"Good Morning, sir!" humahangos na bati ng secretary niya pagkababang-pagkababa niya sa sasakyan.
"Schedule?" tanong niya rito habang prenteng naglalakad sa hallway ng kompanya.
"8am conference for the upcoming Forsep Project, 10 am is scheduled for contract signing with Mr. Degala, Lunch meeting with--" hindi natapos sa pag-re-recite ng schedule niya ang secretary nang mabunggo ito sa likod niya dahil sa biglaan niyang paghinto. Umikot siya at hinarap ang secretary niya ng may malokong ngiti sa mukha. Umirap ito nang maintindihan ang ibig niyang sabihin sa ngiting ibinigay niya rito.
"Please remind me again, bakit nga ako ang secretary mo?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
"Kasi bestfriend mo ‘ko?" patanong niyang sagot rito ng may mapaglarong ngiti sa labi, na agad namang sinagot ni Genie ng pag-irap at ambang paghampas ng tablet na dala. Tinawanan niya lang ang pagkapikon ng kaibigan bago muling naglakad papunta sa elevator.
"Who's the new victim anyway?" tanong nito habang inaayos muli ang schedule na nasira nito dahil sa cancelled na 'lunch meeting' niya.
"Gwen? Grace? Whatever. As if I can really remember,.." he answered Genie, his secretary.
Nag-angat ng tingin si Genie mula sa binabasa at binigyan siya nang malungkot na ngiti. He never liked that kind of look in Genie's eyes. He hated being pitied kaya naman ay palagi niyang dinadaan sa biro ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung para saan ang ganoong tingin ng kaibigan. Natanggap na niya sa sarili niya ang kondisyon niya and he also learned how to deal with it so why does the people around him still thinks that it was a pity?
"What's with that look? Don't tell me you're starting to have romantic feelings towards me? Genie, I'm sorry hanggang bestfriends lang ang kayang kong i-offer sa ‘yo," biro niya habang nakangisi at nagkunwaring nag-aalala ang tono ng boses.
Natawa na lamang siya nang bigla siyang paghahampasin ni Genie.
"Try mong iparinig sa kuya mo ‘yan, nang nabugbog ka ng wala sa oras!" nagbabantang saad ni Genie na tinawanan niya lang.
Of course, Genie can never have any romantic feelings towards him, they've known each other since kindergarten but never have it happened that one of them fell for the other. They're just best friends. Aside from being his secretary and bestfriend, Genie Galvez is his older brother's girlfriend, well let's say fiancee. So practically, Genie is his future sister-in-law.
"By the way, have you heard about the Detangco Corp. scandal?" baling sa kanya ni Genie pagkapasok nila sa loob ng elevator.
"Yeah," walang pakialam niyang sagot dito. Dahil sa sagot niya ay binalingan siya ni Genie ng may panghuhusga sa mga mata.
"Don't tell me..." Binigyan niya nang makahulugang tingin si Genie. Natigilan ang dalaga at kalaunan ay napailing na lamang.
"Hay naku! Nagiging hilig mo na atang pasakitin ang ulo ng CEO ng Detangco Corp. Kaya siguro bababa na ng posisyon," nakuha ng huling sinabi ni Genie ang atensyon ni Silver.
"What do you mean?" kunot noong tanong niya sa dalaga. Bumukas na ang elevator bago pa man siya masagot ng sekretarya. Humakbang muna sila palabas nito bago tinuloy ang pag-uusap.
"I heard the position of CEO would be transferred to it's successor soon. I guess masyado nang matanda si Mr. Detangco to put up with all the mess you've been giving their company," natatawang saad nito sa kanya.
"New CEO huh? Let's see how he works," mahina niyang bulong sa sarili bago tuluyang pumasok sa opisina niya upang umpisahan na ang trabaho.
"You want me to get you an invitation from the Detangco's?" Genie asked, dumbfounded after she realized what her best friend was asking her to do.
"Yes, Genie. I want to see their new CEO. Let me see his capabilities. Malay mo? Tigilan ko na yung kompanyang 'yon if the new CEO impresses me," saad ng binata nang hindi siya binabalingan ng tingin.
"With all due respect Sir. May I talk as your best friend?" Kunot ang noong nag-angat ng tingin si Silver na agad namang sinalubong nang nakataas na kilay ng kaibigan. Binitawan ng binata ang ballpen na hawak at sinandal ang likod sa upuan.
"What is it?" tanong nito sa kaibigan.
"First of all, I doubt it kung pagbibigyan ka ng mga Detangco to attend their party," mataray nitong saad habang naka-cross arms.
"Sa mga kalokohan na ginawa mo with their former CEO? I really doubt it," saad ni Genie habang umiiling-iling pa.
"That's why I'm asking you to get one." She just rolled her eyes for the persistence her friend was showing. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit paboritong paglaruan ng kaibigan ang mga Detangco.
"Okay, I'll try," pagsuko ng dalaga before turning around heading to the door of Siler's office. Palabas na siya nang natigilan siya at bumalik muli sa may table ng kaibigan. Automatiko namang umangat ang kilay ni Silver sa pagtataka sa ginawa ng kaibigan.
"Their new CEO is a woman though," nagulat si Silver sa narinig, the Detangco's are known to be historically handed down to their first-born sons. So, it's a surprise that their new CEO is a... woman?
That just made things more exciting. Agad na bumakas sa mga labi ni Silver ang ngisi habang abala ang kaibigan sa pagkukwento ng balita tungkol sa mga Detangco.
"I've heard na walang interes sa negosyo ang mga kapatid na lalaki kaya yung nag-iisang anak na babae yung nag-take over. And... from what I've heard? This woman is not someone you can take on easily." Natigilan at sandaling napaisip ang binata sa sinabi ni Genie. Makaraan ay isang mapaglarong ngisi ang nanumbalik sa mukha ng binata.
"This is getting interesting. Genie, get me an invitation for their event. Make sure I'll be able to attend that." He asserted with his voice laced with finality. Genie stared at her friend for a while before nodding with a sigh of defeat and went out of Silver's office to start on her new task.
"A woman as a CEO. Interesting," bulong ni Silver sa sarili, nang makapagsolo sa loob ng opisina bago bumalik sa pagbabasa ng mga dokumento sa lamesa.