Nang mag-Lunes ay masaya ako dahil makakapasok na ako sa school. Masakit pa ang binti ko pero nailalakad ko naman na, 'yon nga lang ay iika ika ako pero at least makakapasok ako. Pagpasok palang sa gate ay marami ang bumabati sa akin. Hindi kasi ako nakapunta kahapon para sa celebration ng mga pagkapanalo ng St. Scholastica. Hinatid ako ni Gio hanggang sa classroom ko. "See you mamayang lunch," sabi niya at humalik sa noo ko. Ngumiti naman ako. Kalat na ang relasyon namin dahil sa bukod kay Dustin, Troye at Shaneya, may mga ibang studyante rin na nakarinig ng sinabi ni Gio na girlfriend niya ako. "Nandito na 'yong bida." Hindi ko na lang pinansin si Daina. "Napakaepal talaga niyang ni Daina!" nanggagalaiting sabi ni Queen. "Hayaan mo na. 'Di ba, nga? Hindi na natin papatulan

