Lumapad ang ngisi ni Sol kasabay ng mayabang na pagkaway sa mga audience na mabilis na umani ng mga hiyawan. Humalakhak siya nang marinig ang pag-checheer ng kanyang mga kaibigan mula sa bleachers habang mas binibilisan niya ang bawat galaw ng kanyang mga binti. “Just a bit more…” hinihingal niyang bulong sa sarili nang matanaw na ang papalapit a finish line. “Go Ate Sol!” rinig niyang cheer ng bunsong kapatid na agad na nangibabaw sa ingay ng crowd dahil sa lakas at tinis niyon. “JA-CIN-TO! JA-CIN-TO!” sunod sunod na ang chants ng kanyang apelyido habang papalapit siya ng papalapit sa finish line. Ramdam na ramdam ng dalaga ang pagod ng kanyang mga binti pero hindi sapat na dahilan iyon para tumigil siya sa pagtakbo. Running is something that made her feel so happy, carefree, and fre

