Katulad kahapon ay maaga rin akong pumasok ngayon. Bukas ay sasabihin ko na kina Mama na wala na kami ni Dustin para naman hindi ko na kailangan pumasok ng maaga at para sa bahay na 'ko magbreakfast at ng makatipid na rin ako.
Hindi ako sanay na hindi nag-aagahan kaya naman pagkarating ko sa St. Scholastica ay dumerecho agad ako sa cafeteria. At tulad kahapon ay nadatnan ko ulit si Troye na mag-isang kumakain.
"Good morning!" bati ko.
Nag-angat naman siya ng tingin. At nagulat ako nang kahit papano ay ngumiti siya.
"Morning."
"Aga mo ulit, ah? Nasaan nga pala 'yong gusto mong sabayan mag-agahan?" tanong ko.
Nagkibit-balikat lang siya. Mukhang ayaw niyang pag-usapan kung sino man 'yon. Nabasted kaya siya? Impossible!
"Order lang ako, ah?"
Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Troye.
"Ako na. Ano bang gusto mo?"
"Wag na-"
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang tignan ako nangg matalim ni Troye.
"Sige na nga ikaw na. Two cup of fried rice and cheesy bacon with sunny side up egg. Ang takaw ko," nahihiya pang sabi ko.
Ngumisi naman siya tsaka umalis. Tinawag ko pa siya para ibigay ang bayad ko kaya lang ay muli nanaman niya akong tinignan nang matalim.
O, edi okay. Nakatipid ako ngayong araw.
"Thanks," sabi ko.
Napanguso naman ako nang makitang nakatitig sa tray ng pagkain ko si Troye.
"Hoy! Hindi ako matakaw, ah! Heavy meal lang talaga ang kinakain ko kapag breakfast," depensa ko.
"Wala naman akong sinasabi." Nangingising siya.
"Bukas sasabihin ko na kina Mama na wala na kami ni Dustin para naman hindi ko na kailangan umalis ng maag," sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "Hindi ka na magbebreakfast dito?"
Kunot noong tanong niya.
Umiling naman ako. "Mukhang hindi na. Lagi namang nagluluto ng breakfast si Mama tsaka para makatipid na rin."
"I'll pay for your breakfast everyday just join me here every breakfast. Malungkot kumain mag-isa."
Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Troye. Mukhang nabasted nga siya ng gusto niyang sabayan kumain.
"Sa bahay niyo?"
"Mag-isa lang ako na nandito sa Montreal."
Kumunot naman ang noo ko. "Your parents?"
He clenched his jaw. "Wala na sila."
"I'm sorry."
Tumango lang siya.
I feel bad for him. Kaya siguro ganyan na lang siya kasungit.
Ngumiti naman ako. "Sige, sabay na tayo laging magbreakfast pero wag mo na bayaran 'yong breakfast ko."
Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at nagtuloy tuloy lang sa pagkain. Minsan talaga ang sarap ding kausap nito ni Troye. Ganoon na ba kahirap magsabi ng okay o hindi kaya tumango man lang.
Hay! Intindihin mo na lang, Zira, may pinagdadaanan 'yong tao, e.
Katulad kahapon ay hinatid ulit ako ni Troye sa room kaya lalong napapraning si Daina.
"Napakalandi talaga!"
Rinig ko pang sabi niya. Binalewala ko na lang 'yon.
Nakakaloko naman akong tinignan ni Queen. "Hoy ikaw! Ano bang meron sainyo ni Troye? Bakit ba magkasama kayo kada umaga?"
"Ano nanamang iniisip mo jan? Sabay kaming nagbreakfast kanina kasi maaga akong pumapasok kasi hindi pa alam nila Mama ang tungkol sa amin ni Dustin tapos ayun kahapon at kanina nadatnan kong mag-isang kumakain si Troye. Nakakalungkot kaya kumain mag-isa kaya sinabayan ko na."
"Ah okay."
Mukhang hindi naniniwala si Queen. Umiling iling na lang ako. Praning na rin 'tong kaibigan ko kagaya ni Daina.
Vacant namin at nagyayaya na kumain si Queen ng lunch kaya lang ay hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang tyan ko.
"Samahan na lang kita pero hindi ako kakain," sabi ko.
Umangat naman ang sulok ng labi niya. "Ano nawalan ka bigla ng gana kasi nakita mo nanaman si Dustin?" paratang niya pa.
Kanina kasi paglabas namin ng classroom ay nakasalubong namin si Dustin.
"Pinagsasabi mo? 'Di ba nga kanina ko pa sinasabi sa'yo na busog pa ako."
Hindi ko din maintindihan ang sarili kung bakit parang hindi na ako gaanong nasasaktan sa naging break up namin ni Dustin. We've been together for four years pero apat na araw palang ang nakakalipas mula nang maghiwalay kami ay tingin ko okay na ako, I mean sigurado ako na okay na ako.
Bigla naman sumagi sa isip ko ang mga naging panaginip ko nitong mga nagdaang araw.
Imposible na may kinalaman 'yon sa mabilis na pagmomove on ko. Napakalayo sa realidad. Dami dami na ngang problema nitong bansa tapos kung anu-ano pang kalokohan ang naiisip ko.
Halos mapunit naman ang labi ni Queen sa pagkakangiti niya nang pagpasok namin sa cafeteria ay naroon sa favorite spot nila ang grupo nila Troye.
"Bilis, Zi!"
Sinaway ko naman siya dahil hindi na niya matago ang pagkaatat niya.
"Tamang tama dating niyo, ah. Oorder palang kami. Sabay na namin 'yong sainyo," sabi ni Josh sabay ngiti.
"Ako lang kakain. Ito kasing si Zira nakita lang si Dustin nawalan na ng gana kumain."
Mahina ko namang hinampas si Queen. "Hindi nga sabi!"
Umalis na sina Josh, Kier at Vince para umorder ng pagkain nila. Kaming apat lang nila Eiron, Troye at Queen ang nandito.
Nagkatinginan kami ni Troye pero matalim niya lang akong tinignan.
"Hindi totoo 'yong sinabi ni Queen."
Maging ako ay nagulat sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo ni Troye.
Gosh! Nakakahiya!
Ewan ko ba kung bakit ko biglang naisip na iyon ang dahilan kung bakit masama ang tingin sa akin ni Troye.
Dumating sina Kier at nagulat ako nang maglapag din sila ng pagkain sa harap ko.
"Wala akong order," sabi ko.
Ininguso naman ni Vince si Troye.
"Ano bang meron sainyo?"
Kilig na kilig pa si Queen.
"Anong sinasabi mo jan, Queen?" nahihiyang sabi ko.
'Yong bibig talaga nitong babaeng 'to kahit kelan walang preno.
"Oo nga, pare? Baka may hindi ka sinasabi samin, ah," si Kier.
"Tumigil nga kayo!" singhal ni Troye.
Natahimik naman sila.
Ayan! Tama 'yan, Troye. Sindakin mo sila!
"Uuwi ba agad kayo mamaya?" tanong ni Queen sa kanila.
"Ako oo, may aasikasuhin ako. Bakit?" tanong ni Eiron.
"Wala naman." Halatang nadismaya na si Queen.
"Hihintayin ko kasi hanggang mamaya si Zira. May practice siya ng volleyball."
"Hoy, Queen! Wag na. Anong oras na 'yon matatapos."
Matalim naman akong tinignan ni Queen. "Iyon na nga, Zi! Anong oras na, wala ka nang masasakyan na tricycle at madilim na sa dadaanan mo kung maglalakad ka lang," pagpupumilit niya.
"Umuwi ka na, Queen. Ihahatid ko na lang si Zira, gabi pa rin naman ako makakauwi dahil may tatapusin pa ako," maawtoridad na sabi ni Troye.
"Ah. Okay, Troye."
Makahulugan pang sumulyap sa akin si Queen.
"Anong tatapusin mo, Troye?" tanong ni Kier.
"Basta."
Natawa naman sila Eiron.
Ano bang mga iniisip nila?
Pagkatapos ng huling klase ko ay dumerecho na ako sa gymnasium. Nagulat naman ako nang makitang nandoon si Troye sa may bench.
Hindi kaya kateam ko 'yong babaeng nangbasted sa kanya? Kahit hindi sabihin ni Troye malakas ang pakiramdam ko na nabasted siya.
Nginitian ko naman siya nang makalapit ako sa kanya. Sa tapat kasi ng pwesto niya namin ilalagay ang mga gamit namin. Narinig ko pa ang mga kateam ko na impit na nagtilian nang makitang nandito si Troye.
Sino kaya ang nangbasted kay Troye?
Inikot ko ang mga mata ko at napansin kong iwas na iwas tumingin kay Troye si Shaneya.
Sigurado akong si Shaneya nga 'yon. Sorry, Troye, pero mukhang wala ngang interest si Shaneya sa lovelife.
Natigil kami saglit nang madistract kami sa papaalis na si Troye. Grabe naman ang distraction ng isang 'yon. Tinignan ko pa si Shaneya. Nakatingin siya kay Troye pero nang magkatinginan kami ay nataranta siyang inialis ang mga mata kay Troye.
Confirm!
Mabuti naman at nang bumalik si Troye ay hindi na kami nadistract.
Pagod na pagod ako pagkatapos ng practice namin.
"Here." Naglahad ng energy drink sa akin si Troye.
Ngumiti naman ako tsaka kinuha yung enery drink. "Thanks."
"Tapos na kayo?"
Tumango naman ako. "Magbibihis lang ako sa headquarter."
Tumango naman siya.
Nagmadali akong nagpalit ng damit at palabas na 'ko ng H.Q nang tawagin ako ni Shaneya.
"Zira!"
Nilingon ko naman siya. "Bakit, Shaneya?"
"Anong meron sainyo ni Troye?"
Ngumiti naman ako. "We're friends."
Tumango naman siya tsaka ngumiti.
Confirm na confirm!
"Akala ko may tatapusin ka?" tanong ko kay Troye.
"Tapos na," aniya.
Isinuot niya sa akin ang helmet niya maging ang jacket niya.
"Malamig na masyado."
Ewan ko pero biglang parang nahiya ako.
5 minutes lang ay nasa bahay na kami.
"Thank you ulit, Troye. Ingat ka sa pagdadrive," sabi ko sabay ngiti.
Tumango naman siya.
Papasok na ako nang maalalang suot ko pa ang jacket niya.
"'Yong jacket mo pala."
Iniabot ko na sa kanya ang jacket.
"Sige na pumasok ka na para makaalis na 'ko."
Tumango naman ako at muling nagpaalam sa kanya tsaka nagmadaling pumasok sa loob.
"Ngiting-ngiti, ah! Mukhang masaya?"
Pagbukas ko nang pinto ay si Kuya ang bumungad sa akin.
"Anong ngiting-ngiti?" Natawa ako.
"Sino ba kasi 'yon?" inis na tanong niya.
"Kaibigan ko nga. Nagpresinta lang na ihatid ako kasi may tinapos pa siya sa school kaya gabi na rin nakauwi," pagpapaliwanag ko.
"Sus. Ang sabihin mo sinadyang magpagabi!" madiin na sabi niya.
"Ewan ko sa'yo!"
Naiiling na sabi ko tsaka dumerecho sa kusina para kumain.
Pagkatapos kong kumain ay naghalf bath muna ako tsaka ibinagsak ang sarili sa kama ko.
At dahil sa pagod ko ay agad akong nakatulog.
"Zaivier, tama na!"
Tawang tawa ako.
Naliligo kami ngayon dito sa napakagandang dagat at itong si Zaivier ay panay ang wisik ng tubig sa mukha ko.
"Tama na sabi, e!"
"Sige na nga hindi na," sabi niya sabay ngisi.
"Nakakainis ka."
Natawa naman siya tsaka ako hinila palapit sa kanya.
Bigla siyang sumeryoso. "Kumusta ka? How's your heart?"
"Iyong totoo? I know it's too fast but I'm fine. Masaya ako at hindi ko na naiisip si Dustin. I'm really fine now, Zaivier."
He smiled. "I like hearing that your fine now, Zi. You deserve to be fine."
"I don't know, Zavier. Pero nang mapunta ako sa islang ito ay naging okay ako. Nang makasama kita ay naging okay ako."
Derecho siyang tumitig sa mga mata ko. "Ganoon din ako, Zira. And I like to admit that I'm happy when I'm with you. And now that you're here, my life is never be the same again."
"Zavier.."
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.
"Masyado rin bang mabilis kung sasabihin kong gusto na kita?"
"No, Zaivier! 'Cause I think I like you too."
Bigla akong nakaramdam ng hiya.
Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi niya.
"Really, Zira? O, baka naman ginagamit mo lang ako para makalimutan mo si-"
Umiling ako. "I like you 'cause I like you. You make me happy.... so happy."
He cupped my face. "You don't know how happy I am right now. Binago mo ang mundo ko, Zira."
"I want to know you more, Zaivier."
"Dito sa mundong 'to na tila tayo lang ang nandito ay makikilala mo kung sino ako, Zira. Parati kitang hihintayin basta ipangako mo lang na parati ka ring babalik."
"Hindi ko na gustong umalis sa tabi mo, Zaivier."
He pinched my nose. "Hindi pwede. Alam mo naman kung saan ako makikita, Zira. Pwede kang bumalik kahit kelan mo gusto."
"I'll always come back for you, Zaivier."
Sa isang iglap ay nagtama ang mga labi namin,
It was a long and passionate kiss.
This man makes me feel something that I've never felt before when I'm with Dustin.
Zaivier is different from other men. He so mysterious and I admit that I like him being so mysterious.
Muli ay habol ko namaman ang paghinga ko nang magising ako.
It's been 5 days that I'm dreaming of you, Zavier.
I found myself smiling. Hinawakan ko pa ang labi ko. It feels so good. His lips feels so good at parang totoo ang panaginip na 'yon.
5 consecutive nights na ang ganitong panaginip ko.
Zaivier, are you real? And if you are real, then I badly want to see you and thank you for healing my broken heart.