Diaper 14

3435 Words
"As the true backbone of any tour company, a tour guide brings the magic to your tours and keeps the customers coming back time and time again." Saad ni Mrs. Maligno habang naglalakad lakad palibot sa room. Ewan ko nga sa kanya kung bakit sinusuyod niya ang buong room. "However, it's not a job that just anybody can do. It's a demanding position that requires superb memory, incredible performance skills and great customer service." Nakaupo ako ngayon malapit sa bintana sa likuran. Wala talaga akong gana makinig, pangatlong subject na namin 'to at mag l-lunch time na kaya nalulungkot ako. Bakit kasi ayaw na akong makasabay ni Kaizer? Siguro nagsawa na siya sa akin. Napahikab naman ako ng kaunti sabay stretching. Gusto ko na lang matapos na 'to. Kailangan kong maghanap ng espiritista para masagot na ang lahat ng mga tanong sa isipan ko. Try ko din kayang magpahula. "Get out in my class!" "Ay Maligno ka!" Sigaw ko sa gulat sabay hawak sa dibdib ko sa kaba. Napabuntong hininga naman ako ng makita ko ang mukha ni Mrs. Maligno na pulang pula ang labi. Ang kapal naman ng lipstick nito, hindi lang pala lipstick pati ang bibig niya. Pansin ko naman ang pagpipigil tawa ng mga kaklase ko. "I said, go out! NOW!" Galit nitong sambit habang nakatingin ng masama sa 'kin. "Good morning, ma'am! Have a great day!" Bigla namang naagaw ng pansin namin ang kakadating lang na dalawang lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko si Arnulfo at si Mr. I don't like you na kakarating lang. Mas lalo namang sumama ang timpla ng mukha ni Mrs. Maligno dahil sa kanila. "Great your ass! Get out, you two! You're late and you're absent now!" Halos pumutok ang ugat sa leeg nito. "Maam, paano kami lalabas eh nasa labas pa naman kami." Sambit ni Arnulfo sabay kamot sa batok niya na parang sira ulo. Binigyan lamang sila ng death glare nito ngunit hindi naman sila namatay. "You!" Turo sa 'kin ni Mrs. Maligno. "GET OUT! NOW!" galit na hiyaw nito kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas. Walang gana akong naglakad palabas ng silid. Nilampasan ko na lang ang dalawang lalaki sa labas. Wala din akong ganang kumain ngayon. Totoo pala kapag broken hearted ka ano? Wala kang ganang kumain. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko alam kung saan ako tutungo. Maglakad na lang kaya ako habang buhay hanggang sa magka varicose na ako. "Sandali! Ms.!" Bigla naman akong napatigil sa paglalakad ng may tumawag sa 'kin. Paglingon ko ay nakita ko si Arnulfo s***h David na humahabol sa 'kin. Napailing nalang ako, bakit ba kasi habulin talaga ako ng mga lalaki. Nakakapagod na talaga! Pero si Kaizer, ayaw niya naman akong habulin, huhu! "Hey, What's your name?" Nakangiting saad nito. "Joy Jimenez." Kaagad naman nitong kinuha ang kamay ko sabay shake hands sa 'kin. "It's nice to meet you." Saad niya sabay ngiti ng malapad. Tumalikod naman ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad at sumunod naman ito sa 'kin. "Saan punta mo?" Tanong nito sa 'kin. "Hindi ko alam." Huwag ka ng magtanong, baka ma hamabalos kita ng bag ko. "Anyway, my name is Arnulfora David Lewis but you can call me, darling." Tumawa tawa pa ito na parang may saltik. "Hindi ako interesado sa 'yo kaya puwede ba? Tantanan mo na ako!" "Sus, nakita kaya kitang umiyak kanina. Okay lang iyan, kahit na iniiwasan ka ni Kaizer, nandito pa naman ako, Darling." Saglit naman akong natulala dahil alam niya. Bakit niya alam? Bigla naman itong umakbay sa 'kin kaya natulak ko siya sa sobrang gulat.' "B-Bakit mo alam? Manghuhula ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Hindi no! Sinundan kasi kita sana para tanungin ang pangalan mo pero nakita kitang may kaaway na mga babae, tapos may dumating na lalaki sabay hila sa 'yo. Narinig ko lahat kaya huwag ka ng mag kunwari! Broken hearted ka diba?" "Hoy! Chismoso mo ah! Stalker ka din pala!" Kinuwelyuhan ko pa siya sa inis. Itinaas naman nito ang dalawa niyang kamay sabay tawa. "Huwag ka ngang ganyan, hindi kita type no! Hindi tayo talo, sis!" Kaagad ko namang nabitawan ang kuwelyo niya. "B-Bakla ka?" Gulat na gulat kong saad ngunit tinakpan niya lang ang bibig ko. "Shh! Huwag ka ngang maingay diyan! Baka marinig ka ni Fafa Vander! Kapag nalaman nun na bakla ako baka mag F . O. Kami, dzai. Huhuhu, kalerkey! Hindi ko talaga kakayanin kung ganoon ang mangyari!" "Sinong Vander?" Nagtatakang tanong ko. "Iyong lalaking binalibag mo kanina! Gaga ka talaga, pasalamat ka at bet kitang maging frenny, kung hindi sinabunutan na kita." Kaagad naman ako nitong hinila hanggang sa nakarating kaming dalawa sa cafeteria. Kaagad ko namang nakita ang mga estudyanteng babae na nakatitig kay Arnulfo s***h David. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya. "Edi kakain, my gosh! Where's your brain, sizzy." Maarteng bulong nito para hindi marinig ng mga estudyante. "Ayoko, wala akong ganang kumain." Reklamo ko at aalis na sana ngunit hinawakan ako nito sa bewang kaya nagulat ako at kasabay niyon ang pagsinghap ng mga kababaihan sa cafeteria. "Hoy, bitiwan mo nga ako. Baka mapagkamalan pa tayo nitong mag jowa." "Mas mabuti nga iyon para hindi maghinala sa 'kin si Vander. Huwag kang mag-alala, akong bahala sa pagkain mo dito sa school araw-araw. Basta manahimik ka na lang. Marami tayong pag-uusapan, okay." Napangisi naman ako ng bahagya dahil sa offer niya. Kung may maglilibre lang naman sa 'kin araw-araw, why not? Hindi ko naman siya pinilit 'tsaka mukhang mayaman naman ang baklang 'to. Nang makarating kami sa pila ay nagsi-give way ang mga pumipila para sa kanya. Kumindat pa ito sa akin na tila'y nagyayabang. "Two Roast Beef Sandwitches, one Nutella sandwitch, one beef and chicken soup – uhmm" Tumingin pa ito sa 'kin. What do you want to order, darling? "Ikaw na bahala diyan." Kumindat na naman ulit sa 'kin ito. Sarap dukutin ng mata ng baklang 'to. "Cheesy Sapaghetti, carbonarra and two fresh strawberry juice." Kaagad naman ako nitong hinila papunta sa pinakadulong bahagi ng cafeteria kung saan medyo malayo sa mg estudyante. "Puwesto namin 'to ni Vander, walang nangangahas na umupo dito. Anyway, ang guwapo ng fafa Kaizer mo ah. Pero huwag kang mag-alala, loyal ako kay Vander." "Talaga bang bakla ka o pinagloloko mo lang ako?" Tanong ko na parang isang detective sa kanya. "Yeah, ako iyong tipo ng bakla na hindi nagsusuot ng mga pambabaeng damit. I'm more comfortable with men's clothes. Tsaka hanggang maari, don't call me Arnulfo, it's gross. It's better if you call me, darling or David. Para magmukha namang sosyal!" "Okay fine, David. 'tsaka tungkol doon sa libre na sinasabi mo, walang bawian ah at kapag nalaman ko lang talagang chinismis mo ang tungkol sa'min ni Kaizer, hindi talaga ako magdadalawang isip na upakan ka." "My gosh! Nakakatakot ka talaga, sizzy. Don't worry, maasahan mo ako. From now on, besties na tayo owwkay?" Ngiting ngiting saad sa 'kin nito. Napailing na lang ako dahil hindi talaga ito mukhang bakla. "Kapag nalaman kong plastic ka sa 'kin, humanda ka! Susunugin talaga kita." Siyempre isasama ko sarili ko sa pagsunog kasi plastic din ako minsan. "Tumahimik ka na, sizzy. Andiyan na ang order natin." Napalingon naman ako ng makita ko ang dalawang babaeng may dalang tig-iisang tray dahil hindi kasya sa isang tray ang inorder ni David. "Here's your order, sir. Nagpacute pa ang dalawa without knowing na kalahi nila ang lalaking nasa harapan nila. "Alam mo, sizzy, marami ka pang dapat malaman tungkol sa school na 'to." "Ano naman iyon? May naganap ba ditong patayan? May nagmumulto?" "Oh My Gosh! Hindi ganern, kaloka ka talaga!" Umiling iling pa ito sabay kagat sa nutella sandwitch. "Eh ano?" Uminom na lang din ako ng strawberry juice. Sarap pala ng juice na 'to dito. "I mean, may mga taong hindi mo dapat banggain s***h kalabanin dito dahil namemersonal sila kapag isa ka sa napagtripan nila. Alam mo bang ang mga babaeng humarang sa 'yo ay ang mga fan girls ni Vander. Si Elnor ang lider nila, iyong may nunal sa mukha. Anak iyon ni Mr. Kapre, isa sa mga mayamang businessman sa pinas." "Sus, hindi naman ako natatakot sa kanila no! Kahit Kapre pa ang ama niya, hinding hindi ko siya uurungan! Pakulam ko sila kay lola eh! Char! Hindi mangkukulam si lola no." "Huwag ka ngang ganyan, sizzy. Alam mo bang may estudyante ng nag suicide dahil kay Elnor? Ang dami na ngang nag drop out dahil natakot sa kanya. Baka isang araw niyan mawala ka na lang ah. Magsabi ka sa 'kin if ever, crush din ako nun kaya akong bahal sa 'yo." "Okay." Tanging sagot ko na lang at kumain. Nagkuwento lang ng nagkuwento sa 'kin si David hanggang sa nakatapos na kaming mag lunch. Niyaya naman ako nitong sumama sa kanya sa music studio nila dito sa school. Dati na pala daw kasi siyang member ng banda dito na "Dandandan Dalandan", ewan ko nga ba eh, ang baduy ng band name nila. Nestfruta lang? "Papakilala kita sa mga ka banda ko. Huwag kang mag-alala, mga guwapo sila, sizzy!!" Kinikilig pa nitong saad sa 'kin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito sa 'kin. Loyal ako kay Kaizer no.'tsaka hindi naman alam ni David na may asawa na ako. Ayokong sabihin, wala pa akong tiwala sa kanya, may trust issues ako ngayon lalo na sa kanya. Hindi kasi siya mukhang bakla. Baka pinagtitripan lang ako nito. Basta, ang importante ay may taga libre ako araw araw. Sus, I will grab the opportunity, mare. Huwag snickers and eh grab mo, hindi ako sponsor niyan. "Yow, zupp!" Bati ni David sa kanila sabay apir at tapik sa mga balikat ng kabanda niya. Tatlo lang naman ang nandito eh. Iyong Vander na gusto niya, iyong si Mr. I don't like you na sira ulo. Tsaka may dalawang lalaki ding magkamukha, kambal yata. Tapos ang isa ay long hair samantalang ang isa naman ay naka clean cut. Mukha din silang dalawang mga rocker. Pansin ko namang nakatingin silang lahat sa 'kin. Bigla namang umakbay si David sa 'kin kaya naghiyawan ang kambal maliban kay Vander. Nakatingin lang kasi sa 'kin 'to habang nagkakasalubong ang kilay, malamang ay galit pa sa 'kin ang hayop na 'to. Eh hampas ko ulo nito sa drums eh. Char! "Hey, guys, this is Joy Jimenez. A friend of mine." Kumindat pa sa 'kin si David. "Darling, this is Uno and dos." Ngumiti na lang ako ng pilit sa kay Uno na mahaba ang buhok at kay Dos na naka clean cut. "It's our pleasure to meet, Joy." Pormal na saad ng dalawa kaya tumango na lang ako. "We have a new member. Mr. Tagiyawat recommended him." Wika ni Vander. "Talaga, sino?" Tanong ni David. "Oh, he's here. Meet Kaizer Del Rosario." Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ko si Kaizer. Parang nagulat din itong makita ako sa music studio ng Dandandan Dalandan Band. "Uyy, ikaw David ah. May girlfriend ka na pala hindi mo man lang kami ininform." Mapanuksong saad ni Dos. Hindi naman ako pinansin ni Kaizer at nilagpasan lang ako na parang hindi niya ako kilala. Napayuko tuloy ako dahil nahurt ang puso ko. Bigla naman akong inakbayan ni David sabay bulong sa 'kin. "Hayaan mo siya. Huwag kang mag-alala, hahanapan kita ng mas guwapo pang lalaki kaysa sa kanya. Ang suplado. Nakakaloka, guwapo sana." Maarteng bulong sa 'kin nito. Dinig ko namang naghiyawan ang kambal dahil sa nakita nila. Hinila naman ako ni David at pinaupo sa silya sa isang sulok kung saan may arm chair. Bakit nagkakaganito si Kaizer sa 'kin? Anong gagawin ko para magkabati na kami? "Relax ka lang diyan ah. May one and half hour pa tayo bago magsimula ang klase kay Mrs. Blackheads." Tumango na lang ako sabay subsob sa ulo ko sa arm chair. Ayoko ng maging broken hearted, huhu. Mag m-move on na ba ako? Hindi ko kaya, mahal ko si Kaizer with the heart, mind and soul eh! Hindi ko na lang din namalayang nakatulog na pala ako. Pagising ko ay nag inat inat muna ako. Bigla naman akong nagtaka dahil mag isa na lang ako sa music studio. Iniwan yata nila akong lahat eh. Kainis! Naglakad naman ako papunta sa labas at pansin kong mukhang nagkakagulo ang mg estudyante. May mga nagsisigawan at naghihiyawan. "Takbo!" "WAAAAHHHH!!" "Huwaaagg!!" Bigla naman akong kinabahan dahil sa nangyayari. Napalunok naman ako ng makita ko ang ibang mga studyante na hinahabol ang kapawa studyante sabay kagat sa kanila. Anong nangyayari? Hindi ko na alam! "Brat! We need to go!" Nagulat naman ako ng makita ko sa harap ko si senyorito kulangot na nagmamadali. Hinila naman nito ang kamay ko paalis doon. Nang makalayo na kami ng kaunti ay 'tsaka kami nagpahinga ng kaunti. "Ano ba ang nangyayari?" Naguguluhan tanong. "Leave me here. I got bitten by a zombie. I will be one of them later." Malungkot na saad nito sa 'kin kaya nagsimula na akong umiyak. "Bakit may zombie? Bakit? Hindi puwede, hindi kita iiwan. Dali, kagatin mo na din ako!" Dali dali ko namang tinapat ang braso ko sa bibig niya ngunit tinapi niya lang ito. "Honey, move aside!" Bigla namang dumating si Kaizer at tinutukan ng baril si Senyorito. "BANG!" "HUUUWWWAAAAGGGG!!!!!" Dali Dali naman akong nahulog sa silya dahil doon. Nagising ako ng may luha sa mga mata ko. "Honey!" "Darling!" Sabay na napaangat ang tingin ko ng lumapit si David at Kaizer sa akin. "Are you okay?" Inalalayan ako ni Kaizer paupo sa silya. Tinulak ko naman siya ng kaunti dahil sa gulat. "Bakit mo siya pinatay? Hindi pa siya naging Zombie!" Inis na saad ko dahil ang sama ng panaginip ko. Nagsalubong naman ang kilay nito dahil sa sinabi ko. Kaagad naman ako nitong hinila palabas ng studio hanggang sa nakalabas na kami. Tumigil kami sa isang bench sa ilalim ng malaking puno. Pinagmasdan ko ang mga estudyante. Wala namang zombie, panaginip lang iyon. Tama! "Here, drink some water." Napatingin naman ako kay Kaizer at sumalubong sa 'kin ang mga mata nitong nag-aalala. Nakagat ko naman ang mga labi matapos kong uminom dahil kinikilig ako. Akala ko wala na siyang pakialam sa'kin. "Honey, ayaw mo na sa 'kin? Ayaw mo na ba akong kasama?" Hindi ko mapigilang mag pout kasi na h-hurt ako sa tuwing naalala ko kung paano niya ako iniiwasan. "Let's not talk about that." Tipid nitong saad kaya napaharap ako sa kanya with teary eyes. "Panget ba ako?" "No, I didn't say that." Sagot sa 'kin nito. "Kapalit palit ba ako?" "What are you trying to say?" "Then Why?!" Nagagalaiti kong saad. Nakita ko namang nagsalubong ang kilay nito na tila'y binabasa ang mga kilos ko. "Ah, hehehe. Nagpapractice kasi ako para sa role play namin sa next subject." "Anyway, let's have a lunch together tom. I've change my mind, I don't want you to have a lunch with stranger." Nagliwanag naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. "Talaga?!" Masiglang saad ko. "Yeah." "Okay lang ba kung isama natin si David?" Bigla namang sumama ang timpla ng mukha nito. Kulang kasi sa seasonings kaya ganun. "Darling! Tara na, malelate na tayo!" Napatayo naman ako kaagad dahil may klase pa pala kami kay Mrs. Blackheads." "Honey, kailangan ko ng umalis. Muah!" Nag flying kiss pa ako sa kanya sabay sampal ng kamay kong may kiss sa pisnge niya para dumakit ito doon. Joke! Flying kiss lang ang ginawa ko no. Nakita ko naman ang pamilyar na ngiti ni Kaizer na siyang nagpatibok sa puso ko. "Ihahatid kita pauwi mamaya. See you." Hinila nito ang bewang ko sabay yakap sa 'kin. Nagpaalam na din ako sa kanya habang ngiting ngiti. Kulang na lang eh mapunit ang mukha ko. "Hoy! Suwerte mong bruha ka! Ang guwapo ng jowa mo at ang sweet pa. Suplado nga lang." Humagikhik naman ako sa sinabi ni David. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa room 36. Nagpatuloy lang ang klase naming hanggang sa nag bell na. Ito iyong hinihintay ko, ang uwian. Halos buong klase kong inisip si Kaizer dahil ihahatid niya daw kasi ako. Nagpaalam na din si David sa 'kin at nagbigayan na kami ng number namin sa isa't isa dahil daw besties na kami. Naglalakad lang ako ngayon sa pathway palabas ng school. Nang makita ko si Kaizer hindi kalayuan sa 'kin ay kaagad akong tumakbo papunta sa kanya. Medyo nahirapan pa akong dumaan dahil maraming mag estudyante ang nagkukumpulan at kumukuha ng litrato sa kanya. "Girl! May guwapo sa labas. Artista yata iyon! Tara puntahan natin!" Dinig kong saad ng babae na tila'y kinikilig. Nagsi alisan naman sila na siyang ikinatuwa ko. "Honey!" Masiglang saad ko sabay ngiti. Sinabunutan naman ako ni Kaizer kaya sinapak ko siya. Char! Hindi niya magagawa sa 'kin iyan no. Ginulo lang nito ang buhok ko na lagi niyang ginagawa sa 'kin kapag trip niya siguro. Ewan ko ba sa kanya, siya na lang tanungin niyo kung gusto niyong malaman mga mare. "Let's go home." Umakbay naman sa 'kin ito. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa kanila ni Vivian ngunit next time na lang siguro. Baka kasi bigla na lang siyang magalit sa 'kin ulit at maging cold na naman. Ayoko ng ganun! Ayokong lamigin ako! Nang makalabas na kami ni Kaizer ay napansin kong nagkukumpulan ang mga estudyante sa gate. "Excuse me." Kaagad namang nagbigay daan ang mga babae kay Kaizer sabay kuha din ng litrato sa kanya. Nang makarating kami sa harap ay nakita ko si Senyorito Kulangot na nakasandal sa kotse niya at tila'y naiinis ito habang nakatingin ng masama sa cellphone niya. Dali dali ko namang binuksan ang bag ko at nakita ko doon ang cellphone ko na umiilaw. Nakasilent kasi ito at pansin kong may 20 missed calls na ito. Napalunok naman ako ng mapansin kong nakatingin ito sa 'kin ng masama. Naglakad naman siya papalapit sa'min habang masama ang tingin kay Kaizer ko. Napatulala naman ako saglit kay Senyorito Kulangot dahil bigla na namang tumibok ng malakas ang puso ko. Ito iyong t***k na parang gustong humiwalay ng puso ko sa katawan ko. Nangyayari lamang ito simula ng ginayuma niya ako. Oo, tama! Ginayuma niya ako! Suminghot singhot din ako kahit wala akong sipon dahil naamoy ko ang halimuyak ng pabango ni Senyorito. Sobra din itong nakaka akit. Kinabahan na ako dahil sa nagyayari sa 'kin. Bigla ko namang hinila ng kaunti palayo si Kaizer kay Senyorito kaya nasira ang eyes to eyes nilang dalawa. "Honey, tulungan mo ako. Sa tingin ko ay nagayuma yata ako." Bulong ko Kaizer. Nagulat naman ako ng may biglang humila sa braso ko kaya napasubsob ako sa matipunong dibdib nito. Nagsitilian naman ang mga babae sa paligid. "Don't you dare touch my wi--." Bigla ko namang tinakpan ang bibig ni Senyorito dahil baka malaman ng mga estudyanteng may asawa na ako sa murang edad. "Kuya! Tara na, umuwi na tayo." Ngumiti naman ako ng alangan kay Kaizer sabay hila papalayo kay Senyorito Kulangot. Nagmumura pa ito sa inis dahil sa ginawa ko ngunit hindi ko na pinansin. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng kotse ay hinarap ko siya at tinignan ng masama dahil sa inis. "Alam mo bang sinira mo ang moment namin ni Kaizer?! Akala mo ba magtatagal itong panggagayuma mo sa 'kin, huh?!" Inis kong saad kahit na halos sumabog na ang puso ko sa sobrang pagkabog. "Don't you dare cheat on me, brat. Or else --." "Or else ano? Huh? Magdidivorce tayo? Edi mas masaya kapag ganoon!" "No, I will make you moan until you pass out. I will own you until you beg me to stop." Bigla naman akong natahimik dahil sa sinabi nito sa 'kin. Uminit naman ang mga pisge ko ng maalala ko ang nangyari sa 'min ng nakaraang gabi. Napasinghap naman ako ng bigla ako nitong kinorner sa upuan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sabay lunok ng laway kong fresh. Nakangisi ito sa 'kin, iyong ngising nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa 'kin. Ah basta, mare. Kakaibang pakiramam at kakaiba siya, Iyon na iyon. Hinawakan naman nito ang baba ko at itinaas ng bahagya sabay lapat ng labi niya sa labi ko. He is kissing me again. He bit my lower lip and suck it a little. Parang na estatwa ako habang patuloy lang siya sa paghalik sa 'kin. Ito ba iyong epekto ng gayuma niya. Napakalakas nito, kailangan ko na talaga yata ng espiritista, manghuhula, albularyo o kung sino mang makakatulong sa 'kin upang labanan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD