Gamit ang marker na hawak ko ay binilugan ko ang partikular na date sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko. It's been 29 days since Troye's left at umaasa ako na bukas ay babalik na siya. It's been 29 days also since my dreams stopped. Namimiss ko na si Zaivier, namimiss ko na si Troye, namimiss ko na si Troye Zaivier. "Zira, kakain na." Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at bumaba na para mag-almusal. Linggo ngayon at sasama ako kay Mama magsimba. "After natin sa church magpunta tayo sa mall para malibang libang ka naman," sabi pa ni Mama. Napangiti naman ako. Naoobserbahan kasi niya na madalas ay nalulungkot ako. At oo nalulungkot ako dahil kay Troye, kung kelan naman wala siya ay tsaka rin natigil ang mga panaginip ko. Tulad ng sinabi ni Mama, after namin

