DREAM 2

2017 Words
Maaga ulit akong umalis ngayon. Hindi pa rin alam nila Mama at Papa ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Dustin at magtataka sila kapag sa bahay ako nagbreakfast. Nang makarating ako sa St. Scholastica ay dumerecho ako sa cafeteria. Paggising ko kaninang umaga ay hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman ko. Siguro ay nakatulong din sa pagmomove on ko ang malaman ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Dustin. Paupo na sana ako sa isang vacant seat nang matanaw ko si Troye sa hindi kalayuan. "Hi!" bati ko tsaka inilapag ang tray na hawak ko. Tumango naman siya. "Lagi ka bang ganyan?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya. "Ano?" "Suplado. Ang suplado mo." Napairap pa ako. "Iyon ba ang tingin mo sa akin?" Tumango naman ako. "Oo! Ngumingiti ka ba?" "Syempre naman." Umiling-iling naman siya. "Ngumingiti ka nga,"sabi ko nang mapansin na nangingiti siya. Napansin kong tapos na siyang kumain habang wala pa sa kalahati ang nakakain ko. "Okay lang kung aalis ka na. Matagal kasi talaga kong kumain." "It's okay. Mamaya pa rin naman ang klase ko." "E, bakit ba ang aga mo pumasok?" tanong ko. "May gusto kasi akong sabayan magbreakfast." "Uyyyy! Sino 'yan?" panunukso ko. Umiling naman siya. "Damot!" Napanguso naman ako. "Ang saya mo ngayon, ah? Hindi halatang iniwan ka." He smirked. "Alis ka na nga! Pinapamukha mo pa talaga na iniwan ako!" naiinis na sabi ko. "You know what? You're better than your ex-boyfriend's new girl." "Ano Myan pampalubag loob?" "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Sabi niya tsaka ibinaling ang mga mata sa phone niya. May girlfriend kaya 'tong mokong na 'to? Oo sobrang gwapo at ang hot niya pero nuknukan ng kasupladohan. Hinintay talaga ni Troye na matapos ako sa pagkain tapos ay inihatid niya ako sa room. "Trinidad kayo ba ni Lacosta?" tanong ng isa kong kaklase. Kumunot naman ang noo ko. "Lacosta?" "Maang-maangan, girl? Iyong naghatid sa'yo." Napakabitch talaga nitong Daina na 'to. So Lacosta pala ang apelyido ni Troye. "Ano sumagot ka?" Naningkit ang mga bilugang mata ko. Mukhang may crush 'tong bruha na 'to kay Troye, ah? "Kung oo? Ano naman sa'yo?" Nakita ko kung paano lumaki at mangilid ang mga luha niya. "Napakalandi mo! Kakabreak niyo lang ni Dustin." Nagmake face lang ako tsaka umupo na sa upuan ko. Nadatnan pa ni Queen na umiiyak si Daina. "Nangyari doon?" Natawa naman ako. "Pinaiyak ko." "Ha? Bakit?" "Ang b***h, e!" sabi ko sabay ngisi. Kinuwento ko pa ang nangyari kanina. Tawang tawa naman si Queen. "Bigla naman siyang natigil sa pagtawa at nakakaloko akong tinignan. "Ikaw?" Kumunot naman ang noo ko. "Alin?" "Hindi mo ba type si Troye?" Nagtaas baba pa ang dalawang kilay niya. "Hindi!" mabilis na sagot ko. "Baliw ka na ba? Tignan mo nga 'yong pinagkaiba nila ni Dustin. Si Dustin sobrang approachable, laging nakangiti. E, si Troye? Parang mangangain ng buhay. Nakakatakot!" "Really, huh?" Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Troye. Humarap ako sa likod ko at nakita ko siyang nakakrus ang mga braso. "Kung kainin kaya kita?" he paused. "Ng buhay?" Humagalpak naman sa tawa si Queen tsaka ang kaibigan niyang si Kier. "Grabe ka, Troye! Akala ko naman kung ano 'yong kakainin." "Queen!" saway ko kay Queen pero lalo lang siyang humagalpak sa pagtawa. "Bakit ka ba kasi nandito?" "Pinapatawag ka ni Mrs. Alfonzo," masungit na sabi niya tsaka umalis. "Lagot ka ginalit mo si Troye!" Natatawa pa ring sabi ni Queen. Inirapan ko naman siya tsaka lumabas na para pumunta kay Mrs. Alfonzo. "Hoy, Troye!" Hindi ako nilingon ni Troye at nagderederecho lang hanggang sa makaliko papuntang Engineering. "Nagalit? E, totoo naman." Para pa akong baliw na nagsasalita mag-isa. Kaya ako ang pinatawag ni Mrs. Alfonzo ay dahil ako ang President sa subject niya. Ipapasabi niya lang naman pala na may meeting siya at hindi siya makakaattend sa klase namin, edi dapat iyon na lang ang pinasabi niya kay Troye para naman hindi na lumapit sa akin si Troye. Dapat hindi niya narinig ang sinabi ko. Nang magkaroon kami ng vacant time ay atat na atat nanaman 'tong si Queen na makita si Eiron kaya sinadya talaga namin silang hanapin at nadatnan namin sila sa garden na nagtatawanan. "Hi!" bati ni Queen sa kanila. Bumati silang lahat maliban kay Troye. Mr. Sungit. "Hinahanap talaga namin kayo kasi gusto raw magsorry ni Zira kay Troye." Nanlaki naman ang mga mata ko kay Queen. Ngumiti lang siya. Yari 'tong babae na 'to sa akin mamaya! Natahimik naman sila. "Troye, I'm sorry...." Napipilitang sabi ko. Tinaasan lang ako ng isang kilay ni Troye. "Sorry na pero totoo naman kasi na nakakatakot ka." Pasimple naman akong kinurot ni Queen. Nagpipigil naman ng tawa ang mga kaibigan ni Troye. Naningkit naman ang mga mata ni Troye sa akin. "I like your attitude, Zira!" sabi ni Josh sabay tawa. "Paano ba 'yan, Troye? Mukhang may katapat ka na?" Nangingisi naman si Kier. "Tumigil nga kayo! Pinagbabati nga 'yong dalawa, e." reklamo ni Queen. "Hindi naman kami magkaaway." Walang ganang sabi ni Troye. "So, friends na kayo ulit?" naeexcite na tanong ni Queen. Tinignan naman ako ni Troye. "Bakit? We're not even friends at all." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Tumayo siya at umalis. Nagngitngit naman sa inis ang kalooban ko. "Ano bang problema ng isang 'yon?" tanong ko kina Eiron. "Ikaw kaya sabihan ng nakakatakot," sabi ni Vince sabay hagalpak sa tawa. "Sobrang offended niya? E, totoo naman, ah?" Napairap pa ako. "Attitude ka rin talaga, e." Nagtawanan kami sa sinabi ni Queen. Pabalik na kami ni Queen sa classroom nang makasalubong namin si Dustin. "Zira." Huminto siya sa harap namin. "Hoy, Dustin! Ano pa bang gusto mo?" galit na tanong ni Queen. "Ang bilis mong nakamove on, ah?" Nainis naman ako sa sinabi ni Dustin. Kapal ng mukha mo! Pinilit kong ngumiti. "Hindi ka naman kasi mahirap kalimutan," sabi ko tsaka hinila si Queen paalis. "Savage, my friend! Savage!" sabi ni Queen. Umiling-iling na lang ako. Lutang tuloy ako sa mga sumunod na klase ko dahil kay Dustin. Nakakamiss din pala ang gagong 'yon. Pinauna ko na si Queen umuwi dahil may meeting pa kami ng mga kateam ko sa Volleyball. Malapit na rin kasi ang school fest. Ayaw pa nga ni Queen kaya lang ay naramdaman ko na mahaba haba ang magiging meeting namin at tama nga ako, inabot ng dalawang oras ang meeting namin. "Next year ikaw na team captain ng team for sure." sabi sa akin ni Eleanor, kateam mate ko at ang Team Captain namin. "Bakit sa akin mo ba ipapasa ang korona mo, Kapitana?" Nagtawanan naman kami. Nang makalabas ako ng University ay napatalon ako nang may bumusina sa akin. Nang lingunin ko ay si Troye na nakasakay sa motorbike niya. Inabot niya sa akin ang helmet. "Akala ko ba hindi tayo friends?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Nagkibit-balikat na lang siya. Napailing na lang ako tsaka sumampa sa motorbike niya. "Hinahanap ka na ba sainyo?" "Ha?" sigaw ko dahil hindi ko marinig ang sinasabi niya. Bigla naman niyang inihinto ang motorbike niya. "Hinahanap ka na ba sainyo?" Chineck ko naman ang phone ko. Umiling ako. "Hindi pa naman. Alam naman nilang may meeting ako. Bakit?" Hindi na sumagot si Troye at pinaandar na lang ulit ang motorbike niya. Kaya naman pala hindi nagtatanong 'tong si Troye kung saan ang papunta sa amin dahil lumiko siya papuntang Montreal Park. "Bakit tayo nandito?" tanong ko nang huminto kami sa may Montreal Park. "Gusto kong kumain ng street foods." Napangiti naman ako. "Okay. Let's go!" Excited na sabi ko. Sobrang favorite ko ang street foods. Ang healthy, 'di ba? "Troye, hijo!" masayang bati sa kanya noong nagtitinda ng mga fishball. "Mang Ben." Tumango naman si Troye tsaka kumuha ng sticks. "Anong gusto mo?" tanong niya. "Iyong chicken balls." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ilang araw na akong hindi kumakain ng street foods. "Para kang bata." Nangingisi pa si Troye. Habang kumakain kami ay napansin kong nakatitig sa amin si Mang Ben habang nakangiti. "Troye, hijo, maganda pala ang taste mo sa babae. Napakaganda nitong girlfriend mo." Halos masamid naman ako sa sinabi ni Mang Ben. "Ikaw talaga,Mang Ben. Ito na nga ho ang bayad." Natawa naman si Mang Ben. "Thanks sa paghatid tsaka sa panlilibre ng chicken balls," sabi ko sabay ngiti nang makababa ako sa motorbike niya. Tatanggalin ko na ang helmet ko nang maunahan niya ako. Nahawakan niya pa ang kamay ko. Tila nakuryente naman ako sa pagdadampi ng mga balat namin. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Pasok ka na," utos niya. Tumango naman ako tsaka nagmadaling tumalikod sa kanya. Bago ko pa mabuksan ang gate ay nilingon ko ulit siya. "Ingat ka. See you tomorrow." Tumango siya tsaka ngumiti. May kung ano naman akong naramdaman sa tyan ko. Ano bang nangyayari sa'yo, Zira? Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko si Kuya na nakarus ang mga braso. "Sino 'yon?" tanong niya. "Friend namin ni Queen." "Friend?" Halatang hindi siya naniniwala. "Bahala ka! Masyado kang malisyoso." Natatawang sabi ko tsaka pumanhik na sa taas. "Mag-uusap tayo bukas, Zira Rafaela!" Dinig ko pang sigaw ni Kuya. Napailing na lang ako. "Zira!" Nagmadali naman akong lumabas sa tent na ginawa namin ni Zaivier. "Ang laki!" Gulat na sabi ko nang makita ang dala niyang isda. "Siyempre! Ako pa ba?" Umangat naman ang sulok ng labi ko. "Ang yabang mo!" Humagalpak naman siya sa tawa. Habang tumatawa siya ay napatulala ako sa kanya at tila kinakabisado ko ang bawat detalye ng mukha niya. Zaivier looks like a Greek God. His perfect features. His firm body. Grabe pwede na siyang pagawaan ng statue! Tumikhim naman siya. "Looks like someone is drooling over me." He smirked. "Ang kapal mo!" nahihiyang sabi ko tsaka pumasok ulit sa tent. Humagalpak naman siya sa tawa. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagkakangiti. Ang landi mo naman, Zira Rafaela! Dahil sa hiya ko ay nagkulong na lang ako dito sa tent habang nag-iihaw si Zaivier ng nahuli niyang isda. Bigla namang sumagi sa isip ko kung paano kami napadpad dito. Nasaan sina Mama? si Queen? Mag-isa lang akong napadpad dito? "Zira, kakain na!" Nagmadali naman akong lumabas sa tent dahil nagugutom na ako. "Zaivier!" tawag ko sa kanya. "Hmm?" Agad naman akong napatalikod nang makitang topless pala siya. "Pwede ba magdamit ka nga!" Nadidistract ako sa perfect abs mo! He chuckled. "Okay. Baka lalo kang maglaway, e." "Hoy! Ang kapal mo! Wag ka nga masyadong assuming jan. Hindi kita type!" sabi ko. "At anong type mo? Iyong patpatin katulad ng ex-boyfriend mo?" Nilingon ko naman siya. "Kilala mo si Dustin?" tanong ko sabay kunot ng noo. Tumango naman siya. "Oo. Kinukwento mo siya sa akin. Nasabi mo rin na patpatin siya." "Ah. Akala ko kilala mo siya personally." "Iniisip mo nanaman siya. Halika nga kumain na lang tayo." Masaya kaming nagkukwentuhan ni Zaivier habang kumakain. "Why?" tanong niya nang bigla akong huminto sa pagtawa. "Naisip ko lang. Ilang araw na nga tayong nandito Zaivier?" Kumunot ang noo niya. "Mga isang linggo na rin." "Tayo lang talaga nandito? Imposible kasing pupunta ako sa ganitong Isla na mag-isa, e. Walang ganito sa Montreal kaya malamang nasa ibang bayan ako o hindi kaya ay nasa ibang lugar. Ang weird. Ikaw ba taga saan ka? Taga Montreal ka rin ba?" Hinahabol ko ang hininga ko nang magising ako mula sa panaginip ko. Again, I have the same dream with a man in an isolated Island and again, I can't recognize his face now that I'm awake. It feels so crazy! Tatlong sunod sunod na gabi na akong nanaginip tungkol sa lugar na iyon at sa lalaking iyon. Tinignan ko ang orasan. Again, it's 3am. Ang creepy! Ano ba 'yon? Bakit ganoon ang laman ng panaginip ko? Tatlong gabi na. "Zaivier..." Binanggit ko ang pangalan ng lalaking kasama ko sa panaginip ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at tila gustong lumundag nito palabas. Zaivier, sino ka ba? Bakit palagi mo akong dinadalaw sa panaginip ko? Who the hell are you?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD