Mas diniin pa ni Silver ang apak sa gasolinador ng sasakyan para mas bumilis ang takbo nito. Sunod sunod rin ang malalakas na businang pinakawalan ng binata habang patuloy na nag-oovertake sa ibang sasakyan sa kalsada. Hindi na dapat niya hinayaan pa ang dalagang umalis. He could’ve insisted for them to just go home. Huminga ng malalim ang binata bago pilit na kinalma ang sarili at dinial ang numero ng kanyang secretary. “Genie…” Bungad niya sa kaibigan pagkasagot nito ng tawag. Hindi agad na sumagot ang kanyang kaibigan at maingay ang background ng dalaga, ilang tao ang naririnig niyang nagsisigawan. “Silver?” Bati ni Genie matapos ang ilang segundo. Bahagya ring tumahimik ang background nito. “Please… Please investigate what happened—” “You don’t need to ask me to look into it, Sil

