Lanea 5

1925 Words
ALENA Humahangos na nakarating kami ni Jasmine sa mansyon. Halos mapahiga kami sa marmol na sahig habang humihingal. Wala ni isa man ang nagsalita. "Alena? Jasmine?" hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag, bagkus ay nanatili kaming nakaupo sa sahig ng mansyon. "Alena, anong nangyari? Jasmine?" naramdaman namin ang paglapit ng isang kasambahay. Si Ate Loyda. "Namumutla kayo, may humabol ba na aso sa inyo?" tanong niya. Napailing naman si Jasmine. "Hi-hindi, Ate. Kase—" tumingin muna siya sa'kin na para bang nagpapaalam. Pinanlakihan ko siya ng mata "Nakita ko iyong crush ko k-kaya napatakbo kami ni Alena, he he e-eto kase mukhang ibubuking pa ako!' sabay hila sa'kin ni Jasmine patayo. "Crush?" bigla kaming nagkatitigan ni Jasmine nang marinig ang boses na iyon, napatingin ako sa lalaking pababa nang hagdanan, si Sir Frank! "May crush ka na pala" poker face na tanong nito kay Jasmine. Napapadalas yata ang uwi niya dito sa mansyon. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano ba sa reaksyon ni Jasmine. Para siyang na-estatwa kaya naman marahan ko siyang niyugyog. "Pasensya na Ate Loyda, ok lang naman kami ni Jasmine, nagkakatuwaan lang, sige ha pasok na kami sa kwarto ko" tumingin naman ako kay Sir Frank, "Magandang gabi po Sir" Patakbo kong hinila si Jasmine hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Sinigurado ko rin na naka-lock ng maayos ang pintuan. Ilang minuto pa kaming nagtitigan hanggang sa— "KYAAAAAAHHHHH!!!" Jasmine "WAAAAAHHHH!!!" Ako. "OMG Best! Anong nangyari! Oh my gosh!" tilian niya habang nakahawak sa ulo. "That's totally insane!" sigaw niya habang ako naman nakatingin lang sa kamay ko, pilit na inaalala ang mga nangyari. Kung paanong may isang mainit na pakiramdam ang bigla na lang parang dumaloy sa mga ito hanggang sa may lumabas na puting liwanag hanggang sa tamaan ang itim na usok na nakapa-ibabaw sa Lanea. Mahina akong napatawa, "Nakita mo iyon Jas?" hindi makapaniwala na tanong ko. Mabilis naman ang mga pagtango niya, "Nakita—" kaagad na tinakpan ni Jasmine ang bibig ko. "Sssshhhh! Wag kang maingay! Walang dapat makaalam nang nangyari kanina ok?" mabilis naman akong tumango pero hindi pa rin mawala sa isip ko. Shet talaga! Ano iyon? Powers? Magic? Ano bang nakain namin ni Jasmine at parehas kaming high na high? Nangako kami ni Jasmine na walang pagsasabihan na kahit na sino tungkol sa nangyari sa'min. Una, dahil baka isipin nila na baliw na kami at pangalawa, baka isipin nila na baliw na kami. Palagi rin kaming sumusilip sa bakanteng lote pero wala na ang bahay. Ilang araw na ring tahimik ang buhay namin patungkol kay Ave. "Sakay na" tawag sa'min ni Sir Frank, isang umaga bago kami pumasok sa eskwela. Oo nga pala dito na siya umuuwi. Ewan ko nga kung bakit, biglaan din. Ihahatid niya kaming dalawa ni Jasmine bago siya pumasok sa opisina. Madalas niya rin kaming sunduin. Nag-alangan pa kami ni Jasmine pero agad din naman kaming lumapit. "Tara na, baka ma-late pa kayo sa bagal niyong maglakad" ngumiti naman ako sa kaniya. Papasok na sana si Jasmine sa likuran nang kotse nang hilain ko siya papasok sa passenger seat. Laking gulat niya sa ginawa ko. "Mahihiluhin kase ako sa aircon, ikaw na lang diyan, tsaka para hindi magmukhang driver si Sir" Kaagad akong pumasok sa likuran. Ilang sandali pa ay naandar na kami. "Ang bagal niyong maglakad, siguro inaantay mo pa iyong crush mo ano?" biglang sabi ni Sir Frank. Hindi sa'kin. Kay Jasmine. "Po?" takang tanong naman ng best friend ko, "Crush? Sino?" sabay lingon niya sa'kin. Hindi naman ako kumibo dahil wala akong alam sa sinasabi niyang crush. "Di’ba iyon ang sinabi mo noong nakaraang gabi nang umuwi kayo ni Alena na humahangos?" bigla ko na namang naalala ang gabing nakasilip kami sa Lanea. "Ah! Oo nga pala naalala ko na! Di’ba Jasmine?" takang tanong napatingin siya sa'kin. "Si James Reid nakita natin sa TV kaya tayo napatakbo para maabutan natin, remember?" pinanlakihan ko siya ng mata. Minsan talaga ang slow niya. "Ah! Oo nga! Naalala ko na!" sabay tingin niya sa labas. Halatang nahihiya sa sinabi. Well totoo naman na crush niya si James Reid pero mas gusto niya iyong driver namin ngayon. Kitang-kita ko naman ang pagngisi ni Sir Frank. "Sir Frank—" tawag ko sa atensyon niya. "Frank na lang, hindi naman ako ganun katanda" napatango naman ako. "Ah Frank, bakit nga pala nandito ka na nauwi? Hindi ka ba nahihirapan sa uwian na byahe?" usisa ko. "May sasakyan naman ako so wala namang problema sa uwian. And besides, nandito iyong matagal ko ng gusto" Okay. So dahil din sa gusto niya kaya siya nandito? "Matagal ko na siyang gusto kaso lately ko lang na-realize na gumawa na ng paraan, baka bigla kase siyang maagaw" napangisi ako. Paano kase si Frank sumusulyap kay Jasmine habang nagda-drive. "Nasaan na ba iyong gusto mo? Kasama mo ba siya sa trabaho? O baka naman kapitbahay lang din natin" tanong ko. Frank smirked. "Nandito lang iyong taong gusto ko" Grabe! kinikilig naman ako! "Malapit ko na siyang makasama at pag nangyari iyon, kailangan na maging girlfriend ko na siya para wala ng makakaagaw sa kaniya, lalo pa ngayon na mas lalo siyang gumaganda" lihim akong napatawa. "Naku Frank, may pagka-possesive ka pala ano?" tanong ko na hindi na niya nasagot dahil nasa tapat na kami nang school. Pagkababa namin ay agad na tumalikod si Jasmine kaya naman iniharap ko siya kay Frank. "Mag thank you ka naman Jas, ako na nga kumausap sa kanya eh" bahagyang yumuko si Jasmine pasilip kay Frank. "S-salamat Sir... ay Frank pala, salamat sa paghatid tsaka ano... ingat ka" ang lawak naman ng ngiti ni Frank kay Jasmine. Bahagya pa itong namula! Confirmed! "Susunduin ko kayo mamaya, ok? Sa parking na lang tayo magkita" agad na umiling si Jasmine. "Naku 'wag na! Ano... may gagawin pa kase kami ni Alena eh! Sige ha!" sabay hila sa'kin palayo ni Jasmine. "Anong gagawin natin?" takang tanong ko nang makalayo kay Frank. "Half day lang tayo ngayon, pupuntahan natin si Ave" masayang sabi niya. SA LANEA AVE Nasa harapan ako ngayon ni Haring Caious, ng Reyna Isven at Prinsipe Calil. Nasa likuran ko naman ang aking alagad na si Biel. "Sinasabi mo ba sa akin, Ave, na hindi ikaw ang pumuksa sa usok na lason na gawa ni Haring Dico?" tanong ng Hari, "Kung ganon ay sino? Sino itong nagligtas sa Lanea at ng maparangalan? Marahil isa siya sa iyong mga estudyante? Biel, ikaw ba?" tanong ng Hari sa babaeng nasa aking likuran. Magalang na umiling si Biel, "Patawad po kamahalan, ngunit hindi ako ang gumawa nang mahika na iyon, isa iyong mahika na tanging ang mga nakakatanda lamang ang nakakaalam at kinakailangan na magkaroon ka muna nang dugo ng lumikha upang magawa iyon" paliwanag ni Biel. Bakas na ngayon ang pagtataka sa mukha ng mag-anak. "Kung ganon ay sino itong makapangyarihan na ito?" tanong ni Prinsipe Calil. Tumingin ako sa kanila isa-isa. "Ang pumuksa sa usok ay... ang lumikha mismo" sandali silang natulala sa sinabi ko, "Ang mahal na Alena mismo ang pumuksa sa usok gamit lamang ang mga dulo ng kaniyang daliri" Napatayo sa kanyang trono si Prinsipe Calil. "Imposible! Isa lamang alamat ang lumikhang si Alena, hindi siya totoo at wala pang nakakapagpatunay doon" tutol niya sa mga sinasabi ko. "Nagkakamali ka Prinsipe Calil, ako mismo ang buhay na patotoo na tunay na mayroong mahal na Alena na nabubuhay, nakita ko siya ng mga mata ko, nahawakan ng sarili kong mga kamay, akin siyang nakausap" maging ang Hari ay napatayo na rin sa kanyang trono. "Ang lumikha, nababasa ko lamang siya sa mga libro sa aklatan noon, at sinasabi mo ngayon na siya ay tunay at buhay? Paanong? Nasaan ang lumikha?" tanong nang Hari. "Patawad kamahalan ngunit wala pa siya dito sa Lanea, kasalukuyan siyang nasa ibang lugar kung saan siya mas ligtas ngayon, ang nangyari noong nakaraan ay bunga ng kanyang malakas na kapangyarihan, wala ang kaniyang pisikal na katawan dito sa Lanea ng mangayari iyon ngunit dahil sa kaniyang lakas, nakapaglakbay ang kaniyang kapangyarihan patungo dito sa Lanea upang iligtas tayo" malungkot na napaupo ang Hari sa kanyang trono. "Mayroon bang paraan upang atin siyang makuha sa ating panig? Paano ko siya makakausap?" tanong nang Hari. Malungkot akong napailing, "Mahal na Hari, ang mahal na Alena ay hindi pa rin makapaniwala sa mga bagay na inilahad ko sa kaniya, katulad ninyo ay nahihirapan rin siyang tanggapin na totoo ang Lanea dahil ang sa akala niya ay bunga lamang tayo ng kaniyang imahinasyon. Kaya ako nagbalik dito sa Lanea upang bigyan siya ng pagkakataon na mag-isip at kapag dumating na ang tamang oras, siya ay bababa dito sa atin" napatango naman ang Hari. "Wala tayong magagawa kung ayaw tayong tulungan nang lumikha, maraming salamat Ave, Biel maaari na kayong bumalik sa inyong tahanan" tumayo na kami ni Biel at saka lumabas ng palasyo. Inilabas ko ang aking maliit na baston at iwinagayway iyon nang limang beses at sa isang iglap, nandito na kami sa bundok Misa. "Ave paano mo makukumbinsi ang mahal na Alena na pumunta dito sa Lanea?" alalang tanong ni Biel. Sa totoo lang ay kanina ko pa iyan iniisip hanggang sa maalala ko ang kaniyang libro. Ang libro kung saan niya isinulat kung paano niya nabuo ang Lanea. "Mukhang alam ko na kung paano—" "Ave! Ang salamin!" kaagad akong nagtungo sa harapan nang salamin na tinutukoy ni Biel. Nakapagtataka na ito ay umiilaw ngayon. Ikinumpas ko ang aking kamay doon at lumabas ang mukha ng Haring Caious. "Kamahalan? Ano't kayo'y napatawag? May nalimutan ba kayong ihabilin?" tila balisa na lumingon ang Hari sa kanyang paligid bago nagsalita. "Nais kong makita ang lumikha, matutulungan mo ba ako? Baka maaari ko siyang makumbinsi" nagkatinginan kami ni Biel. Alam ko na tatawag siya dahil sa dahilan na ito. Kilala ko si Caious mula pa lang pagkabata. Alam ko na mayroon siyang mapang-usisa na katauhan, kaya naman nais niyang aralin ang lahat ng bagay. Kasama na doon ang pagpunta sa ibang dimensyon. Totoo na itinuturo noon ang mahika na iyon subalit dahil sa napaka-delikado ay mariin na ipinagbawal. "Naiintindihan ko po ang inyong kagustuhan kamahalan ngunit hindi ko kayo maaaring dalhin kung nasaan man siya para na rin sa kaligtasan ng bawat isa" bagsak ang balikat nang Hari habang nagpapaikot-ikot sa harapan ng salamin. "Ngunit maaari ko siyang pakiusapan na kausapin kayo ng hindi naman naglalakbay ang inyong mga pisikal na katawan, tanging siya lamang ang makagagawa noon" bahagyang nagkaroon nang pag-asa ang mata ng Hari. "Maaari po lamang na kayo'y mag-antay sapagkat hindi ganon kadaling pakiusapan ang lumikha bilang siya ay naniniwala na tayo ay bunga lamang ng kaniyang imahinasyon" Nakaiintindi na tumango ang Hari at nawala na lamang ang imahe ng Hari sa salamin. Napaupo naman si Biel sa sahig. "Grabe naman sila! Kailangan ba na agad-agad?" tiningnan ko lamang siya at nginitian. "Hindi naman ganoon kadali ang hinihiling ng Hari! Alam ba niya na halos sumuka na ako ng dugo mapanatili lang ang lagusan?" saka siya sumipa-sipa sa ere. "Biel, napakagaling ng ginawa mo, sigurado ako kapag nalaman iyon ng lumikha, kapag nakita ka niya, pasasalamatan ka niya" sandali naman siyang napatulala at yumuko ngunit kita ko pa rin ang pagpula ng kaniyang pisngi. "T-talaga? Tingin mo magiging magkaibigan kami ng Mahal na Alena?" tanong niya. "Walang duda, nakita ko na ang kaniyang puso at hindi ako magkakamali na pupunta siya dito sa Lanea. Kailangan lamang niya ng panahon" napatango naman si Biel. Ngunit sana, sa lalong madaling panahon na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD