“Iniwan mo ba ‘ko?” Punong puno ng pagkalito at galit ang mga mata ng binata. Hindi niya alam kung bakit gusto niya pang sagutin iyon ng dalaga kahit na hindi rin siya sigurado kung paniniwalaan niya pa ito. She lied to him. Hindi lang isang beses at hindi lang sa maliit na mga bagay. She lied to him about her existence in his life. He told her about his struggles about his memory loss. Ito ang tanging tao na pinagsabihan niya tungkol sa nararamdaman tungkol sa kondisyon niya at… niloko siya nito. “Savannah… please… please answer…” pakiusap ng binata sa pagod na boses. “I… I didn’t…”sagot ni Savannah sa maliit na boses. “Really?” hindi makapaniwalang tanong nig binata bago ito huminga ng malalim at bahagyang tumingala na para bang mas mapapahaba niyon ang pasensya niyang malapit ng mau

