“Manang kumusta na po ang senyorita?may sakit ho ba siya?Bakit iba ang inaasta niya akala ko ho ba ay ayaw wikain ng senyorita ang wikang ginagamit ng mga indio?”
Tanong ng babaing naghuhugas ng mga kaldero sa lababo,nakasuot ito ng saya humarap ito sa aling maysuot na patadyong tenernuhan ng puting kimuna. Maaga na kailangan na naman nila gawin ang dapat na laging kinagagawinaan ng mga ito.Humarap ang matandang kanina lang ay kasama ng senyorita maging ito ay naguguluhan narin.
“Hindi kaya sinasapian na siya ng masamang esperito?”
Napatawa ang ibang katulong sa sinabi ng dalagang halatang may pagka pelya.
“Mabuting esperito Mela”
Wika ng babaing katabi nito,bahagyang tumawa nalang ang mga ito sa simpling biro ni Elma.
Tahimik naman silang nagkakasiyahan sa labas,maging si Manang ay natatawa narin ngunit agad din nitong sinaway ang mga dalagang katulong baka may makarinig niyon at isumbong sila tiyak na isang malaking kapahamakan ang haharapin ng mga ito.