Tatlong araw na ang lumipas na hatid sundo ako ni Senyorito sa paaralan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makahanap ng espiritista. Palagi din naman kaming sabay kumain ni David at Kaizer. Tatlong araw na din akong nililibre ni David kaya natutuwa ako sa kanya. Madalas pa nga silang mag away ni Kaizer sa harap ko eh.
Nat-turn off daw kasi siya kay Kaizer dahil masyado itong suplado kahit na guwapo naman. Mas mabuti na ngang hindi sila close no! Baka masapak ko siya kapag naging karibal ko siya kay Kaizer. Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Senyorito nakasimangot habang nakatulala sa bintana. Hindi ko nga alam hanggang ngayon kung ano nga ba talaga itong nararamdaman ko.
Wala pa ring sagot sa mga katanungan sa isip ko. Kainis! Ni hindi na nga ako madalas makapag joke sa inyo mga mare dahil wala ako sa mood. Ni advertise di ko magawa. Gustong gusto ko ding makausap si lola at lolo. Gusto kong humingi ng payo sa kanila. Sina inay, namimiss ko na din sila. Pero bakit hindi nila ako dinadalaw. Tuluyan na nga ba talaga nila akong itinakwil?
Kung hindi kulto si Senyorito Kulangot, ano siya? Iyan ang ipinagtataka ko. Habang patungo kami sa University ay nadaanan namin ang malaking billboard na may picture ng naka boxer lang ang lalaki habang may dalang sardinas. Napatingin naman ako sa mukha nito ng unti unti itong napalitan ng mukha ni Senyorito. Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla itong kumindat sa 'kin.
Nang tuluyan na kaming makalagpas ay nagsimula na akong kabahan. Baka binarang na ako! Nakagat ko naman ang kuko ko dahil na s-stress ako sa mga nangyayari. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Saglit akong napatingin sa kanya. Seryoso lang ito sa ginagawa. Pinikit ko naman bigla ang mga mata ko dahil natatakot ako na baka matulala na naman ako sa kaguwapohan niya at kung baka ano na naman ang makita ko.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana. Bigla namang huminto ang sasakyan dahil traffic. May sasakyan namang huminto din katabi namin. Bigla namang bumukas ang bintana nito sa driver's seat kaya nakita ko ang lalaking nagmamaneho. Bigla naman itong tumingin sa 'kin kahit na alam kong hindi niya ako nakikita sa loob dahil tinted ang bintana dito.
Napaatras naman ako ng makita kong mukha ni Senyorito ang nakikita kong ngumingisi sa 'kin. Iniling iling ko ang ulo ko ng paulit ulit. Pinukpok ko pa ito ng kamay ko. Nawawala na ako sa katinuan! Hindi maari 'to! Confirmed, barang nga ito! Ginagamitan ako ng ilusyon ng may gawa nito. Hindi ako dapat magpatalo! Kailangan ko ng manggagamot na albularyo o espiritista!
"AAAAHHHHH!! BITAWAN MO AKO! MAMBABARANG KA!!" Napasigaw ako sa gulat dahil biglang may humawak sa kamay kong pinupukpok ko sa ulo ko.
"What the hell are you doing?" Tanong nito sa 'kin na tila'y nagtataka.
"L-Lumayo ka sa 'kin." Tinulak ko siya 'tsaka mas siniksik ang katawan ko sa dulong bahagi ng upuan upang lumayo sa kanya.
"Ano na naman ba ang iniisip mo? You're acting weird lately." Lumapit pa ito sa 'kin 'tsaka pinagmasdan ang ekspresiyon ng mukha ko. Pinikit ko naman ang mga mata ko dahil baka kung anong illusyon na naman ang makita ko.
"Huwag kang tumingin sa 'kin! Lumayas ka sa harap ko! Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya. Napaigtad naman ako ng bigla nitong hinawak ang braso ko at hinila papalapit sa kanya. Bigla naman akong napadilat ng niyakap ako nito. Napalunok naman ako ng biglang nagwala ang puso ko. Ang lakas ng pagtibok nito.
"If you have a problem and you're not telling me, don't worry, everything's gonna be fine." Parang kumalma naman ako bigla. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya. Parang napapayapa ang puso't isip ko kahit na malakas ang pagtibok nito. Tama nga talaga ang hinala ko. Siya ang puno't dulo ng pambabarang sa 'kin kaya nakokontrol niya ako.
"May galit ka ba sa 'kin?" Tanong ko habang yakap yakap niya ako.
"Why are you asking?" Tanong din nito sa 'kin. Aba'y sira 'tong hayop na 'to ah. Nagtatanong ako tapos tatanungin niya din ako.
"Huwag tanong ang isagot mo sa tanong ko." Tarantado ka! Pagbuhulbuhulin ko large intestines mo eh!
"I'm not." Tipid na sagot nito.
"Kung ganun, bakit mo ako binarang? Maawa ka naman sa 'kin, nababaliw na ako dahil sa 'yo." Nagmamakaawa kong saad kahit kaplastikan lang iyon. Siyempre, baka naman maawa siya sa 'kin kapag nagkataon. Kilala niyo naman na ako mga mare. Plastik din ako minsan, remember. Baka kasi nakalimutan mo kaya niremind kita.
"Barang? What is that?" Bigla ko naman siyang natulak sa inis.
"Saang planeta ka ba galing, huh? Barang lang hindi mo alam?!" Inis kong saad habang nakatingin sa nagtataka nitong mukha. Parang hirap na hirap itong basahin ang mga kilos ko. Gunggong talaga ang hayop na 'to, hindi ako libro pero lagi niyang sinusubukang basahin ako. Adik lang? "Alam mo, nakakaturn off ka! Ni barang hindi mo alam. My gosh! Where have you been all your life?" Pagyayabang ko pa sabay englis. Eh mas matalino pala ako kesa sa kanya eh. Teka, kung hindi niya alam ang barang, ibig sabihin ---
"HINDI SIYA ANG NAGPABARANG SA 'KIN!!"
"You're weird, as always." Napatingin naman ako sa kanya dahil umiling iling ito. Nagpatuloy naman ito sa pagmamaneho dahil umusad na ang mga sasakyan sa unahan namin. Natuwa naman ako dahil kung hindi siya ang nang barang sa 'kin, may suspect na ako kung sino. Ibig sabihin nito, kakampi ko siya. Nalungkot kasi ako ng malaman kong kinakalaban niya ako. Pero ngayong alam ko ng kakampi siya, panatag na ang loob ko.
Nang makarating kami sa paaralan ay hininto niya na ang sasakyan. Baba na sana ako ng pinigilan niya ako.
"Where's my kiss?" Nakangising saad nito sa 'kin kaya parang natunaw naman ang puso ko bigla.
"T-Tatlong araw ka ng nagnanakaw ng halik sa'kin!" Aalis na sana ako ulit ng bigla na naman ako nitong hinalikan sa labi ng mabilis. Uminit naman ang pisnge ko dahil doon.
"M-Manyakis ka!" Inis kong sigaw sabay bato ng plastic bottle na wala ng laman sa kanya. Humalakhak naman ito na tila'y natutuwa sa nakikita niya.
"You love my kisses. Stop acting like you don't." Mayabang nitong saad sabay kindat sa 'kin. Parang kinapos naman ako sa hininga dahil sa kindat niya. Bakit ganito na lang lagi ang epekto niya sa'kin?
"Anyway, I have a surprise for you tomorrow." Saad nito sabay ngisi sa 'kin ng nakakaloko. Dali dali naman akong lumabas ng sasakyan sa sobrang kaba. Saglit kong nilingon ang sasakyan at nakabukas na ang bintana nito.
"Take care, Love. See you later." Saad nito sabay kindat sa 'kin. Umalis naman kaagad ito ngunit ako'y parang nanghina na dahil doon. Kailangan kong gumalaw galaw. Baka nanghihina ang mga tuhod ko dahil kulang na ako sa exercise. Nasa tapat ako ngayon ng malaking gate ng Maximillian University at maraming mga estudyante ang mga dumadaan ngunit wala akong pakialam sa kanila. Tinignan ko muna ang relo ko at may thirty minutes pa ako bago ang first period namin kay Mrs. Maligno.
Kinuha ko naman kaagad ang cellphone sa bag ko at ang earphones. Kinonekta ko ito sa cellphone ko at 'tsaka nagpatugtog ng Pearly Shell. Inayos ko na din ang earphone ko kaya dinig na dinig ko na nag music nito sa tenga ko. Nang magsimula na ang tugtog ay sumayaw na ako sa harap ng gate. Wala akong pakialam kung anong isipin nila no! Ang importante ay makapag exercise ako dahil parang nanghihina ang tuhod ko lately lalo na kapag kasama ko si Senyorito.
"To the left! To right! Aha...Ahaa...Alrigght!! Hoo!!" Umikot pa ako sabay kembot ng puwet ko. Pansin ko namang may mga estudyanteng nagsitinginan sa 'kin at ang iba pa ay kinukunan ako ng video. May nagtatawanan pa pero wala akong paki. Ako ang pabebe girl, at wala kayong paki kung pabebe ako!
"One!! Two! Turn right....Aha! And turn left... twerk! Twerk! Flip hair! Hoo!" Nagsway pa iyong hips ko ng kaunti, sway to the right and left. Bigla naman akong natigilan ng may nagtanggal ng earphone sa tenga.
"Wow! You have a nice movezzz! Follow me, I'll introduce you to the six bomb! From now on, you're one of them." Nagtataka akong sumunod sa babaeng may kulot na kulot na buhok. Kulay dilaw ito kaya nagmukha itong pancit canton. Hinahatak kasi nito ang palapulsuhan ko.
"Teka lang ho. Saan niyo po ako dadalhin at sino kayo?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman ako nito nilingon at patuloy lang sa pagkaladkad sa'kin.
"I'm Ms. Cavity! Take note, MS.! I'm single and call me coach Cavity. I am the leader s***h coach of the six bomb! The famous dance group of all Universities! Ah! Ah! Ah! Ah!" Napatakip naman ako sa bibig ko dahil bigla itong umungol. Pansin ko din ang pagpipigil ng tawa ng mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway.
"Ma'am, bakit kayo umuungol?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla itong tumigil sa paglalakad sabay tingin sa 'kin.
"I said, call me Coach Cavity! Inchindiz? Anyway, hindi ako umuungol, ganyan lang talaga ako tumawa kaya masanay kana. Ah! Ah! Ah!" Napaatras naman ako saglit ng bigla itong umungol este tumawa. Hinila na naman ako ulit nito.
"Coach Cavity, baka ma late po ako sa first subject ko." Nang makarating kami sa second floor sa building 18 ay pansin kong ang daming pumipila. Ang haba ng pila 'tsaka may mga sumasayaw sayaw pang grupo ng mga kababaihan na animoy nagpapapractice.
"Don't worry, akong bahala sa 'yo." Confident nitong saad. Nang mapansin ng mga nakapilang estudyante ang presensiya ni Coach Cavity ay nagtilian ito. Parang mas lalong na excite. Tumigil naman ito bigla sa harap ng isang silid kung nasaanang pinaka unang bahagi ng pila.
"Y'all! Dismis, NOW! The audition is now clozzzeeeee!!" Ang haba pa ng pagbigkas nito ng Z sound sa hulit ng salitang close. Bigla namang nagbulong bulungan ang mga estudyante sabay alis. Ang iilan sa kanila ay umiyak pa.
"Coach, paano na tayo nito ngayong makakahanap ng papalit kay Arriane?" Salubong ang kilay na saad ng babaeng naka braid ang buhok na kulay dark black. Kasing itim ng budhi ni Vivian the vulcaseal! Malaki din ang mga mata nito ngunit cute naman siya sa paningin ko.
"Don't you worry, Mahal Kita. I found the one! The perfect one na siyang papalit kay Arriane! AH! AH! AH! AH!" Malakas nitong ungol at tawa. Iisa lang naman kasi ang ungol at tawa niya. Medyo wild ang ungol niya kasi wild din ang pagtawa niya. Kita ko namang napalunok si Mahal Kita nga ba? Bakit ang weird ng mga pangalan nila?
"She's the one, Mahal Kita! Ah! AH! AH!" I found her dancing in the front gate of the University. She's good in dancing at sigurado na ako sa kanya!
"What's your name, Ms.?" Tanong sa'kin ni Ms. Cavity.
"Joy Jimenez po ma—este coach." Mukhang mapapalaban talaga ko sa sayawan ah. Mas mabuti na siguro ito para namang makapag exercise ako kahit papano. Hindi naman ito nagsalita at kinalakdkad na naman ako papasok sa loob ng silid. Nang makarating kami ay inakbayan ako nito. May limang kababaihan sa loob kasama na iyong si Mahal Kita. Napatigil naman sila sa pag sayaw ng makita nila kami ni coch cavity.
"Good morning, coach." Bati nilang lahat sabay split.
"This is the new member! Meet, Joy Jimenez." Ngumiti naman sa 'kin ang limang babae.
"Hi, I'm Mahal Kita Santos." Pagpapakilala ng babaeng may maitim na buhok at malaking mata na medyo may kapandakan.
"I'm Milkita Lollipop. Lollipop is my last name." Pagpapakilala ng babaeng mukhang Indiana. Matangos kasi ang ilong nito, makapal ang kilay at may labing medyo makapal. In short, magandang Bombay.
"Iska Morena Maligno. I'm the daughter of Mrs. Maligno." Tinaasan lang ako ng kilay ni Iska. Maikli ang buhok nito at sobrang kapal ng bibig at malaki. Mas malaki pa kay Anne Curtis.
"Chang Amy." Saad ng babaeng medyo singkit ang mata at mahaba ang baba. Babalong singkit.
"Rayana Bang Bang Bang." Medyo mahaba talaga kasi ang last name ko. Bang bang bang talaga kasi pero puwede namang Bang nalang. Ani ng babaeng may dimples na sobrang laki at lalim. Sa tuwing ngumingiti ito ay parang nabubutas ang pisnge niya.
"Bigay mo na lang 'to kay Mrs. Maligno. Alam kong late ka na." Tinanggap ko naman ang sulat na nakalagay sa maliit na sobre. "You can go now. Here's my calling card. Call me at 8:00 pm sharp." Tumango na lang ako 'tsaka lumabas na ng silid.
Nang nakalayo na ako ng kaunti ay napatitig ako sa sobre. Na curious tuloy ako kung anong laman nito. Binuksan ko naman out of curiosity. Hindi naman siguro nila malalaman. Ngumisi naman ako na parang tanga habang kinukuha ang maliit na note sa sobre.
"Subukan mo lang pagalitan ang bagong anak ko. Susunugin ko talaga bahay niyo. Siya ang new member ng six bomb kaya maging mabait ka sa kanya kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo. Kapag nalaman ko lang talagang minamaltrato mo siya, ibubunyag ko ang sekreto mo! Ninanakawan mo pala ang ulam namin for almost 2 years. Kaya hindi na ako nagtaka pa kung bakit laging nauubos ito sa ref! Nag hired ka pa talaga ng akyat bahay gang. Hmmp! --MS. CAVITY." Basa ko sa sulat 'tsaka hindi ko napigilang matawa. Pfftt... Ang cool pala ni coach hahah.
Binalik ko na nag maliit na notes sa loob ng maliit na sobre. Hindi naman natagalan at nakarating din ako. Naglalakad lakad naman si Mrs. Maligno sa loob ng paaralan habang nagd-discuss. Umabot na ito sa likuran hanggang at patuloy paring naglalakad paikot sa silid.
"Darling! Where have you been?" Masiglang saad ni David ng makita niya ako sa pintuan. Napatigil naman sa pag d-discuss si Mrs. Maligno. Napatingin it okay David while giving him her familiar death glare na hindi naman nakakamatay. Nag peace sign naman ito sabay tingin sa 'kin ng 'lagot ka look.
"IT'S YOU AGAIN! MS. JIMENEZ, WHY ARE YOU--."
"Pinabibigay po ni Coach Cavity." Tumahimik na lang kayo kung ayaw niyong pasabugin niya ang ulo niyo! Lumapit naman ito sa 'kin ng tahimik. Kinuha niya ang sobre at ng mabasa niya ito ay 'tsaka nanlaki ang mga mata niya.
"Y-Youre a member of six b-bom now! Hahahah, bravo! Congratulations, I'm so proud of you." Bigla naman ako nitong niyakap kaya napangisi ako sabay kindat kay David. Lumapad naman ang ngiti ng bakla. You may now sit, Ms. Jimenez. Ngiti nito sa 'kin kaya ngumiti na lang din ako at umupo na sa upuan ko. Nagpatuloy lang ito sa pag discuss hanggang sa nag bell na. Nagtuloy tuloy lang ang klase namin hanggang sa naglunch time na.
Napangiti naman ako dahil mukhang eh lilibre na naman ako ni David ng fresh strawberry juice at marami pa. Nagsilabasan na ang mga kaklase namin at kami na lang nina David at Vander and natira sa room. Nagkatinginan naman kaming tatlo at kasabay niyon ang paghalakhak ni Dabiid bakla.
"It's awkward, isn't it?" Tanong nito sabay akbay saming dalawa ni Vander.
"I need to go. I need to talk to Mr. Thompson." Pagpapaalam nito kay David ng hindi man lang ako pinapansin. Pakialam ko naman sa kanya? Hindi naman kami close no! Nang tuluyan na itong makaalis at biglang hinawakan ni David ang kamay ko sabay talon talon na parang nanalo sa luto.
"Oh My gosh!! Sizzzyy, youre now a member of six bomb! Can't believe it!" Mangiyak ngiyak nitong saad sabay yakap sa 'kin.
"Hoy! Nananching ka!" Reklamo ko kaya tumigil ito sabay nguso sa harap ko.
"Alam mo bang sikat ang six bomb hindi lang sa University natin kundi pati sa TV 5, Sizzyy?!! KYAAAHH! Makikita ka na nito sa TV!!" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.
"T-Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Aray!" Napahawak naman ako sa batok ko ng bigla ako nitong binatukan. Aba'y sira ulo 'tong baklang twooh!
"Gaga ka talaga, sizzy, saang planet ka ba galing? Hindi mo ba alam na ang six bomb ay sikat pati sa mismong mga public schools sa Pinas?" Inikot pa nito ang mga mata niya. Pinulupot naman nito ang braso niya sa braso ko sabay hila sa 'kin palabas ng room.
"Kung sikat sila, bakit hindi ko alam?" Mataray ko ding saad sabay kurot sa braso niya.
"Ah! Ikaw ah, natututo ka nang saktan ang darling mo." Saad nito sabay halakhak kaya napapatingin sa amin ang mga studyanteng dumadaan. Ang ibay masama ang tingin s a'kin at ang iba naman ay kinukunan kami ng litrato.
"Huwag ka na ngang dumikit sa 'kin." Reklamo ko sabay tanggal ng braso ko sa braso niyang nakapulupot dito.
"Allergy ka na sa 'kin ngayon, huh? Porke member kana ng six bomb ginaganyan mo na ang frenny mo?" Saad nito sabay pout sa harap ko. Tinalikuran naman ako nito sabay lakad palayo kaya inikot ko na lang ang mga mata ko sa kaartihan nito. Pansin ko namang tumigil ito sa paglalakad sabay tingin sa 'kin.
"Ano, hindi mo man lang ba ako susundan at pipigilan?" Supladong saad nito sa 'kin.
"Hindi." Tipid kong saad sabay lampas sa kanya.
"Darling!" Tawag nito sa 'kin at sumunod din. Pinulupot na naman ulit nito ang braso niya sa braso ko. Ito kasi lagi ang nakasanayan niyang gawin. Feeling ko tuloy kambal tuko kaming dalawa.
"Tumahimik ka kasi, Dabid. Baka kung anong isipin ni Kaizer kapag nakita niya tayo." Bulong ko sa kanya.
"Ayiieee, concern sa feelings ni Kaizer!!" Panunukso sa 'kin nito kaya napatingin ako sa paligid dahil baka may makarinig sa kanya. Kriminal kasi ako at pinatay ko na si Kaizer kanina. Joke! "Si Kai—hmmpppp.." Bigla kong tinakpan ang bunganga nito kaya natigil siya.
"Shh! Uupakan na talaga kita." Pagbabanta ko. Tinanggal naman nito ang kamay ko sa bibig niya sabay halakhak. Pinulupot niya na naman ulit ang braso niya sa braso ko kaya hinayaan ko na lang. Baka kasi kung ano namang gawin ng hayop na 'to.
"Akitin ko kaya si Vander." I said out of nowhere kaya natigil ito sa paglalakad sabay tingin sa 'kin ng masama. Ako naman ang napatawa ng malakas dahil sa itsura nito.
"PFFTTT...Mukha kang uod sa worm zone. Iyong uod na babalo! HAHAHAHAH." Pangungutya ko sa kanya kaya tinampal nito ang nuo ko. Nagulat naman ako dahil doon at napatigil sa pagtawa. Siya naman ulit ang humalakhak sabay distansiya sa akin. Inis ko siyang nilapitan pero tumakbo lang ito kaya hinabol ko siya.
"Hoy!! Dabid, walang hiya kang hayop ka! Papatayin kita!!" Inis kong sigaw at hinabol siya. Nagsitabi naman ang mga tao sa hallway at dinig na dinig ko pa din ang malakas na tawa ni Dabiid bakla na mapang asar. Bigla ko namang kinuha ang bag ko sabay takbo ng mabilis at hinagis ko ito sa paa niya kaya natumba siya at nagpagulong gulong sa pathway. Mabibigat ang hakbang ko patungo sa kanya dahil gaganti talaga ako.
Gulat na gulat naman ito dahil nanlaki ang mga mata niya. Sakto naman ang pagdaan ni Mrs. Maligno kaya dali dali siyang tumayo at nagtago sa likod nito.
"Ma'am, help me! She's going to kill me." Nagpapaawang saad nito sabay ngisi sa 'kin mula sa likod ni Mrs. Maligno.
"Don't touch me!" Reklamo ni Mrs. Maligno sabay tingin kay Dabid. "Sa Guidance office ka na magpaliwanag at---."
"Joke lang ma'am, hahaha. Actually naglalaro lang kami." Lumapit naman sa 'kin si Dabid sabay kurot sa tagiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya at pinanlakihan lang ako nito ng mata.
"Sorry po ma'am. Aalis na ho kami." Ngumiti naman ng malapad sa 'kin si Mrs. Maligno at sabay alis. Kaagad ko namang dinakip ang buhok ni Dabid sabay sabunot doon.
"Awww! Sorna, hindi na muulit." Reklamo nito sabay pout.
"Excuse me, Anong oras pa ba kayo matatapos? Kanina pa ako naghihintay." Napatigil naman ako sabay tingin kay Kaizer. Suplado ang awrahan nito ngayon pero sobrang guwapings parin!! AAAHHH!!! Inipit ko naman kaagad ang iilang hibla ng buhok ko sa tenga ko sabay pa cute kay Kaizer.
"Honey, huwag ka ng magselos. Friend lang talaga kami ni David." Pagpapaliwanag ko sabay pa cute sa harap ni Kaizer, Honey ko. Mwehehehe! Pansin ko namang tumikhim si David na tila'y nagpipigil ng tawa. Tinignan ko lang siya ng masama at kaagad din namang tumingin kay Kaizer. Pansin ko namang tumataas baba ang adams apple nito. Bigla ding namula ang mukha nito.
"I-I'm n-not jealous." Saad nito sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako paalis doon. Alam ko namang nakabuntot lang samin si David. Tumatawa tawa pa ito na parang nahihibang na.
"Can you please stop laughing?!" Sambit ni Kaizer at masungit na nilingon si Dabid bakla. Napatingin naman ako sa mukha ni Kaizer sabay ngiti habang naglalakad kami sa hallway papuntang Cafeteria. Ang guwapo talaga ni Kaizer pero mas guwapo si Senyo--. Iniling iling ko na lang ang ulo ko dahil bigla ko siyang naalala. Napatingin na naman ako ulit sa mukha ni Kaizer at nakita kong nag iba na ito. Mukha na ni Senyorito ang nakikita ko.
Bigla ko namang nabitawan ang kamay nito sabay atras dahil sa gulat. Napatigil naman ito sa paglalakad sabay tingin sa 'kin. Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko at bumalik naman sa dati ang mukha nito. Pansin kong nagsalubong ang kilay nito na tila'y nagtataka sa mga kinikilos ko.
"You're acting when you're with me lately. What's wrong? You can tell me." Saad nito sa nag aalalang boses. Bigla naman akong ngumiti sa kanya. Iyong ngiting pilit.
"Ahh, k-kasi nakakita ako ng multo sa likod mo." Pagdadahilan ko.
"PFFFTTTT....HAHAHAHHA." Sabay naman kaming napatingin kay Dabid bakla dahil napahawak na ito sa tiyan niya sabay tawa na parang tuwang tuwa sa nakikita niya.
"Shut up!" Inis na saad ni Kaizer sa kanya sabay hila sa 'kin hanggang sa nakarating na kami sa canteen. Nag order lang sila ni Dabid at naiwan lang ako sa palaging puwesto namin tuwing lumalamon sa canteen. Bigla namang pumasok sa isip ko si Sukiro dahil siya lang ang talagang nakakaintindi sa 'kin lagi at siya lang ang makakatulong sa 'kin sa ngayon. Kailangan kong makuha ang number niya kay Kaizer, honey ko. Baka alam niya kung nasaan ito ngayon.