“Ano ang iyong ginagawa Sito?”
Wika ng babaing nasa sengkwenta na ang edad basi sa kulubot ng mukha at midyo kuba na ito,nakasuot ito ng mahabang saya na animoy nasa malamig na panahon sila.
“Hi-hindi ho ba ay si-si senyorita Felicia ang babaing nakahiratay at nabangga ko manang Seba?”Wika ng lalaking may kaidaran narin nakapantalon ito ng mahaba,suot ang muraming damit na puno na ng alikabok dahil sa mainit na panahon kagagaling lamang nila sa pamilihang bayan na malapit sa pampang kung saan nakahilata ang mga tela ng tsino. Pabalik na sila ng mansyon ng mapahinto si Mang Sito ng biglang huminto at nabangga ang señora.
Napahinto ito ng masampok ng sinasakyang kalisa ang binibini sa gitna ng kalsada.Nanlalaki ang mga mata nilang lumingon sa babaing nasa kalsada parin at wala ng malay.
“Manang...?”Kinakabahan narin ang dalagitang kasama nila.
“Anong gagawin natin?Paano kung malaman ng senyorita na sariling kasambahay nito ang sumalpok sa kaniya?”Batid sa boses nito ang pagkabigla at hirap sa sitwasyon.
Wala ng pasabi bumaba na ang matanda maging ang kasama nito para daluhan ang dalaga.Halata ang pagkasindak at takot sa mga mukha nito ng makita ang walang malay na senyorita.Walang ano-anong
isinakay ng mga ito ang lupaypay na katawan ng senyorita sa kalisa
“Halika na mang Sito,bilisan mo baka may makakita pa sa atin!”Batid parin ang kaba sa mga boses ng kasama nito.
Maging ang alikabok sa paligid ay umaabot na sa loob ng karwahe,daglian naman iyong pinatakbo ng matandang lalaki.
“Manang ano po kaya ang ginagawa ni Senyorita sa gitna ng kalsada?at wala pa siyang dalang gwardya sibel!”Wika ng babaing dalagita na katabi ni Manang Sita.
Nasa gitna na sila ng byahe patungong mansyon kung saan nakatira ang senyorita maging ang pinagta-trabahuhan ng mga ito.
“Maging ako ay nagtataka,papaanong napunta sa gitna ng kalisa ang senyorita gayong ayaw nito sa alikabok?”
“Hindi ko nga rin po mawari.”
Tahimik na ang byahe,hanggang makarating sila sa patutunguhan,tahimik ang buong mansyon,hindi ito maiingay sanhi na namamahinga ang mga kasambahay tuwing alas dose ng tanghali.
Ibinaba na nila ang katawang lupaypay ng senyorita saka tahimik na pinasok sa kwarto ng senyorita.
Madadama ang kaba sa mga kasambahay na narito maging ang kotsero at kusenera na tahimik na pinagmamasdan ang katawan ng senyorita.
“Manang Seba,ano na po ang mangyayari sa atin nito?Tiyak ipapahanap ng Senyorita ang sino mang naging dahilan ng pagkalampaso nya sa daan!”
“Mela,lumabas kana muna,baka makita tayo dito at malaman ang aksidenting nangyari!”
Wika ng manang habang pinapahiran ng halamang gamot ang senyorita.
“Anong nagyayari rito?”
Napabaling ang dalawang katulong sa babaing kapapasok lang.Sa taas ng kilay at hindi mabatid na bibig maging sa itim na bistidang suot hindi maipagkakaing isa itong supestikada.
“Mayordomo,Me-Melerena may-may kailangan ho ba kayo?”
“Wala pero may dapat ba akong kailanganin?’Natahimik ang dalagita sa inihayag ng mayordomo.Suplada ito at namamahiya ng katulong,kinukulong at pinapalo ng latigo ang sino mang maibigan nito.Purong pilipino si Melenrena kanang kamay ng senyorita kaya ganon na lamang ang kaba nila ng pumasok ito sa kwarto ng senyorita.
“Mela,lumingon ka ng deritso sa mga mata ko!” Utos nito sa dalagang nakayuko.
“Ho?”Wala ng nagawa ang dalagita sa halip ay humarap nalang ito at sinalubong ang mata ng mayordomo,ayaw nito ang pagiging sinungaling ng mga kasambahay.Sa oras na hindi ito makatingin ng deritso agad nitong hinahatulan ang kasambhay.Pagkat ang hindi raw makatingin ng deritso ay may inililihim.
“Maging maayos ang trabaho,may isang linggo lang naman ako sa Lueban,kaya tiyak kung sa susunod na meyerkules narito na ako!”
Tumango lang ang mga ito.Umalis na ang mayordomo hindi nito napansin ang nakahiratang senyorita.Hindi mapigilan ng ginang ang panghinaan ng loob dahil tiyak nitong nakaligtas man sila sa mayordomo ng bahay sa oras na magising ang senyorita ay agad siyang bubulyawan o di kaya'yas malala pa.
“Manang anong gagawin natin?”
”Hindi ko alam,mas mabuting mag antay nalang tayo ng hatol sa akin”
“Anong saiyo?”
“Wagka nalamang magsalita,sige na humayo ka na!”
Utos nito sa dalagita palabas sa pinto.