Lanea 4

1673 Words
ALENA Nang mapansin ni Ave na hindi na ako nagsasalita, magalang siyang nagpaalam at lumabas samantalang ako, naiwan na nakatulala sa tabi ng best friend ko na nahimatay. Ako? Kailangan nang Lanea? Anong meron? Kinabukasan ay hindi kami pumasok ni Jasmine. Pinilit din ako ni Ma’am Apple na sa kanila na matulog, tutal ay doon na rin naman ako titira. Pero hindi iyon libre, magta-trabaho ako sa kanila bilang bayad sa pagpapatira sa akin. Alam ko na ayaw na ni Ma’am Apple na may gaanong kasunduan pa pero ako na ang nagpumilit kundi baka araw-araw akong mahiya sa tuwing makakasalubong sila sa mansyon. Hindi ko na rin nakita pa si Sir Frank dahil bumalik na ito sa Maynila para sa trabaho. Ipinakuha na rin ni Ma’am Apple ang mga gamit ko sa bahay ni Tiyang Imelda. Balita ko nga sa mga kumuha ay galit na galit raw si Tiyang at muntik pang sunugin ang mga gamit ko. "Alena, totoo ba? Totoo nga talaga siya? Hindi naman panaginip iyon, hindi ba?" maging si Jasmine ay naguguluhan na rin, "Bakit ka daw kailangan ng Lanea? Naiintindihan niya ba na isang imagination lang ang lahat?" Itiniklop ko ang isa kong blouse bago inilagay sa maliit na kabinet sa may maids quarter. Dito na ako ngayon natutulog. "Ewan ko ba. Ano namang magiging problema sa Lanea, eh ako nga may gawa noon diba? Tsaka wala pa akong nasusulat na magkakaroon nang kaguluhan doon" paliwanag ko. Kase imposible talaga! I created Lanea for peace. Isang payapang lugar na maaaring mamuhay ang kahit na sino hangga’t may busilak kang puso. Isang lugar na ginawa ko para sa'kin. My haven is Lanea. Hindi pwedeng may sisira doon. "Malay mo, totoo pala talaga ang Lanea, na nakarating ka na doon dati, hindi mo lang maalala, mga ganoong eksena ba" malalim akong napaisip. Hindi nga kaya? Pero kailan? "Ang cool non di’ba? Teka nasaan na pala si Ave? Tingin mo madadala niya tayo sa Lanea? Kahit sneak peak lang!" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Seriously, Jasmine?" nakangiti siyang tumatango. "You're crazy! Paano naman tayo makakapunta sa Lanea? Ano, ilalabas mo ang notebook ko tapos tatalunan mo then hihigupin ka? Nagkataon pala na may magic iyong notebook ko tsaka ballpen ko kaya naman nagkatotoo ang Lanea?" Mabilis siyang napatayo at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang mga kamay ko at isinayaw ako. "A-Ano ba! Nahihilo ako!" saway ko sa kanya. "Alam mo, ang talino mo talaga!" she exclaimed habang naghahanap sa bag ko, nang nakuha niya ang notebook ko ay binuklat niya iyon sa unang pahina. Inilagay sa sahig at akmang tatalunan. "Hoy! Anong— 'wag mong talunan iyan! Baka masira!" agad kong hinablot ang notebook ko bago pa man siya bumagsak dito, "Walang magic ito, ano! Ordinaryong notebook at ballpen lang ang gamit ko!" "Eeh! Paano tayo pupunta sa Lanea!? Dali na! Gusto kong makita si Prinsipe Calil! Tsaka iyong palasyo!" hindi ako makapaniwala. Si Jasmine naniniwala siya na totoo talaga ang Lanea. Nag-iisip na ako kung sino ba talaga ang baliw sa'min. "Jasmine, makinig ka.." hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, "Gawa-gawa ko lang ang Lanea, bunga lang ng imagination ko, walang katotohanan, naiintindihan mo?" malungkot na napatango siya habang nakanguso. "Iyong Ave na nagpakita sa'tin, b-baka bogus lang iyon, malay mo nabasa niya pala itong notebook ko tapos pina-prank niya tayo diba?" Pero alam ko sa sarili ko na totoo siya. Sinong normal na tao ba naman ang kayang magpalit ng kulay nang mata ng wala pang limang segundo? "Sayang naman, akala ko pa naman makakapunta na tayo sa mundong ginawa mo" napaupo siya sa kama ko kasabay ng pagbuntong hininga. "Alam ko matagal mo nang gusto iyon di’ba? Ang tumakas sa mundong ito, kaya mo nga ginawa ang Lanea" Blanko ang mukha ko habang nakatingin sa pintuan. Tama, kaya ko binuo ang Lanea para makatakas sa realidad. Para maging masaya kahit na sandali lang. "Paano kaya nakapunta dito si Ave? Paano ka niya nahanap?" tanong niya na wala akong balak sagutin. Kahit na sa puso ko, alam ko kung paano. Ilang araw din akong hindi nakapasok dahil kay Tiyang. Dahil sa kaso na isinampa sa kaniya ni Ma’am Apple, sobra siyang nagalit sa'kin. Palagi siyang pumupunta sa university namin para mag-eskandalo. Maging sa harapan ng mansyon. Araw-araw siyang lasing. Hindi talaga ako lumalabas maliban nga lang ngayon. Pinakiusapan ako ni Ma’am Apple na pumunta sandali sa botika upang i-refill ang medicine kit niya. Dahil tapos ko na naman ang mga gawaing bahay ay umalis ako. Hindi naman kalayuan ang botika kaya naman walang problema. Mag-isang lang akong naglalakad ng mapadako ang tingin ko sa bakanteng lote. Walang bahay. Pero alam ko talaga meron! Pilit na inalis ko na sa isip ko ang nangyari noong nakaraang linggo. Ilang araw na ring walang paramdam si Ave. Hindi na rin nangungulit si Jasmine. Nang matapos akong mamili ay madilim na sa labas. Sinilip ko kaagad ang relo ko, 5pm pa lang. "Ang aga nama atang lumubog nang araw?" mahinang tanong ko. "Winter solstice na kase Hija, mas mahaba na ang gabi kesa sa umaga" sabi naman ng tindera. Napatango naman ako sabay kuha nang mga pinamili ko. Pero kakaiba ang paglapat ng kadiliman ngayon. Mas mabilis sa karaniwan. At saka winter solstice? Eh Marso pa lang! Mas naging maingat ako sa paglalakad papunta sa mansyon dahil pakiramdam ko ay may nakasunod na sa'kin. Pilit kong tinanggal sa isip ko ang pakiramdam na iyon hanggang sa mapadaan na naman ako sa bakanteng lote. Pero ngayon may bahay na. Sabi ko na eh! May bahay talaga dito. At alam kong nandito si Ave. Dahan-dahan akong naglakad kahit na ang totoo ay excited akong makapasok sa bahay na ito. Excited akong makita si Ave. Exci— "Huy" "Waaa!" agad akong napaatras nang may biglang bumulong sa'kin. "J-Jasmine! Ano ka ba! Bakit ka naman nanggugulat!" inis na sabi ko sa kaniya. Samantalang siya naman nakatingin lang sa bahay na nasa harapan namin, "Nakikita mo ba? May bahay di ba?" "Paano?" tanong niya habang nawawala ang kulay nang mukha, "Kanina lang ay wala iyan ah! 'Wag mong sabihing nandyan si Ave?" ako naman ngayon ang tumingin sa bahay. Nararamdaman ko, nandito siya, inaantay kami. Ako to be specific. "S-sandali lang Alena! Alena!" hinawakan ni Jasmine ang kaliwang braso ko habang papasok. Naramdaman ko na naman ang mainit na pakiramdam na ito. Bumibilis ang t***k ng puso ko pero hind na tulad noon. Hawak ang seradura ng pinto, marahan ko iyong itinulak. At muli na naman akong nasilaw na para bang isang kandila na scented. Sa harap nang ilaw ay ang nakatalikod na tao. Si Ave. Mas napahigpit ang kapit sa'kin ni Jasmine. "Alena, dumating ka" saka siya humarap. Ngayon naman ay ang original na damit niya ang suot niya. At ang mga mata niya. Magkaiba na ang kulay. "A-ave? A-ko si Jasmine! Kaibigan ako ni Alena, kumusta ka?" parang nawala ang kaba sa mukha ni Jasmine habang nakatingin kay Ave. Ngumiti naman sa kaniya ang huli. "Ang galing! s**t! Pwede ba kitang hawakan?" parang fan girl na tanong niya. Inilahad naman ni Ave ang kaniyang kanang kamay. Tinanggal ni Jasmine ang mga kamay niya sa braso ko at dahan-dahan na inabot ang kamay ni Ave. Medyo nanginginig pa. At nang magdaop ang mga kamay nila bahagyang natulala si Jasmine kaya nag-alala ako, balak ko na sana silang lapitan nang biglang tumingin sa'kin si Jasmine. "B-Best" "Jasmine! Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Best.. totoo siya! Ang lambot ng kamay!" parang hibang na sabi niya. Marahas akong napailing. "Alena! Nakikita ko ang Lanea.. s**t! Eto ba ang Lanea?" sabi niya habang nakatingin sa kawalan. N-nakikita niya ang Lanea? Sa pamamagitan ng magic? "Jasmine, tara na umuwi na tayo baka hinahanap na ako ni Ma’am Apple" hinawakan ko ang kamay ni Jasmine para hilain na siya sa pagkakahawak ni Ave ngunit imbis na mahila ko siya ay parang ako ang hinila papunta sa kung saan. Bigla na lamang nagbago ang paligid ko. Naging isang malawak na lupain na maraming mga puno, maraming mga ibon at... may kastilyo. Kastilyo na may apat na tore at bawat tore ay may asul na bandila na may agila na may baluti. Parang gustong lumuwa nang mga mata ko sa mga nakikita ko. Gustong sumabog ng mga lamang loob ko. Kung hindi ako nagkakamali nasa bundok Misa kami ngayon. "Holy guacamole" narinig kong may nagsalita. Lumingon ako sa kanan ko, nakikita ko si Jasmine, magkahawak pa rin kami nang kamay. "E-eto na ba ang Lanea? Ang... ang ganda" manghang sabi niya. Hindi ko binitawan ang kamay ni Jasmine, baka mamaya bigla na lang mawala ang babaeng ito. Kitang-kita ko sa sulok ng mga mata ko si Ave na nakatingin sa buong Lanea. Hindi ko mapigilan na hindi maluha. Ako ba ang gumawa nito? Ito na ba ang Lanea? Napakaganda. Nang bigla na lang may isang itim na usok ang lumabas sa gitna nang kalangitan. "Ano ang bagay na iyan?" tanong ni Jasmine. Maging ako ay napatingin dito. I don't feel good about this smoke. "Isang lason" may bahid ng galit na sabi ni Ave. "Si Haring Dico ang may gawa niyan, pagkalipas ng ilang taon na pananahimik ay bigla na naman siyang umaatake sa Lanea" Si Dico? Parang wala sa sarili na itinaas ko ang mga kamay ko paturo sa itim na usok. Nakaramdam ako ng init na lumalabas sa aking mga kamay. Hanggang sa may tila nakakasilaw na liwanag na lumabas sa dulo ng aking mga daliri. Tumama ang liwanag na iyon sa itim na usok na bigla na lang nawala. Kasabay ng pagkawala ng usok ay ang pag-ilaw ng langit. Pagkatapos noon ay bigla na lamang kaming bumalik sa bahay sa may bakanteng lote. "Woah" iyon lang ang tanging nasabi ni Jasmine habang ako naman tulala lang na nakatingin kay Ave na nakatingin sa'kin. "U-uuwi na kami" hinila ko na si Jasmine palabas sa bahay sa bakanteng lote at nang subukan naming lumingon, wala na ang bahay. Just exactly what the hell was that!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD