"Hoy ano ba!? Tulungan mo ako!!" Reklamo ka habang yakap yakap ang isang malaking cartoon na naglalaman ng mga groceries na pinamili namin ng kulto. Nakakainis, kung may dala lang talaga akong pera ngayon iniwan ko na to.
Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad na animo'y walang naririnig. Ilang sales boy na ang nagpresentang tulungan ako ngunit tinitignan niya ng masama at ayon umaalis kaagad. Nakakabuwiset naman ang lalaking to. Feeling niya naman sakin si Do Bong-Son sa Strong Woman o di kaya'y si Kim Bok-Joo sa Weigtlifting Fairy!!
"Hoy lalaking mukhang kulangot!! Kung hindi mo ako tutulungan iiwan ko to dito!" Inis na pagbabanta ko sa kanya. Kapag ako talaga nainis kahit na malayo pa pauwi samin, lalakarin ko. Pero teka, 'napatakip ako sa bibig ko' baka nagka amnesia na siya? Pero hindi naman bato ang bumagsak sa ulo niya ahh. Umiling iling naman ako. Basta genius kasi, hindi kaagad maniniwala kapag walang pruweba. Baka nag iinarte lang to, ma check nga.
Binitawan ko muna ang cartoon at kinalabit ang likod niya kaya napahinto siya sa paglalakad at humarap sakin habang nagkakasalubong ang kilay. Napatingin ako sa mukha nito. Napahawak naman ako sa baba ko at pinagmasdan siya. Ang sungit sungit ng pagmumukha niya ngayon, tsaka hindi naman talaga siya mukhang kulangot, medyo lang pfffttt...
"Anong tinatawa tawa mo diyan?" Supladong tanong nito sakin. Syempre hindi ako papakabog no!! Sa susunod na lang siguro ako makikipagplastikan sa lalaking to. Tsaka mukhang wala naman siyang amnesia. Hindi naman siguro nagkakaamnesia ang tao kapag nabagsakan ng mga malalaking lalagyan ng shampoo at body wash ang ulo. Pero kapag ako talaga napuno, hahamapasin ko ng martilyo ang ulo nito. May dugong karpentero pa naman ang genes namin! Baka magulat na lang siya bigla at tatawagin niya akong "Ang maganda at genius na panday!"
"Hoy ikaw! Nakikilala mo ba ako?" Paninigurado ko habang tinatanong siya sa masungit na paraan din.
"What the heck are you thinking again?!" Nagtataka at naiinis na tanong nito sakin.
"Wala ka na doon! Tsaka kunin mo na iyong mga pinamili mo! Huwag mo akong utos utosan, baka ma pektusan kita." Ngayon ko lang na realize na dapat ang mga genius ay hindi inaapi at kinakawawa. Isa lang siyang hamak na kulto at lalaking mukhang kulangot at hindi magkapantay ang level namin no! Siya dapat ang inaalipin ko eh.
"Do you want me to tell your mom that youre treating me irrespectfully? She told me na magsumbong lang ako kapag may ginawa kang kalokohan at siya na ang bahalang--."
"Aba aba!! Ginayuma mo ang nanay ko? Hayop ka, hindi ka pa nakontento at gumawa ka pa ng hipnotismo!! Walang hiya ka, mang bablackmail ka pa. Subukan mong magsumbong at gugupitin ko iyang dila mo!!" Siyempre pa cool kong sabi para matakot siya at bumilib sakin. Pero teka, black mail? Bakit kaya hindi white, ahh alam ko na. Black kasi masama iyon. Iyon nga siguro hehe, ang talino ko no?!
"How dare you shout at me!! You crazy brat!" Namumulang sigaw din nito sakin. Napatingin tuloy ako sa paligid ng nakarinig ako ng mga bulong bulongan. Syempre nakakarinig ako kasi hindi ako bingi eh.
"Kawawa naman ang babae, mukhang inaaway siya ng boyfriend niya."
"Guwapo sana kaso, parang masama ang ugali."
"Kapag iyan ang boyfriend ko, kahit araw araw akong sigawan niyan okay lang kasi guwapo naman hihi."
"Parang iiyak na si girl ooh."
"Nakakaawa naman ang babae."
Rinig kong bulong bulongan sa sa paligid kaya napangisi ako na parang sira ulo kahit na wala namang sira ang ulo ko. Hmmm, napaisip na naman ako na parang genius. Paano kaya kong ipahiya ko siya ngayon at gamitan ng acting skill ko. Mwhahahahahah!!!! Humanda ka sakin, ipapahiya kita hanggang sa lamunin ka ng hiya. Pero wala namang bunganga ang hiya, paano kaya siya malalamon nito?
'Pak' Siyempre sinampal ko siya no. Ano akala mo? Pak you? Mag hunos dili ka uy, tunog iyon ng malakas na pagsampal ko sa kanya kaya nanlaki ang mga mata niya at mas lalong namula sa galit. Ikinuyom niya pa ang kamao niya, heh!! Akala niya naman siguro'y matatakot ako sa kanya. In his dreams! Bakit ang tagal ma highblood ng lalaking to o di kaya'y ma stroke na lang para wala na akong poproblemahin. Isa lang siyang malagkit na kulangot na naka dikit sa buhay ko eh. Hindi naman ako papayag na sa ilong ko because secret. Oh ano, makikichismis ka pa eh. Mas sosyal ang kulangot ko kaysa sa kanya no!
"How dare you slap me?!!" Nagtatagis ang ngipin at umiigting ang pangang tanong nito sakin. Mas lalong lumakas ang bulong bulongan dahil sa pagsampal ko sa kanya.
"Matapos mo akong anakan?! Iiwan mo lang ako sa ere ng ganon ganon na lang, huh??1 Mas pinili mo pa ang babae mong may bulok na ingron at may mga tuyong kulangot sa ilong!! Paano na kami ngayon ng anak mo huh? Manloloko ka!!" Mas lalong umingay ang paligid dahil sa mga sinabi ko. Ang galing ko talaga, syempre genius to no!
Humakbang ito papalapit sakin na gamit ang malalamig na titig pero ewww, hindi ako gininaw no! Never! Napaatras ako ng kaunti. Tumigil naman ito sa harap ko at hinawakan ang baba ko para iangat ang mukha ko kaya nagtama ang mga mata namin. Sus, mga galawan niyang hokage na bulok, kasing bulok ng kulangot niya. Crush lang ako nito eh, pero sorry na lang siya kasi hindi ako pumapatol sa mga kulto na kagaya niya!
"You will marry me now. Whether you like it or not! You understand?" Saglit naman akong napatitig sa malakulangot niyang mukha pero sige na nga. Oo na!! Isa siyang guwapong kulangot. Pero teka lang, ano daw? Papakasalan ko siya? Huh?! Natulala ako ng saglit habang nakatingala pa din ngunit wala na siya sa harap ko. Para namang nag untugan sa loob ng utak ko ang mga sinabi niya. Sabi na nga ba eh! Kailangan niya ng dugo ng isang virgin na katulad ko tapos, 'Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. Baka isipin niyo kasing bad breathe ako.' what the kulangot in the world!! Pati ang ano ko kukuhanin niya? Akala ko dugo ko lang sa pulso pero pati sa ano. Gago to ahh!!
"Yes attorney, Bye." Iyon ang huling salitang narinig ko sa kulto.
"Hoy!! Anong pinagsasabi mo na kasal kasal huh? Baka sipain ko iyang pagmumukha mo na mukhang kulangot!" Galit na galit na sigaw ko. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid na nakiki chismis sa amin.
"Kulangot? What the heck! How can you say that I look like a kulangot? You brainless brat! Let's go." Napailing iling pa ito at bakas sa mukha ang inis.
Brainless daw? Ako kaya ang pinaka genius na babae sa balat ng lupa. Tapos brainless, aba aba! Hindi ako makakapayag niyon.
"Hoy lalaking kulto! Mga genius lang nakakaalam kung anong itsura ng kulangot! Tsaka huwag mo akong ma brainless brainless diyan ahh! Nanggigil ako sayong ugok ka, kaunti na lang papatulan na kita!" Derideritsong saad ko habang naka sunod sa kanya na naglalakad palabas ng mall. Pero sayang naman ang pinang grocery namin doon. Nabayaran na iyon eh. Nakakainis naman!
"Hoy teka lang! Ang groce--."
"What the f*ck!! Can you please shut your godamn mouth and don't call me hoy! For pettes sake, where's your manner you silly brat!" Napatigil pa ito at napalingon sakin na tila'y kinokontrol ang sarili para hindi magalit ng bonggang bongga.
"Huwag mo akong ma f*ck f*ck diyan huh!! Akala mo--."
"One more noise and I will really f*ck you here. Yes, right here!!" Namumula sa galit na saad nito habang tinuturo ang kinatatayuan namin. Bigla naman akong natahimik. Naalala kong kulto pala siya at kahit anong oras na gusto niya ay kukuhanin niya ang dugo ko sa pulso at sa ano. Nagpatuloy ito sa paglalakad kaya sumunod na lang ako. Nakakainis, gusto ko talaga siyang ipalapa ngayon sa aso naming si Borjok! Kung hindi lang talaga siya kulto, sinasabi ko. Hindi ko siya uurungan pero syempre dahil genius ang isang tulad ko'y mananahimik na lang muna dahil hindi ko pa alam kung anong mga kaya niyang gawin. Tsaka alam ng isang genius kung kailan hihinahon.
Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad siyang pumasok. Siyempre papasok din akong mag isa. Hindi naman kasi siya gentleman no! Tsaka hindi bagay sa kanya maging ganoon. Bagay sa kanya maging kulangot. Iyong tipong dudurugin mo siya sa sarili mong mga kamay. Ganon dapat! Nang maka upo ako ay tumikhim pa ako ng dalawang beses ngunit hindi niya ito pinansin. Napatingin ako sa matangos nitong ilong habang nakaside view. Nakakuyom ang dalawa nitong kamao habang nakahawak sa manebela pero hindi pa rin naman umaandar ang sasakyan. Feeling cool naman ang hayop na to. Para ding kinakalma niya ang sarili. Mukha kasing problemado at pasan pasan niya ang mundo.
Tumingin ito bigla sakin kaya nag iwas ako ng tingin. Unti unti itong lumapit sa kinaroroonan ko. Lapit, lapit,lapit hanggang sa napapikit na lang ako at naghihintay sa kiss niya ngunit naramdaman ko na lang ang seat belt sa balat ko kaya napamulat ako at nakita ko siyang nakatitig sakin at nakangisi ng nakakaloko. Bigla namang kumalabog ang dibdib ko dahil mukhang may sira yata sa ulo ang lalaking ito. Baliw siya!! Kanina sobrang galit at ngayon, naka ngisi na siya sakin. Shetttt mare!! Nakakakilabot ang kultong ito. 'Purya buyag, purya usog, purya tuyaw' sambit ko ng paulit ulit sa isip ko para malabanan ang masamang elemento na lumulukob sa sasakyan. I mean mga bad spirit. Baka kasi elements ng periodic table ang nasa isipan niyo eh.
"You expect me to kiss you? Dream on brat, I hate your lips. It's kinda dry." Tipid na sabi nito habang nakangisi. Tsaka anong dry, ang lambot kaya ng labi ko. Nakakainis!
"Anong dry huh? Makapanglait to! Akala mo naman soft and labi mo! Puwes, lasang kalawang naman iyan !" Ang kaninang naka ngisi ay biglang sumimangot. Buti nga sa kanya, akala niya sakin ma bubully niya ng basta basta. Hmmp! In his dreams! Wala siyang karapatang maging masaya habang ako'y nagdudusa!
"Your family is waiting in Atty. Fuetabella's office right now." Pormal na sabi nito at hindi na pinansin ang panlalait ko.
"Anong ginagawa nila doon?" Nagtatakang tanong ko.
"We'll get married today, remember?" Naka poker face lang ito habang nagsasalita.
Napalunok naman ako ng sariling laway, alangan namang juice eh wala ako niyan. Tama nga ang nasa isip ko, nahipnotismo nito ang pamilya ko. Hindi maari, hindi ako puwedeng ikasal. Bata pa ako, marami pa akong pangarap sa buhay! Hindi maari, tsaka third year college pa lang ako. Hindi puwede to!! Magiging tourguide pa ako eh!! Tourguiding kasi ang kurso ko. Nanlaki ng kaunti ang mga mata ko ng biglang umulan kahit na may init pa rin dala ng araw. Magdadapit hapon na din kasi
Naalala ko tuloy ang sabi ni lolo sakin na kapag umuulan at umiinit ay may kinakasal o ikakasal na tikbalang. Napatakip ako sa aking bibig hindi dahil sa badbreath ako pero dahil baka hindi siya isang kulto kundi---
"TIKBALANG!" Sigaw ko habang nakatakip ang mga kamay sa bibig. Isiniksik ko ang katawan sa gilid ng kotse para malayo ng kaunti sa kanya. Nakakatakot ang lalaking to!! Ano na ngayong gagawin ko? Baka kapag hindi ako sumama sa kanya ay patayin niya sina nanay!! Shettt mare, ano ba?! Anong gagawin ko!! Hindi siya basta bastang kulangot lang na puwede kong durugin. Isa siyang tikbalang , oh no!!! Kaya siguro mataas din siya. Hanggang balikat niya lang ako eh tsaka napapanood ko sa TV ang hitsura ng mga tikbalang. Ang papangit nila, pero bakita siya hindi?
"Tikbalang? My mamita once told me about that." Nakangiti nitong sambit na tila'y may inaalala mula sa nakaraan.
"Isa kang tikbalang! A-Alam ko na, h-hindi mo na kailagan pang sabihin." Nauutal kong sabi dahil sa takot. Nakakatakot ang mga tikbalang, kailangan kong makapunta kina lola at lolo as lalong madaling panahon upang humingi ng tulong. Hindi ako papayag na habang buhay akong mapapasailalim ng kapangyarihan niya. Napatingin naman ako sa kanya ng bigla siyang tumawa na animo'y kinikiliti. Sira ulo ang lalaking to!
"I know what youre thinking right now. Pfffttttt, yes I am a tikbalang and you hahahahha--." Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tumawa na siya na parang nasisiraan ng bait. May mood swings din siya, magagalit at matatawa pero imbes na matakot ako sa tawa niya ay napatitig ako sa kanya. Ang sarap sa ears ng tawa niya mare, kahit na hindi ko naman nalalasahan pero masarap talaga siya. Mukhang pang anghel ang tawa niya pero baka nililinlang niya lang ako. Tama! Mapanlinlang din sila.
"Uhmmm...I mean, if you won't marry me, you know what will happen. I'm a tikbalang so you should behave if you don't want me to get mad. Okay?"
Napatango naman ako at sumiksik sa gilid ng kotse dahil nakikilabutan ako sa lalaking to. Tikbalang daw siya pero bakit kailangan niya pa ang dugo ng isang virgin na kagaya ko? Nag aalay din siguro ang mga tikbalang gaya ng mga kulto!! Waahhhh!! Nakakatakot mare!! Tumahimik naman siya habang nakangiti pa rin na parang sira ulo talaga. Hindi na lang din ako umimik dahil ayoko namang mamatay ng maaga no! Marami pa akong pangarap sa buhay ko.
Hindi naman nagtagal ay huminto kami sa isang malaking building. Ay teka, hindi lang pala kami ang huminto, pati pa ang kotse siyempre. Lumabas na ito sa sasakyan na may dalang payong kaya ganoon din ang ginawa ko, alangan namang manatili ako sa loob habang buhay diba? Nang makalabas na ako syempre naglakad ako ng walang payong, alangan namang gumapang diba? Tsaka kahit hindi niya naman ako bigyan ng payong wala akong pakialam no! Sumunod ako sa kanya habang paulit ulit na sinasabi ang mga katagang pangontra sa mga masasamang elemento na tinuro sakin nina lola. Habang naglalakad kami ay bigla akong napatingin sa sa puwet niya. Ano kayang itsura nito? Hmm..Medyo malaki ng kaunti ang pang upo niya. Sarap kagatin! Roorrrr..
"Good afternoon sir Brixen."
"Good day sir!"
"Good aftiee boss."
Bati ng mga impleyado yata dito sa kanya at agad na susulyap sakin at tataasan ako ng kilay. Sus, akala naman ng mga babaeng to eh aabot na sa pluto ang taas ng kilay nila. Bunutin ko kaya ng chani lahat ng buhok nila doon ng makalbo na ang mga kilay nila. Nakakainis, syempre kung tinaasan ako nila ng isang kilay ay hindi ako nagpatalo no! Tinaasan ko din sila ng dalawang kilay para mas bongga!! Plus pa sa pagpapalaki ko sa butas ng ilong ko para masisigurado kong matatalo talaga siya.
"Pffftt...She look like a pig!"
"Her wacky face is so darn ugly hahah!!"
Sabay sabay pa silang nagtawanan habang papalayo samin. Mga babaeng to na mukhang dead skin cells lang sa katawan ko! Nakakainis, humanda sila sakin! Syempre kinuha ko ang dalwang tsinelas ko at pinagbabato sa kanila habang naglalakad palayo. Yes, bakit ba? Eh sa kinuha niya lang ako sa bahay na hindi nakas bihis eh! Naka pajama's pa kaya ako.
"Awww!! What the heck!"
"Damn it! It hurts, my hairstyle!"
Umalis na kanina ang isang babae kaya ang dalawang dead skin cells na lang ang natira na nanlait sakin. Liningon naman nila ako at pinandilatan ng mata. Nagmukha tuloy silang kuwago hahahha!! Ang papanget din pala nila hhahahahhaha. Tatawa tawa pa ako habang nakapamewang. Lumapit naman sila papunta sakin. Nang makarating naman sila sa harapan ko ay bigla ako sinampal ng isang babaeng dead skin cells na may mga craters ang mukha na parang moon!
Simapal din ako ng isa pang dead skin cell sa kabila na maraming punso sa mukha na tinakpan lang ng concealer! Punyeta talaga itong mga babaitang to! Masakit kaya iyon. Kapag ako talaga naka ganti pati ngipin nila matatanggal. Hindi lang iyan, papaduguin ko pa ang mga maiitim nilang mga gilagid no!
"How dare you throw your dirty sleepers on us?! Look at you, hindi ka nababagay dito! Naka pantulog ka pa talaga huh. Hindi ka man lang nahiya kay sir Brixen ah!"
"Yes sister, that's right. She's ugly and she don't deserve to be with sir. The heck! Saan niya ba nakuha ang babaeng to!?" Sabay pa silang ngumisi na parang mga kontrabida! Akala nila huh, marunong din akong mang lait no! Mas professional pa kaysa sa kanila! Heh!
"Hoy mga dead skin cells!! Huwag kayong mag maldita sa harapan ko baka mabura ko kayo ng wala sa oras dito sa mundo kahit na hindi naman ako eraser! Tsaka ikaw,'tinuro ko ang babaeng moon' ang dami dami mong craters sa mukha para tuloy kahawig mo na ang moon pero ang sungit sungit mo pa!" Napasinghap pa ito at napahawak sa mukha niya. "Ikaw din! 'tinuro ko naman ang nuno sa punso' Ang dami daming maliliit na punso diyan sa mukha mo! Nagmukha ka na tuloy na nuno! Huwag mo akong ma lait lait huh! Baka eh scrub kita gamit ang abone ng matanggal ka ng dead skin cell ka!! Dead skin cells kayo sa buhay ko na kailangan matanggal! Mga hinayupak kayo!" Nag gagalaiti kong sigaw sa inis!
Lumapit naman ako sa kanila habang pareho sila nakatulala sakin. Ohh, siguro natauhan na din at nagandahan din sakin sa wakas! Eh sa professional manglalait ako no! Anong laban nila sakin? Tinignan ko sila ng mabuti at napangisi. Kinuha ko muna ang tsinelas ko at lumapit ulit sa kanila. Then pinag sasampal ko sila gamit iyon! Akala naman nila huh! Nanggigil ako eh!!
"b***h!!"
"Ugly frog!"
Sigaw nila sakin habang nanlilisik ang mga mata. Sus, akala nila natatakot ako sa kanila!
"STOP THAT!! YOU SILLY BRAT!" Napaatras naman sila ng marinig ang boses ng tikbalang. Akala ko kanina pa to naka alis ah. Bumalik pa talaga siya edi nakita niya ang ginawa ko. So? Pakialam ko? Nagsi iyakan naman ang mga dead skin cells. Tss, paawa effect pa! Samapalin ko kaya ulit!
"Sir, b-bastos iyang babaeng iyan!"
"Sinampal niya kami ng tsinelas niya huhu. W-Wala naman kaming ginagawa eh!"
Inikot ko naman ang mga mata sa inis! Mag papaawa pa at magsisinungaling eh! Eh sa nilait kaya nila ako!
"Kayo ang nauna! Nanahimik ako tapos manglalait kayo! Mga dead skills kayo na mga panget!" Inis na reklamo ko. Umiinit talaga ang ulo ko pero wala naman akong lagnat. Nakakairita! Akala naman nila eh maapi nila ako! No way no!
"I'm really sorry ladies. She's my fiancé and I wasn't able to discipline her well that's why she became like this." Paghingi niya ng sorry sa mga babae. Gago to ah! Nakita ko namang sumama ang timpla ng mukha ng mga babae ng narinig nila ang salitang fiancé. Halata namang may gusto sila sa tikbalang na to eh!
"Hoy mga dead skin cells! Huwag kayong maniwala sa tikbalang na to! Niloloko niya lang kayo okay!" Nakapamewang na sambit ko. Bumuntong hininga naman ang abnoy na tikbalang sa sinabi ko.
"What are you talking about?" Tanong ng moon sakin.
"Ladies, my fiancé have a mental illness so you better go bago pa siya mag wala." Nakita ko naman ang pagka shock sa mukha ng mga dead skin cells. Ako pa talaga ang may mental illness huh. Abnoy tong tikbalang na to! Nagsialisan naman sila at humarap sakin ang tikbalang. Sa inis ko'y sinabunutan ko siya kaya siya napayuko.
"Hinayopak kang abnoy ka!! Para sabihin ko sayo! Hindi ako nasisiraan ng bait huh!!" Pinaikot ikot ko pa ang ulo niya habang sunod naman siya ng sunod sa pagsabunot ko.
"F*ck! Stop it!" Reklamo nito at agad na pinatid ang mga paa ko kaya napabitaw ako sa buhok niya at matutumba na sana ng ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ko hanggang sa sabay kaming bumagsak sa malamig na semento. Kumubabaw siya sakin. He pinned my hands above my head kaya nanlaki ang mga mata ko ng slight lang. Is he trying to r**e me? Huwag niyo akong pansinin, sadyang englishera lang ako kapag nagugulat.
"Can you please be good, huh? You know what? Youre the worst untamed brat and silly girl I've ever met in my whole life! If you don't want me to used pressure in you, just be good. My patience is getting thin, silly brat! Don't wait for that to happen. I'm warning you!"
"Umalis ka diyan!! Kapag ako talaga nainis din sayo! Magsisisi ka!" Inis na pagbabanta ko kaya napangisi siya. Pansin ko ding may mga nag ge greet sa kanya ng good afternoon na tila'y naiilang dahil sa nakikita nila kami. Mukha kasi kaming mag jejerjeran dahil sa posisyon namin. Mga tao naman kasi eh, green minded kahit na hindi naman color green ang mind.
"Really? Then let's see." Bigla nitong inilapit ang mukha niya sa leeg ko. Napasinghap naman ako ng maramdaman ko ang labi at mainit niyang hininga sa balat ko.
"Uhhmm..T-Tara na!" Napatigil naman ito at mas lalong lumapad ang pag ngisi. Nakakahiya, maraming tao dito. Dito niya pa talaga gagawin ang ritual niya! Nakakainis naman eh! Umalis na ito sa ibabaw ko at tumayo na habang pinagmamasdan lang ako na tila natutuwa pa. Sira ulo talaga!
"Youre blushing brat." Nakangisi pa rin nitong sambit. Iyong ngisi niya'y kulang na lang eh mapunit ang mukha niya. Nag iwas na lang ako ng tingin at hindi na siya pinansin. Naglakad na ito kaya sumunod na lang ako habang naka simangot. Nakakainis naman ang lalaking to! Sarap bigwasan! Pigilan mo ako mare, baka sakalin ko to. Baka magtaka kayo kung sino si mare huh. Well, imaginary friend ko iyan te!
_____
"Anak, ikakasal ka na! Kaya kung puwede lang, ayusin mo na iyang sarili mo!!" Nakangiting sabi ni nanay. Nagtatampo talaga ako sa kanila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila at ipapakasal nila ako sa isang tikbalang. Kung hindi lang talaga sila na hipnotismo, sinasabi ko. Magtatampo ako ang sobra sobra.
"Tsaka ate, huwag kang mag inarte diyan huh. Magkakaasawa ka na at guwapo pa. Kung puwede lang eh bawas bawasan mo naman iyang pagka hard heading mo." Agad ko namang binatukan ang kapatid ko.
"Hard headed iyan tukmol." Napakamot naman ito sa batok niya kahit na wala namang buni doon. Nandito kasi kami ngayon sa opisina ng isang Attorney at may pipirmahan daw kami para maging legal na mag asawa na kami. Nakapirma na ang tikbalang at ako na lang ang hindi pa. Nakaupo lang siya ng pormal sa isang upuan alangan namang sa kisame diba?
"Anak, pasensiya ka na huh. Alam naming ito ang makakabuti sa iyo. Tsaka si Brix na din ang mag paparal sayo. Nga pala, bigyan mo naman kami ng apo ooh. Gutso ko ng magka apo matagal na." Napahawak naman ako sa puso ko dahil muntik na itong atakihin. Kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung sino ang umaatake. It's undefined, oh my gosh! Sabi sa inyo eh, napapa english ako kapag nagugulat. Nabaling naman ang tingin ko sa tikbalang ng tumawa ito sa narinig.
"Tay, puwede pa tayong umatras. Tara na, itakas mo ako please." Bulong ko kay itay ngunit ngumiti lang siya.
"Hindi puwede, ito ang makakabuti para sa iyo. Masyado ng stress ang nanay mo dahil sa iyo. Baka kapag nagtagal ka pa sa bahay ay ma highblood siya bigla at tuluyan ng matigok. Gusto mo bang mangyari iyon. Huh?" Napayuko naman ako. Oo na, na hurt ako ng kaunti. Hindi ko naman kasi alam kung anong mali sakin na pati ang pamilya ko ay itinatakwil na ako. Pumunta na lang ako doon sa lamesa at pumirma na. Ayoko na munang magsalita. Na huhurt ang feelings ko.
"It's fixed Brixcen. Youre married now. 'Nakangiti saad ni Atty. kay tikbalang at ibinaling naman sakin ang tingin' "You will be Mrs. Montereal from now on." Hindi ko na ito pinansin. Yumuko na lang ako dahil parang maiiyak ako. Ano ba iyan, nakakabuwesit. Hindi umiiyak ang mga genius ng basta basta na lang no!
: )
A/N : In the end, mothers are always right. No one else tells the truth. Mothers knows best 'wink'.
-- Randy Susan Meyers