Sorry for the misspelled words and grammatical errors, mga bebs. I'll edit it out pa naman after I finished the whole story.
Nakatunganga lang ako ngayon sa cafeteria dito sa University dahil hindi maalis sa isip ko ang mga ngiti at tawa ni Senyorito kaninang umaga. Kasama ko ngayon si Kaizer at David habang patuloy lang silang dalawa sa pagbabangayan. Para silang aso't pusa palagi. Wala kaming klase sa third and last subject namin dahil may emergency meeting daw ang mga guro. Naiinis nga ako kasi hindi natuloy iyong balak ko kahapon.
"Can you please mind your own business, Arnulfora?" masungit na sabi ni Kaizer kay Dabid bakla.
"How dare you? I'm David, and please, were not close enough so don't call me by my first name alone," sagot nito gamit ang baritonong boses na parang hindi bakla. Kala mo naman talaga sa isang 'to eh. Sarap lasingin at pabuntisin ng babae para tumino. Charot!
"Just shut your mouth," nababagot na tugon ni Kaizer 'tsaka uminom sa juice na in-order niya.
"Kung hindi ka lang talaga iniirog ng kaibigan ko, dinakma ko na iyang sandata mo," bulong bulongan nito habang nag s-slice ng chocolate cake. Kaagad ko naman siyang siniko.
"Hoy, narinig ko iyon, bakla," mahina kong sambit para hindi marinig ni Kaizer. Tumingin naman sa amin ni Dabid ito. Nagkakasalubong ang kilay at tila'y nagdududa sa bulong bulongan naming. Saglit naman akong kinurot ni Dabid kaya napaigtad ako at napangisi.
"Tumahimik ka nga, paano kapag may nakarinig sa 'yo? Edi sira iyong mundo ko nito," inikot nito ang mga mata niya sabay tikhim dahil masama na ang timpla ng mukha ni Kaizer. Ano ba kasi naman 'yan, i-marinate ko kaya?
"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" masungit nitong tanong sabay hila sa upuan ko papalapit sa kanya kaya tumili naman ako sa kilig. Siyempre, silent tili lang, mga mare. Kaagad ko namang naramdaman ang braso niya sa bewang ko kaya ngumiti ako sabay kagat sa labi ko.
"Wala ka na roon," masungit na saad ni bakla. Pansin ko namang medyo naiinis na si Kaizer, honey ko, kay Dabid kaya sumingit na ako sa usapan.
"Sabi ko kay David, huwag ka niyang inaaway kasi ayokong nakikita kang naiinis. Baka kasi magka-wrinkles ka na niyan, ehehehe," hinawi ko pa ang buhok sabay nguso sa labi ko na parang dalagang Pilipina.
"Mukha kang na stroke dzai," panira ni Dabid sa moment ko kaya tinadyakan ko ang paa niya sa ilalim ng mesa.
'Phone Rings'
Sabay naman kaming napatingin kay Kaizer ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad din naman niyang sinagot iyon.
"What?" pagbungad na tanong niya sa tumawag. Hindi kasi uso ang hello sa kanya kaya ganern. Kapag ako nga iyong tumatawag o siya, I miss you kaagad ang una niyang sinasabi, ehehehe. Ganyan talaga kasi kami ka in love sa isa't isa. Our hearts, mind, and soul is connected. We are soulmates. Kyaaahhhh! Ano ba? Pakiramdam ko tuloy yumanig ang petchay ko sa tuwa, eheheh. Ito na ang bago kong tawa para hindi naman kayo magsawa sa'kin, mga mare. Baka kasi iwan niyo na lang ako bigla sa ere. Kagaya ng ginawa ng ex niyo sa inyo.
"Arnulfo, we need to talk," sabay naman kaming napatingin ni Dabid bakla sa dumating na lalaki sa harap namin. Nakita ko naman kaagad ang pagliwanag ng mukha ni Dabid dahil si Vander 'yon. Natulala pa ito kay Vander at hindi kaagad naka sagot. Makatitig talaga ang baklang to, parang aswang na may balak kainin ang atay nitong sa Vander na walang kaalam alam na bakla ang kaibigan niya at may itinatagong pagtingin sa kanya. Iniling ko na lang ang ulo ko dahil sa naisip. Si Kaizer ay busy pa rin sa pakikipag-usap. Sino ba kasing kausap nito?
Nagtitigan pa ang dalawang mag-bestfriend. Parang may gustong sabihin sa isa't isa at wala akong pakialam kung ano man iyon 'no. Tinapik ko naman ang balikan ni Dabid kaya natauhan ito. Tumikhim muna ito sabay tayo ng tuwid. Brusko ka teh?
"Ah, sure," pagsang-ayon nito sabay tingin sa'kin na tilay kinikilig at nagpapaalam na.
"Layas na," binigyan ko lang ito ng mataray na look. Inikot lang nito ang mata sabay talikod. Napalingon naman ako kay Kaizer at patuloy pa rin ito sa pagsasalita kaya unti-unti kong inilapit ang tenga ko sa tenga niya para makichismis na rin.
"Oh come on, Kai, papunta na kami riyan kaya wala ka ng magagawa pa," rinig ang boses ng nagsasalitang lalaki sa kabilang linya. Parang pamilyar ang boses nito sa'kin. Mas lalo ko pang dinikit ang tenga ko sa cellphone niya para marinig ko ng malinaw.
"I won't entertain you here, I'm busy," pagdadahilan nito.
"Hindi naman ikaw ang pupuntahan namin, si Baby babe, Kai. Huwag kang assuming," bigla namang nanlaki ang mga mata ko sabay tili dahil boses iyon ni Sukiro.
"KYAAAAAHH! KIRO!" hiyaw ko sabay agaw ng telepono kay Kaizer. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nito dahil sobrang nagkalapit ang mukha namin ng humarap siya.
"Baby babe, how are you? I-I-I, damn it, I miss you!" nabubulol nitong saad kaya tumalon-talon ako sa tuwa. Para na rin kasing kapatid ang turing ko kay Sukiro. Masyado akong komportable sa hayop na 'to eh.
"Tol, andito rin ako. Walang hiya ka, namimis kita," pumipiyok na boses naman ang narinig ko at boses iyon ni Tots. Ang kapitbahay ko at childhood bestfriend.
"Tots, p*sti ka talagang hayop ka. Namimis din kita, dep*ta," natigilan naman ako ng may kumuha bigla ng cellphone sa'kin. Si Kaizer pala, parang naiinis pa ito.
"Fine," huling saad nito sabay patay sa cellphone niya.
Napansin ko naman ang masasamang tingin sa'kin ng mga estudyanteng babae rito a cafeteria.
"Anong tinitingin-tingin niyo diyan?" mataray kong sabi at kasabay niyon ay ang pag-akbay sa'kin ni Kaizer, "gusto niyo, luh asa kayo. Andiyan ba si ma'am?"
"What are you doing?" nagtatakong tanong nito sa'kin kaya humalakhak ako. Wala talaga siyang kaalam alam na nagiging possessive girlfriend na ako sa kanya. Pfft...
"Wala, pinapraktis ko lang iyong line ko sa paparating naming role play," pagsisinungaling ko pa, "Nga pala, saan tayo pupunta? Saan natin sila hihintayin?"
"Sa entrance ng gate," tipid nitong sagot sa'kin. Hindi pa kami nakakarating sa gate ay may mga estudyante ng nagtatakbuhan at parang nagmamadali ang mga ito. Sandali naman akong napatigil sa paglalakad dahil baka nagkakatotoo na iyong panaginip ko rati na tungkol sa Zombie at pinatay ni Kaizer si Senyorito Kulangot.
"Why?" nagtatakang wika nito.
"H-Huh, w-wala may naalala lang ako," bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maalala ko si Senyorito pero pilit ko siyang iwinaksi sa isipan ko. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami hindi kalayuan sa entrance ng school. May nagkukumpulan na namang mga estudyante at nagtitilian. Kung hindi ako nagkakamali ay baka sina Sukiro na ito.
Sanay na rin naman na kasi akong makita silang maraming fans. Feeling celebrity ang mga hayop na 'to. Oo na, mga mare. Wala akong ni isang babaeng naging kabigan mula noon sa high school kasi galit sila sa'kin. Ayoko namang makipag plastikan kahit na plastik talaga akong tao. Iyong totoo niyan ay galit sila sa'kin dahil malandi raw ako. Eh ano naman ngayon, si Kaizer naman iyong nilalandi ko kaya ayos lang iyon. Kahit magtae sila sa galit o inggit, wala akong paki. Ako ang pabebe girl at wala kayong paki kung pabebeb ako. Halos lahat kasi ng crush nila ay close ko dahil siyempre, member kaya ako ng thunderbolt attack gang.
Nang makita nila si Kaizer ay kaagad silang nagbigay ng daan. Nagulat pa ako ng may isang babaeng biglang humila sa buhok ko kaya saglit ako napalingon dahil alam ko kung sino siya. Akala niya hindi ko malalaman. Sa inis ko'y pasimple ko siyang tinadyakan sa paa sabay talikod. Kala mo huh! Sama ng ugali ko no? Eh ano naman ngayon? Masama rin ugali niya eh.
Nang makarating kami sa harap ay kaagad kong nakita ang chinito kong kaibigan na si Sukiro. Mas lalo siyang gumuwapo at pumuti 'tsaka tumangkad rin. Si Tots naman ay hindi na maitim, p*sting lalaki na 'to. Nagmukhang modelo na at napaka matcho pero ews, never akong na attract sa hayop na 'to no. Sina Drake at Dale ay mas lalo ring pumogi. Si Drake ay maloko pa rin kung ngumisi lalo na iyong mukha niya samantalang si Dale ay tahimik pa rin.
"Tol!" sigaw ni tots sabay yakap sa'kin. Niyakap ko rin ito pabalik na tuwang-tuwa. Nang kumalas ito sa yakap ay kaagad ko siyang binatukan.
"Walang hiya ka, ang guwapo mo na tapos hindi ka man lang nagbago ng cologne mo. Jucy pa rin na orange," reklamo ko sabay amoy sa kanya. Tumawa naman ito sabay amoy din sa sarili niya. Tinulak naman siya bigla ni Sukiro sabay yakap sa'kin 'tsaka inikot ikot pa ako sa ere.
"Baby babe, I f*ckin miss you," binaba naman ako nito sabay kurot sa pisnge ko. Nagtilian naman ang mga kababaihan. Nagulat naman ako bigla nang hinila ako ni Kaizer at itinago sa likod niya. Bigla naman silang nagtawan dahil sa inasta nito.
"Can y'all please stop touching her?" inis nitong reklamo.
"Damot mo naman, hindi naman namin aagawin 'yan. Alam mo namang little sister ko iyan no!" masungit na pagp-protesta ni Sukiro, "halika na rito baby babe, huwag mo ng pansinin iyan. Tayo kaya ang mas close," bigla namang lumapit si Sukiro ngunit hinarang siya ng braso ni Kaizer.
"Stop touching her, Kiro," bigla naman siyang binatukan ni Sukiro sabay takbo at nagtago sa likod ni Dale na tahimik lamang. Ngumiti lamang sa'kin si Dale. Si Drake naman ay kumindat lang.
"i-tour mo naman kami sa loob ng pang mayaman mong School, tol," hindi pa rin nagbabago ang accent ni Tots. Para pa rin siyang adik sa kanto kung magsalita.
"Sige, tara!" masigla kong saad 'tsaka ko naalala na kailangan ko palang makausap si Sukiro dahil kailangan ko ng tulong nito.
"Honey, kakausapin ko muna si Sukiro ah, may itatanong lang ako," pagpapaalam ko pa sa boyfriend ko with the heart, mind, and soul.
"Sa'kin ka na lang magtanong. Ano ba 'yun?" mahinahon nitong sambit habang nag-uumpisa na kami sa paglalakad papunta sa loob.
"Basta, sandali lang 'to," pagdadahilan ko dahil napakapossesive niya. Ehehehe, kinikilig ang petchay ko. Kyah! Ano ba? Nang hindi pa ito sumagot ay kaagad kong kinuha ang bag ko at hinampas sa pagmumukha niyang nag iinarte. Sinaksak ko na rin siya ng ballpen para wala ng Kaizer dito sa kuwento. Charot! Mahal na mahal ko kaya ang honey ko. Hindi ko magagawa iyan 'no. Nang tumango ito'y napangiti ako. Nakita ko rin ang pamumula ng mukha nito.
"Uy, sweet niyo ah. Sabi ko na nga ba eh. Kayo rin magkakatuluyan sa huli. Magjowa na pala kayo hindi man lang nag-inform," mapang-asar na saad ni Tots kaya nag blush ako pati siyempre petchay ko nag blush. Regla yarn? Ehehehe.
"Were not in a relationship," rason ni Kaizer kaya nawala ang ngiti ko. Ngumuso na lang ako sa inis. Ang sakit-sakit, sinasaktan niya ang puso ko. Wala ba siyang heart, mind, and soul? Hindi niya ba nararamdaman ang nararamdaman ko? Hindi niya ba alam ang alam ko? Hindi niya ba alam na BBM ako this 2022?
"Huwag ka ng mag-deny, leader," sabat pa ni Tots.
"Were just friends," hindi makatingin na sagot ni Kaizer. Bakit ba kasi ayaw niya pa rin akong ligawan? Mahal na mahal ko kaya siya. Tapos ilang years na kaming in a relationship with the heart, mind, and soul. Walang hiya 'tong p*sting 'to, pakain ko sa kanya petchay ko eh. Napatakip naman ako bigla sa bibig ko ng maalala ko kung sino ang unang lalaking nakahawak sa petchay ko. Hindi lang 'yan, marami pa siyang ginawang drills. AHHH! Ano ba?
"Friends, tapos ganyan ka possessive at caring? Seloso tapos kung umasta parang boyfriend?" tumawa tawa pa si Tots kaya nainis ako kay Kaizer.
"Kaizer, bakit hindi mo ako kayang ipaglaban, huh?" Inis kong tanong kaya saglit itong natigilan at napatingin sa'kin. Bakas ang kaba sa mukha nito.
"W-What did you say?" nauutal nitong saad.
"Sabi ko, ipaglaban natin ang Pilipinas laban sa mga mapang-aping mga tao sa Politika! Para sa ikabubuti ng ekonomiya at lahat ng tao!" inis kong saad sabay talikod. Bigla naman silang lahat tumawa maliban kay Kaizer. Tumalikod na lang din ako sabay punta kay Sukiro na naka nguso lang. Bigla naman itong ngumiti ng nakita niyang lumapit ako sa kanya. Kaagad din nito na ipinulupot ang braso niya sa braso ko.
"Akala ko hindi mo na ako ipaglalaban laban sa mapang-aping Kaizer," he let out a soft chuckled sabay gulo sa buhok ko.
"Uhm, Kiro, may problema ako ngayon. Malaking problema,"pag-uumpisa kong pagkuwento sa kanya.
"Buntis ka? Tapos hindi ka pinanindigan ng hayop na iyan?" galit nitong saad sabay turo kay Kaizer kaya binatukan ko siya.
"Y-You're pregnant?" tanong sa'kin ni Tots habang bakas lamang ang gulat sa mukha ni Drake at Dale. Si Kaizer naman ay napatingin sa'kin.
"S-So you're pregnant and the father is that f*ckin fake husband of yours?" malamig na saad ni Kaizer. Hindi ko alam kung anong uunahin kong sasabihin sa pagpapaliwanag. Hayop na Sukiro, hindi pa rin nagbabago, mabilis mag-judge ang tarantadong 'to.
"Wife!" Bigla naman akong kinabahan ng bigla kong narinig ang boses ng asawa ko. Dali-dali akong lumapit kay Sukiro sabay bigay ng cellphone ko sa kanya.
"Ilagay mo number mo diyan. Bilisan mo kung ayaw mong sakalin kita," nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito pero sinunod niya pa rin ang sinabi ko at kaagad na binalik ang cellphone sa'kin. Itinago ko rin naman ito kaagad sa bulsa ko. Pansin ko namang ang pagtataka sa mga mukha nila dahil sa pagdating ng asawa ko.
"Sino iyan, Tol?" bulong sa'kin ni Tots habang nakatingin kay Senyorito.
"Ah, HAHAHAH. Boss ko nga pala," kinakabahan kong pagpapakilala sa kanila kay Senyorito. "Ay pitoy ni Brixcen!" hiyaw ko sa gulat ng biglang hinila ako nito kaya nabangga ako sa katawan niya.
"How dare you do that to her? Don't you know that she's pregnant?" puno ng inis iyong boses ni Kaizer habang nakatingin ng masama kay Senyorito. Napahawi naman ako ng iilang hibla ng bukon ko 'tsaka inipit sa tenga ko sabay nguso na kunyari ay nagdadalagang Pilipina.
"Enebe? Huwag ka ngang ganyan, Honey. Kenekeleg eke,"pagpapa-cute ko pa kay Kaizer. "'Tsaka hindi ako---"
"What? Y-Youre pregnant?" hindi makapaniwalang tanong nito dahil imposible naman kasi 'yun. Kahit nag jugjugan kami eh may protection naman. Nag celine plus gold kaya kami.
"Tarantado ka Pre ah!" kinuwelyuhan bigla ni Tots si Senyorito kaya nagulat ako. Kaagad ko namang kinurot ang tagiliran ni Tots kaya tinigil niya ito sabay tingin sa'kin. Iyong tingin na nagsasabing hindi kita iiwan, Tol. Oh diba, mga mababait kaya itong mga tukmol na kaibigan ko. Suwerte ko kaya!
"Who the hell are these men, Wife?" nagtatakang tanong ni Senyorito sabay pulupot ng braso niya sa bewang ko sabay hila rito papalapit sa kanya. Kita ko naman ang panlalaki ng mata nilang lahat.
"WIFE?! MAY ASAWA KA NA?!" saad nilang lahat in chorus maliban kay Kaizer na masama lamang tingin kay Senyorito at tahimik lang. Napatingin naman ako sa asawa ko at nakatingin din ito sa'kin kaya napalunok ako kasi nagsimula na namang magwala ang puso ko sa kaba.
"Ah, k-kasi g-ganito iyon—" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla nitong hinila ang batok ko papunta sa semento at nginudngud. Siyempre biro lang. Hinalikan lang naman ako nito bigla kaya parang inilipad ako nito sa alapaap. Parang napapakanta tuloy ako dahil sa halik niya.
Fly fly fly the butterfly
In the garden is flying high
In the meadow is flying low
Fly fly fly the butterfly
"K-Kailan ka pa nag-asawa, Tol?" hindi makapaniwalang tanong ni Tots. Hindi naman ako nakapagsalita dahil parang nag f-fly fly fly the butterfly pa rin ako ngayon sa garden. Bigla naman akong hinila papalayo doon ni Senyorito kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ay ang sumunod sa kanya. Dumeritso kami kaagad palabas sa campus samantalang marami na namang nagbubulong bulungan habang nakatingin sa'kin.
"Saan ba tayo pupunta?" nagtataka kong tanong. Bakit kasi nag fly fly ako kanina dahil sa halik niya? Kainis! Baka nagselos na iyong boyfriend ko roon. Oo na, malandi na ako. May asawa pero may boyfriend pa rin. Eh ano naman ngayon? Hindi ko naman mahal ang asawa ko 'tsaka si Kaizer ang true love ko 'no.
"We need to talk," seryoso nitong sambit hanggang sa nakarating kami sa parking area ng University at kaagad na pinagbuksan ako nito ng pinto ng sasakya kaya sumakay na lang din ako at kaagad na kinabit ang seatbelt ko. Baka kasi kung ano namang gawin na kababalaghan sa'kin ng lalaking 'to kapag hindi ko inayos. Nang makapasok na siya ay kaagad niyang pinaandar ang sasakyan.
Hindi ito umiimik habang nasa biyahe kami kaya saglit akong napatitig sa mukha niya pababa sa adams apple niya pababa sa alam niyo na. Bigla kong naalala si Sukiro, ito na sana iyong pagkakataon na magagawa ko ang misyon pero palagi niya naman kasing sinisira kaya naiinis ako. Bigla namang huminto ang sasakyan sa isang coffee shop.
Nang makababa na kami ay pumasok na kami kaagad doon at kasabay niyon ay ang pag-order niya ngunit hindi ko naman alam kung ano ang mga iyon dahil poor kid ako at 'tsaka 3-in-1 lang o nescafe na stick lang iyong sa'min eh.
"What's your order?" tanong nito sa'kin.
"3-in1 lang na great taste white," walang gana kong sagot kaya biglang tumawa ng bahagya ang waitress.
"Wala po kaming 3-in-1 na greatest white rito, ma'am. Doon po sa kabilang kanto mayro'n. Sa karinderya ni Aleng Mameng," pagpapaliwanag pa sa'kin nito. Inikot ko naman ang mga mata ko sa inis.
"Iyong kagaya na lang sa in-order ng asawa ko," maarte kong sambit.
"H-Huh? A-Asawa niyo po 'to sir?" tanong nito kay Senyorito kaya mas lalo akong nainis.
"Bingi ka ba? 'diba sinabi ko ng asawa ko 'yan?" mas lalo ko pang tinarayan ang boses ko. Nakita ko naman ang pamilyar na ngiti sa mukha ng asawa ko na siyang nagbibigay sa'kin ng kakaibang beat sa puso ko. Parang napapakanata ulit tuloy ako.
Bubble but
Bubble, bubble, bubble but
What you gonna do with a big fat boat?
Wiggle wiggle
Ano ba 'yan, remix 'yan mare kaya huwag ka ng magtaka. Song writer din kasi ako. Kainis naman kasi 'tong waitress na 'to. Masyadong ma usisa, patikim ko kaya 'to ng flying kick ko.
"Yes, she's my wife," tipid na sagot nito sa waitress kaya tumalikod na ito habang may binubulong bulong. Sa inis ko'y kinuha ko ang lalagyan ng tissue at akmang ibabato na sa kanya ngunit pinigilan ako ni Senyorito. Alam niyo naman kasi. Bastos din ako minsan, dependi sa taong nakakasalamuha ko. Ang ngiti kanina nito ay biglang naglaho at biglang nagkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa'kin. Ay, may mood swings ang hayop na 'to. Oo, lahat kasi ng expression ko may hayop kasi animal lover ako at mahilig pumunta sa Zoo. Siyempre joke lang ulit. Ikaw mare ah, huwag ka namang magalit sa joke ko. I'm just trying to make you smile pero kung ayaw mo, edi huwag. Lumayas ka sa kuwento ko. Huwag kang makichismis sa ganap sa buhay ko. Joki joki ulit pero half totoo.
"Why are you with those guys? May asawa ka na at hindi magandang tignan sa'yo na maraming kasamang lalaki," pangaral sa'kin nito.
"E di 'wag mo akong tignan na kasama sila. Basic," maangas kong sagot sabay rock 'n roll sign. Angas ko 'no?
"I'm not playing around, Joy Jimenez," may pagbabanta sa boses nito. Napa-lip bite naman ako ng bigla nitong tinawag ang buong pangalan ko sa seryosong tinig. Napahawi ulit ako sa buhok ko sabay nguso na naman. Dalagang Pilipina kasi. "What are you trying to do?," tinaasan pa ako nito ng isang kilay. Taray 'yan?
"Dalagang Pilipina ang tawag d'yan. Palibhasa busy ka lagi sa business mo kaya hindi mo alam ang bago kong hobby," panunumbat ko sa kanya na tila'y asawang hindi binibigyan ng oras.
"Anyway, why did you tell them that you're pregnant?" nagtatakang tanong nito sa'kin.
"Wala akong sinabing gano'n, 'tsaka pwede ba, huwag na nating pag-usapan 'yon," sagot ko sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa. "Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Kung may natitira ka pang sermon sa'kin ilabas mo na agad. Nakakabagot kayang maghintay."
"From now on, you're going to update me kung sino ang kasama mo at kung nasaan ka," bakas ang pagiging bossy sa boses nito.
"Bakit, nanay ba kita?" pambabara ko sa kanya.
"Can you just listen to your husband? You silly woman," nagpipigil ng inis na sabi nito.
"Ikaw nga hindi mo ako sinasabihan kung sino'ng mga kabet mo 'tsaka hindi ka nag-papaalam sa'kin kung saan ka pupunta," pagrarason ko pa. Akala n'ya naman talaga, amfeeling ng lalaking 'to. Sarap bigwasan.
"Darn it, I don't have a mistress. How dare you judge me like that?" depensa nito sa sarili niya.
"Eh 'yong Cheska, huh? Diba lagi iyong naka dikit sa'yo? Tapos lagi ka pang nakangiti at nakatawa kapag s'ya ang kasama mo. Tapos kapag ako palagi kang galit," naiiyak kong pagpapaliwanag kaya nag-walk out ako sa inis. Hindi naman ako nito tinawag o sinundan man lang. Walang hiya siyang klaseng asawa, ang kapal kapal ng itlog niya! Matapos ng lahat lahat parang wala lang? Dumiretso ako sa banyo 'tsaka naghilamos dahil naiiyak talaga ko. P*sting yawa talaga!
Nag-ring naman bigla ang cellphone ko at may nag-send sa'kin ng message sa messenger galing kay Hende Vergen na account. Hay*p na 'to ah. Sino ba kasi 'to, 'tsaka nakalimutan kong i-off ang wifi kaya gano'n. Baka kasi kung anong isipin niyo, mga mare. In-open ko ang message at doon ko nakita ang picture ni Brixcen kasama si Cheska na nagyayakapan. Mayro'n din na litrato nilang naka-kiss si Cheska sa pisnge niya.
Sunod namang litrato ay 'yung kay Kaizer na kasama sa Vivian the vulcaseal na naka kandong dito. May litrato rin sila na naka-kiss si Vivian sa leeg ni Kaizer. Parang na high blood naman ako bigla dahil doon. Walang hiyang Hende Vergen na 'to. Bigla naman akong nag-reply sa kanya.
"Pak you ka! Pak you! Dep*ta mo!" sinend ko kaagad habang umiiyak. Hindi ko alam pero mas naiiyak ako sa kiss na ginawa ni Cheska at ng asawa ko. Napatingin naman ako sa mukha ko sa salamin. Mukha akong adik dahil namumula ang mata ko habang umiiyak pa rin. Kaagad kong tinawagan si Sukiro. Hindi nagtagal ay sumagot din ito.
"What do you want? The hell, you're disturbing me!" galit nitong sigaw na parang stress na stress. "Kai, stop that!" sigaw nito bigla kaya napaiyak ako ulit.
"WAAAH! KIRO, MAKINIG KA SA'KIN. PEST* KA!" Inis kong hiyaw sabay iyak.
"B-Baby babe?" biglang huminahon ang boses nito at bakas ang pag-aalala roon.
"Magkita tayo sa dati nating paaralan. Kailangan ko ang tulong mo," nagmamakaawa kong saad.
"Where are you?" tanong nito sa'kin kaya bigla kong sinabi na nasa tapat ako ng jolibee kahit nasa cafeteria pa ako. Baka kasi makita siya ulit ng asawa ko. Susubukan ko na lang tumakas at maglalakad na lang papuntang Jolibee dahil malapit lang naman dito.
"Okay, I'll be there," pinatay na nito ang tawag at ako nama'y parang sinasaksak pa rin ang puso. Sobrang sakit! Ayoko na, mga walang hiya sila. Mga manloloko at mga babaero! Waah! Ginulo ko pa ang buhok ko sa inis. Wala akong pakialam kung magmukha akong ginahasa ng sampung butiki. Lumabas na ako sa banyo 'tsaka pasimpleng lumabas ng cafeteria ngunit may biglang humawak sa pulsohan ko kaya natigilan ako at napalingon. Si Senyorito Kulangot pala. Nag-aalalang nakatingin sa'kin. 'kala mo naman talaga walang kabet.