IKA-APAT NA YUGTO

1948 Words
Napadilat ako ng mata. wait? Iginalaw ko muna ng kaunti ang mga kamay ko,naigagalaw ko ito ng tama,ansakit parin ng mga mata ko,pero no time para rito kailangan kung imulat ng maayos to. Napangiti ako ng unti-unting luminaw ang aking paningin. “Thank you lord kala ko kung napaano na ako!” “Senyorita!” Mapahinto ako saka nilingunan ang babaing nagsalita,nilingunan ko siya mula ulo hanggang paa,saka ibinalik sa mukha niya,matanda na ito base sa mukha nito. “Senyorita?!” Batid sa boses nito ang kaba.Tama ba ang narinig ko senyorita?Sa halip na sagutin ito iginala ko ang paningin sa paligid,nasa isang silid nga ako pero hindi sa boarding house namin ni Mela? Asan ako? “kumusta na ho ba ang pakiramdam nyo senyorita?” Napalingon uli ako sa nagsalita bakit nakabistida ang aling ito? “Ma-magandang umaga ho senyorita!” Bati ng babaing maganda medyo bata sa akin ng kunti. Senyorita? Nanaman? Pinasadahan ko ng tingin ang kasuotang suot nya,bakit naka folkdance dress ang babaing to kung hindi ako nagkakamali baro't saya ang suot nitong napapalamutian ng pulang mga bulaklak.Bakit naka Baro't saya ang mga ito gayong tapos na ang buwan ng wika at pa bakasyon na.Wait self sino ba sila? “Sino ho ba kayo?” Wika ko sa mga narito nagkatinginan lang sila at walang umiimik. Hindi na umimik ang mga ito,iginala ko nalang ulit ang paningin sa kabuohang kwarto,mga gawa sa kahoy ang mga kagamitan rito mula sa isang mesa na malapit sa kama,isang painting na nakasabit sa uluhan ko,malaki at malambot na kama,magarbong design ng pinto at wait?Iginalaw ko ng bahagya ang aking ulo. Hightech na ba ang salamin nila ngayon? “Salamin ho ba iyan manang?” Wika ko ng makita ang isang bilog na bagay napapalibutan ng dikit-dikit na shells which is wala ng laman. “Oho senyorita!” Wika nila maging sila ay napalingin din sa salamin.Bakit ganon gumagalaw ang mukha ng babae sa salamin at nasa tapat ko? Lumingon ako sa likuran ko walang tao.Kinabahan na ako ng muli king igalaw ang ulo ko at ganoon din ang ginagawa ng babaing nasa salamin. “S-sino sya?” Wika ko sa babaing nakatingin sa akin,maganda ito at maamo kung tumingin may kulay tsukulating buhok na animoy babaing may dugong spanish. “Ang alin senyorita?” “Ang babae sa sa-salamin?” Napalingon ito sa salamin na ang tanging reflection lang ng babae at ni manang ang naroon maging ng dalagitang mag fo-folkdance ata. Asan ako? Wait the heck?Asan ako?Ako dapat ang nasa pwesto ng babaing nasa salamin. Nagulantang ako sa narinig ng magsalita ito. “Ikaw senyorita!” Napaatras ako sa sinabi nito.Bakit gumagaya ang katawan ng babaing nasa salamin.Hinipo ko ang aking mukha ganoon din ang ginawa nito. “Ma-manang hindi-hindi ako yan!” Iba ang nakikita ko sa salamin,ibang mukha ang aking nakikita. Hindi ito ang mukha ko at hinding hindi ko ito magiging mukha. “Se-senyorita ano ho ba ang pinakakahulugan ninyo?” “Hindi ito ang mukha ko,I swear,this woman is not me!” “I swer?Hindi ko ho kayo maintindihan senyorita,bumalik ka na muna sa kusena.” Utos nito sa dalagitang katabi nito. Hindi ako ang babaing nasa salamin. Iyon lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Umiiling-iling akong humarap sa kaniya. “Asan ako,kailangam ko ng umuwi kailangan ko ng bumalik sa amin okay.” “Okay?” Parang naguguluhan pa ito sa sinasabi ko at sinisigaw ko sa kaniya pero duh! mas naguguluhan na ako.Bumaba na ako sa kama saka sinuot ang chinilas ba to o sandals?Wala na akong paki kaya sinoot ko na iyon saka lumabas ng kwarto. Napamaang nalang ako ng tumambad sa akin ang corridor ng bahay,maraming pinto at nakakahilong spiral stairs ng bahay ang pababa sa groundfloor. “Asan na ho ba kasi ako at anong lugar to?Wait?Dont tell me mga holdaper kayo?Please pakawalan nyo na ako,wala kayong makukuha sa akin,oo taga elnido ako pero Duh?hindi lahat ng nakatira doon mayayaman.” “Senyorita,maari bang maghunos dili ka?” Napahinto ako ng makita kong napahawak na siya sa puso nito banda at hapong hapo na.Hindi pa naman siguro to aatakihin sa puso diba.? “Salamat naman!” Wika nito saka himinga ng malalim kanina pa ako naguguluhan ano bang sinasabi nitong senyorita? Senyorita ako? Paanong ako? Hindi ako to Dahil ang totoong ako,pimples nalang ang wala ng mapaglagyan sa mukha ko,oily ang mukha kahit paulit-ulit pa akong maghilamos,hindi matangkad tulad nito,hindi kasing kinis ng balat nito,sabog ang buhok hindi kagaya nitong kakulay ng manika at kasing lambot ata ng mga buhok sa telebesyon. Hindi ako ito hindi ganito hindi ako ang senyorita nila Ibang iba.Napahinto ako ng lumuhod ang manang sa harapan ko. “Pa-patawad senyorita.” “Patawad?Bakit kayo humihingi.ng sorry manang?” Naguguluhan ko na siyang pinatayo. “Senyorita,alam kong malaki ang kasalang nagawa ko sa inyo,ako ang dahilan kung bakit kayo nagkaroon ng sugat sa noo at gasgas sa braso,alam kung malaking pagkakasala iyon sa inyo.Kaya kung ano man ang hatol ninyo ma-malugod kung tatanggapin” What the heck,hindi ako Judge para humatol sa manang na ito at sino naman sila para hatulan ko dahil lang sa gasgas?Nilingon ko ang braso nito,hindi ko masabing akin dahil first of all hindi naman talaga akin ang katawang ito. Ang OA naman gasgas lang luhod agad?Sila siguro ang nakasakay sa kalisa ng mabangga ako kasama ang katawang to. “Okay lang yon,just basic,wag nyo na pong alalahanin’ “Nagtatagalog ang senyorita?”Hindi ko alam kung para sa akin ba ang sinasabi non o para sa sarili nya,whatever hindi naman aking katawan to kaya wala akong alam,tsaka masama bang gumamit ng tagalog?ano to sila nalang pweding gumamit?Hindi ko alam kung anong ginawa ko,ngumiti ito ng bahagya na parang may na solve syang nalaking problema sa buong buhay nito. “Bakit manang may problema po ba sa sinabi ko?” Ang creepy naman nila rito,sa halip na sagutin ngumiti lang ito ng kaunti. Ang weird and now kailangan ko ng bumalik sa amin at hanapin ang katawang lupa ko kung panaginip man to sana batukan na ako ni nanay ng magising ako. magtatanong na ako baka nga nadaanan lang nila ako tapos sinakay sa kabayo nila,and now tatanungin ko na kung paano bumalik. “Asan po ako” Pansin ko na parang may event na gagawin sa lugar na ito,masyadong busy ang mga tao.Nangunot ang noo nitong tumingin sa akin pero bahagya ring umaliwalas. “Narito ka sa inyong mansyon senyorita?“ “Manyon?” Wag mong sabihing nasa wowmali ako?Hello wala kaya kaming mansyon at taga Palawan ako oo napagkaamalang mayaman kami kasi taga El Nido pero the heck mansyon? Sa imagination ko siguro tinangka kung magpareband pero hindi ko pa na-imaging nagka-mansyon ako. “Opo senyorita narito kayo sa Santa Isabel dalawang bayan bago ang San Alfonso” Wait anong pinagsasabi nito. Walang ganito no? “Alam nyo manang kung jino-joke time nyo ako pls lang po wag ngayon,anong Santa Isabel?Santa Monica lang ho ang alam kung lugar sa Palawan at nasa Puerto pa po yon.Isa pa ho kahit ako naguguluhan na kasi first of all hindi akin ang katawang ito kaya pwedi ba ibalik nyo na ang kaluluwa ko?Promise magsisimba na ako lagi” “Palawan? Nasa Laguna po kayo” Halata sa mukha nito ang seryuso sa sinasabi at batid din sa boses nitong naguguluhan na pero what the heck mas gumulo ang utak ko,anong Laguna nasa Palawan ako at wala sa Laguna. Ano ba ha? Sinong may kasalanan nito? Hindi ko na siya hinintay pang magpaliwanag sa halip bumalik ako sa salamin saka hinarap ang mistisang babaing may bughaw na mga mata. “Hoy,lumabas ka na riyan,asan ako huh?Sino ka ba?Asan ang totoong ako?Pls lang kung panaginip to sana nagising na ako.” “Senyorita!” Mahina na ang mga tuhod kung humarap sa salamin,pagod na akong umiyak ako pero what the heck bakit sa mukha ng babaing to ang luha ko Sino ka ba huh?Nawala na ba ang kaluluwa ko sa katawan ko?Ayaw ko ng maging maganda pls.mas gusto ko ng bumalik sa totoo kung katawan. Hinarap ko ang manang na pilit akong pinatatahan. “Asan na ho ba kasi ako?Nasa wow Mali ba?” “Wow Mali?” “Manang wag na tayong maglukuhan,imposibling hindi nyo alam ang show na yon?” Wika ko sa pagitan ng paghikbi kahit ganito ako mamasgirl ako.Miss ko na ang yawyaw ni mama s***h mudra ang sabunot ni Mela. Bakit ganon,mas lalo akong kinabahan sa expression ng mukha nito na sinasabing wala talaga siyang alam sa nangyayari at pinagsasabi ko.Pinasadahan ko na muli ang kabuohang kwarto.Gosh Ganitong bahay ang shino-shotingan sa mga horror movie ang kainahan lang maraming nagta-tarabaho kaya ayos lang pero Imposible. Nasa Palawan ako “Pa-pasensya na senyorita ngunit wala akong nakikilalang palabas at wow mali pa!” “Kung ganon!wala kang ibang napapanood na palabas?” “Ang tinutukoy nyo ho bay ang palabas sa bayan?” Feeling ko lalo lang akong mababaliw rito. Isa lang ang alam kung may matinong sagot. “Hindi ho ba may dala akong libro kanina?” “Ang inyo hong talaarawan.” “Talaarawan or whatever asan na ho ba yon,kailangan ko ng makabalik at siya lang ang paraan.Asan na mga ho ang kwarto na pinanggalingan ko?” Nauna na itong pumasok sa isang kwarto,May gosh baka nagmamarcha na ang mga classmate ko wala na wala pa naman din ako nakagawa ng Narrative ko may gosh self Octoberian na talaga ang bagsak mo,makukurot ka na sa singit ng nanay mo. “Iyan ho ba senyorita?” Alam kong naguguluhan na ito sa inaasta kong pag he-hysterical,pasenya na manang kahit nga ako naguguluhan narin.Itinuro nito ang librong nakapatong sa side table ng kama.May gosh parang mangkukulam lang kinuha ko iyon saka balak buksan ng magsalita ito. “A alis na ho ako senyorita” “Wait,manang dito ka lang pls” Naguluhan man sa sinasabi ko ay lumapit parin ito sa tabi ko ganon parin naman ang aklat na itim,ipinagpag ko ang aklat pata malaglag ang binasa kung liham. Thanks! Nasabi ko ng malaglag ang papel na naroon,hindi naman nabango ang papel na naroon gaya ng makaraang binuklat ko iyon.But what the heck bakit walang nakasulat?Iniscan ko uli pero wala talaga as in walang laman kahit tinta walang bakas as in walang nakasulat. Binuklat ko na muli ang libro,what the heck bakit ganon na kaharap na ang mukha ng babae sa litrato. Mukha ng senyorita? Ang mukhang kontrolado ko ngayon? Bumaba ang tingin ko sa pangalang nasa baba nito. MARIA FELICIA MENERVA RECLATE 1880 Ang tanong nasan ang katawan ko? Nanigas ang katawan ko ng may biglang pumasok sa isip ko saka ko siya nilingon ng mapagtanto kung tama ba ako ng iniisip. “M-M-Manang anong araw na na ho ba ngayon?” “Abril 30,1880,senyorita,bakit may bumabagabag ba sa inyo?” Kasabay bumagsak ng aking balikat ang mga luhang walang tigil na umaagos sa pisngi ko,tumingin ako sa babaing nasa salamin umiiyak din ito at nakatingin sa akin. Hindi ako ang babaing ito. Hindi dapat ako narito. Hindi ako siya! Kung totoo man to isa lang ibigsabihin non. Nag time travel ako pabalik sa year 1880 140years bago ang 2021 kung saan nagsisimula ang covid sa bansa.. “140 years” Kasabay niyon ang pagbagsak ng katawan ko sa malambot na kama,sana pag nagising ko nasa library na ako o di kaya naman ay nasa boarding house o kahit saan basta nasa year 2020 na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD