"Bitiwan mo ako, manloloko ka," naiiyak kong saad sabay tapi sa kamay niya 'tsaka naglakad papalabas ng coffee shop pero sumunod pa rin ito.
"What happen to you?" nagtatakang tanong nito 'tsaka inayos ang buhok kong magulo kaya nainis ako. Tinampal ko ang kamay niya at ginulo ulit ang buhok ko.
"Huwag mo nga akong pakialaman. Buhok ko 'to kaya buhok ng kabet mo 'yong ayusin mo!" galit na galit kong sigaw. Naalala ko si Sukiro, baka nando'n na 'yun mamaya sa jolibee. Kailangan kong mag madali.
"Tell me, why you got mad all of the sudden? Why are you crying?" naguguluhang tanong nito. Tumalikod na lang ako ngunit bigla ako nitong niyakap kaya gumawa na naman ng remix na beat ang puso ko. Siniko ko naman siya sa dibdib sabay apak sa paa niya kaya napabitaw s'ya at napadaing sa sakit. Tumakbo naman ako bigla habang umiiyak na parang bata na cute.
"Wife!" tawag nito sa'kin habang tumatakbo rin. Hinahabol ako ng tukmol. "Love!" tawag nito sa'kin. Akala n'ya mahuhuli n'ya ako. Asa pa s'ya!
"Break na tayo! Hindi na kita asawa!" sigaw ko habang tumatakbo. May dalawang lalaki namang nagbubuhat ng malaking box habang naglalakad sa daan at nabangga ko sila kaya nagkalat ang mga mangga sa kalsada.
"Wife! Please!" pagmamakaawa nito. Hindi nga s'ya naawa ng nangabet siya eh, tapos ako maaawa sa kanya? Ang sakit sakit kaya!
Bigla naman akong lumiko papunta sa jolibee at kaagad na nakita ko si Sukiro na hawak ang cellphone niya habang naka sandal sa sasakyan niya.
"Kiro! Pumasok ka na sa loob ng sasakyan! Bilis!" dahil sanay na kami dati sa trouble ay alam niya na ang sitwasyon ko. Sumakay din ako kaagad.
"Wife!" nakita ko ang nag-aalalang mukha nito ngunit hindi ko na pinansin pa. Nagkatinginan pa kami ni Kiro pero kaagad niya namang pinaharurot ang sasakyan.
"Bilisan mo, Kiro! Baka habulin n'ya tayo!" umiiyak kong utos.
"Yeah, I will. Please don't cry," binigyan naman ako nito ng facial tissue at kaagad akong umiyak ng malakas.
"Kiro! Bakit kayong mga lalaki ang hilig niyo sa mga babaeng sexy? 'tsaka kahit may asawa na kayo nagpapahalik pa rin kayo? Bakit?" parang sira ulong tanong ko.
"Siyempre, sino bang lalaking ayaw sa babaeng sexy? Pero siyempre kung may mahal na 'yung tao, hindi na nila papatulan 'yan," pag sagot nito sa'kin kahit nag-aalinlangan. Parang hindi pa nga ito sigurado sa sagot n'ya.
"So, hindi ako mahal ni Brixcen. S-Si Cheska ang mahal niya," nanghihina kong saad. Iniling ko naman ang ulo ko, "hindi, ilusyon lang 'to. Baka parte ito ng pambabarang sa'kin."
"Barang?" tanong nito sa'kin at kita ko ang napukaw na interes sa mukha nito. Mahilig kasi ito sa mga kababalaghan simula pa lang ng nasa High School pa lang kami. Laging kuwento nang kuwento sa'kin 'to tungkol sa mga kulam, multo, barang at iba pa.
Tumunog naman ang cellphone ko at nakita kong si Brixcen manloloko ang tumatawag. Kaagad ko namang in-off ang cellphone ko sa inis.
"You're pregnant, pero bakit nagtatakbo? Makakasama 'yan sa bata," pangaral sa'kin nito. Kaagad ko naman siyang binatukan.
"Hindi ako buntis, Kiro," mataray kong sagot kahit na mangiyak ngiyak na ako, "ikaw kasi, bilis mo mag-judge. Sira ulo ka talaga, 'tsaka paano mo nasabing buntis ako?"
"What? So mali iyong hula ko," umiling-iling pa ito, "kung sa bagay, bakit kasi gano'n 'yong naisip ko ng mga oras na 'yun? Dahil siguro medyo tumataba ka na," seryoso nitong saad kaya napatingin ako sa sarili ko at umiyak ng malakas dahil siguro dito kaya nambabae na ang asawa ko. Natigilan naman ako sa pag-iyak dahil bigla itong tumawa.
"Hoy, anong nakakatawa?" naiinis kong tanong. Mas lalo pa itong tumawa at may pa hampas pa sa manebela. "Sige, tumawa ka pa, hahahah. Lakasan mo pa at sasakalin na kita," pagbabanta ko pa. Tumigil naman ito at tumikhim na lang.
"Sorry, I just can't help it but to laugh. You look like a damsel in distress tuwing broken hearted ka," bumuntonghininga muna ito at nagsalita ulit, "ganyan ka rin dati nang nakita mo si Kai na kasama si Vivian. So it means that you're in love with your husband. Pero paano na si Kai? I thought that you love him," nag-iba na 'yong ekspresyon ng mukha n'ya.
"Anong in love? Nagpapatawa ka ba?"parang may bumara pa sa lalamunan ko dahil biglang sumagi sa isip ko ang larawan ni Brixcen kasama 'yong Cheska. Biglang namang huminto ang sasakyan sa likod ng campus namin dati. Nandito na pala kami. Ang daming mga magagada at masasamang alaala dito. May secret passage kasi kami dati rito sa pader sa may likod. Maliit lamang na pinto na pinagawa nina Kaizer, honey ko, at kami lang ang nakakaalam nito. Mukha lang s'yang semento pero ito'y gawa sa metal. Simula kasi ng nahirapan kaming umakyat sa pader noong hinabol kami ni Duling, iyong guard dati rito ay napagdesisyunan na nilang ipagawa ito.
Huwag na kayong magtanong kung paano at kung magkano ang nagastos, hindi naman kayo ang magbabayad. Charot! Nang makapasok na kami ay kaagad kaming dumiretso sa dati naming tambayan na study shed. Iyong hindi pinupuntahan ng mga studyante kasi natatakot sila. Basta, nakuwento ko na iyon, kung hindi mo maalala, mag memory plus gold ka! So tahimik lang din kaming dalawa ni Kiro habang nakaupo at pinagmamasdan ang mga estudyante sa field sa ilalim. May mga nagkukulitan, naglalandian at nagchichismisan.
"Kiro," napalunok pa ako dahil parang kinukurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang ginawa ng asawa ko at ng kabet n'ya na kambing, "matagal na akong nagtitiis dahil sa pambabarang sa'kin. Ayoko ng maramdaman 'to," pagtatapat ko pa sa kanya.
"What do you mean? Masama ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? May nagpaparamdam na masamang elemento?" sunod-sunod nitong tanong sa'kin.
"Basta, t-tulungan mo akong makakita ng magaling na manghuhula o 'di kaya'y esperitisa bago pa ako tuluyang m-mabaliw dahil dito, Kiro," nauutal kong saad dahil parang may bumabara sa lalamunan ko at ang bigat ng dibdib ko. Tanging yakap na lang ang naibigay sa'kin ni Kiro at kasabay niyon ay ang pagbuhos ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Oo na, hindi na ako kasing sexy kagaya ng ibang mga babae. W-Wala akong lakas ng loob ilabas ang cleavage ko pero marunong naman akong mag-sexy dance ah. Marunong naman akong mag twerk! Pero bakit mas pinili n'ya pa rin ang Cheska na 'yon? Mahilig ba s'ya sa kambing?" saad ko upang ilabas ang sakit na nararamdaman ko.
"Shh," pagpapatahan pa sa'kin ni Sukiro, "kahit bigyan pa ako ng babaeng may malaking cocomelon, ikaw pa rin ang pipiliin ko kaya huwag ka ng umiyak d'yan. Hindi ako sanay na ganyan ka."
"Kiro, anong gagawin ko? Nasasaktan ako eh," nawawalan na ng pag-asang saad ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Everythings gonna be fine. I won't leave you, sasamahan kita sa kay Madam Kagubkub. She's a fortune teller at espiritista rin at the same time," inayos pa nito ang buhok ko.
"Uhm, kamusta na si Kaizer? Nagselos ba s'ya?" nag-aalala kong tanong. Kahit na naiinis na ako dahil sa litrato nila ni Vivian na sinend sa'kin. Mahal ko pa rin kasi siya, with the heart, mind, and soul. Pansin ko naman ang pagtahimik ni Kiro dahil sa tanong ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata nito na tila'y may naalala. Nagmamadali naman nitong kinuha ang cellphone n'ya sa kanyang bulsa at may tinawagan.
"Dale, where's Kai? Is he alright?" nag-aalalang tanong nito sa kabilang linya, "it's good to hear that he's asleep. Bantayan niyong maigi 'yan. When he wake up, tell him that Baby Babe isn't pregnant," pinatay na nito ang tawag 'tsaka ngumiti sa'kin. "Yeah, Kai got jealous," inayos niya ulit 'yong buhok ko.
"Alam mo ba, matagal kitang hinintay dahil wala akong mapagsabihan nito," may pumatak na namang luha sa pisnge ko, "i-iyong pamilya ko kasi, pakiramdam ko hindi na nila ako mahal. Tinakwil na nga nila ako eh," pinunasan ko muna ang mga luha kong nagsisilaglagan mula sa mga mata ko. "Sobrang sama na ba talaga ng ugali ko, Kiro? Oo, alam ko namang matigas ang ulo ko pero ni tawag man lang o dalaw eh hindi magawa nina inay?" nasasaktan kong sumbong sa kaibigan kong pinagkakatiwalaan sa lahat.
"No, maybe they have their reasons kung bakit nila iyon nagawa,"pagpapaliwanag nito. Nagpatuloy lang ako sa pagkuwento kay Kiro tungkol sa lahat na nangyari simula't sapul sa buhay ko. Kung paano kami nakakilala ni Senyorito at kung paano humantong ang lahat sa kasalan. Hindi pa ito makapaniwala sa una at parang pinipigilan din nitong matawa.
"Iyan ka na naman eh, pagtatawanan mo na naman ako," umiiyak kong saad sabay batok sa kanya.
"File an annulment paper. I think that guy is just trying to have revenge for what you've done to him. H-He will just hurt you. Trust me," pangungumbinsi sa'kin nito, "about financial problem, leave it to us then leave that guy alone." Natahimik ako bigla dahil naalala kong mag-isa na lang pala si senyorito kulangot. 'tsaka si Brenda, nangako ako na hindi ko iiwan at pababayaan ang sira ulo n'yang kapatid. Naiisip ko pa lang na iwan s'ya, kumikirot na ang puso ko. P*ste talaga oh!
"Hindi puwede, Kiro," pagpoprotesta ko pa sa kanya.
"I feel sorry for Kai," bumuntong hininga pa ito 'tsaka tumayo na mula sa inuupuan naming mesa. Oo, mare, mesa ang inuupuan namin sa shed. Hindi ba uso sa inyo? Try niyo rin minsan.
"Bakit? Anong meron kay Kaizer? Anong feel sorry mo d'yan. English pakening ka talaga kahit kailan," tumayo na rin ako mula sa mesa at sa inis ko'y sinipa ko si Sukiro sa tiyan at inuntog sa semento kaya nawalan s'ya ng malay. Balak ko kasi talaga siyang patayin eh. Ako ang killer sa kuwento at papatayin ko s'ya. End of the story na. Charot!
"Maghanda ka na. Pupuntahan natin ngayon din si Madam Kagubgub," saad nito at hindi na sinagot pa ang tanong ko sa kanya. Ang bilis lang ng pangyayari at nandito na kami ngayon sa kotse habang tahimik lang na nagmamaneho si Kiro. Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan habang nagmumuni muni. Bigla namang umuga uga ang sasakyan kaya napahawak ako bigla sa sasakyan dahil parang mauuntog ako. Napansin ko namang maraming malalaking bato sa daanan kaya pala ganoon.
Pagkalipas ng ilang oras ay lumiko liko naman ang sasakyan dahil zigzag ang daan. Ilang beses rin akong nauntog dahil sa bako bako at palikolikong daan. Hindi nagtagal ay dumaan kami sa maliit na daan at may bangin sa gilid kaya doon na ako kinabahan.
"Kiro, sigurado ka bang aabot tayo ng buhay sa bahay ni Madam Kagubkub na 'yan?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Baka kasi ito na iyong katapusan ng buhay ko kapag tumuloy tuloy pa kami.
"Don't worry. We will arrive safely," he comforted me. Parang gumaan naman ang pakiramdam ko dahil doon. Ilang minuto rin ang lumipas at tumigil ang sasakyan. Ngumiti naman ako sa tuwa dahil doon.
"Nandito na ba tayo?" tanong ko kay Jose Rizal. Syempre kay Kiro 'no, kasama ko ba si Jose Riza dito? My gosh!
"Nope, we need to walk dahil hindi na makakapasok ang sasakyan sa loob," pagpapaliwanag nito sa'kin. Natigilan naman ako bigla ng may isa pang sasakyan ang huminto sa likod ng sasakyan namin. Bigla namang bumukas ang sasakyan at bumaba roon si ---. Oh! My! Kulangot! Ang asawa kong manloloko. Andito s'ya, anong ginagawa n'ya dito?
"Love!" tawag nito sa'kin at lumapit sa kinaroroonan namin na may mabibigat na hakbang. Parang nababaliw ito dahil sa ekspresyon ng pagmumukha niya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla niya akong hinila at kaagad na sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Hoy! Bitiwan mo ako!" nagpupumiglas kong saad pero parang natutunaw ang puso ko sa tuwa at kirot. Nagsimula na namang manubig ang mata ko dahil nahu-hurt ako dahil sa panloloko n'ya sa'kin.
"Darn it! Don't do that again, Love," pagmamakaawa nito sa'kin. Tinulak ko naman s'ya dahil sa inis kaya napabitaw siya.
"Ang kapal kapal din ng itlog mo 'no? Matapos ng halikan niyo ni Cheska, magpapakita ka rito?!"
"What the hell are you talking about?" naguguluhan niyang tanong habang nakakunot ang nuo. Kinuha ko naman ang cellphone ko at pinakita sa kanya ang litrato nila ni Cheska na sinend sa'kin ni Hende Vergen. Sino ba kasing yawa na 'to. Bakit s'ya may ganito? Saglit naman itong napalunok at kasabay n'yon ay ang pagsilay ng ngiti niya sa kanyang labi. Alangan namang itlog niya ang ngumiti 'di ba?
"Anong nginingiti ngiti mo d'yan?" naiinis kong ani.
"That's a long story, Love. Let's go home and I'll tell you what that image exactly means," hinawakan nito ang kamay ko subalit binawi ko ito sa kanya.
"Hindi ako uuwi. May pupuntahan kami ni Kiro," napansin ko naman si kiro na tahimik lang at tila'y malalim ang iniisip. Ano kayang iniisip ng mokong na 'to? Nang makita ni Senyorito si Kiro ay biglang nag iba ang ekspresiyon ng mukha nito. Parang mukha ito ni Cardo Dalisay na galit sa mga drug pushers.
"So you run away with this guy," malamig nitong saad. Ho! Kuya Wil! Jacket please!
"We need to go now. Baka hindi natin maabutan si Madam Kagubkub. It's already 3:30. Alas 5:00 ng hapon ay nagsasara na s'ya," bigla naman akong naalarma dahil sa sinabi ni Kiro.
"Tara na, Kiro," nagmamadali kong saad.
"We need to go home, wife," bakas ang awtoridad sa tinig nito.
"Hindi pa ako uuwi. May gagawin pa ako," pagdadahilan ko pa.
"What the hell are you going to do?" nagpipigil ng inis na tugon nito.
"Puwede ba? Manahimik ka na lang?" mataray kong reklamo.
"Let's go," wala man lang akong nabakas na ekspresyon sa tinig ni Kiro. Nauna itong maglakad kaya sumunod na ako sa kanya. Dadaan kami ngayon sa makipot na daan at may mga katubuhan sa gilid nito kaya medyo nakakatakot.
Tanging mga yabag lamang ng mga paa namin ang aking naririnig at ang pagaspas ng mga dahon dahil sa hangin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng may biglang humawak sa mga kamay ko. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko dahil nakita ko si Senyorito na nakatitig sa'kin gamit ang seryoso niyang pagmumukha. Bakit kaya parang nawawala iyong inis ko sa kanya? Napakagat na lang ako sa labi ko. Hinawi ko namang ang iilang hibla ng buhok ko at inipit sa tenga ko sabay nguso na tila'y dalagang Pilipina. Mwehehehe. Sige na nga, ngayon lang 'to mga mare kaya hahayaan ko na muna siya.
Nang makalampas na kami sa tubuhan ay may isang malaking gate na gawa sa kawayan. Napakalawak rin nito. Nakasarado ang gate kaya hindi kami makapasok sa loob.
"May tao ba rito?! Tao po?!" pasigaw kong tawag.
"Basahin ang nakasulat sa itaas," sagot sa'kin gamit ang boses ng isang babae na matinis.
"Mag twerk ng limang beses para makapasok sa loob," basa pa ni Sukiro sa nakasulat.
"Wow! Iyan lang pala eh," napapalakpak pa ako sabay ngisi. Nagsimula na akong mag twerk sa harap ng gate.
"Wife! Stop it!" may pagbabantang tinig nito ngunit hindi n'ya ako napigilan dahil nagawa ko na.
"Oh, papasukin mo na ako," demanding kong utos habang nakangisi na parang hindi niloko ng asawa n'ya.
"Hindi pa nag t-twerk ang mga kasama mo," parang robot nitong saad.
"Mag twerk na nga kayo," utos ko pa at nakita ko namang ang pagkainis sa mukha ng asawa ko. "Kiro, dali na. Mag twerk ka na kasi," kahit na wala sa mood itong si Kiro ay nagsimula na siyang mag twerk kaya napangiti ako sabay palakpak. Sabay naman kaming napatingin kay Senyorito kulangot dahil s'ya na lang ang hindi pa nag-twerk.
"What are you looking at?" suplado nitong saad.
"Mag t-twerk ka ba o uuwi ka ngayong mag-isa? Nandiyan pa naman si Sadako sa daan mamaya," pananakot ko sa kanya habang pinipigilan ang pagtawa. Nakita ko namang napalunok ito dahil sa pagtaas baba ng adams apple n'ya.
"No, I won't," pagmamatigas nito.
"Papasukin mo na kami!" sigaw ko mula sa labas, "nag-twerk na kaming lahat! Ano pa bang gusto mo?"
"Hindi pa nag-twerk ang isa mong kasama," sabi ng babae na parang robot kung magsalita pero matinis iyong boses.
"Ano ba? Mag-twerk ka na kasi," naiiyak kong saad dahil kapag hindi niya iyon ginawa ay baka hindi kami umabot kay Madam Kagubkub. Unti unti na kasing dumidilim.
"I can't," pagrarason nito kaya lumapit ako sa kanya para magpaliwanag.
"Sige na, kahit anong hilingin mo gagawin ko," pagmamakaawa ko pa rito. Bigla namang pumorma ang ngiti sa labi nito.
"I have four wishes left, remember?" bigla namang nagflashback sa isip ko ang pagpunta namin sa world of fun noon. Nagkasundo kami na kung sino ang mananalo sa basketball ay may limang wishes na pwedeng hilingin sa matatalo. His first wish ay iyong tawagin ko s'yang Love pero hindi ko nagawa. Napatakip naman ako sa bibig ko ng ma realize ko ang bagay na iyon.
"N-Naalala mo pa pala, hahaha," tinampal ko pa s'ya sa braso ng kaunti.
"Yeah, and you don't fulfill one of those. Kapag nag-twerk ako, madadagdagan ulit ng isa. So it means I'll have five wishes, right?" tumango tango naman ako sa kanya.
Napalingon naman ako nang magsalita si Kiro, "I need to go now. It's urgent, I'll explain later," pagpapaalam sa'kin nito sabay alis at bakas ang kaba sa mukha nito habang nagtitipa sa cellphone n'ya.
"Kiro!" hindi na ito lumingon pa at nagtatakbo na ito paalis. Nag-alala ako bigla dahil ang huling beses na nakita ko siyang nagkaganyan ay nang sinugod ulit sa hospital si Tita Leni. Ano kayang nangyari doon? Paano na ako nito ngayon?
"Love, please. Mag-twerk ka na," bigla naman itong ngumuso sabay twerk sa harap ko. Hindi ko napigilang matawa dahil doon. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang gate kaya kaagad kaming pumasok. Nang makapasok kami sa loob ay wala namang tao roon. Tanging pathway lamang na maliit at may matatas na kawayan sa gilid kaya wala kaming makita at masikip din iyong daan.
Nagsimula na kaming pumasok habang nakahawak ako sa braso ni Senyorito Kulangot. Medyo kinakabahan ako sa lugar na ito. Hindi ko inakalang ganito pala iyong daan para makapunta lang sa Madam Kagubkub na iyon. Habang naglalakad kami ay napatigil kami dahil walang daanan sa dulo at sarado ito. Baka ma-trap na kami dito tapos survival pala ito.
"Love, ano nang gagawin natin?" nagpapanic kong tanong.
"Sumayaw ng budots ng sabay," basa nito sa malaking karatula. Napatingin naman ito sa'kin kaya napangiti na lang ako. "What the f*ck is this place? They are making fun of us. Let's go home, wife," pag-aaya nito sa'kin ngunit pinigilan ko s'ya.
"Love, dali na. Please, magmadali na tayo. Baka hindi tayo umabot nito," niyugyog ko pa ang braso nito para lang mapapayag s'ya.
"I don't know what is a budots dance, wife," nag-aalinlangan nitong sambit.
"Ganito lang iyon, Love. Tuts, tuts, tuts, tutututs, tuts, tuts," kanta ko pa habang sumasayaw. Yow men! Member kaya ng six bomb 'to!
"You look crazy," natatawa nitong ani.
"Tara na kasi," pagpupumilit ko pa at nagsimula ng magbudots at kumanta, "tuts, tuts, tuts," ginaya na lang ako nito kahit na halatang napipilitan lamang s'ya. Tawang tawa pa ako hanggang sa bumukas na ang pinto doon. Pumasok kami sa loob at bumungad sa amin ang malawak na bakuran na maraming mga bulaklak. Tinahak namin ang daang iyon patungo sa isang maliit na bahay sa gita ng hardin.
Nang makarating kami sa tapat ng pintuan nang bahay ay kaagad itong bumukas. Pumasok naman kami sa loob at mayroong maliit na mesa na mayroong bolang crystal at mga tarot card kung hindi ako nagkakamali.
"Anong kailangan niyo?" napatalon naman ako sa gulat nang makita ko ang babaeng nag pupush up sa itaas ng hindi kataasang cabinet. Mga hanggang bewang ko lang iyon.
"Magandang hapon po. Kayo po ba si Madam Kagubkub?" pagtatanong ko sa kanya at tuloy pa rin ito sa pag push up sa itaas ng cabinet. Mukhang sira ulo rin yata ang isang 'to.
"Hindi ako sira ulo," napasinghap naman ako sa gulat dahil mukhang nabasa yata nito ang iniisip ko. Bumababa na ito sa cabinet sabay stetching. "Kanina ko pa kayo hinihintay," tipid nitong saad.
"Gusto ng umalis niyang asawa mo dito, ineng," saad nito sabay tingin kay senyorito. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito.
"Y-You read my mind," napalunok pa ito kaya napahalakhak naman si Madam Kagubkub.
"Ano pa ang silbi ng pagiging manghuhula ko kung hindi ko nababasa ang laman ng isip mo?" ngumisi pa ito at lumapit kay Senyorito. "Huwag kang mag-alala, nagselos lang iyong asawa mo 'tsaka kaibigan niya lang si Sukiro," mas lalo pang lumakas ang tawa ni Madam Kagubkub dahil biglang namula ang mukha ni Senyorito dahil sa sinabi niya.
A/N: Kaunting kalokohan na lang mga mare, magtatapos na ang kuwento. Sa mga nag-aabang pa, enjoy reading lang. Paparating na tayo sa c****x, lolxd. Abangan ang heartbreaking part sa buhay ng sira ulo nating bida hahah.