"Brenda, baby, gusto mo ba ng joke ko?" Tanong ko kay Brenda habang nakakandong sa kuya niya. Ilang linggo na rin ang lumipas mula ng maisuko ko ang bataan. Simula ng araw na iyon ay medyo bumait na ako kay senyorito. Nakalimutan ko na ding pakainin siya ng kulangot dahil na din nilanggam iyon sa plastic. Sumapit ang bilog na buwan pero hindi niya naman ako inalay sa ritual. Baka nga nagbago na ang isip niya.
"Yes ate, gus..to ko." Nanghihina pa ring sagot nito sakin.
"Sige sige, makinig kayo." Giit ko "Bakit sa hospital dinadala ang mga pasyente?" Ngiting aso kong tanong.
"Why?" Tipid na tanong ni Brixcen sakin.
"Eh kasi, gabi ngayon." Humalakhak naman akong mag isa sa sariling joke kasi nga kumunot ang nuo nila pareho.
"Isa pa, isa pa!" Tuwang tuwa saad ko. "Bakit nililibing ang mga patay?"
"Bakit?" Kunot nuong tanong sakin ni senyorito kulangot.
"Kasi nga gutom na ako." Humalakhak ako ulit at napahampas hampas pa sa braso ni Brixcen sa sobrang tawa. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Brenda.
"You too look good toge..ther." Nakangiting sambit nito.
"What kind of joke is that, brat?" Tanong nito sa akin.
"Ako lang ang nag iisang nilalang sa mundo na may ganyang joke." Pinag ikis ko pa ang mga braso sa dibdib ko kasi nagfefeeling cool ako eh. "Ang tawag sa joke na iyan ay walang connect joke." I heard Brixcen's chuckled.
"Can I joke too?" Tanong nito sakin.
"Sure, ano iyon?"
"Hmm, why is it that sun rises every morning?" Tanong nito sakin.
"Bakit?"
"It rises because I love you, love." Saad nito kaya naghurumintado ang puso ko at nagblush ako ng kaunti.
"Gaya gaya ka eh!" Singhal ko sa kanya at nag nakaw ng halik sa pisnge niya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Brenda.
Matapos naming pasayahin si Brenda na may kasamang landian ay dinala niya ako sa world of fun kung saan may Fun. Huwag mo na akong pag explainin mare, katamad kaya. Adjust ka na lang palagi, okay. Pagpasok namin sa loob ay kaagad na nagtinginan ang mga babae sa kay senyorito kulangot kaya medyo nainis ako. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako! Napangisi naman ako ng umakbay siya sa'kin. Huminto kami sa isang game machine kung saan ay babarilin namin ang mga zombies.
"Ready, love?" Tawag nito sakin at nagposition na ako at ngumisi sa kanya. Ng pinindot niya na ang start ay kaagad na naglabasan ang mga Zombies.
"WAAHH!!!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!" Sigaw ko at pinagbabaril sila habang nakakagat sa labi ko sa sobrang panggigigil sa mga zombies dahil ang paningin ko sa kanila ngayon ay mga babaeng nakatitig sa asawa ko.
"MAMAMATAY KAYO!!" Sigaw ko ulit habang naka focus. Nakarinig naman ako ng isang tawa kaya bahagya akong napatigil at napatingin kay Senyorito kulangot.
"You're like a madwoman, love. Mukhang gigil na gigil ka sa mga zombies." Umiling iling pa ito habang nakangiti sakin. Pinulupot naman nito ang mga braso niya sa bewang ko at dinala na naman niya ako sa basketball area. Napangisi naman ako kasi alam kong magaling akong magbasketball kasi nga lagi kaming naglalaro nito ni Francisco kasama si itay. Three pointer kaya ako mga mare! Siyempre mayabang ako kaya huwag na kayong magreklamo diyan.
"Let's make a bet." Tipid na saad nito at kumuha ng isang bola at pinaikot sa kamay niya.
"Ano na naman iyan?" Tinaasan ko siya ng isang kilay kahit na hindi naman ito umabot sa kisame dito.
"Kung ilang points ang lamang ko sayo, ang katumbas niyon ay kahilingan." Napakagat pa ito sa labi niya habang nakatitig sakin. Kiss kita diyan eh! May pa kagat labi ka pang nalalaman.
"Game! Tara." Naghulog na kami ng token at sabay na pinindot ang start button. Nagsimula na kaming magshoot ng mga bola. Nag focus ako at hindi ko na siya pinansin. Kailangang manalo ako para ako ang may wishes sa kanya.
"Times up!" Saad nito sakin at nagkatitigan pa kami tapos hinalikan niya ako, charoot! Tinignan ko ang score ko, 230 points kaya napangisi ako. Tiningnan ko naman ang sa kanya at mayroong 235 points.
"Paano ba iyan? You owe me five wishes." Wika nito at umakbay sakin.
"Okay." Tipid na sagot ko. "Anong first wish mo?"
"Call me love. That's my fist wish." Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at nag blush ang cute kong mukha.
"Okay, love."
Lumabas na kami sa world of fun at pumunta sa ice cream parlour. Pagdating namin doon ay nagbratatat kami at syempre umungol ako. Naniwala ka naman, siyempre kumain kami ng ice cream doon no. My gosh mare! Ikaw talaga, baka next time pa kami mag SPG. Abang abang lang, mas gagawin kong hot next time tapos chichismisan ko kayo ng bawat detalye, okay.
Paglabas namin sa ice cream parlour ay napahimas himas pa ako sa tiyan ko kasi nga nabusog ako ng sobra. Paano ba naman, kinain ko lahat ng flavor ng ice cream doon. Napangisi naman ako ng inakbayan ako ni Senyorito kulangot. Habang gumagapang kami, siyempre naglalakad, ay nakita ko si Kaizer, honey ko. Kasama niya na naman si Vivian kaya nainis ako! Oo! Nagseselos ako!
Nang maalala kong magkasama pala kami ni senyorito ay nataranta ako kasi nga makakasalubong namin sila. Oh! My! Kulangot! Mare, help! Medyo yumuko ako para hindi ako makilala ni Kaizer honey ko ngunit nabigo ako.
"Honey!" Tawag nito sakin at nagulat ko ng bigla niyang hinila ang braso ko kaya nabitawan ako ni senyorito at napasubsob ako sa dibdib niya. Chumansing naman ako ng kaunti sa dibdib nito. Pasimple kong hinaplos ang abs niya at kinagat ang labi ko dahil a kilig.
"What the f*ck are you doing? You, bastard!" Rinig kong singhal ni Brixcen. Napatingin naman ako kay Kaizer Honey ko dahil umigting ang panga nito.
"Who the hell are you? Tanong nito kay senyorito.
"I'm her--."
"Boss! Boss ko siya, honey!"
"Puwede bang tigil tigilan mo na si Kaizer? Maghunos dili ka, Joy! Wala kayong Label. Call sign lang ang meron kayo!" Maarteng sambit sakin ni Vivian.
"Atleast my call sign, eh kayo? Meron ba? Wala na nga kayong call sign, wala pang label! Akala naman nito girlfriend, excuse me lang huh. Isang linta ka lang na dikit ng dikit kay Kaizer, Honey ko!" Iritang singhal ko sa kanya.
"Stop it honey. Don't mind her, pinilit lang ako ni mommy na samahan siya." Napangisi naman ako dahil sa narinig ko. Nakita ko namang umalis si senyorito doon kaya hinabol ko siya. Narinig ko pang tinawag ako ni Kaizer, Honey ko, pero hindi ko na muna pinansin ito.
"Love, sandali lang!" Hindi naman ako nito pinansin. Ano ba kasing problema nito? "Love!" Hinawakan ko naman ang shirt niya kaya napatigil siya sa paglalakad.
"Bakit ka umalis?" Tanong ko ngunit hindi siya kumibo.
"Let my shirt go." Tipid na utos nito sakin kaya binitawan ko at bumuntot na lang sa kanya.
"Love, hoy!" Kinublit ko pa ang likod niya pero hindi niya ako pinansin. Parang buntot niya lang ako na kahit saan siya magpunta ay nakasunod lamang ako. Nang makarating kami sa labas ay kaagad kong nakita si Cheska na naghihintay sa kanya kaya nainis ako.
"Hi Sir, Mr. Archangel is waiting for you in the the Zercux Café. Shall we go now?" Masayang tugon nito kaya napairap ako sa kanya. Sumakay siya sa sasakyan at ganoon din ang ginawa ni Cheska. Sa front seat pa sumakay iyong Cheska kaya nainis ako. Sa sobrang inis ko'y tumalikod na lang ako para bumalik sa loob at hanapin si Kaizer, Honey ko. Naiirita ako, oh di sige! Maglandian na lang sila at wala akong pakialam. Hindi pa ako nakakalayo ay may biglang nagbuhat sakin kaya agad kong naipulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Napatitig naman ako sa masungit na pagmumukha ni senyorito kulangot.
"Ibaba mo ako. Maglandian na kayo doon ni Cheska!" Iritang sambit ko habang nagkakasalubong ang kilay.
"I'm not flirting with other girls but you did it with that bubuyog." Seryosong saad nito habang buhat buhat ako papunta sa kotse niya.
"Hindi kaya! Napaka malisyoso mo naman." Inikot ko pa ang mga mata ko.
"You sure? I saw you, you bit your lower lip after caressing his abs." Iritang saad nito kaya napasinghap ako. Hindi na ako sumagot kasi nga guilty ako. Ayokong mag paliwanag dito. Gusto ko sa presinto na lang. Charot!
"Nagseselos ka?" I said out of nowhere. Kailangan ko pa bang eh explain na nakakapag English ako every time na nagugulat ako?
"Why would I?" Tipid na saad nito.
"Okay." Medyo naiinis ko ding saad. Binuksan naman nito ang pinto ng kotse sa front seat ngunit wala na doon si Cheska at nasa back seat na habang nakasimangot. Pinaupo niya ako doon at nauntog pa ako ng kaunti kaya napahiyaw ako. "Aray naman, dahan dahan lang!" Iritang saad ko at narinig ko din si Cheska na tumawa sa likod kaya medyo kumulo ang dugo ko kahit na wala namang apoy.
"Anong tinatawa tawa mo diyan? Pakiramdam ko tuloy nasa farm ako dahil sa tawa mo na parang kambing na nabikig." Iritang saad ko. Nang makapasok na si senyorito sa loob ng kotse ay pinaandar niya na ito.
____
'Yawwnnnnn' Hikab ko na may kasamang stretching. Matapos niya kasi akong ihatid kanina dito eh naglaba ako at naglinis ng buong bahay. Sira ulo kasing lalaking iyon! Ayaw kumuha ng katulong! Oo, sinipag ako kanina kasi nga wala naman akong magawa. Alas singko na ng hapon pero hindi pa rin siya umuwi. Napag isipan ko na lang tuloy na mag swimming sa rooftop. Bahala siya sa buhay niya! Mabuti na ngang hindi na siya umuwi dito at doon na lang siya sa babaeng kambing.
Nandito ako ngayon sa kuwarto ko nakahiga pa. Oo, inaantok ako pero mags-swimming ako. Mawawala din to mamaya. Bumangon na ako at lumapit sa cabinet para maghanap ng masusuot ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Kaizer, honey ko, ang nagrerequest ng video call. Connected pa rin pala sa wifi ang cellphone ko at nakaopen pa ang f*******: account ko. Nakalimutan kong patayin pero mabuti na nga iyon dahil makakausap ko na si Kaizer, honey ko.
Nag panic naman ako at dumirestso sa harap ng salamin at nagpulbo at liptint at pagkatapos ay dinampot ko na ang cellphone ko at sinagot ang tawag niya. Bumungad naman kaagad sakin ang mukha nitong mukhang pagod na pagod habang nakahiga sa kama niya. Napakagat naman ako sa tainga ko dahil doon kasi ang guwapo niya. Syempre sa bibig ako napakagat, hindi ko abot ang tainga ko mare. Kaya huwag kang magpapaniwala kaagad sakin. Alam mo na, ang joke ng mga genius ay kakaiba.
"Honey, where are you?" Nanghihinang tanong nito sakin kaya nag alala ako sa kanya.
"Nasa bahay ako ng boss ko ngayon. Bakit? Teka, okay ka lang ba?" Ang guwapo mo, kiss kita eh.
"I have a fever today but I'm fine. How are you? I missed you."
"Sino kasama mo diyan? Uminom kana ng gamot mo?" Nag aalala ako sayo Kaizer, honey ko. Kasi mahal na mahal kita. Huhulihin ko ang buwan, pipigilin ang ulan para sayo! Charot!
"I'm alone here and I'm a little bit dizzy that's why I can't manage to leave this damn bed." Binasa pa nito ang bibig niya gamit ang dila. Sana next time, ako na ang babasa sa bibig niya. Ayieee, gago! Kinikilig ako!
"Pupunta ako diyan. Hintayin mo ako." Aalagaan kita at mamahalin. Sana eh kiss mo ako mamaya Kaizer, honey ko. Handa akong isuko ang lahat sayo kahit bataan ko pa iyan. Mahal na mahal kita.
"You don't have to. I'm fine, just rest." Enebe Kaizer? Eyen ke nemen!
"Hindi, pupunta ako." Pinatay ko na ang tawag. Sinakal ko, kaya namatay. Joke! Alam ko naman na kasi kung saan ang bahay nila dahil dinala niya na ako doon.
Ganito kasi iyon mga mare. Noong nag first year high school ako, na love at first sight na ako kaagad kay Kaizer, honey ko. Ang guwapo niya talaga kasi at magaling pang mag basketball at sumayaw. Daming nagkakacrush diyan eh at siyempre dahil hindi naman ako kagandahan ng mga araw na iyon ay malabong mapansin niya ang natatagong pagmamahal ko sa kanya. Oo, tinago ko sa mahiwagang baol ni lola ang pagmamahal ko.
Maitim kasi ako noon, payatot pero cute. Ang alam ko lang noon ay mga kalokohan. Minsan nagcucutting classes ako o di kaya'y pinagtitripan ko ang guard o mga guro at estudyante sa paaralan. Ganoon kasi ako kapag bored eh. Pero ako nama'y tagapagtanggol ng mga naapi. Ang inaapi ko lang naman ay ang mga nang aapi din na nakikita ko.
FLASHBACK
"Gago ka, Tots! Huwag mo akong yayain sa mga ganyan. Baka malagot ako kay inay." Saad ko habang sabay kaming naglalakad ni tots papuntang paaralan. Ang totoong pangalan niya ay Totolee. Tots for short. Isa to sa mga sigang kaibigan ko.
"Sus, parang isang stick lang ng sigarilyo, Tol! Subukan mo lang, ano ka ba? Walang mawawala sayo." Oo, tol ang tawal niyan sakin kahit na hindi naman ako mukhang utol.
"Ayokong umitim ang bibig ko, Tots, kaya puwede ba? Tantanan mo ako!"
"Isang beses lang, Tol, tara na!" Kinaladkad ako nito kaya wala na akong nagawa pa.
"May test kami sa first subject, Tots, kapag ako na late! Yari ka sa'kin."
"Hindi 'yan, tara! Papakilala kita sa mga barkada ko."
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang eskenita na may grupo ng mga lalaking naninigarilyo at umiinom ng alak.
"Mga dre!" Nag si-apir pa si Tots sa kanila.
"Sino iyang chix na kasama mo, Tots? Girlfriend mo?" Inikot ko naman ang mga mata sa narinig.
"Hindi, parang kapatid ko na to. Tuturuan ko sanang mag sigarilyo 'to at kung paano makipaglaban. Isama natin siya sa mga gang fights natin." Nagsitawanan naman sila sa sinabi ni Tots.
"Ayos lang ba sa iyo iyon, Ms. ? Huwag kang mag alala, ma respeto kami sa mga babae at kung papayag ka ay ikaw ang kauna unahang prinsesa ng grupo."
Napangisi naman ako sa narinig ko. Parang ang cool kasi eh. Gusto kong matutong makipaglaban at makipag basag ulo.
"Oo ba! Asan na ang sigarilyo?" Kumuha naman si Tots ng isang stick at sinindihan ito at binigay sakin. Tinanggap ko naman ito at hinithit. Nang mapaubo ako ay nagsitawanan sila. Kaagad ko namang tinapon sa inis at inapakan.
"Tol, bakit mo tinapon? Sana binigay mo sakin." Reklamo ni Tots kaya binatukan ko siya.
"Ayaw ko ng ganoon, Tots. Hindi ko type."
"May laban kami mamaya, ano sama ka?"Tanong sakin ng lalaking may kasingkitan ang mata.
"Sure!"
"Ako nga pala si Sukiro." Pagpapakilala niya sa'kin. Mukhang mayaman ang gagong to ah. "Ito naman si Lade." Tinuro niya ang lalaking mataas na payat. May bangs pa ito at kulay abo ang buhok. May itsura din ang hayop na to. "Ito naman si Drake." Tinapik niya naman ang balikat ng lalaking mistiso.
"Sila ang three kings ng Thunder Bold Attack gang." Dagdag pa ni Tots. Napahagikhik ako ng kaunti dahil sa kabaduyan ng gang name nila. Pokemon lang ang peg? Napatingin naman ako sa mga alipores nilang mga lalaki sa likuran. Mga nasa sampo yata sila. "Huwag mo nang kilalalin pa sila, Tol. Malilito ka lang, ang importante ay nakilala mo ang three kings.
"What's your name?" Tipid na tanong sakin ni Drake.
"Joy." Nakita ko namang lumapit sakin si Sukiro habang tumatawa at umakbay sakin.
"Finally, she'll be the Joy of the group." Humalkhak pa si Sukiro pero hindi siya pinanansin ng mga kasamahan niya. Medyo maloko at madaldal ang intsik na ito.
"Sorry, I'm late." Yumuko naman silang lahat maliban sa the three kings. Napalingon naman ako sa likuran ko upang hanapin ang pinanggalingan ng boses na iyon. Halos lumuwa ang mata ko dahil ang nasa harapan ko ay si Kaizer Del Rosario. Ang ultimate crush ko sa School. Siya ang tinaguriang crush ng bayan sa campus. Napatingala naman ako sa kanya habang nag b-beautiful eyes. Baka sakaling macute-an siya sakin ngunit nilagpasan niya lang ako na parang hangin.
"Tol! Ayos ka lang? Anyare sa mata mo?" Natauhan naman ako sa tanong ni Tots kaya siniko ko ang dibdib niya sa inis kaya napahiyaw ito ng kaunti.
"Panira ka talaga." Inis na saad ko.
"This is our gang leader. He is Kaizer Del Rosario. We called him, Leader Kai." Pagpapaliwanag pa ni Sukiro.
"Who is she?" Tila'y nanlambot ang tuhod ko dahil tumingin sakin si Kaizer.
"She's our new member." Saad naman ni Lade.
"Girls aren't allowed in the gang." Tipid na sagot nito at lumapit sakin. Nakipag eyes to eyes naman ako sa kanya habang sobrang kinikilig, mare!
"What's your name, honey?" Napakagat naman ako sa labi ko dahil tinawag niya akong honey.
"Call me honey then." Narinig ko naman ang pagsinghap ni Tots sa kalandian ko.
"Okay." Tipid na saad nito sakin.
Nagmeeting muna kami. Oh diba, feeling gangster lang ako ngayon. Ang totoo niya'y hindi naman ako nakinig. Nasa isang tabi lang ako nangungulangot. Habang nagsasalita siya sa harap ay nakatitig lamang ako sa kanya at sa tuwing tumitingin siya sakin ay napapalip bite ako sa kilig. Hindi ko namalayang natapos na ang meeting at ng nagsialisan na sila. Tsaka ko lang naalalang may test pala ako sa first subject namin. Naiwan ko pa naman sa bahay ang wallet ko. Gagong Tots kasi eh, kaagad akong kinaladkad palabas ng bahay kahit na hindi pa ako nakakapag almusal. Oo, kapit bahay ko ang hayop na to.
"Tots! Gago ka talaga, late na ako. Bahala ka nga diyan." Iritang saad ko at tumakbo ng mabilis para makarating kaagad sa school. Nagkanda gulo gulo na ang buhok ko sa kakatakbo hanggang sa may sasakyang sumabay sa pagtakbo ko. Nang tumigil ako ay tumigil din ito.
"Hoy! Huwag mo akong pagtripan, lokong to--." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bumukas ang binatana ng sasakyan at bumungad sakin ang itsura ni Kaizer. WAAHHH!! Nagsisitayuan ang mga pubic hair ko sa kilig mare.
"Hop in." Tipid na saad nito. Bumukas naman ang pintuan sa back seat at nakita ko si Sukiro na naka ngising aso sakin. Wala na akong choice at lumapit na ako doon at sumakay. Hindi na ako malelate plus nakasama ko pa si Kaizer. Oh diba? Ang suwerte ko ngayon!
Nang makapasok na ako sa loob ay nakatabi ko sa likod si Sukiro at Dale. Si Drake naman at Kaizer ang nasa unahan. Si Kaizer, honey ko, ang nag dadrive ngayon. Heto ako, napapagitnaan ng mga mokong sa back seat.
"Hi Joyiee! Anong gusto mong itawag ko sayo?" Tanong sakin ni Sukiro at umakbay kaya napasinghap ako sa gulat.
"K-Kahit ano." Napatingin naman ako sa rear mirror at nagtama ang tingin namin ni Kaizer doon.
"Uhmm, Baby babe! Okay lang ba sayo?" Nasiko ko naman ng wala sa oras ang dibdib niya dahil sa gulat. Sasagot na sana ako kay Sukiro ngunit narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Dale kaya hindi ko natuloy.
"Grabe ka naman, Baby babe. Sinasaktan mo ang puso ko." Reklamo nito at nag pout pa sa harap ko.
"Ahh, HAHAHA. Pasensiya ka na!" Tawa ko na parang tanga lang. Kailangan kong maging mahinhin sa harap ni Kaizer, honey ko. Baka ma turn off kasi siya kapag nakita niya ang totoong ako. Lokong Tots na iyon, mabuti na lang talaga at dinala niya ako doon.
"Anyway, Baby babe. Marunong ka bang makipag away? Gusto mo turuan kita?" Tanong sakin ng sira ulong si Sukiro na madaldal.
"Huwag na, hindi na kailangan." Saad ko habang nakatingin pa rin kay Kaizer. Kahit na likod lang ang makita ko, masaya na ako. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Sukiro na animo'y frustrated.
"Sigurado ka ba talagang sasama ka mamaya sa gang fight namin?" Napaigtad naman ako sa gulat ng pinulupot niya ang braso sa braso ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Hayop na lalaking to! Napaka feeling close. Baka magselos nito si Kaizer. Simula kasi ng nag eyes to eyes kami, ay natali na ang puso ko sa kanya at ang ibig sabihin niyon ay engage na kami. Charot! Ang harot!
"Stop touching her, Kiro." Napakagat naman ako sa labi ko ng magtama na naman ang mga mata namin ni Kaizer sa rear mirror. Oh! My! Kulangot! Concern siya sakin! WAAAHHH!! Hindi ako kinikilig! Obvious ba?
"Ayoko nga, tsaka close naman na kami ni baby babe eh. Diba?" Tumingin pa ito sakin habang nakangiti ng matamis kahit na hindi ko naman ito nalalasahan.
"O-Oo, ayos lang." Nauutal kong sambit kahit na naiirita na ako sa kakadikit sakin ni Sukiro. Kapag kasi nasa harap ako ni Kaizer, nagiging santa at mahinhin ako mga mare. Hindi lang kasi ako plastic at pa cool. Mapagkunwari din ako.
"Here." Napatingin naman ako kay Dale ng inabotan niya ako ng isang box kaya medyo nagpanic ang isip ko. Oo, isip ko lang mare. So iyon, tinanggap ko naman iyon baka isipin ng tukmol na to na pakipot ako. Nang makuha ko na ito ay kaagad akong napaisip na parang genius. Paano kaya kung bomba ito? 'iling, iling' Hindi naman siguro kasi nga kapag ito sumabog ngayon dito, pati sila madadamay. Kahit na nag aalinlangan ako ay binuksan ko ang box.
"I bake that." Tipid na saad nito pero nasa cupcake pa rin ang tingin ko. Kakainin ko kaya to? Baka may lason to? O di kaya'y drugs? Oh! My! Baka may balak silang eh r**e ako. Hindi maari! Hindi puwede!
"Tikman mo na, baby babe. Walang lason iyan, ano ka ba? Hindi mo ba alam na halos lahat ng pamilya ni Dale ay chief. Sarap ngang tumambay sa kanila eh. Daming pagkain doon! Masasara pa! Huwag kang mag alala dahil dadalhin ka namin doon sa susunod." Walang prenong pagkukuwento ni Sukiro sa akin na animo'y parang close na kami matagal na, eh sa kakakilala pa lang naming kanina eh.
"Mamaya ko na kakainin 'to." Baka niloloko niyo lang ako eh. Subukan niyo lang talagang galawin ako at babaliin ko mga future niyo! Charot!
"Ano bang buong pangalan mo? 'tsaka ang haba ng baby babe, BB na lang siguro. Saan ka ba nakatira? Anong section at grade ka na? Where's you're mom? How about you're dad? Do you have siblings?" Parang armalayytt ang bunganga ng isang 'to! Pati iyong nanahimik na kaluluwa nina inay at itay sa bahay eh pinapakialaman.
"Joy Jimenez, nakatira ako sa bahay namin. Iyong nanay at tatay ko ay nasa bahay din namin nakatira. May kapatid ako, isa." Naiinip at walang gana kong sagot kay Sukiro. Napakakulit nito! Sabunutan ko pubic hair nito eh! Nanggigil na talaga ako! Baka dakmain ko na ang future niya at baliin! Ror! Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Drake at Dale kaya pareho silang hinampas ni Sukiro ng bag niya.
"Anong tinatawa tawa niyo diyan? Mga sira ulong 'to!"
"Ikaw ang sira ulo, Kiro. Ang daldal mo!" Untag ni Drake mula sa front seat habang humahalakhak. Pareho naman silang mga sira ulo dito eh. Siyempre maliban na lang kay Kaizer at sa'kin no! Nagsimula ng magbangayan si Sukiro at Drake samantalang si Dale naman ay nakasuot na ng headphone na parang walang pakialam sa mga nangyayari. Si Kaizer naman ay nakafocus lang sa pag dadrive niya. Hindi ko namalayang nasa campus na pala kami. Siyempre hindi ko sasabihin ang pangalan ng paaralan namin no! Baka puntahan niyo ako at ipatokhang mga mare. Char! Nang makalabas na kami sa sasakyan ay nakita kong pinagtitinginan sila ng mga studyante. Pansin ko di'ng masama ang tingin nila sakin. So? I don't pakening care!
"Salamat, aalis na ako." Pagpapaalam ko sa kanila at kaagad na nagsimulang tumakbo papunta sa classroom namin. Habang tumatakbo ako ay dinig na dinig ko ang ingay na likha ng kanya kanyang grupo ng mga estudyante. Siyempre, may tenga ako kaya naririnig ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa tapat ng classroom namin at nakita kong nagsisimula na ang exam. Nang makita ako ni Mrs. Gutierez ay napatigil at tumingin sakin habang nagkakasalubong ang mga kilay.
"YOURE LATE AGAIN, MS. JIMENEZ!" May diing giit nito habang nakatingin sakin ng masama. Napaisip naman tuloy ako ng magandang dahilan. Syempre, napaisip na naman ako na parang genius. Alam ko na ang gagawin!
"Eh kasi, ma'am." Nagsimula na akong mag dahilan. "Ang nanay ko po kasi ay lumpo, si tatay naman ay na stroke. Ako po iyong bumubuhay sa kanila ngayon. Nag t-trabaho po ako sa gabi at sa umaga nama'y papasok sa school. Sana maintindihan niyo po, ma'am." Jusmiyo por santo! Maniwala ka ma'am. Kapag bumaba talaga ang grades ko, lagot ako nito kay inay.
"I'm sorry for that hijah. I don't know, but please. Next time, as much as possible. Don't be late dahil kung--." Niyakap ko naman si ma'am kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya.
"Salamat po, ma'am." Sa presinto ka na magpaliwanag! You're under arrest! Jowk! Buti na lang at mabait itong si Mrs. Gutierez.
: )
A/N: Hi, I know na masyadong genius ang bida natin sa kuwentong ito. Huwag niyo na lang siyang awayin, huh. The most important thing is that, napasaya niya kayo. HAHAHA...Anyway, creation ko si Joy Jimenez kaya Love ko siya. Lolxd