SIMULA
"I'll give you thirty damn seconds to get that slut out of your condo, Jacinto!" Gulat na dumilat ang mga nakapikit na mata ni Silver. Nabuhay ang kanina ay tulog na tulog niya pang diwa. Halos ihagis na niya sa kama ang cellphone niya pagkababa na pagkababa palang ng tawag.
Agad siyang tumayo sa kama at nagmamadaling ginising ang babaeng natutulog sa kabilang banda ng kama niya.
"Good morning---" Natigilan ito sa mapang-akit na pagbati sa binata nang tumama sa mukha nito ang pulang bestida nito.
"Get dress! Faster!" nagmamadaling utos ni Silver sa babae habang nagsusuot ng pantalon.
"Bakit ba?!" iritadong tanong ng babae habang inaayos na rin ang sarili.
"Just f*****g get dress, will you? And get the hell out of here!" iritado niyang ring singhal pabalik sa babae. Ayaw pa naman niya sa mga babaeng matanong. Pakiramdam niya ang bobo ng mga taong gano’n.
One look at his bedside clock and he found himself cursing loudly upon realizing that his thirty seconds is already over.
Hindi pa man tapos mag-ayos ang babae ay hinila na niya agad ito at pinagtutulak palabas ng unit niya.
Damn Silver! You're damned!
Pinanood niyang makalayo ang babae habang patuloy siya nitong pinagmumura.
"Get out of my way." Bumaling ang atensyon niya sa babaeng papasok sa unit niya. Agad naman siyang gumilid para bigyang daan ang pagpasok nito.
"Savannah..." nananantiya niyang tawag sa pangalan ng babae. Hinarap naman siya nito habang nakataas ang isang kilay.
Nakangiti siyang akmang lalapit at hahalik sa dalaga nang lumayo ito sa kanya. Napanguso siya dahil sa inasal nito. Sinubukan na lamang niyang akbayan ito but just like her initial reaction, Savannah walked away from him. Dumiretso ito sa sala ng unit niya at pinatong ang bag na dala sa sofa nito.
"No touching after touching other woman's body," hindi nakatinging saad nito sa kanya. Nanatili siyang tahimik habang nakatingin dito, mapanghamon ang mga mata nito nang mag-angat ng tingin pabalik sa kanya.
"I thought we're clear about that?" nakangising saad nito at nakipagtagisan pa ng tingin sa kanya.
Moments later ay si Silver din mismo ang sumuko sa titigan na iyon. He raised his two hands in the air, admitting defeat.
"Okay... sorry. But we didn't do anything," patuloy niyang palusot. The woman in front of him stared at him with an amused expression before shaking her head.
"Really?" sarkastikong tanong nito sabay upo nang nakapanambiran sa harap niya.
Silver can't help but to feast on the nice scenery in front of him. Wala sa sarili siyang napalunok habang patuloy na sinusuyod ng tingin ang kabuohan ng dalaga.
"Eyes up, Jacinto." Bumalik ang tingin niya sa mukha ni Savannah. Pasimple naman siyang tumikhim bago itinuong muli ang buong atensyon dito.
"As I was saying, walang nangyari," confident niyang saad rito.
"So, anong ginawa niyo rito kagabi? Naglaro ng jack-en-poy?" patuloy na naghahamon ang boses ni Savannah.
Silver hated girls who keeps on asking questions after questions, but this girl is an exemption. Bobo ang tingin niya sa mga babaeng matanong, but being questioned by this girl in front of him? It feels different. Hindi niya kailanman matatawag na bobo ang babae. Baka isampal pa sa pagmumukha niya ang results nito sa Licensure Exam.
"I don't know. I actually don't remember but I'm pretty sure nothing happened. I was too drunk to even move," paliwanag niya rito. Pinagtaasan siya nito ng kilay.
"Should I go and check your CCTV footage?" natigilan siya sa sinabi ng dalaga.
"On second thought. ‘Wag na lang pala. Makapanood pa 'ko ng porn ng wala sa oras," saad nito nang akmang magsasalita siya.
"Go take a shower. I'll go cook something," Savannah said as she stood up and went to the kitchen.
After taking a shower ay dumeretso si Silver sa kusina. Naabutan niyang naghahain ang dalaga kaya nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod. Siniksik niya ang ulo sa may bandang leeg ni Savannah at malambing na pinaulanan nang malumanay na mga halik.
"Upo na. Let's eat." Kumunot ang noo ng binata nang mapansin ang pasimpleng pagkalas sa pagkakayakap ni Savannah sa kanya.
He's starting to feel weird about Savannah's actions, but his suspicions all went down the drain when he saw her smile at him.
But as they started to eat quietly, the tension he felt earlier went back, and he couldn't help but worry because they were never quiet. Ever since they started this setup, they have never run out of things to say to each other. There was no dull moment between them, kaya naman ay labis siyang binabagabag nang katahimikan ni Savannah ngayon.
"May problema ba?" seryoso niyang tanong sa dalaga.
"Finish your food first." Dahil sa sagot ng dalaga ay nakompirma niyang may mali nga rito.
"Ano ‘yon?" hindi mapakaling niyang tanong, tuluyan nang nawalan ng ganang galawin ang pagkaing nakahain sa kanyang harapan.
"Just finish your food first," malamig pa ring sagot ni Savannah sa kanya.
"Savannah," tawag niya rito gamit ang mapagbantang boses. Huminga nang malalim ang dalaga bago binitawan ang mga kubyertos at hinarap ang lalaki.
"Silver, I'm out," mahinahon nitong saad sa kanya. Hindi ito agad na naintindihan ni Silver.
"Out... what?" takang tanong niya.
"I want out of this arrangement," mas detalyadong saad ni Savannah sa kanya.
Tila nablangko ang isip ni Silver sa narinig. Nanatili siyang nakatitig sa mukha ng dalaga.
"Why?" madilim ang mukhang tanong niya rito.
Pagkakita sa reaksyon ng binata ay hindi napigilan ng dalaga ang matawa nang bahagya.
"We both agreed na we can step out of this arrangement whenever we want to. So, anong ka-clingy-han ito?" nang-uuyam na tanong ng babae sa kanya.
Upon realizing what Savannah was trying to say, he cleared all the possible emotions on his face that may give him away. He made sure that she wouldn't see anything through him.
"I don't like where this conversation is heading, Savannah," malamig na utas ni Silver kay Savannah.
"Who cares if you like it or not? I'm just informing you that I want to be out." Ilang segundo pa silang nagsubukan ng tingin bago tumayo si Silver at tinalikuran si Savannah.
"Finish your food then lock the door before leaving." Nakakaisang hakbang palang si Silver ay nagsalita na si Savannah.
"Silver..." malumanay ang boses ni Savannah sa paraan nang pagkakatawag nito sa sa kanya. Malayong-malayo mula sa tonong gamit nito kanina.
Pumikit siya nang mariin bago prenteng hinarap ang dalaga sabay tago ng mga nakakumong mga palad sa bulsa ng khaki shorts na suot niya.
"What?" malamig niyang tanong rito.
"Will... will you remember me?" mahinang tanong ni Savannah pero sapat na para marinig ng binata.
Hindi na napigilan ni Silver ang mapangisi dahil sa tanong ng dalaga.
The nerve?!
"Why would I?" he asked while smirking. "You're just one of those girls who came to warm my bed," walang kaemo-emosyong saad niya bago tuluyang tinalikuran si Savannah.