ang mga nagpatakbo rito.
Sa simula, hirap pang itinaguyod ng magkaibigan ang korporasyong iyon. Si Dante Perez, ang may malaking share sa nasabing negosyo ay walang kapagurang sinubaybayan ang kan'yang workers, habang si Luis Zamora ay panay turo lang na parang senyorito. Isang araw, napansin siya ng kaibigan at kinausap siya rito.
"Luis, halika nga rito. Mag-usap muna tayo," anyaya niya sabay senyas na sa loob ng office sila mag-uusap nang masinsinan.
Nang nakapasok na nga silang dalawa, sinimulan na ni Dante ang pagsasalita sa kaibigan.
"Ano ba 'tong nakita ko na lagi ka na lang nagagalit sa mga trabahante natin? Isipin mo Luis, kakasimula pa natin. Hindi pa nga nangangalahati 'yong kita natin. Dapat obserbahan mo ang asal mo."
Nasaktan si Luis sa sinabi ng kanyang kaibigan, kaya napasagot siyang, "Wala namang masama sa ginagawa ko Dante. Tinuruan ko lang sila kung ano ang tama. Masama ba 'yon?"
Tumulo ang luha ng lalaki sa isinaad niyang iyon. He couldn't felt guilty, but ang sa kanya lang naman ay magpakitang biktima sa kaibigan para kampihan siya rito. At iyon na nga, dahil sa malambot ang puso ng kaibigan ay naggawang ipagpaliban na lang ang usaping iyon.
"Sige na. Tama na nga 'yang pag-iyak mo kaibigan. Hindi na tayo bata para madaling masaktan...Ganito na lang, ang gawin mo ngayon ay dito ka na lang sa office, magcheck ka ng mga incoming orders at ako na ang bahalang mamahala sa manufacturing at producing area. Okay na ba?"
At tumango na finally si Luis sa suggestion ni Dante. Paano ba kasi, ayaw lang naman ni Dante masaktan ang damdamin muli ng best friend niya. Ang hindi niya alam, iniisahan lang pala siya rito. Ngayong nasa office na siya ay puwede na niyang gawin ang lahat, pati na ang pagmamanipula sa mga data analysis at mga stocks nito.
Lumipas ang araw, buwan at taon, lumakas na ang kita ng korporasyon. Tumaas na ang porsyento ng kanilang sales at ang orders ay dumarami na rin. Sa bigat ng kanilang consumer's demand, kinakailangan nilang magdagdag ng mga trabahante. At sa tulong ni Luis ay nasolusyonan naman niya ito agad.
Isang araw, habang nagroroving si Dante sa manufacturing area ay may narinig siyang bulungan ng dalawang trabahante.
"Hoy Ben, alam mo ba, nakita ko si sir Luis kagabi. Pumasok siya sa bar na may kasamang mga babae. At ano pa? Sinundan ko siya at nang nakita ko'y isa-isang dinulutan niya ng pera ang mga babaeng iyon," saad ng isang trabahante.
"Ganoon ba? Yayamanin talaga 'yang si sir Luis. Nakita ko nga siya noong isang araw pumipili ng isang kotse malapit sa P-Mall. Nang pinansin ko siya, agad niya akong sinabihan na huwag ko daw ipagsasabi kahit kanino na bibili siya ng bagong sasakyan para sa Misis niya, lalong-lalo na daw kay sir Dante," saad naman ng katabi nang nagsasalitang trabahante.
Malinaw sa pandinig ni Dante ang tsismis na nakalap sa dalawang iyon, kaya naisipan niyang tanungin ang kaniyang kaibigan. Lumakad na siya nang pabilis upang puntahan sa office si Luis.
Nang nakarating na siya sa kan'yang office ay walang Luis ang kan'yang natagpuan. Ang katabi niyang upuan nito'y bakante wari'y mula umaga pa'y wala pang gumagalaw dito. Sa walang pag-alinlangan ay hinalungkat ng lalaki ang drawer ng kaibigan at iniisa-isa ang mga papeles na nakalagay doon. At sa di inaasahan ay may nakita siyang isang data analysis na mukhang hindi tugma sa kan'yang record.
"Ano 'to? Bakit iba ang mga totals niya? Bakit parang may kulang sa data na 'to?" tanong niya sa sarili habang naghahambing ng nasa papel at sa data record niya roon sa computer.
Ilang minuto pa'y naliwanagan na siya sa pangyayaring iyon.
"Sabi ko na nga ba! Ninakawan ni Luis ang kita ng korporasyon. Humanda ka sa akin."
Nag-alab sa galit ang noo'y maintindihing kaibigan sa lahat ng mga tao. Napagdesisyon niyang solohin ang negosyo at ibigay na lang sa kaibigan ang share nitong thirty percent sa korporasyon.
Kinaumagahan, maagang pumasok si Luis sa trabaho. Hinatid pa nga siya ng kan'yang misis gamit ang bagong sasakyang nabili niya no'ng isang araw.
Sa di kalayuan ay tanaw naman siya ng kaibigang si Dante na sa oras na iyon ay namumula sa galit tungkol sa nakita niya. Pagkapasok ng tusong kaibigan ay agad bumungad sa kanya ang papel na itinapon sa kan'yang mukha ni Dante.
"What's wrong with you, my friend?" tanong ni Luis na noo'y abala sa pamumulot ng mga papel.
"What's wrong with you, too?" bulyaw naman ni Dante.
Galit at pilit niyang kinokontrol ang sarili para hindi masaktan ang kausap. Mahirap din kasi kapag hindi niya pinigilan ang sarili, dahil malakas sumuntok ang kan'yang kanang kamao, baka pa ospital ang dala nito sa kan'yang kaibigan.
"Anong ibig sabihin ba rito?" tanong ulit ni Luis patungkol sa ginawang pagtapon sa kan'ya ng mga papel.
"Hindi mo ba mabasa ang mga gawa mo? Tingnan mo! Basahin mo isa-isa 'yang mga fake data na galing sa panloloko mo sa 'kin. I trusted you Luis, but you ruined everything. Kung naggawa mo akong nakawan ng paulit-ulit, pwes mas mabuting ibigay ko na lang ang nararapat na mapasayo."
" Anong ibig mong sabihin, Dante?"
Habang naguguluhan si Luis ay dinukot ng kaibigan niya ang isang cheque na naglalaman ng malaking pera. At iyon na nga, ang parte niya sa korporasyon. Ang ninakaw ni Luis ay na deduct na sa share niya sa kita ng negosyo nila, pati na ang principal share niya ay na add na sa total money doon sa cheque.
Ayaw sana tanggapin ng tusong kaibigan ang pera, ngunit sa kahuliha'y wala na rin siyang maggawa kundi kunin iyon sa kamay ni Dante.
"Dante, tatanggapin ko ito, ngunit may isa lang akong ipakikiusap sa iyo. Please don't let my wife know my crime on you. Buntis ang asawa ko kaya... anuman ang luho niya ay binibigay ko sa kanya. Patawad kaibigan, nagkamali ako sa lahat ng desiayon ko. Hanggang sa muli."
Tumalikod na si Luis na may iwang luha na nahulog sa sahig. Tiningnan iyon ni Dante at hinawakan wari'y gusto niyang maintindihan ang pinapaliwanag ng kaibigan.
Kinabukasan, binalita sa telebisyon ang nakagigimbal na pangyayari sa lugar ng San Rafael. Nakarating kay Luis ang balitang, gumuho ang mining manufacturing area at kasama si Dante roon sa mga bilang ng naguhuan ng lupa. Agad na pinatakbo ni Luis ang kanyang sasakyan papuntang affected area. Ang area ay pinapalibutan ng mga pulis, medics at mga taong nakibalita sa trahedya. Nandoon din ang medya ng iba't ibang broadcasting companies.
Naabutan ni Luis ang area na dagsa ng mga taong nakapalibot dito. Kaya, dumaan siya sa may gilid ng may sekretong pasukan at naglakad-lakad na para bang hindi alam ang pupuntahan. Maya-maya pa'y may narinig siyang sigaw ng pagsaklolo. Pinuntahan niya iyon at nang malapit na ay laking gulat niyang makitang nakalubog ang isang katawan...