Tahimik ang buong biyahe namin pauwi. I could feel the stares, the tension, everything inside the car. Dito sana dapat si Nero sa passenger seat, pero hindi pumayag si Ceejay. While the silence was louder than any noise, I noticed how Nero placed Vivian’s head on his shoulder. At habang ginagawa niya ’yon, nakatingin siya sa akin sa side mirror. I don’t know if he was doing it intentionally or just acting, but it made my chest tighten. Umiwas ako ng tingin hanggang sa biglang nagising si Vivian. “Sorry,” I heard her say. Sorry for what? Nahagip ng tingin kong tumingin si Ceejay sa maliit na salamin sa unahan. “Ayos ka lang, Vivian?” “Ayos lang... pero pwede bang dumaan sa Jollibee drive-thru? I'm hungry, and I bet Rumi is hungry too.” I pursed my lips. Hindi ako sigurado kung makakak

