“Tuloy tuloy ang pagbagsak ng stock value ng DTC Entertainment,” balita ni Genie kay Silver habang kumakain silang dalawa ng tanghalian. Mabilis na nag-angat ng tingin si Silver sa kaibigan at pinanliitan ito ng mata. “What did you say?” Uminom muna ng tubig si Genie bago kinuha ang ipad nito sa bag at iniabot iyon sa kaibigan pagkatapos iyon maniubrahin para ipakita kay Silver. Kinuha ng binata ang gadget at pinanood ang mabilis na pagbagsak ng stocks ng DTC Entertainment. “Even our stocks were affected. May ilang articles ang lumabas na nagsasabing tayo ang sumisira sa image ng kabilang network,” naningkit ang mga mata ni Genie bago binalingan ng tingin si Silver. “Please tell me you’re not behind that, Silver,” ani nito sa tahimik na boses. Nag-angat ng tingin si Silver bago tinaasa

