“You’re coming with us?” excited niyang bulalas, sabay hawak sa kamay ko. “Seryoso? Sasama ka sa amin ni Nero?” I could see the happiness in her eyes. They were twinkling. Sino ba naman ako para tumanggi? Titiisin ko na lang kung sakaling mahilo o mauska ako. Tumingin ako sandali kay Nero, na nakatingin din pala sa akin. “Kung ayos lang sa kanya,” tukoy ko kay Nero. Nag-iwas siya ng tingin nang tumingin sa kanya si Vivian. “Ayos lang naman sa’yo, ’di ba, Nero?” tanong nito. Napatingin ako sa paraan ng paghawak niya kay Nero sa kamay, parang sanay na sanay na. Nilihis ko ang tingin at pilit na ngumiti. “Please? Tayo-tayo lang naman.” I glanced at my plate. I could feel my chest tightening, lalo na nang idampi ni Viv ang kamay ni Nero sa kanyang pisngi. Ilang araw pa lang silang magka

