"O, bakit ka tutulala jan?" Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Pinakita ko sa kanya ang mga plates na hawak ko. "Oh, My God!" Napasinghap si Queen. "Troye Zaivier Lacosta? Ayan ang buong pangalan ni Troye? Oh, My God!" Nagkatitigan pa kami ni Queen. "Does it mean?" I shrugged my shoulders. "Hindi ko pa alam. O, ayan! Ikaw na muna ang magbigay niyan kina Eiron. May 30 minutes pa naman tayong vacant." Tinakbo ko na ang papunta sa may Engineering building. Sa may hallway sa tapat ng room nila ay naabutan ko si Gio, kakatapos lang ng exam nila. "Gio." Kunot noo niya akong tinignan pero agad din nawala iyon at napalitan ng ngiti. "O, Zira? Narealize mo na ba na ako talaga ang mahal mo?" "Gio, ikaw ba talaga si Zaivier?" Natigilan naman siya. "What? Oo

