“Mommy, Ate Sol would be alright, right?” naluluhang tanong ni Shanon kay Savannah habang naka-abang ang mga mata nito sa pintuan ng operating room kung saan kasalukuyang inooperaha si Soleil. Malapit si Shanon sa kambal, pero higit itong mas malapit sa Ate Sol nito. Apat na taon ang pagitan ng kambal mula sa bunso nilang si Shanon, pero hindi iyon naging hadlang para maging malapit ang mag-kakapatid. “Sol’s gonna be alright, Shan. Before you know it maririnig mo na naman ang maiingay na tili niya.” Pagpapagaan ng loob ni Slater sa sampung taong gulang na kapatid. Ngayon ang operasyon sa pagtatanggal ng bara sa puso ni Sol. Initially, the doctors prepared to operate on her back when she turned seven years old but then abandoned the idea as they saw how fragile her state was back then. N

