NOTE: This story is for good vibes only. So please as much as possible, lower your expectations. Just relax and read : )
Joy's POV
"Jolita!! Gumising ka na diyan!! Anong oras na, kapag hindi ka bumangon diyan kukunin ko talaga iyang lecheng cellphone na iyan!! Wala ka namang nobyo pero kung makapag puyat ka wagas!! Ang tamad tamad mo pa, hoy mag hunos dili ka!! Hindi tayo mayaman pero iyang ugali mo daig mo pa ang milyonaro! Paano kung umulan ng pera huh? O di wala ka nakuha!!"
Nagising ako sa pinaka kinaiinisan kong alarm clock. Grabi naman itong si nanay makapag speech daig pa si Meriam Defensor. Parang mapupugto na iyong hininga eh puwede naman akong gisingin ng maayos. Nakakainis, Idamay ba naman ang pagiging single ko.
"Eh paano kapag tae ang umulan nay o itak, edi lahat kayo patay at syempre ako lang ang mabubuhay dahil nasa loob pa din ako ng kuwarto ko natutulog!!"
Sagot ko pabalik kay inay. Excuse me, baka isipin niyong wala akong manners. Hindi ko binabastos ang inay ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Bumangon na ako at nag inat inat ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang nanay kong nag susuper siant na. Pero hindi kagaya sa dragon balls kasi hindi naman tumatayo ang buhok niya.
"Araaayyy, naayyy huwag!! Parang matatanggal ang tainga ko." Napasigaw ako sa sakit dahil pinengot niya ang tainga ko. Pakiramdam ko tuloy gumalaw ang mga tutuli ko dahil doon.
"Ikaw ahh ang tigas talaga ng ulo mong iyan. Ilang ulit ko ng sinabi sayo na hugasan mo ang pinggan pagkatapos nating kumain. Anong ginawa mo kagabi huh? Bakit hindi mo hinugasan iyon?" Inis na inis nitong untag sakin.
"Sandali lang nay, ito naman chinachild abuse mo ako eh. Nay makinig ka sakin, relax ka lang. Hindi aalis ang pinggan natin okay. Akong bahala huhugasan ko na hehe."
Bumuntong hininga si nanay sa sinabi ko. Syempre ako tong may talent ng pagka detective eh inamoy ko ang hininga niya at tada!! Amoy kape at sinangag hehe.
"Malilintikan ka talaga sakin Jolita!! Umayos ka, mag asawa ka na lang kasi para mabawasan ang sakit ng ulo ko dito sa bahay."
Grabi naman itong nanay ko. Kung gaano ka protective ang mga nanay ng iba siya naman tong gusto ng mag asawa ako tsk. Napakamot na lang ako sa batok ko dahill doon. Pero excuse me, kinamot ko ang batok ko dahil wala lang. Baka isipin niyong may buni ako doon eh. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko ang kapatid kong si Franciso na naglalaro ng mobile games.
"Pak"
"Aray!! Ano bang problema mo ate? Nakakainis, meron ka yata ngayon eh!! Nambabatok na lang bigla tsk."
"Hoy ikaw huh!! Iyan na lang ang inaasikaso mo, hindi ka man lang naghuhugas ng pinggan. Ako na lang lagi."Reklamo ko habang padabog na naglalakad patungo sa lababo.
"Gawain ng babae iyan no!!" Sambit nito habang walang tigil sa kakapindot pindot sa cellphone niya.
Naiinis talaga ako sa araw na ito. Maghuhugas pa ako ng plato, iyon kasi ang pinaka kinaiinisan kong gawain sa bahay.
Third Person's POV
Siya si Joy Jimenez, labing walong taong gulang na ngunit tamad at matigas ang ulo. Siya iyong tipo ng babaeng hindi nag iisp kung anong kalalabasan ng gagawin niya. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Basta't buhay lang siya ay masaya na siya kay Joy ang pangalan niya. Babaeng malikot, pilosopa, magulo katulad ng kuwarto niya. Masipag lamang kung sisipagin.
Someone's POV
I'm on my way to hospital right now but unfortunately I met a naughty girl who's careless and I hate it. Hindi niya ba alam na milyon milyong tao ang may cancer sa mundo at ginagawa ang lahat upang madugtungan ang buhay nila.
Life is too precious for me. I have a sister named Brenda and she have a lung cancer. It's been one year nang nilalabanan niya ito because she don't want to leave me. Our parents died in a plane crash years ago. Si Brenda na lang ang natitirang pamilya ko and I'm doing everything para madugtungan ang buhay niya.
Hindi na ako umaasa sa Diyos dahil kung totoo siya bakit si Brenda pa diba? She's too young for that. Our parents died, pati ba naman si Brenda mawawala din. No, she'll survive, she's fighting that's why I should be strong for her.
When I arrived at the hospital I immediately went to her room dahil sabik na akong makita siya. When she sees me, she smiled genuinely like an angel.
"Kuya, I m-missed you."
She said with a weak voice. It hurts me like hell seeing her in this situation. Sana ako na lang, kung puwede lang isalin ang cancer ginawa ko na but that's impossible. Lumapit ako sa kanya and I hugged her tight.
"Y-You won't leave kuya right?"
I asked her while the tears keep on flowing from my eyes. I can't help it but to cry. I love my sister so much. Siya na lang ang mayroon ako.
"I won't leave kuya." She said while tapping my back to comfort me.
"Promise me baby, p-please don't leave. You'll survive okay."
"Hmmm..." She nod and smiled at me.
"Kuya y-you should have a girlfriend. The one who will t-take care of you and I want to meet her."
"I will baby."
_____
Joy's POV
Habang nanunuod ako ng Kdrama sa kuwarto ko'y biglang may kumatok.
"Pasok!! Hindi naka lock iyan."
Inis na sabi ko dahil naiistorbo ako sa pinapanuod ko. Umupo naman si Francisco sa tabi ko at sakto namang nakakatawa ang eksena kung kaya't napahampas pa ako sa braso nito habang tumatawa habang nakatuon pa rin ang mga mata sa Telebisyon.
Ngunit siyempre talento ko na ang pagiging detective kaya ito na naman ako napaisip na naman na parang genius, bakit biglang lumaki at tumigas ang braso ng kapatid ko. Tsaka *singhot* *sighot* mukhang umiba ang amoy nito. Sobrang bango na.. Umorder yata ito ng bagong pabango sa avon. Bigla namang nagsitaasan ang balahibo ko ng nagsalita si Francisco.
"You'll go with me today."
Medyo madilim sa kuwarto ko dahil sinara ko ang pinto at mga bintana dahil gusto kong naka dark mode ang paligid kapag nanunuod ako ng Kdrama. Nanlaki ang mga mata ko ng umiba ang boses nito. Ang isang genius na katulad ko'y nalaman agad na sinapian ang kapatid ko ng ligaw na kaluluwa ng mga namayapang foreigner na namatay yata sa giyera. Luma na kasi ang bahay namin. Galing pa ito kay lola at lolo. Sabi kasi nila noon na ang nakatira dito ay ang foreigner na amo nila ngunit ng namatay ito ay ibinigay sa kanila ang bahay.
Dali dali kong kinuha ang batuta ni itay na hiningi ko. Isang tanod kasi ang tatay ko sa barangay namin. Pinaghahampas ko ng batuta ang kapatid ko para humiwalay na ang masamang espirito sa katawan niya.
"Shoo!! You bad spirit!!"
Syempre nag English ako para maintindihan niya. Kaya ko namang mag English eh. Genius kaya ako.
"Stop that nonsense."
Sumagot pa sakin ang masamang espirito. Naalala ko ang sinabi at itinuro sakin ni lola upang hindi daw kami matalo ng mga engkanto at masasamang espirito sa dungan.
"Purya usog!! Purya Buyag!! Purya Aswang!! Purya Engkanto!! Pist* ka nga y*wa ka, lumayas ka sa katawan ng kapatid kong puro buto na lang sa kapayatan!! Purya usog! Purya buyag!"
Sigaw ko habang pinaghahampas siya ng batuta ngunit magaling ang masamang espirito. Naiiligan niya lahat ng hampas ko. Sabi kasi ni lola na kailangan daw magmura para hindi basta bastang matalo sa dungan.
"You're insane!!"
Sumagot pa ito gosh!! Hindi pa rin pala siya natatablan, dali dali naman akong kumuha ng asin kahit madilim dahil saulado ko ang kuwarto ko. Sabi ni lolo takot daw ang masasamang espirito sa mga asin. Naglalagay ako ng asin sa kuwarto ko dahil baka may aswang bigla sa bintana na magpakita sakin. Mabuti na iyong sigurado.
"Purya aswang!! Purya usog!!" Sabi ko habang binubudbudan siya ng asin sa katawan!!
"F*CK!! WHAT THE HECK ARE YOU DOING?!!"
Inis na sabi sakin ng espirito. Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at ang ilaw ng silid ko. Bumungad sakin ang lalaking mala anghel ang kaguwapohan. Kung alam ko lang na ganito ka guwapo ang espirito ay hinayaan ko na lang. Hindi ko din napigilan ang sarili ko na titigan ang masamang esperito.
Natauhan lamang ako ng may pumengot sa tainga ko at si inay nga iyon. Siyempre alangan namang ang kapit bahay namin diba? Busy iyon sa pakikipagchismisan no. Si Aleng Perling pa ba.
"Ikaw, "dinuro ako ni nanay" hindi ka na nahiya kay Brix ahh, walang ginagawa ang tao eh binubogbog mo!! Hindi mo ba alam na malaki ang maitutulong niya satin, sayo!! Jolita, jolita!! Umayos ka!!"
Sabi nito at agad na humingi ng tawad kay Brix daw. Teka sino ba kasi ang lalaking to? Bakit bigla bigla na lang pumapasok sa kuwarto ko? Hindi ko to kilala ahh. Baka kulto ang hayop na to o bampira gaya sa mga pelikulang napapanuod ko at hinipnotize niya lang ang mga magulang ko.
Dali dali akong lumapit sa lalaki at binukas ang bibig niya at tinignan kung may pangil ito ngunit wala naman. Napa isip na naman ako na parang genius, baka kulto ito!! Tama!!
"Nay gumising ka!! Na hipnotize ka ng kultong ito!!"
"pak"
Binatukan ako ng nanay ko at parang inis na inis na naman ito sakin. Hindi niya ba alam na pinagtatanggol ko lang sila sa kapahamakan tapos ako pa itong masama.
"Ahmm.. Mrs. Jimenez, I think that's enough. Maybe she's in a shock state right now."
"Pasensiya ka na Brix, ganyan talaga iyang anak ko. Ang tigas ng ulo niyan tsaka makulit. Sigurado ka na ba talaga sa sinabi mo?"
Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. Kahit na genius ako hindi ko alam ito. Baka manliligaw ito ni nanay? Oh my gosh!! Gagawin niyang kabet si Brix? Hindi puwede, kailangan kong gumawa ng paraan!! Paano na si tatay nito kapag nagkataon? Baka gawin lang siyang sugar mommy ng Brix na to!
"Nay hindi puwede!! Nagmamahalan kami ni Brix!! Hindi puwedeng mangyari ang gusto mo!!"
Pansin kong pareho nila akong tinaasan ng kilay. Iyong tipong aabot na sa pluto pero siyempre wala namang spaceship dito kaya hindi puwede no.
"Anak, sumama ka kay Brix ngayon. Total ang tamad mo naman sa bahay at puro cellphone lang naman iyang inaatupag mo."
Umalis na si nanay matapos niyang sabihin iyon. Napatingin ako sa kay Brix ng ngumisi ito sakin. Iniscan ng mata ko ang ngipin niya ngunit ang puti nito at pantay pantay pa. Bakit ang ganda ng ngipin niya, parang kagaya ng sa advertise na colgate. Napaisip na naman ako na parang Genius, paano kaya maging kasing puti ng ngipin niya ang ngipin ko? Lagyan ko kaya ng chlorine, dee joke lang. Hindi ganun ang mga genius na kagaya ko no.
"Let's go."
Sabi nito at akmang lalabas na ngunit hindi ako sumunod sa kanya. Lumapit ito sa direksiyon ko at bigla akong binuhat na parang sako ng bigas kaya napasinghap ako. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat. Napaisip tuloy ako, sino kaya ang aatake sa puso ko kapag nagkataon?
"Hoyy Ibaba mo ako!! Hindi ka magtatagumpay sa pinaplano mong kulto ka!! Ginamitan mo pa talaga ng mahika ang nanay ko para mapapayag sa gusto mo huh!!"
Sigaw ko habang pinaghahampas ang likod niya ngunit hindi niya ito pinansin. Sinubukan kong sirain ang backbone niya ngunit nabigo ako. Sumakit lang ang kamay ko kakahampas. Nakakainis!!
"Shut up, naughty girl."
"Nay tulungan mo ako!!"
Sigaw ko kay inay ngunit hindi niya ako pinansin. Bingi ba siya? Kung sa bagay, ilang araw din kaming hindi nakabili ng coton buds eh.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko Brix."
"Francisco anong tini tingin tingin mo diyan?!! Tulungan mo ako!!" Pinandilatan ko pa ng mata ang kapatid ko ng sinabi ko iyon.
"Ikaw ate ahh. Magkakajowa ka na nag iinarte ka pa tsk."
Sagot nito sakin. Nasisiraan na ba sila? Ganun ba kagaling mag hipnotismo ang hayop na to? Si itay nagduty ngayon sa Brgy. Hall kaya wala siya sa bahay. Habang papalabas kami ng bahay ay napa isip na naman ako na parang Genius. Baka kailangan ng dugo ng isang birheng babae para sa ritual nilang mga kulto kaya ako ang pinili niya.
"Hoy lalaki, marami namang virgin sa tabi tabi. Bakit ako pa talaga ang kinuha mo huh!!?"
Tanong ko sa kanya ng naipasok niya na ako sa front seat ng sasakyan. Isinira niya ang pinto, pumunta sa kabila at sumakay sa driver's seat.
"You don't remember me? Well, I just want to remind you that I was the guy whom you met in the road months ago. You throw the f*ckin diaper in my face!!"
Bigla akong napahagalpak ng tawa dahil sa naalala. Pumapadyak padyak pa ako kakatawa sa loob ng sasakyan niya.
"You'll regret everything."
Sabi nito sakin ngunit hindi ko na pinansin. Tumahimik na muna ako dahil ganyan talaga pag nag iisip ang isang Genius. Hindi ko alam kung anong pangontra sa mga kulto at iyon ang aalamin ko. Sa ngayon kailangan kong malaman kung anong balak gawin ng kultong ito. Akala ko pa naman mukha siyang kulangot noon pero hindi pala. Mukha pala siyang tutuli, dee joke. Ganyan kasi mag joke ang mga genius eh.
"Hoy kulto!! Saan mo ako dadalhin huh? Huwag mo lang talagang subukang gahasain ako kung ayaw mong kagatin ko ng malakas iyang itlong mo ng mabaog na."
"No one will dare to r**e you. You're not worth r****g for."
Aba aba!! Iniinsulto yata ako ng kultong to eh. Akala niya naman kung sino siyang guwapo pero Oo guwapo siya tsk. Ininscan ko na naman ang katawan niya kada anggulo dahil naghahanap ako ng flaws niya para malait ko din siya no. Judgemental kaya ako!!
"Baka nga kapag nakita mo ang puwet ko mangisay ka na eh!! Tsaka ikaw huh, akala mo naman bagay sayo iyang insert insert at slacks mo!! Feeling business man ang porma iyon pala isa lang namang kulto!! Hoyy dre, mukha kang mongoloid!!"
Pansin kong humigpit ang kapit niya sa manebela. Ibig sabihin affected siya dahil totoo. Hayyss ang genius ko talaga kahit kailan.
"How dare you call me mongoloid!! Where's your manner woman? You brainless brat!!"
Sabi nito sakin na siyang ikinakulo ng dugo ko. Kumulo lang ng walang apoy okay. Huwag kayong mag isip kagaya ko na genius. Nag iisa lang ako. Pero Brainless? P*sti siya ahh!! Ako bobo? Gag* ba siya? Genius kaya to!! Nag isip muna ako ng puwede kong gawin upang makapag higante sa kanya. Syempre ganyan talaga basta Genius. *light bulb sound* Tama!!
"Awww bullsh*t!! You silly brat!! Stop awww..Stop it!!"
Reklamo nito ng kinagat ko ang legs niya habang nagmamaneho. Malakas kaya itong ngipin ko. Tinisting ko lang sa kanya.
"Kung ayaw mong masaktan tumahimik ka na lang!! Napaka mongoloid mong abno ka!!"
*screeeettccccchhhh*
Biglang huminto ang sasakyan kung kaya't napa subson ako sa harap ng front seat.
"Gago ka ahh!! Gusto mo bang---."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong konorner sa sasakyan at hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hindi niya ba alam na inaalagaan ko ang pagka virgin ng lips ko!! How dare him!! Para lang ito sa magiging asawa ko pero kinuha ng mongoloid na kultong ito.
Tinutulak ko siya ngunit gumamit yata ito ng demonic powers niya kaya hindi ko siya mapaalis. Bilang isang detective naramdaman kong malambot ang labi ng kultong ito. Mabango din ang hininga niya, amoy menthol. Tapos ang labi niya'y gumagalaw at unit unti niyang kinakain ang bibig ko!! Oh my gosh!! Baka mawalan ako ng labi nito.
Nararamdaman ko ang dila niya dito, yaksss!! Hindi maari, baka sinsalin niya sakin ang pagiging kulto niya o ginagawa niya akong kalahi niya. Kailangan kong gumawa ng paraan. Tama tama, ang isang genius na kagaya ko'y dapat gumawa ng paraan, pero teka mamaya na lang siguro.
Hala ang tagal na ng halik niya sakin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakapikit siya. Aba't nag eenjoy ang mongoloid na to ahh. Akala niya matatablan ako ng hipnotismo niya!! Puwes hindi!!
"F*CK!! F*Ck!! WHAT HAVE YOU DONE?!!" Reklamo nito ng kinagat ko ang bibig niya at dumugo iyon. Iyan nga ang bagay sa kanya eh!! Pasalamat siya hindi ko nginuya iyon.
"Ohh ano huh!! Uulit ka pa?" Sabi ko at inikot ang mga mata. Pinag ikis ko pa ang mga braso ko sa dibdib para cool tignan.
"Youre the worst girl I've ever met. Your mother's right. You're untamed, your "he clenched his fist" a pain in my ass!!"
"Ang sabihin mo, monggoloid ka lang talaga!!"
Ayoko talaga sa lahat ang sinusubukan at tinitest ang pagiging Genius ko. Joy Jimenez kaya to, the genius detective!!
____
MALL
Ito ako ngayon naka buntot sa kultong monggoloid. Ano kayang pangalan nito? Matanong nga, hindi ako interesado sa kanya no!! Curious lang, baka mag isip kayo ng kung ano ano diyan eh. Alam kong si Brix siya pero Brix ano?
"Hoy Kulto, anong pangalan mo?" Kinalabit ko ng kaunti ang likod nito ngunit hindi siya lumingon. Takot yata magka stiff neck eh.
"Brixzen Montreal." Sabi nito sakin na tila'y naiinis pa rin.
"Ahh ganun ba. Mukhang pang mongoloid nga, bagay sayo hehe."
Hindi niya na pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Naagawa ng pansin ko ang grupo ng mga babaeng nagtitilian at mga sales lady habang naka tingin sa monggoloid na kulto. Baka hinipnotismo niya rin ang mga ito tsk. Buti na lang at hindi ako natablan. Effective yata nag mga purya purya na tinuro sakin ni lola eh.
Brixzen'z POV
Mrs. Jimenez is right. Her daughter is very naughty and hard headed. I can't understand her, the way she thinks is very different. This girl is rare but I don't like her. Her mouth is unfiltered. She has a wild imaginations and a dangerous fighting spirit.
I badly want to teach her a lesson. She deserves to be taught. "I sighed" paano kaya na hahandle ni Mrs. Jimenez ang ganitong ka kulit na babae. Well, may silbi siya sakin. Guess what, she will be my distraction, a good distraction.
I'm want to forget my problems and she's the key for that. Every time that she did crazy actions, nakakalimutan ko ang mga ito which is a good thing. I don't want to be sad, Brenda needs me and I should show her that I am happy because she's fighting for me.
I remember the day that I met this crazy woman. I clearly saw her devilish face due to the light that comes from my car. Hindi ko kinalimutan ang pagmumukha nito for my revenge on what she did to me. In my 23 years of existence here in Earth, that's the first time na may dumikit na poop sa face ko.
After that I immediately call Mr. Bong Revilla para eh sketch ang description na sasabihin ko. Nang matapos niya iyon, I started to look for her and after a month I found her. She's living in a small green house with her Family.
I decided to offer her mother a help in exchange of her to be my wife. Yes, it sounds crazy but I badly need it. I want to show her to Brenda so she'll feel at ease knowing that I'm gonna have a wife. That's her dream for me.
Maraming silbi ang babaeng ito sakin that's why I choosed her to be my wife and after a month I'll divorce her. Of course after my revenge I will do it. I'm really excited to punish her. To teach her a lesson para magtanda siya.
___
Joy's POV
Ano ba kasing gagawin namin dito sa mall? Bakit ba kailangan ko pa siyang samahan? Ano? Pati ba dito maghahanap siya ng babaeng birhen? Ilan ba kasi ang kailangan nito? Napaka mongoloid talaga ng kultong ito.
"Brixen Montereal." Bulong ko sa pangalan niya. Real ang huling salita ng pangalan niya pero fake naman siya like eewwww... Habang nakasunod ako sa kanya ay nakagat ko ang ibabang labi ng maalala ko ang halik kanina.
Pakiramdam ko'y umakyat bigla ang dugo ko sa mukha kahit na wala namang hagdan sa loob ng katawan ko. Sh*t, first kiss ko iyon. Hindi na ako virgin from head to toe. Ano na lang ang sasabihin ko kay lola kapag nagkita kami ulit. Wala na akong maipagmamalaki pa sa kanila. Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay pumasok kami sa grocery store.
"You, "turo nito sakin" get a shopping cart." Demanding na utos nito. Feeling niya naman talaga sakin alipin niya? Duhh!! Hindi nagpapaalipin ang mga genius no!
"Gusto mo kunin ko? Luh asa ka!!" Pa cool kong sambit at tinalikuran siya. Naglakad ako papalayo para sana umuwi kaso naalala ko wala pala akong nadalang pera. Napatili ako bigla ng binuhat niya na naman ako kagaya ng kanina.
"Ibaba mo ako monggoloid!! Namumuro kana sakin, huwag mong hintaying mag bingo ka huh!!" Parang wala lang itong narinig kaya mas nainis pa ako. Sinubukan ko ulit sirain ang back bone niya ngunit nabigo na naman ako. Bilang isang genius, alam kong wala siyang balak na ibaba ako kaya hinayaan ko na lang.
Para tuloy akong lantang gulay na nakasabit sa balikat niya kahit fresh naman ako. Para hindi masayang ang oras ko ay nag isip na lang ako ng mga dapat gawin para tuluyan na siyang mawala sa buhay ko.
"Ahhh!!" Tili ko ng ilinagay niya ako sa cart. Nakataas sa ere ang mga paa ko habang nagtititili ako. Sinimulan niyang itulak ito kaya mas lumakas ang tili ko. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dahil syempre may mata sila.
"Shut the f*ck up!!" Saway niya sakin kaya tumahimik na lang ako at tumikhim. Napatingin ako sa mga shampoo at sabon ng bigla siyang tumigil. Ano kayang bibilhin nito?
"Anong bibilhin mo kulto?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Syempre maraming tinda dito at kahit na genius ako hindi ko malalaman iyon no.
"Ahh!!" Tili ko ulit ng binuhat niya ako mula sa cart at pabagsak na binitawan kaya tumama ang puwet ko sa malamig na semento.
"Hoyy!! Napaka bastos mo namang kulto ka!!" Reklamo ko at tumayo. Hinimas himas ko pa ang puwet ko. Nakakainis naman eh. Sapakin ko kaya to! Huwag na nga. Baka iwan ako nito, wala pa naman akong pampamasahe. Siguro papaplastikin ko na lang muna siya. Total plastic naman ako minsan eh.
"You choose your shampoo and whatever neccessities that you want." Bored na sabi nito. Napaisip tuloy ako na parang genius. Kung bored siya, dapat pasayahin ko siya ngayon. Part naman iyon ng pagiging plastic ko sa ngayon eh.
"Anong sayaw ang gusto mo? Kanta? Anong makakapagpasaya sayo ngayon?" Plastic kong tanong sa kanya. Syempre, mas mabuti na maging plastic para hindi ako malunod kapag bumaha. Lulutang pa ako.
"What are you thinking? Alam mo, binabaliw mo ako minsan sa kakabasa sa galaw mo." Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sinabi nito sakin.
Oh my gulayy!! Binabasa niya ako kahit hindi ako libro. Tapos nababaliw pa siya sakin. Sheyytttttss.. Baka may special talent din siya hehe. Kagaya ko, genius tapos siya naman nagbabasa sa mga bagay at tao kahit hindi libro. Pero teka, "Napahawak ako sa baba ko at napatitig sa kanya" nababaliw daw siya. Siguro kailangan niya na munang madala sa mental.
"Wuyy pogi "syempre plastic ulit", sayang ka naman. Talented ka din pala kaso nababaliw ka na. Dapat kasi sayo sa mental na muna." Nanlaki ang mga mata ko ng dumilim ang tingin niya sakin kahit maliwanag naman dito.
Napaatras ako bigla ng lumapit siya sakin. Atras, atras , atras. Napatukod ako sa dibdib niya ng bigla niyang hapitin ang bewang ko at inilapit ang mukha ko sa kanya. Naamoy ko ulit ang hininga niyang amoy menthol. Napatitig ako sa mga mata niya at kulay asul ito. Ang kapal ng kilay niya, kasing kapal din naman ng pagmumukha niya hehe. Ang pilik mata niya'y mahahaba din.
"Shut your freakin mouth brat, or else I'll kiss you again." Madiing sambit nito habang nakatitig sa mga labi ko. Napalunok ako ng sariling laway dahil doon, alangan namang coke diba? May coke ba akong hawak ngayon?
"Baliw ka nga tala--." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumampi ang labi niya sa labi ko. Unti unti na naman nitong kinain ang labi ko. Nagtaka tuloy ako, ano kayang lasa ng labi niya? Dahil sa kyuryosidad ay sinipsip ko ang labi niya at iyon. Medyo matamis naman siya at malambot. Nanlaki bigla ang mga mata ko pero iyong sakto lang. Baka kasi lumuwa na ang eyeballs ko eh. Paano ba kasi ay ipinasok nito ang dila niya.
Grabe, ito na ang second kiss namin. Pero bakit parang hindi ko magawang pigilan siya. Shett kumare, baka nahipnotismo na ako. Ang kultong ito ay napakamakapangyarihan. Inaalipin niya ang labi ko. Please, kailangan kong ilabas ngayon ang pagiging genius ko. Hindi maari!! Wala pang nakakaalipin sa isang genius na kagaya ko!!
Natauhan ako ng bigla siyang tumil sa paghalik. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata at nakita ko siyang naka ngisi sakin. Iyong ngisi na parang demonyo pero walang sungay. Naitulak ko siya bigla kaya napasandal siya sa mga groceries at nagsibagsakan sa ulo niya ang mag malalaking shampoo, sabon at kung ano ano pa.
Napahagalpak ako ng tawa dahil doon. Mukhang nakaganti na nga ako pffttt.. Sugurado talaga akong magkakabukol ito mamaya sa ulo. Bagay nga sa kanya. Akala niya huh. Puwes, simula ngayon. Mag papractice na ako kung paano maging plastic ng tuluyan para sa kanya bwahahahah!! Humanda ka saking kulto ka!! Dudurugin kita na parang kulangot!!
: )
A/N: According to Aristotle, "There is no great genius without a mixture of madness." : P Matanong ko lang, nag iisip din ba kayo na parang genius? If yes, just leave a comment. Lol