Umandar na ang Ferris Wheel, nababalot kaming dalawa ng katahimikan. He clears his throat. "The night sky is beautiful so as you." I didn't dare to look at him. Ipinako ko ang mga mata ko sa nagliliwanag na langit. "Are you happy?" he asked. Tumango ako. "Oo naman, bakit naman hindi?" "You like the moon, right? You are Selene." Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya. "Anong sinabi mo?" "Naalala ko na sinabi mo noon na gusto mo ang moon kaya naisip ko na para kang si Selene-" "The Goddess of the Moon," pagdudugtong ko sa sinabi niya. He smiled. Si Zaivier ang nagsabi niyan sa akin. Hindi ko alam na may alam din pala si Troye sa mga ganyang bagay. "I want you to be happy, Zira. Gusto ko masaya ka araw-araw. Wish I could see your beautiful smile ev

