Pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito sa St. Scholastica at may mga nagbubulungan pa.
Pasalamat kayo wala ako sa mood mang-away kung hindi papatulan ko talaga kahit ilan pa kayo.
Masyado pang maaga para sa unang klase ko. Nasanay kasi ako na maaga pumapasok tapos ay dinadaanan ako ni Dustin para sabay kaming magbreakfast at sa loob ng apat na taon ay ito ang unang pagkakataon na wala akong kasamang magbebreakfast. Naupo muna ako sa bench dahil wala ako sa mood pumunta sa cafeteria para kumain.
"Kumusta ka?"
Napalingon ako sa nagsalita.
Kaibigan 'to ng crush ni Queen kaya lang ay hindi ko maalala ang pangalan niya.
Kumunot ang noo niya sa akin. "Hindi mo 'ko kilala?"
"Kilala kita, hindi ko lang matandaan ang pangalan mo."
Tumango naman siya tsaka nag-iwas ng tingin sa akin.
Sino nga ba itong mukhang suplado na lalaking 'to?
"Troye," He said.
"Ay oo nga! Natatandaan ko na."
"Sabi ko kumusta ka?"
Muli niyang ibinaling ang mga mata niya sa akin.
Masyado siyang matalim makatingin. Ang mga brown na mata niya ay parang laging galit. At ito ang dahilan kung bakit napakasuplado niyang tignan.
"Okay naman. Bakit?"
"Really? Niloko ka ng boyfriend mo tapos okay ka lang?"
Automatic na napaangat ang kilay ko sa sinabi niya.
"We broke up but he never cheated on me!" nanggagalaiti na sabi ko.
"Iyon ang alam mo. Maraming beses ko na siyang nakita kasama ang isang babae na taga St. Celestine na siyang girlfriend niya na ngayon."
Nainis naman ako sa sinabi niya pero at the same time ay may parte sa akin na gustong maniwala sa kanya. May mga naririnig na nga ako na may babae si Dustin sa St. Celestine.
"Ano bang sinasabi mo? Nagbreak kami kasi-"
"Kasi may iba siya. Zira, lahat ng estudyante dito alam kung gaano kagago ang ex mo at mukhang ikaw na lang ang hindi pa nakakaalam." He smirked.
Nagngitngit naman sa galit ang kalooban ko. "Can you please shut up? Wala kang alam!"
Nagmadali akong umalis bago pa ko tuluyang sumabog sa galit.
"Napakagago talaga ng ex mo!"
Ayan bungad sa akin ni Queencel. Gigil na gigil siya at mukhang gusto na niyang sugurin si Dustin.
"Kumalma ka nga. Bakit ba?" kuryosong tanong ko.
"Hindi mo pa alam?" Napairap pa siya. "Iyong magaling mong ex-boyfriend ay ipinagsigawan na sa mundo na may bago na siyang girlfriend wala pang isang araw mula nang magbreak kayo!"
"What?"
Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa narinig ko.
"Anong sinasabi mo?"
"See for yourself." Iniabot sa akin ni Queen ang phone niya.
Dustin Alcazar is in a relationship with Penelope Catris.
Nanginig ang mga kamay ko at nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko.
Kanina lang ay malaki ang pag-asa ko na magkakabalikan kami ni Dustin dahil alam kong mahal niya ako at nagtitiwala ako sa kanya na hindi niya sasayangin ang apat na taon na pinagsamahan namin.
"Bakit ang bilis naman?"
Dinala ako ni Queen dito sa c.r. Kahit alam ko na ang sagot ay indenial pa rin ako at ayaw kong isipin na niloko ako ni Dustin. Kahit na alam kong may nagbago na sa relasyon namin ay nagbubulag-bulagan ako at nagtiwala sa pagmamahal na meron siya para sa akin.
"Ang sabi kasi friend ano raw..."
"Na matagal na silang may relasyon," pagtutuloy ko sa sinabi ni Queen.
Lalo akong napahagulhol. "Akala ko wala lang 'yong mga biglang pagbabago ni Dust, akala ko wala lang 'yong nahuli ko siyang tinititigan ang picture ni Penelope. Akala ko hindi niya ako kayang lokohin."
Niyakap naman ako ni Queencel. "Hindi niya deserve ang tulad mo, Zira. You are too precious for him."
Naiiyak din na sabi ni Queencel.
"Pero mahal ko siya, Queen! Alam mo 'yan. Alam mo kung gaano ko siya kamahal."
Humigpit ang yakap sakin ni Queencel. "You'll get through this."
Lutang na lutang ako sa mga klase ko at mabuti na lang ay nanjan si Queen sa tabi ko. Kung wala siya ay paniguradong ilang beses na akong napagalitan ng mga professor ko.
Break time. Ayoko sanang kumain kaya lang ay mapilit 'tong si Queen at kanina pa 'ko sinesermunan.
Pagkapasok namin sa cafeteria ay may tumawag sa amin ni Queen. Namataan namin ang grupo ng crush niya na kumakaway.
"Sabay na kayo sa amin," sabi ng maputing lalaki.
Nagtama ang mga mata namin ni Troye pero agad akong nag-iwas. Nang-away pa 'ko kanina para ipagtanggol ang manlolokong Dustin na 'yon.
Sa katapat na upuan ko ay doon nakaupo si Troye. Ginagawa ko naman ang lahat para hindi magtama muli ang mga mata namin dahil nakakahiya.
Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tumayo si Troye.
"Ako na oorder," sabi niya.
Maging ang boses niya ay nakakatakot. Paano pa kaya kung galit siya?
"Ano sainyo, Queen? Zira?"
Napatingin ako kay Troye dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko.
Nagvibrate ang phone ko.
From Queen:
Samahan mo na si Troye, nakakahiya naman. Ayoko namang sirain 'yong moment namin dito ni Eiron.
Kahit na ayoko ay totoong nakakahiya at imposible nga na tumayo si Queen sa kinauupuan niya.
"Troye," tawag ko sa paalis na si Troye. "Samahan na kita."
Tumango lang siya.
Nauuna maglakad sa akin si Troye. Kanina kasi magkasabay kami pero masyado pa akong mainit sa mga mata ng mga estudyante dahil sa break up namin ni Dustin kaya dumistansya ako kay Troye. Baka kung ano pang isipin nila. Mga malilisyoso pa naman.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang sa food stall na pagbibilhan namin ay nandoon si Dustin.
Saktong lingon niya sa akin ay saktong akbay rin sa akin ni Troye.
Inilayo ako ni Troye doon sa stall.
"Anong ginagawa mo?" mahinang tanong ko.
"Ginagawan ka ng pabor," simpleng sabi niya.
Umalis ako mula sa pagkakaakbay niya dahil pinag-uusapan na kami ng mga estudyanteng nakakita sa amin.
"Baliw ka ba? Anong pabor? Anong iisipin ng mga tao na pareho lang kami Dustin-"
Pinutol niya ang sinasabi ko. "It's better that way kesa naman ang tingin sa'yo ng ex mo ay kaawa-awa," sabi niya tsaka nagpunta na sa isa pang stall.
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
May point siya.
Two hours ang vacant namin kaya nakipagkwentuhan muna kami sa kanila. Actually si Queen lang 'yong halos na nagkukwento ako kasi ay tahimik lang.
"Wag mo na masyadong isipin iyong ex mo, Zira. Sobrang ganda mo kaya. Marami pa jang iba. May kilala nga akong patay na patay sa'yo, e," sabi ni Kier.
Natawa naman ako. "Pass na muna ako sa bagong relasyon."
"Ouch!" sabi pa ni Vince. "Sakit naman."
"Baliw!" sabi ko.
Natawa naman siya.
Nagpaalam na kami dahil malapit na ang next subject namin.
"Troye, thanks nga pala doon sa kanina."
Tumango lang sa akin si Troye.
"Hoy! Anong ginawa niyo ni Troye?" pang-uusisa naman ni Queen nang makalabas na kami sa cafeteria.
"Wala kaming ginawa," sabi ko. "Ang O.A mo talaga!" Natatawang sabi ko.
Kinuwento ko naman 'yong nanyari kanina.
Nagtitili naman ang O.A. kong kaibigan.
"Bakit ka nagtititili jan?" nagtatakang tanong ko.
"Kasi kinikilig ako sainyo! Bagay kayo!" May paghampas pa ang gaga.
"Anong pinagsasabi mo jan? Ewan ko sa'yo, Queencel."
Iiling iling na sabi ko tsaka iniwan siya.
Sa may bench malapit sa gate ng University ay nakatambay ang grupo nina Troye. At dahil sa nalaman ng mga kaibigan nila na crush ni Queen si Eiron ay inaasar nila si Eiron na ihatid si Queen.
"Sige na nga. Hatid na kita."
Napakamot pa sa ulo si Eiron.
"Hala wag na! Mukhang napipilitan ka lang," pagpapakipot pa ni Queen.
"Hindi, ah!" seryosong sabi ni Eiron.
"Hindi, wag na nga. Wala ring kasabay si Zira."
Umiling naman ako. "Don't mind me, Queen. Dadaan pa rin naman ako sa sentro, 'di ba?"
"Ay oo nga pala."
Kunwari pang ayaw ng malanding 'to.
Tumayo naman si Troye. "Sumabay ka na sa akin, Zira. Sa may sentro ako nakatira."
Impit pang tumili si Queen sa sinabi ni Troye.
"Wag na-"
"I'm not asking you. I'm doing you a favor again."
Napalingon ako sa tinignan niya at nakita kong dadaan si Dustin dito. Automatic naman akong lumapit kay Troye.
"Tara?" Hindi niya na ako sinagot at naglakad na.
Suplado talaga.
"Jan ako sasakay?"
Kinakabahan na tanong ko nang lumapit siya sa isang itim na motorbike.
"Yes," sagot tsaka kinuha ang helmet na nakasabit doon.
"Ayoko. Takot ako sa motor-"
Naputol ang sinasabi ko nang isuot niya sa akin ang helmet.
"Kotse nga pala ang sinasakyan mo. But I don't drive cars. Borin," he said "I won't let something bad happen to you," dagdag niya pa.
Inalalayan niya rin ako sa pagsampa sa motor niya. Hindi ko napigilan na mapahigpit ang hawak ko sa tagiliran niya dahil sa sobra talaga kong kinakabahan.
Nagsimula ang trauma ko sa motor two years ago nang maaksidente kami ni Dustin.
Nakapikit lang ako sa buong byahe namin. Nagpababa naman ako kay Troye sa Montreal mall.
"Thanks nga pala. Ingat ka," sabi ko sabay ngiti.
Tumango naman siya.
Paalis na siya nang muli niyang pinatay ang makina.
"Anong gagawin mo jan?"
"Magmemeet kami ng kuya ko."
Tumango lang si Troye tsaka tuluyang umalis.
"Kuya Zion!" Yumakap agad ako sa kanya.
Nasa Maynila siya nagtatrabaho pero nang malaman niya ang tungkol sa break up namin ni Dust ay agad siyang umuwi.
"Kumusta ka?" nag-aalalang tanong niya.
"Okay na kasi nandito ka. I missed you, Kuya!"
Ngumiti naman siya tsaka hinalikan ako sa noo.
"Hindi mo pa rin sinasabi kina mama?" tanong ni Kuya sa akin.
Umiling naman ako. "Masasaktan sila. Sobrang lapit nila kay Dustin at feeling ko nga mas mahal na nila siya kesa sa akin."
Nagtiim-bagang si Kuya. "Gusto kong sirain ang pagmumukha ng hayop na 'yon."
"Hayaan na lang natin siya, Kuya. Kung iyon ang makakapagpasaya sa kanya ay ipagkakait ko ba 'yon?"
Lumungkot ang mga mata ni Kuya. "Tara. I'll make you happy."
Ngumiti naman ako. "Thank you for being here, Kuya. Mas malakas ako kapag nanjan ka."
"Siyempre naman! You are my ray of sunshine, Zira. At sa tuwing nalulungkot ka ay dumidilim ang mundo ko. I love you, bunso."
Parang natutunaw naman sa tuwa ang puso ko. "I love you more, Kuya!"
Nanood kami ng sine tapos ay nagfoodtrip para naman daw gumaan ang pakiramdam ko kahit paano. Nagyaya rin siyang mag-arcade at halos apat na oras rin kaming nasa mall kaya naman nang makauwi ako ay bagsak agad ako sa kama ko.
Nakaupo ako sa dalampasigan habang walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko.
"Zira.."
Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Zaivier iyon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. He wiped my tears using his thumb.
"You're crying again," malungkot na sabi niya.
"Namimiss ko lang si Dustin."
"Alam mo bang masakit sa akin kapag nakikita kang umiiyak? You'll forget him eventually."
"Paano?"
He smiled. "I'll help you."
Napatili ako nang buhatin niya ako tapos ay dinala sa may dagat.
"Zaivier!" I laughed.
"Kailangan mo lang sigurong iligo 'yan."
Lalo akong napasigaw ng ibagsak niya ako sa tubig.
"Bwiset ka!" Pinaghahampas ko siyang nang makaahon kami.
Tawang tawa naman siya.
Inilibot ko ang mga mata ko.
"Nasaan tayo?"
He shrugged his shoulders. "I don't know either. Ang alam ko lang sa mundong ito tayo lang ang narito. We own this place, I guess?"
"Paano? Ang yaman ko naman para magka-isla," naguguluhang sabi ko.
"Kumain na nga lang tayo. Nag-ihaw ako ng isda." Inilahad niya sa akin ang kamay niya.
"Tamang tama gutom na 'ko." I gave my hand to him.
Pagkatapos naming kumain ay naupo kami sa ilalim ng puno ng niyog.
"Paano mo ako nahanap, Zira?"
Kumunot ang noo ko. "I don't know. Bigla na lang kitang nakita sa banda roon at tahimik na nagmamasid sa kalmadong dagat," sabi ko sabay turo kung saan ko siya unang nakita.
"Then I guess ako ang nga nakahanap sa'yo kaya ka nandito ngayon."
Muling kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo?"
Hinihingal ako nang magising sa isang panaginip. Kagaya sa panaginip ko kagabi nasa parehong lugar ako.
Isang isla. May kasama akong lalaki na sa panaginip ko ay malinaw sa akin ang itsura pero ngayong gising ako ay maging ang bulto niya ay hindi ko matandaan.
Muling nag-echo sa utak ko ang pangalan niya.
"Zaivier?"
Sino ka ba?