Nagising ako dahil parang may mabigat na bagay na nakadagan sa 'kin. Pagmulat ko ng mga ilong ko ay -- jokezz! Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko ang mahaba, malaki, matigas at maugat na --- braso ni Senyorito Kulangot sa bewang ko. Ikaw mare ah, ano ba iyang iniisip mo? Asheshehe! Para itong ahas na nakadagan at pumupulupot sa 'kin. Napatingin naman ako sa mukha nito, napa-igtad naman ako ng kaunti sa gulat. Kinurap kurap ko pa ang aking mga mata dahil baka namamalik-mata lamang ako.
Ramdam ko ng malakas na pagtibok ng puso ko. Parang nagwawala ito sa loob. Nagtataka ako sa sarili ko dahil mas lalo pa siyang gumuwapo talaga sa paningin ko. Ang makakapal na kilay nito na kasing kapal ng pubic hair ko. Ang ilong nito na matangos, ang bibig niya na malambot at ang ----HINDI MAARI!! Napalunok naman ako ng tatlong beses.
Sobra talaga akong kinakabahan ngayon. Dali dali ko namang kinuha ang braso nito sa katawan ko. Nang matanggal ko na ito ay agad akong bumangon sa kama. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Hindi na normal ang pagpintig nito. Mas lalo namang uminit ang mukha ko ng maalala ko ang nangyari kagabi. Naalala ko kung paano ako umungol na tila'y isang babaeng nahihibang. Ang paglakbay ng mga kamay nito at dila sa ---.
"AAAAAAHHHHHH!! HINDI PUWEDE!! HINDI!!" Pagpapanic ko pa saba'y kagat sa kuko ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan para mawala 'to! A-Ano ba ang gagawin ko?
"Anong hindi puwede?" Napaatras naman ako sa gulat dahil nakaupo na ngayon si Senyorito Kulangot sa kama na hubo't hubad. Napatakip naman ako sa bibig ko at kaagad na napatingin kay boots. Oh! My! Gosh! Ang alaala namin kagabi, hindi ko maalis sa isipan ko. Ramdam ko ang paggalaw ni boots kasama ang paglakbay ni Dora patungo sa kabundukan.
"Hey, what's wrong with you?" Tanong nito sa 'kin at pansin kong hindi ito sa mukha ko nakatingin kundi sa katawan ako. Kaagad naman akong napatingin din sa katawan ko at tsaka ko lang napagtantong nakahubad din pala ako.
"AAAAAHHHHHHHH!!!!" Sigaw ko na siyang nag echo sa loob ng silid. Dali dali ko namang hinila ang kumot at itinakip sa katawan ko habang nanlalaki ang mga mata.
"Stop shouting, the hell is wrong with you?" Supladong saad nito at pumasok na sa banyo. Nang tuluyan na itong makaalis ay napaupo ako sa sahig sa sobrang kaba at pagkalito. Dali dali naman akong naghanap ng damit sa cabinet niya. Isang malaking shirt ang kinuha ko at 'tsaka tumakbo patungo sa kuwarto ko. Malakas kong isinira ang pinto sabay sandal doon.
Napahawak na naman ako sa puso ko. Ganoon pa rin ito hanggang ngayon, hindi ito nagbago. B-Baka natuyawan na ako ng mga espirito. Kailangan ko ng espiritista at kailangan kong makausap sina lolo at lola. Tanging sila lang ang makakatulong sa 'kin upang sugpuin ang kasamaan ng demonyong unti unting kumakain sa --- "WAAAAAHHHH!! KINAIN NIYA AKO KAGABI!! AHHHHHH!!" Iniling iling ko pa ang ulo ko sabay higa sa sahig at nagpagulong gulong.
"I'm gonna eat you, brat."
"I'm gonna eat you, brat."
Parang sirang plaka na nagrerewind sa isip ko ang sinabi nito sa 'kin kagabi. Nakakahiya! Ahhhh!! Ang dangal, puri at dignidad ko ay wala na! Pist*! Paano na ako ngayon haharap sa kanya?! Paano na? Nagayuma nga ba talaga ako? Oh My gosh! Kailangan kong maging matatag. Kailangan, kaya maliligo na ako para mawala ang mga malas!
Hindi ko namalayang nakatapos na akong maligo dahil sa dami ng mga kaisipang gumugulo sa isip ko. Pakiramdam ko'y para akong zombie na naglalakad palabas ng banyo habang balot ang kalahating katawan ko ng tuwalya. Tinungo ko naman ang cabinet upang maghanap ng susuotin. Masyadong inuukupa ni Senyorito ang isip ko. Binarang niya ba ako?
"Hey, today's your first day of school. Remember?"
"Ay Barang!" Hiyaw ko sa gulat at napasandal sa cabinet. Nanlaki na naman ang mga mata ko dahil parang isa siyang prinsipe na nakasakay sa kabayo na may dalang espada upang iligtas at sunduin ang prinsesa mula sa masasamang loob. Naglakad naman ito papalapit sa 'kin. Lapit, lapit, lapit --- saglit siyang tumitig sa 'kin na siyang mas lalong nagpatibok ng puso ko. Pakiramdam ko'y lalabas na ito sa katawan ko.
"AW!" Reklamo ko ng pinitik nito ang ilong ko. Natauhan naman ako at mas lalong dumikit sa cabinet.
"What are you thinking right now? I can't read your thoughts." Saad nito at napatingin sa katawan ko sabay lunok ng laway. Napayakap naman ako sa katawan ko dahil doon.
"H-Hoy! Huwag ka ngang manyakis diyan!" Inis kong sigaw sa kanya kaya nagkasalubong ang kilay nito.
"Masama bang tingnan ang katawan ng ASAWA KO?" Inemphasize pa nito ang salitang 'ASAWA KO'. Uminit naman ang pisne ko dahil sa sinabi nito.
"T-Tumahimik ka! Umalis k-ka dito!" Pagtataboy ko sa kanya sabay tulak. Bigla namang pumurma ang ngisi sa labi nito.
"AAAAHHHHH!!!" Hiyaw ko ng bigla nitong hinila ang tuwalya mula sa katawan ko. Kaagad naman akong napatakip sa dibdib ko at sa bread of life ko. "MANYAK KA! MANYAK!" Sigaw ko sa kanya. Napuno naman ng halakhak niya ang buong silid. Parang tumigil naman ang pag ikot ng mundo ko dahil sa tawa nito. Saglit akong napatingin sa kanya at parang nag slow motion ang lahat. Ang mga tawa niya ay sadyang nakakaakit, para itong mga musika na kay gandang pakinggan.
"Magbihis ka na, baka ma late ka." Nakangiting saad nito kaya lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Umalis na ito ngunit kumindat pa ito bago tuluyan akong iniwan. Nakagat ko naman ang labi ko para pigilan ang mga ngiti ko.
_____
Nang makarating na ako sa baba ay 'tsaka ko nakita si Senyorito na naghihintay sa baba sa gilid ng hagdan habang nakatingin sa wrist watch nito. Naka black pants ito at naka pollo shirt. Nakaayos din ang buhok nito at malinis tignan. May dala naman itong shoulder bag na hindi kalakihan. Kulay brown iyon at hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang cute niyang tignan na suot iyon.
Nang makita niya akong bumababa ay napatingin ito sa 'kin sabay ngiti. Nanlaki naman ang mga mata ko at napalunok pa ako ng isang basong laway ko. Medyo nahihirapan din akong huminga ng kaunti dahil sa malakas na pagkabog ng puso ko. Bakit ganito? Bakit?
"Good morning, Love." Saad nito sabay lapit sa 'kin. Napatitig naman ako sa mukha nito. Bakit sobrang guwapo niya? Bakit gusto ko siyang eh lips to lips 24/7? Anong nangyayari sa 'kin?
"Here's your bag." Pinasuot naman sa 'kin nito ang bag ko. "It looks good in you."
Hindi ko pa rin naalis ang tingin ko sa kanya. Parang ayoko na siyang mawala sa paningin ko.
"Why you keep on staring at me? Do you find me attractive now?" He asked playfully.
"Oo – este—Hindi! Hindi!" Umiling iling pa ako. Napasinghap naman ako sa gulat nang bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinila na ako palabas ng bahay. Pinagbuksan din ako nito ng sasakyan. Nang makapasok na din siya ay kaagad itong napatingin sa 'kin.
"You look nervous. Just relax, okay?" Kaagad naman itong lumapit sa 'kin at inayos ang seatbelt ko. Halos hindi ako makahinga dahil doon. Nagtaka naman ako ng ilang Segundo na ang lumipas eh hindi pa rin ito umaalis sa harap ko. Napatitig naman ako sa mukha nito at sa labi ko siya nakatingin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla ako nitong hinalikan. A slow and passionate kiss. Ni hindi ko magawang pumikit sa sobrang kaba. Parang sasabog ang puso ko.
"Your lips is soft, it taste like grapes." Saad nito na parang wala lang at nagsimula ng magmaneho. Hindi ako makapaniwalang nalasahan niya pa ang grapes na candy na kinain ko kanina sa itaas para kumalma ako. Gusto ko ng maiyak! Hindi ako ito! Bakit?! Bakit?!
Buong biyahe ay nag isip lamang ako ng solusyon sa problema ko. Para na akong nahihibang dahil sa kanya. Anong ginawa niya sa 'kin? Kailangan kong makausap si Sukiro. Si Sukiro lang ang palaging naniniwala at tumutulong sa 'kin pagdating sa mga bagay na 'to. Pero paano? Hindi ko na alam kung saan na siya ngayon. Matapos kasi ng graduation sa high school ay nagpaalam itong umalis para mangibang bansa pero babalik din daw siya. Pero hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya pagkatapos.
"Were here." Natauhan naman ako ng nagsalita ito. Bumaba na ito at 'tsaka pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan din ako nito pababa at kasabay niyon ay ang pagkarinig ko ng malakas na tilian ng mga babae. Mayroon ding mga bulong bulongan. Napansin ko naman iyong mga titig ng mga babae. Napatingin din ako doon. Napatakip naman ako sa bibig ko ng makita ko ang bumubukol na si boots ang tinitignan nila. Bigla naman akong nainis dahil doon.
"Hoy! Umalis ka na, kaya ko na 'to." Inis kong saad para ipagtabuyan siya. Naiinis ako! Bakit kasi nagsuot pa ito ng patalong medyo fit sa taas, iyan tuloy! Pati si Boots pinagpapantasyahan ng mga kababaihan!
"Nope, Ihahatid muna kita sa first class mo. Dadaan pa tayo sa office. I need to talk to Mr. Putok."
"Kaya ko na! Umalis ka na kasi dito." Pagpupumilit ko sabay tulak sa kanya papunta sa sasakyan.
"Why? Ayaw mo bang ihatid ka ng ASAWA MO?" Nakangiting saad nito sabay kindat sa 'kin. Bigla naman akong napaatras dahil sa gulat. Lumakas naman ang tilian ng mga estudyanteng babae dahil doon. Ano ba ang gagawin ko?
"Uhmm..S-Sige, papayag ako sa isang kondisyon." Bigla namang mas lumawak ang ngiti nito dahil sa sinabi ko.
"What is it?" Bigla naman akong lumapit at tumingkayad ng kaunti para maabot ko ang buhok niya. Ginulo ko ito ng sobra para pumangit siya.
"What the heck! Stop it." Supladong saway niya sa 'kin.
"Huwag ka na lang kasing magreklamo." Mataray na saad ko. Medyo nagulo na ang buhok niya. Para na siya ngayong ginahasa ng sampung butiki pero bakit may mali parin eh. Ang mukha niya! Nag-isip naman ako ng gagawin ko. Dali dali kong binuksan ang bag at nakakita ako doon ng isang lipstick na kulay pula. Hinila ko muna siya at binuksan ang sasakyan 'tsaka tinulak papasok. Pumasok na din naman kaagad ako.
"Hey, what are you doing to me, brat?" Nagtatakang tanong nito. Dali dali naman akong lumapit sa kanya at linagyan ng red dots ang mukha niya para magmukhang tagiyawat.
"Iyan! Ayos na iyan, tsaka---'lumingon ako sa likod ng sasakyan, at iyon nakita ko ang jacket.' Ito iyong jacket, eh tali mo 'to sa bewang mo para takpan si boots.
"What the hell, Brat! Why are you doing this to me?" Iritang saad nito matapos magsalamin sa rear mirror. "What's wrong with you? You're making me look like a damn clown, and who the hell is boots?" Naiinis na tanong nito sa 'kin. Napasimangot naman ako dahil ayaw nitong sumunod sa 'kin.
"Umuwi ka na lang kasi, kaya ko naman na ang sarili ko eh." Pagpupumilit ko sa kanya.
"No, As what I've said, I need to talk with Mr. Putok. You can't do anything about it." Kumuha naman ito ng wipe at nilinis ang mukha niya pero hindi na nito inayos ang buhok. Lumabas na ito sa kotse kaya napilitan na lang din akong lumabas. Nakabusangot lang ako habang nakabuntot sa likod niya. Nakakainis! Bakit ako nag kakaganito?
Nakatitig lang ako sa likod ni Senyorito habang naglalakad sa hallway. Pansin ko din ang pagtitig ng mga estudyante sa kanya at hindi ko mapigilang uminit ang ulo ko.
"WAAAAHHH! Sis, ang guwapo nun oh!"
"Oo nga, single kaya si kuya?"
"Gaga, ako ang unang nakakita kaya akin 'yan. 'tsaka wala akong pakialam kung single o hindi no!"
"Hoy! Huwag ka ngang feeling diyan! Mas bagay kami niyan."
Napatingin naman ako sa dalawang babaeng ang kakapal ng make up dahil dinig na dinig ko ang usapan nila. Mga echoserang bacteria na 'to! Sarap sprayhan ng alcohol! Bumuntong hininga na lang ako dahil ang ganda ko ngayon samantalang ang araw ko ay hindi. Nanlaki naman ang mga mata ko ng mawala si Senyorito sa harap ko. Naagaw na kasi ang pansin ko ng mga bacteria na 'to.
Hindi ko din alam kung nasaan ang opisina dahil may eh bibigay pa pala akong additional info sa previous school ko at nandito iyon sa bag. Huwag mo ng alamin kung ano 'to mare. Wala ako sa mood mag kuwento sa 'yo tungkol dito. Alam mo naman na kasi diba? Diba? So iyon na naghanap ako ng estudyanteng matatanong kung nasaan ang opisina ni Mr. Putok na iyon. Nang makakita ako ng dalawang lalaking may kanya kanyang dalang gitara ay kaagad akong lumapit sa kanila.
"Hello, magtatanong sana ako kung nasaan ang opisina ni Mr. Putok?" Magalang kong tanong. Kaagad namang napatingin sa 'kin ang lalaking matangkad sabay taas ng isang kilay. Ngumisi naman ang kasama nito sa 'kin. Mga sira ulong 'to!
"I'm sorry but I don't like you." Saad sa 'kin ng lalaking medyo mestizo din at guwapo. Oo naman mare, alam ko ang pinagkaiba ng guwapo sa panget. Pero hindi ko naman 'to type, higit na mas guwapo si Kaizer sa kanya no!
"Boooo!!" Hiyawan ng mga babae sa paligid kaya nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Mas lalo namang lumapad ang ngiti ng lalaking kasama nito na tila'y naghihintay sa magiging reaksiyon ko. Aba'y! Sinusubukan yata ng lalaking 'to ang pasensiya ko eh. Nagtatanong ako ng maayos tapos gagaguhin niya ako!
"Hoy! The feeling is mutual, hindi din kita gusto! Kung ayaw mong ituro ang opisina ni Mr. Putok, edi huwag! Pinipilit Ka ba? Tarantadong 'to!" Dinig ko din ang pagsinghap ng mga tao sa paligid na tila't gulat na gulat. Hindi naman ginulat pero nagulat, adik lang? Adik? Pati ang dalawang lalaking kausap ko ay parang nagulat din sa inasta ko. Napailing na lang ako 'tsaka tinalikuran sila. Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa braso ko kaya kaagad kong hinila ang kamay niya papalapit sa 'kin sabay balibag.
"Waaatttaaahhh!" Sigaw ko pa na parang si Bruce Lee.
"Ah! F*ck!" Hiyaw ni Mr. I don't like you. Pansin ko ding mukhang nasira ang gitara nito dahil sa ginawa ko.
"Damn it! That's cool!" Kaagad na lumapit sa 'kin ang lalaking kasama niya.
"Hi, I'm David. But you can call me, darling." Nag flying kiss pa ito sa 'kin.
"F*ck you, Arnulfo!" Saad ng lalaking binalibag ko sa inis.
"Hey! Don't call me, Arnulfo! I'm David, bro! David!" May diing saad nito na tila'y nainis sa salitang Arnulfo. Hindi ko namang napigilan ang pagtawa ko dahil sa pangalan nito.
"Pffttt! HAHAHAHAH, it's nice to meet you, Arnulfo." Sira ulo kang hayop ka! May pa David David ka pa eh si Arnulfo ka pala.
"What the hell! How dare you hdsufkjbbcbkj."
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dahil maghahanap pa ako ng mapagtatanungan. Habang naglalakad ako ay may grupo ng mga babaeng humarang sa 'kin.
"Hey! Why did you hurt our Vander?!"
"You ugly piece of s**t! You're a new student here, right?" Maarteng saad ng mga babaeng sosyal.
"Watah hell! Don't talk to meeh like that biiitchhezzz! Lemme go! Such a waste of tahhm!" Slang slang ko pang English sabay flip ng buhok ko.
"Girls, let's teach her a lesson." Saad ng lider nilang may nunal kagaya ni Glorya Makapagal Arroyo.
"Hep! Hep! Hep! Hindi mo ako maloloko Glorya Macapagal Arroyo! Maitatago mo ang lahat sa 'kin pero ang nunal mo, neeeverrrrzzzz with a Z!"
"Pansin ko namang nagsitawanan ang mga kasama niya dahil doon."
"SHUT THE F8CK UP! YOU UGLY b***h!" Hinila naman nito ang buhok ko kaya naikuyom ko ang kamao ko. Hindi pa nga nagsisimula ang klase, mukhang mapapaaway na naman yata ako. Hinawakan naman ako ng mga Alipores niya at parang wala lang nakikita ang mga estudyante dahil nagpapatuloy lang sila sa mga ginagawa nila at paminsan minsa'y nilalamapasan lang nila kami.
Sinampal ako ni Glorya Macapagal Arroyo kaya napangisi ako. Kapag ako talaga mapuno, baka mabali ko mga kamay ng mga sosyal na 'to.
"How dare you bully me? You know what, I can ruin you anytime that I want to!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.
"Tooth brush tooth brush din 'pag may time huh. Huwag puro pa sosyal sosyal lang." Inikot ko pa ang mga mata ko sa inis. Nanlaki naman ang mga nito dahil sa sinabi ko. Sinampal na naman ulit ako nito kaya bumigat na iyong paghinga ko dahil nakakaramdam na ako ng inis.
"Pakawalan niyo na ako kung ayaw niyong masira iyang pagmumukha niyo." Mahinahon kong saad sa kanila. Tumawa naman silang lahat dahil doon. Hinampas ako ni Glorya ng Bag niya kaya yumuko ako ng kaunti para ilagan ito kaya ang babaeng may hawak sa kaliwang braso ko ang natamaan. Kaagad naman itong napabitaw sa 'kin sabay iyak at dali daling kumuha ng salamin upang tignan ang mukha niya.
Akmang susuntukin na sana ako ng isa pang babaeng mataba na kasama nila ng biglang may humawak sa kamay nito. Napatingala naman ako ng kaunti at nakita ko si Kaizer sa blangko niyang ekspresyon. Natigilan naman ang mga babae sabay pa cute sa kanya. Sarap pag untugin ang mga mean girls na 'to. Binitawan naman ni Kaizer ang kamay ng babae sabay hila sa 'kin papalayo doon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Parang tenge nemen kese eh! Nang makarating kami sa isang shed ay kaagad nitong binitawan ang kamay ko.
"Don't mess with them. You might get in danger." Tipid na saad nito habang hindi nakatingin sa 'kin. Napanguso naman ako. Saglit namang nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong hindi dito nag aaral si Kaizer, honey ko. Pero bakit siya nandito?
"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.
"I transferred here."
"Talaga?! Ayos iyan ah! Sabay tayong mag lunch mamaya, gaya ng dati!" Masiglang saad ko dahil sa tuwa. Ni wala akong nababakas na emosyon sa mukha nito. Galit parin kaya sa 'kin 'to?
"I can't go with you. Just stay away from troubles. I gotta go." Tinalikuran ako nito kaya na hurt ang heart, mind and soul ko. Napaupo namang ako sa shed dahil nanghina ako bigla. Talaga bang pinipili nya na si Vivian the vulcaseal kay sa sa 'kin ngayon?
Bigla namang nag flashback ang mga alaala namin noon na kumakain sa cafeteria na magkasama. Sinubuan ko pa ng siya ng sinubuan ng suman na baon ko hangang sa nabulunan siya. Pinakain ko pa nga siya noon ng panis na sardinas. Sabi niya pa nga masarap daw, sobra! Tapos pabalik balik pa siya nun sa CR kaya na dehydrate siya at dinala sa hospital. Pero sabi niya sa 'kin, masarap naman daw kaya hindi siya nagsisi dahil luto ko iyon kaya kinain niya.
Napaiyak naman ako sabay padyak padyak dahil sa sakit. Bakit naging cold na siya sa 'kin? Gusto niyo bang lamigin ako lagi? Tapos umiiwas na din siya. Paano na kami? Paano na ang pagmamahalan namin? Hindi ko kayang mabuhay ng masama ang loob niya sa 'kin? Ayaw niya na ba sa 'kin dahil hindi na ako virgin? Ahhh!! Kasalan 'to ni Senyorito Kulangot Eh! Pinasamantalahan niya ang kahinaan ko! Hayop siya! Hayop! Charot Lang! Pero totoo, hindi ko mapigilan ang luha ko.
"Brat!" Napaangat naman ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Senyorito. Mukhan pagod na pagod ito at parang tumakbo ng ilang kilometro.
"Bakit 'sniff', anong kailangan mo sa 'kin?" Umiiyak kong tanong. Nagsalubong naman ang mga kilay nito.
"Why are you crying? Are you sick?" Kaagad naman nitong hinipo ang boobs ko. Joke! Ang nuo ko para eh check kamo kung may lagnat ako.
"Wala akong lagnat, sakit sa puso meron! Waaaahhh! Nagiging cold na sa 'kin si Kaizer. Ni ayaw niya na akong makasabay mag lunch. Waaahhh!!" Pagkukuwento ko pa.
"Stop it! Mukha kang baka sa ginagawa mo." Reklamo nito sa' kin kaya napatigil ako sabay simangot.
A/N : Keep safe everyone! Good vibes lang dapat lagi : ) Sending smiles for
y 'all !!