Diaper 9

3226 Words
Nandito ako ngayon sa study shed, nakatuwad habang nakatulala. Naniwala ka? Siyempre nakaupo ako, mare. Hinihintay ko kasi ang tukmol na Tots ngayon. Lunch time na kasi at dahil nga nagtitipid ako eh hindi ako gagastos ng pera ko. Nilalagyan ko lang ng distansiya ang sarili ko mula sa tukso. Tukso mula sa amoy ng mga pagkain sa canteen. Dito ako tumambay sa study shed kung saan malayo sa mga estudyante. May haka haka kasi sa paaralan namin na nagmumulto daw dito ang estudyanteng nagpakamatay. May nagbigti na kasi sa shed na ito kaya natatakot na silang tumambay dito. Hindi naman ako natatakot kasi nga matagal na naman kaming natambay dito ni Tots pero wala namang nagpaparamdam. Kagaya ng ex mo, hindi na nagparamdam sa'yo, mare. Joke! Kinuha ko naman ang notebook ko sa bag at ballpen. Gusto ko kasing mag drawing ngayon. Nasa mataas na bahagi ng paaralan ang shed na ito kaya napakaganda ng tanawin sa baba. May mga kahoy, sasakyan, classrooms, garden at mga estudyante. Sinubukan ko namang eh drawing ang nakikita ko at pagkalipas ng ilang minuto ay natapos ko naman. Tinitigan ko naman ang drawing ko. Mukha siyang abstract kaya pinunit ko at tinapon sa ere. Nakakainis! Ilang beses na ako palaging sumusubok na mag drawing pero mukhang abstract lang palagi. Bumuntong hininga na lang ako sa inis. Ano ba iyan? Nagugutom na ako! Sira ulong Tots! Mukhang wala yata siyang balak na siputin ako dito eh! "TOL!" "Ayy itlog mo!" Hayop na iyan! Mahilig manggulat ang lokong to! Jusimyo por santo naman oh! Paglingon ko para harapin si Tots ay napatulala ako saglit. Paano ba naman? Kasama niya ang Three Kings at si Kaizer! "Baby Babe!" Sigaw ni Sukiro at kaagad na ipinulupot ang mga braso sa braso ko ngunit hindi pa rin napuputol ang titigan namin ni Kaizer. "BB! May dala akong grahams para sayo." Saad ni Sukiro ngunit nakatitig pa rin ako kay Kaizer. Punyetang puso to! Tumitibok ng malakas! Kaizer! Bakit? "Do you want to say something, honey?" Tanong sakit nito kaya nag iwas ako ng tingin. "W-Wala, may mota ka kasi hehe." Napansin ko naman na tila'y namula ito at kaagad na nilinis ang mata. kahit na wala naman talaga. Umupo naman sa harap ko si Kaizer, Dale at Drake. Magkatabi naman kami nina Tots. Napapagitnaan namin si Sukiro. Tanging ang lamesa lang ang pumapagitna sa amin nina Kaizer, honey ko. Nagsilagay na din sila ng mga tupper wares at mga canned softdrinks sa lamesa. Si Sukiro naman ay may dala pang Redhorse na limang bote. Mga hayop na 'to! Napakabad influence. "Gago ka dre! Kapag nalaman 'to ni mommy, patay tayo." Saad ni Drake na animo'y hindi nagustuhan ang ginawa ni Sukiro. "Huwag ka ng magreklamo. Hayop na 'to! Iinom ka lang din naman eh." Sagot naman ni Sukiro sabay bukas ng Red Horse. "May magagawa pa ba ako?" Iritang saad naman ni Drake at kaagad na kinuha ang unang bote na binuksan ni Sukiro at nilagok. "Ang kapal ng apog mo ah. May pa reklamo reklamo ka pa diyan eh iinom ka din pala." "Pahingi, Kiro." Saad ni Tots saka ngumisi. "Ikaw BB, bawal pa 'to sayo kaya grahams na lang muna ang lantakan mo." Hindi ko na lang pinansin si Sukiro at kaagad na kumuha ng mga pagkaing dala niya at ni Tots. Aba'y gutom na ako no! Magpapatumpik tumpik pa ba ako? Si Kaizer naman at Dale ay tahimik lang habang parehong kumakain. Habang ngumunguya ako ng grahams ay parang nakikiliti ang loob ng ilong ko kaya naman napatingin ako kay Kaizer at Dale na kumakain. "Uhhm, excuse me lang huh." Sabay naman silang napatingin sakin at tumango. Sinumulan ko nang kalikutin ang ilong ko gamit ang hintuturo ko kasi nga may kulangot sa loob at nararamdam ko ito. Pansin ko naman ang pag ubo ni Dale sabay kuha ng canned softdrinks na dala nila at uminom. "What the hell are you doing?" Iritang tanong sakin ni Kaizer. Oo, suplado talaga kasi ang hayop na 'to. Chos! Kung hindi ko lang talaga siya mahal. Sinasabi ko sa inyo! Hmmp. "Pasensiya na, honey. May kulangot kasi sa loob. Nahihirapan akong tanggalin." Pinagpatuloy ko na ang pagkalikot ng ilong ko hanggang sa natanggal na nga siya. Pintik ko naman ito mula sa mga daliri ko at dahil nga nakanganga si Tots habang tumatawa ay pumasok sa bibig niya ito. Napatigil naman siya sa pagtawa at kaagad na tinikman ang pumasok sa bibig niya. "Tangina! Ano to? Bakit mukhang maasim asim?" Lumunok pa ito. "Tots! Pasensiya na, hindi ko sinasadya. Kulangot ko iyon, hehe." Narinig ko naman ang sabay na pagtawa ni Sukiro at Drake samantalang si Kaizer at Dale naman ay tila nasusuka. "Pota! Tol naman eh! Bakit hindi mo sinabi kaagad?" Inis na reklamo nito at sumuka na sa gilid ng shed. "Ikaw kasi Tots eh! Ang laki ng bunganga mo sa tuwing tumatawa ka. Daig mo pa si Anne Curtis." Saad ko at nagpatuloy sa pagkain. "Peeeeeeppppppp!!" Sabay sabay naman kaming napatingin sa guard na hindi kalayuan samin habang pumipito. Gago! Lagot na to! "TAKBO!!" Sigaw ni Sukiro kaya nagsidampot kami ng mga bag namin at kaagad na tumakbo na paalis doon. "Hintayin niyo ako!" Sigaw ni Drake dahil ang bagal nitong tumakbo kaya kaagad na hinatak ni Dale ang braso nito. Hawak hawak naman ni Kaizer ang palapulsuhan ko habang tumatakbo kami paalis sa shed. Mukhang sa likod ng Gymnasium yata ang punta namin eh. "Bakit nandoon si Duling?" Tanong ni Sukiro. Si sir Juan kasi eh duling ang tawag nila. Baka kasi magtaka kayo mga mare. Oh, nag aadjust din ako para sa inyo ah. "Hindi ko alam." Tipid na sagot ni Drake habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo at nakasunod lang samin si Sir Juan. Nang makarating kami sa Gymnasium ay kaaga kaming lumiko patungo sa likuran nito. Nakita ko namang may mataas na pader doon. Oo sakin mataas pero sa kanila hindi kasi nga mga higante sila. Nauna ng umakyat si Kaizer at sumunod naman si Drake. Paano ako aakyat nito? Hayop na iyan! Iiwan ba talaga nila ako dito? Kapag ako talaga iniwan mo dito, Kaizer! Mag b-break na tayo sa puso't isipan ko! "Sukiro! Carry her." Utos nito Kay Kiro. Nagulat naman ako ng yumuko sa lupa si Tots. Pumatong sa kanya si Kiro at mabilis na hinawakan ang magkabilang bewang ko kaya umangat ako bigla 'tsaka naman hinawakan ni Kaizer ang kamay ko. "Humawak ka sa balikat ko, honey." Saad nito kaya napakagat labi na naman ako at humawak sa makikisig niyang balikat. Naramdaman ko na lang din ang kamay niya sa bewang ko. Binitawan na ako ni Sukiro at ng tuluyan na ako nakaapak sa itaas ng pader ay nakaginhawa ako ng maayos. Ang tanging problema ko na lang ay kung paano ako makakababa. Tatalon na lang siguro ako. Bahala na! Pasimpleng tumalon pababa si Kaizer at sumunod namang umakyat si Tots at Sukiro. Nang makababa na silang lahat ay naiwan ako sa itaas. Sus! Kaya ko to! Ako pa ba! "Sssss..Sssss." "WAAAHHHH!!!" Sa hindi inaasang pagkakataon ay na out of balance ako at nahulog dahil sa walang hiyang ahas na iyon! Buwesit! "Honey!" Rinig kong sigaw ni Kaizer at kasabay niyon ay ang pagkahulog ko. Hindi ko din inaasahan na masasalo ako ni Kaizer. Hayop! Kinikilig ako! Totoo pala ang mga ganito. Sa TV at Kdrama ko lang nakikita to eh! Pero biruin niyo mga mare, nangyari sa'kin to kasama ang crush ko. Oh ano mare, wala kang love life? Mainggit ka na lang. Charot! "Tara na! Papalapit na iyong Duling. Baka may back up iyon. Malalagot talaga ako nito kay mommy kapag nahuli tayo." Singit ni Sukiro kung kaya't tumakbo na naman kaming lahat papunta sa tagong bahagi ng daan. Nakita ko namang may tinatawagan si Dale. Hindi naman natagalan ay may huminto na sasakyan sa harap namin. Hanep! Ang yayaman ng mga tukmol na 'to. "Let's go!" Aya samin ni Dale. Sumakay naman kami sa white van nilang kumikintab. Yeah, shine bright like a diamond, mare. Puwede ding twinkle, twinkle little star. Char! Nakatabi ko naman si Kaizer at Sukiro. Sina Tots at Drake naman ay nasa likod at si Dale ay nasa front seat. "Chamba! Sigurado akong magluluto mamaya si Tita nito para sa'tin." Masayang tugon ni Sukiro. Nagtataka tuloy ako. Paano kaya sila naging magkakaibigan 'tsaka mukhang magkamukha iyong si Dale at Drake. Kinalabit ko naman si Sukiro habang nakatulala lang sa ere at nakangisi na tila'y nasisiraan na ng bait. "Oh, bakit, BB?" Tanong nito sakin dahil kinalabit ko siya. "Magkaano-ano ba si Dale at Drake?" Bulong ko sa kanya. Habang tumatagal na nakakasama ko si Sukiro ay nagiging komportable na ako sa hayop na 'to. "Magkapatid sila." Bulong niya din sakin at humalakhak. Sa inis ko'y hindi ko napigilang batukan siya. Bakit kasi kailangan pang humalakhak na parang si Lizardo sa panday. "Aray naman, BB, sakit mong mambatok ah." Hinimas himas pa nito ang batok niya habang tumatawa. Sira ulong to! ____ Nang makarating kami sa bahay nila Dale at Drake ay kaagad kaming dumiretso sa sofa. Pabagsak namang umupo si Drake doon. Si Sukiro at Kaizer naman ay tumabi sa'kin sa kabilang sofa. Si Tots at Dale naman ang umupo sa tabi ni Drake. "Ano pang hinihintay mo, Dale? Lumayas ka na at ipagluto mo kami ng mga specialty niyo." Utos ni Sukiro habang habang nakasandal sa malambot na sofa habang nakasimangot at nakatingin kay Dale habang himas himas ang tiyan niya. "Shut up, Kiro. Mom will cook for us." Walang ganang saad nito habang nakahalukipkip. "Where's Tita Abigail? Nagugutom na ako dre. Naglalaban na ang large at small intestines ko sa loob!" Dagdag ulit ni Sukiro. 'Pak' "What the Hell?! Drake, you asshole!" Iritang saad nito dahil binatukan siya ni Drake. Kaagad naman itong kumuha ng unan at hinampas sa pagmumukha ni Drake. "F*ck you, Kiro! Kapag hinampas mo pa ulit ako ng unan, papalayasin kita sa pamamahay ko." Supladong saad nito kay Sukiro. "As if I'll leave. Baka isumbong kita kay Tita na uminom ka ng Red Horse kanina. Tapos hinabol pa tayo ng guard na--." "WHAT?! HINABOL KAYO NG GUARD? WHY?" Sabay sabay naman kaming napatayo ng marinig namin ang boses ng isang babaeng medyo matinis. Nakita ko naman kung paano namutla ang mukha nilang lahat dahil doon. Tinitigan ko naman ang babaeng kakadating lang. Mukhang ka edad lang namin siya dahil ang ganda niya, mataas din, kasing taas ng coconut tree. Siyempre joke, mas mataas lang siya ng kaunti sa akin. Makinis ang balat niya, maputi at sexy. Kamukha niya rin sina Drake at Dale. Baka kapatid nila ito o di kaya'y mommy. Mamy poko pants! Easy to wear! Joke. Mahilig kasi akong manuod ng mga advertise sa TV kaya minsan sinasama ko sa jokes ko. "Uhm, k-kasi Tita, iyong aso! Hahaha, hinabol kami. Ang guard na aso haha." Pinagpapawisang saad ni Sukiro dahil nakakurot ang daliri ni Drake sa likod niya. "Okay." She shrugged at tumingin sa'kin. "Who's this lady behind you, Kaizer?" Conyong tanong nito kay Kaizer, honey ko. "She's our friend, Tita." Naglakad naman iyong babae papalapit sa'kin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Parang may inaalala ito habang nakatitig sa'kin. "You look familiar. I think we've met before." "Hello po, ako po si Joy." Ngumiti naman ako sa kanya at inilahad ang kamay ko. "Ay itlog ni lolo!" Hiyaw ko sa gulat ng bigla ako nitong niyakap. "It's you! The girl who saved me from the holdaper who's trying to take away my bag." Humalik pa ito sa pisnge ko. "It's nice to meet you again. Anyway, I'm Drake and Dale's mom." Napasinghap naman ako dahil ang bata niya pa talaga tignan. Pero teka lang, napaisip ako na parang genius dahil inaalala ko ang tungkol sa sinabi niya. Don't tell me – "Ikaw iyong nagbigay sa'kin ng 10k dahil sa pagtulong ko sa'yo kahit na ayaw ko sanang tanggapin!" Tuwang tuwa na saad ko dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako nakasama noon sa fieldtrip na pinangarap ko. Dahil sa tulong niya ay natupad ang isa sa mga pangarap ko. Nag fieldtrip kasi kami noon sa secret. Bahala ka diyan mare, ayaw kong sabihin. Adjust ka na lang muna. "Yes, It's me hijah! I'm glad to meet you here again!" Niyakap ako ulit nito kaya niyakap ko na rin siya ulit. "Just wait in here, ipagluluto ko kayo. Anyway, call me Tita Danica. I gotta go to the kitchen na." Nagmamadali naman itong umalis at kasabay niyon ay ang pagpakawala nila ng mga mababaho nilang hininga. Siyempre joke lang 'yun. Mga mababango ang hininga ng mga hinayupak na 'to. Lalong lalo na kay Kaizer siyempre. ____ Matapos ng kainan na naganap ay umalis din kami kaagad. Alangan namang manatili kami doon habang buhay diba? So 'yon na nga, nandito na kami ngayon sa tagong kanto kung saan kaunti at bibihira lang dumadaan ang mga tao. Dito daw kasi gaganapin ang laban. "Hey, honey. Do you wanna go home? It's not yet too late, you can leave here." Tanong sa'kin ni Kaizer habang nakatitig sa mukha ko. Napakagat labi naman ako, iyong tipong dumugo talaga tapos sinipsip ni Kaizer 'yong dugo tapos naging bampira na siya. Charot! "Naku, handa na akong makipagbasag ulo no! Ako pa ba, eh sa pinsan ko si Jackie Chan." Pagbibiro ko pa kahit na may kasamang katotohanan. Bumuntong hininga naman siya dahil sa sinabi ko. "You sure?" Paninigurado nito. "Oo naman!" Masigla kong sambit at hinalikan si Kaizer sa labi at pagkatapos ay tapos na ang kuwento hanggang dito na lang mga mare. Paalam. The End. Siyempre joke lang ulit. Gusto niya bang ending na agad. Kayo bahala. "Just stay at my back, okay. Huwag kang lumayo sa'kin as much as possible." Kaagad namang tumibok ang kidney ko dahil sa kilig. Hawakan ba naman ang kamay ko at binali niya ito kaya na turn off ako. Joke! Siyempre hinawakan niya lang para protektahan ako. Safe guard kasi si Kaizer at ako 'yong germs. "Leader Kai, andiyan na sila." Kaagad naman akong napatingin sa mga taong nagsidating. Ang dami nila at para silang mga tanga at monggoloid. Char! Hindi naman sa gan'on, medyo lang. 'Clap' 'Clap' 'Clap' Kaagad naman itong pumapalakpak sabay ngisi kaya lumuwa ang gilagid niyang may varicose. Lumapad din ang ilong niyang malaki dahil sa ginawa niya. Mga 154 hectares ka lawak. Joke! Puwede ba mare, huwag ka ng magalit dahil mahilig ako sa joke. Masanay ka na lang. "Sigurado ba kayong matatalo n'yo kami? Ang lalampa niyo pa naman tingnan." Bumungisngis naman ulit siya kaya you know, the varicose in his gilagid showed up. Tahimik lamang ang grupo namin habang pinagmamasdan silang lahat na nagsisingisi na parang mga Zombie na bad breath hahahha. Natawa lang talaga ako. Ano ba?! "Tol." Tawag sa'kin ni Tots sa mahinang boses kaya napalingon ako sa kanya. Kaagad namang sumalubong sa'kin ang ngisi niyang nakakaloko at tumingin sa kamay namin ni Kaizer na magkahawak. Inikot ko lang ang mga mata ko ng isang daang beses kaya akala nila ay sinapian na ako. Joke, isang beses lang. "Hoy, ang panget mo!" Sigaw ni Sukiro kaya natigil sila sa pag ngisi at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tumawa ng sobrang lakas. Napatingin naman silang lahat sa'kin dahil doon. "Kukuha na nga lang kayo ng isang miyembro na babae, panget pa HAHAHAHHA." Nagsitawanan naman sila kaya nainis ako ng dahil doon. Ramdam ko din ang paghigpit ng hawak ni Kaizer sa kamay ko. "Hoy! Lalaking may varicose ang gums, tumahimik ka! Mukha kang Zombie na bad breathe at amoy putok, HAHAHAHAHAH!" Tawa ko at natigilan ako ng marinig ko ang bahagyang pagtawa ni Kaizer sa gilid ko. So 'yon na nga. Nang magsimula ang away ay nag away lang kami. End of flashback. Basic, huwag niyo na akong pahirapan pang mag explain mga mare. Na s-stress ako. Nanalo naman kami at simula niyon ay palagi na akong nakakasama sa gang fights nila. End of Flashback Nang makarating ako sa bahay nila Kaizer ay kaagad akong nag doorbell ngunit walang bumukas. Kung sa bagay, wala siguro ang mga katulong ngayon at si Kaizer lang ang nandito. Dahil wala naman na akong choice ay inakyat ko na ang gate nila. Habang p-paakyat ako ay bigla kong naalala si senyorito kulangot. 'yong araw kung saan ay napunit ang shorts ko ng umakyat ako kina lolo at lola ng dahil sa kanya. Nan makarating na ako sa pinakamataas na bahagi ay nakita ko si Kaizer na nagmamadaling naglalakad papunta sa gate habang gulong gulo ang buhok. Dahil sa kaguwapohan niya ay napabitaw ako sa gate at kaagad na nahulog at nagpagulong gulong. Napatingin naman ito sa'kin at nag aalalang lumapit kahit na halatang nanghihina ito. Sobrang sakit ng bewang ko dahil doon. Bwesit naman oh! "You okay? Honey!" Nag aalala nitong tanong sa'kin. Hindi naman ako nakasagot bagkus ay napatitig na lang ako sa guwapo nitong mukha. "Damn it! Answer me, how do you feel? Can you walk?" Tanong ulit nito kaya natauhan ako. "Sino ka? Hindi kita kilala." Pagkukunwari ko kuno dahil na amnesia ako. Sira ulo din kasi ako. Huwag kanang mabigla kung bakit ko nagawa 'to. Bumuntong hininga naman ito at bahagyang ngumiti. "You're fine." Ginulo pa nito ang buhok ko at ngumiti. Sumimangot naman ako dahil nga hindi umuubra sa kanya palagi ang acting ko. Tinulungan ako nitong makatayo at napansin kong masyadong maputla ang mukha at bibig nito. Sipsipin ko kaya lips niya para bumalik ang dugo. Char! Bigla naman akong nag panic kahit na walang earthquake dahil bigla itong napahawak sa ulo niya animo'y nahihilo. Kaagad ko siyang niyakap at umiyak. Mahal na mahal ko kasi si Kaizer at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. "Honey! Huwag kang mamatay, please." Magkaanak pa tayo, paano na ang honeymoon natin nito? "Let's get inside first." Nanghihina nitong sambit. Inalalayan ko naman siya papunta sa taas at nang makarating kami sa kuwarto niya ay kaagad ko siyang inihiga sa kama at hinalikan. Pumatong ako sa kanya at—joke! Siyempre kaagad ko siyang kinumutan dahil daw nilalamig siya. "Ikaw Kaizer ah! Nagpaparinig ka sa'kin , eheheheh." Hinawi ko pa ang iilang hibla ng buhok ko at sa mukha at inipit sa tenga ko. "Don't call me by my name alone without a 'honey' word. It's making my heart beats crazily, honey." "KYYYAAAAHHHH!!! Okay fine, honey! Hehhehe, gusto mo ng hug ko?" Nakita ko namang ngumiti ito kaya mas nilakihan ko pa ang ngiti ko hanggang sa nakita na niya ang gums ko. "You didn't change, honey. Come here." Tawag sa'kin nito ay kumendeng kendeng ako papunta sa kanya. Kaagad niya namang hinila ang kamay ko nang biglaan kaya napahiga ako sa kamay. Hinila na naman niya agad ang bewang ko at niyakap ako ng mahigpit. WAAAAHHHH!!! Kinikilig ako! Ano ba 'yan?! 'Phone Rings' Bigla namang napabitaw si Kaizer, honey ko dahil doon. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng padabog dahil sa inis. Sino ba kasing istorbo na 'to. Bigwasan ko kaya 'to. Nang makita ko ang tumatawag ay kaagad akong napabangon. Si Senyorito Kulangot lang pala. : ) A/N : Feel free to leave a comment below about your thoughts and emotions. Nainis ka ba o natawa while reading? It's just a survey : ) Keep safe everyone!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD