Surprise flickered in his eyes. Mukhang hindi niya inaasahan na hihingi ako ng tulong sa kanya. “Okay lang?” paninigurado ko at baka ayaw pala niya. “Ayos lang kung—” “Okay lang,” mabilis niyang sagot. Nahagip ng mata ko na nagkatitigan si Mama at Vivian, pero hindi ko na pinansin. This is about work, not anything else. Hindi ko alam bakit gumulo ang data sa spreedsheet, eh maayos naman 'yon kanina. Baka napindot ko no'ng makatulog ako? I don't know. “Hindi ko natapos…” dagdag ko, bahagyang itinataas ang laptop. “’Yong data. May mga entries na nagulo, and I don’t want to mess it up further. I-p-present ko pa 'yon sa mga sponsors, 'di ba?” Saglit siyang tumitig sa screen, saka tumango at tumingin ulit sa akin. “Let me check.” Lumapit siya at naupo sa tabi ko, careful not to brush my

