"Get out of my way." Bumaling ang atensyon niya sa babaeng papasok sa unit niya. Agad naman siyang gumilid para bigyang daan ang pagpasok nito. "Savannah..." nananantiya niyang tawag sa pangalan ng babae. Hinarap naman siya nito habang nakataas ang isang kilay. Nakangiti siyang akmang lalapit at hahalik sa dalaga nang lumayo ito sa kanya. Napanguso siya dahil sa inasal nito. Sinubukan na lamang niyang akbayan ito but just like her initial reaction, Savannah walked away from him. Dumiretso ito sa sala ng unit niya at pinatong ang bag na dala sa sofa nito. "No touching after touching other woman's body," hindi nakatinging saad nito sa kanya. Nanatili siyang tahimik habang nakatingin dito, mapanghamon ang mga mata nito nang mag-angat ng tingin pabalik sa kanya. "I thought we're clear abou

