When I woke up, I don't remember anything from my dream. Nagising din ako na ang bigat bigat na ng loob ko.
"So, you and Gio were together now?"
Si Mama ay hindi rin makapaniwala. Kagabi pa siya maraming gustong itanong kaya lang ay pagod ako at agad na akong umakyat.
"What do you think of Gio, Ma?"
"Well he's a gentleman and his parents raised him well so overalls he's a good person but the thing is, do you really love him? Or at least like him?"
Tumango ako. "Yes, Ma."
She took a sigh. "Zira, kilala kita hindi ka padalos dalos sa mga desisyon mo at pinag-iisipan mong mabuti ang bawat desisyon na binibitawan 'cause that's how we raised you. But this one, I'm not really sure kung pinag-isipan mo ba 'to."
"Ma, I got this. Pinag-isipan ko 'to nang mabuti."
Lumungkot ang mga mata ni Mama. "I don't want you to break someone's heart, Zira Rafaela."
"Hindi ko gagawin kay Gio 'yon, Ma."
Tumango naman siya.
Sa pag-uusap palang namin na 'yon ni Mama ay parang malaking bahagi na ng energy ko ang nawala sa akin.
"Good morning, Zi!" bati ni Gio.
He even kissed me in the cheek.
"Good morning."
Bago ako pumasok sa front seat ay natanaw ko pa si Mama na nakatingin sa bintana. I gave her a smile before entering Gio's car.
"Gio."
"Hmm?"
Mukhang good mood na good mood siya.
"Is it okay to you when I'm calling you Zaiv?"
Tumango naman siya. "Totally fine. I'm Zaivier anyway. You'll call me Zaiv and I'll call you with your shorter name, Zi. That's our kind of endearment."
Ngumiti naman ako. Natutuwa kasi ako kapag Zaiv ang tinatawag ko kay Gio at lalo akong nagiging sigurado na tama nga ang desisyon ko.
"Baka hindi ako makasabay sa'yo sa lunch mamaya, Zi. Meron akong tatapusin sa isang major ko."
Tumango naman ako kay Gio. "Sure, Zaiv. Sasabay na lang ako kina Queen."
He smiled. "See you later."
Kumaway naman ako sa kanya bago pumasok sa classroom namin. Feeling ko ay sobrang preoccupied ko sa mga klase ko. Good thing is wala masyadong recitation.
"Sasabay ako sainyo maglunch, Queen."
Tumango naman si Queen. "Nasaan ang boyfriend mo?"
"May gagawin daw."
Tumango naman siya.
"Zira."
Nakipaghigh five sa akin si Kier.
"Kumusta ka na?"
"Okay lang ako. Kayo?"
Binaling ko ang mga mata ko kay Troye. Hind siya nakatingin sa akin.
"Kumusta ang braso mo, Troye?"
Ni hindi siya nag-abalang tinignan ako.
Sa ginawa mo ba naman sa kanya kagabi ay malamang galit talaga 'yan sa'yo, Zira.
Kahit isang beses ay hindi nagtama ang mga mata namin ni Troye. Abalang abala siya sa kanyang cellphone. Hanggang sa magpaalam na kami ni Queen ay hindi talaga siya nag-abalang mag-angat ng tingin sa akin.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko bago tuluyang tumalikod.
"Parang wala ka sa sarili?" tanong ni Queen nang mapansin akong tulala.
Umiling ako. "I don't know either."
She took a sigh. "Mukhang alam ko kung bakit."
Napabuntong hininga ako.
"Bye, Queen! Mag-ingat ka!" pagpapaalam ko kay Queen.
Ngumiti naman siya. "Ihahatid ako ni Eiron."
Kumaway na ako tsaka lumabas sa room. Halos takbuhin ko na ang papunta sa gymnasium dahil malamang ako nanaman ang pinakahuling dadating.
Kung bakit ba kasi masyadong dedicated ang professor ko sa last subject.
Napatili ako nang biglang may humila sa akin.
"Troye..."
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
He took a sigh. "Are you going to avoid me?"
Hindi ako nakapagsalita. Habang nakatingin ako sa mga mata niya parang pinipilas ang puso ko. Ilang beses pa akong lumunok dahil tila may nagbabara sa lalamunan ko.
Am I going to cry? No! Hindi ako iyakin and you can't cry in front of him, Zira!
"You can tell me. I'll cooperate."
Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko.
"I'm sorry."
Napapaos ang boses ko at sigurado na ako ngayon na any minute ay tutulo na ang luha ko kaya naman tinalikuran ko siya.
"Zira."
Tumigil ako sa paglalakad pero hindi na ako nag-abalang lingunin siya.
"Don't cry for me, please."
Sa sinabi niyang 'yon ay siyang pagtulo ng mga luha ko. Nagmadali na akong umalis at lumayo sa kanya.
Why does it hurts like this?
Bumuntong hininga pa ako bago pumasok sa gymnasium.
"Where have you been?" tanong ni Coach.
"I'm sorry Coach. Galing akong clinic medyo sumama po ang pakiramdam ko," I lied.
"Kaya mo magpractice?"
Tumango ako. "Yes, Coach."
Pagtapos ng practice game ay dumerecho ako agad sa HQ para magpalit tapos ay nagtungo ako sa open court kung saan nagpapractice ang basketball team.
Kumunot pa ang noo ni Dustin nang makita ako.
"Hi, Zira!" bati sa akin ng Coach nila.
"Hello po, Coach!" I smiled.
"It's been a while."
Tumango ako. "Oo nga po."
Noong kami pa ni Dustin ay lagi akong nanonood ng practice game nila kapag wala kaming practice o 'di kaya ay kapag mas nauuna kaming matapos and I think I should do it to Gio, I don't want to be unfair with him.
Matapos ang practice game nila ay dumerecho sa akin si Gio and all eyes were on us.
"Maaga ata natapos ang practice niyo?"
Tumango naman ako. "Baka raw masyadong maabuso ang katawan namin."
"Magpapalit lang ako sa HQ. Tara?"
Umiling ako. "Can we meet up at the parking lot?"
"You sure?"
Tumango naman ako. "Magpalit ka na baka matuyuan ka ng pawisan."
"Mabilis lang ako."
I smiled at him.
Pagdating sa parking lot ay naabutan ko pa si Troye na nakaupo sa motor niya at may hawak hawak na sigarilyo.
Nang magtama ang mga mata namin ay para akong nanghihina. Walang ekspresyon ang mga mata niya. Hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko hanggang sa lampasan niya na ako.
I took a sigh.
"Let's go?"
Napaigtad pa ko sa gulat nang biglang sumulpot si Gio.
Tumango naman ako. "Let's go."
"Zira."
Nilingon ko naman siya. "Bakit?"
"Thank you sa pagpunta sa open court. Noong kayo pa ni Dustin ay madalas kang nagpupunta doon and now you came for me, it means a lot to me."
I tried my best to give him a genuine smile but I failed.
"Is there any problem?" nag-aalalang tanong niya.
Umiling naman siya. "I'm just tired."
Tahimik lang ako habang kumakain kami nila Mama. Pansin ko rin ang pagsulyap sulyap nila sakin. Tumitikhim pa si Papa kapag naaabutan ko siyang nakatingin sa akin.
I smiled at them. "I'm fine."
They both sighed.
"I miss you, Kuya. Wish you were here."
Bungad ko nang tumawag ako kay Kuya.
"Is there any problem, Zira?"
"I met you're friend here. Si Saf?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"What's going on?"
I faked a smile. "May boyfriend na ako."
Buntong hininga lang ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Si Gio, you know him. You're friend with his brother."
"Alam ko at akala ko ay wala kang balak sabihin sa akin 'yan."
Ngumuso naman ako. "Siyempre meron. I didn't date Troye just like what you've wanted."
"Zir," madiin na tawag niya. "Do you like Troye?"
"I don't know." Nag-unahan ang mga luha ko.
What the f**k? Why I'am crying?
"Gusto mo ba 'ko umuwi?"
Ngumuso naman ako. "Wag na. Nabanggit ni Saf na ubos na raw ang vacation leave mo."
He took a sigh. "You're making me worried. Sa lahat ng nagkaroon ng boyfriend ikaw itong daig pa na nagbreak na kayo."
"Hindi mo ba tatanungin kung bakit ko sinagot si Gio kung gayong mukha naman akong confused?"
"I trust your decisions, Zira."
Napangiti naman ako.
"Zaiv, look what I've got here!"
Nagtatalon pa ako sa tuwa nang makahuli ako ng isda. Kanina kasi ay nagpaturo ako kay Zaivier kung paano manghuli ng isda.
"Mas malaki pa ang nahuli mo kesa sa nahuli ko."
Tumawa naman ako. "I told you, Zaiv. I can be a pro in anything in just an hour."
"Ang yabang mo."
Nagtawanan naman kami.
We were walking in the seashore with his arm around my shoulders and my arm wrapped around his waist.
At kahit ganoon lang ang ginagawa namin ay sobrang saya ko na. Hindi na mawala wala ang tuwa na nararamdaman ng puso ko. Sapat na ang presensya niya para maging ako ang pinakamasayang babae mundo.
"I wish I could also feel it now, in reality," sabi ko nang magising ako mula sa magandang panaginip ko na iyon. I checked my phone and there's a message from Gio.
From: Gio
I just woke up from a dream. Masaya ba tayo sa panaginip natin? I see you smiling, e.
Ngumiti naman ako at mabilis na nagtipa ng message na irereply ko sa kanya.
From: Gio
We were so happy, Zaiv.
Days had passed and today is the first day of inter school sports fest. Siyempre excited ako at kinakabahan at the same time.
"Go and nailed it, Zira. Wish we could watch your game," sabi pa ni Papa.
"It's okay Pa. Gagalingan ko at mag-uuwi ulit ako ng trophy."
He smiled. "Sobrang proud kami sa'yo ng mama mo."
"I know, Papa."
Kumaway pa ako bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Hey!" bati ko kay Gio.
"Morning." He kissed me in the cheek just like what he always do.
"Excited?" he asked.
"Yup and nervous."
"You don't have to. Ang galing mo kaya."
Ngumisi naman ako sa kanya. "I know."
He laughed. "I love your confidence and I'm proud that you're my girl."
"You should be."
Nagtawanan naman kami.
Pagdating sa St. Celestine kung saan gaganapin ang sports fest for this year ay hinatid lang ako ni Gio sa magiging HQ namin tapos ay nagpunta na rin siya sa HQ nila.
"We can do it again, girls. Let's just give our best and enjoy every game, okay?"
"Yes, Coach!"
Sabay sabay na sabi namin.
Mula dito sa kinauupuan ko ay natanaw ko sina Queen sa kabilang side. Nagtama pa ang mga mata namin ni Troye pero agad akong umiwas. Napangiti ako nang magsimulang magcheer si Queen at naimpluwensyahan niya ang ibang mga taga St. Scholastica.
"Go, Gio!" sigaw ko nang si Gio ang may hawak ng bola.
Kumindat pa siya sa akin bago mag-three points kaya halos bugbugin ako nitong katabi ko na si Eleanor.
After ng game ng basketball ay pinuntahan ko muna sila Queen.
"Kumusta ang braso mo?" tanong ko kay Troye pero hindi niya ako pinansin at nauna na siya sa paglalakad.
Ilang araw na rin niya akong hindi pinapansin.
Hindi ko naman sinabi na mag-iwasan kami, ah? Pero baki iniiwasan niya ako?
Kami na ang sunod na maglalaro at ngayon ay sobra na akong kinakabahan.
"Nervous?" tanong ni Eleanor.
Tumango naman ako. Lalo pa akong kinabahan nang magtama ang mga mata namin ni Troye. Derecho siyang nakatingin sa akin.
Huminga pa ako nang malalim.
"Go, Trinidad!"
Ngumiti naman ako kay Gio.
Bago pumasok sa loob ng court ay muli ko nanamang nilingon si Troye.
Stop it, Zira!
The game went well for us. Madaming sumisigaw para sa pangalan ko nang magsimula akong mag-init sa loob ng court. Ilan sa mga spike ko ang hindi nakukuha ng kalaban at may ilan din akong good serve.
Nagchicheer kaya siya? At kung oo kaninong apelyido ang sinisigaw niya?
Pinilig ko pa ang ulo ko para mawala ang kung anu-anong iniisip ko. You're in the middle of a game for God sakes, Zira!
We won over St. Celestine and I earned the player of the game.
"Zira."
Nilingon ko si Gio.
"Sama ka muna kay Queen? Nagyaya si Coach kumain baka kasi maawkward ka."
Tumango naman ako kay Gio. "Sure, Zaiv."
He smiled. "You did great."
Humalik pa siya sa pisngi ko.
"Thanks."
Nang tumalikod na ko kay Gio ay nagtama ang mga mata namin ni Troye. Palabas na rin siya nang gymnasium nang tawagin siya ni Shaneya.
Nagsimula na akong maglakad. Sobrang lakas naman ng kalabog ng dibdib ko habang palapit ako nang palapit sa kanila.
"You played well, Shaneya."
Napasinghap pa ako sa sinabi ni Troye at nakagat ang ibabang labi ko.
Naiinggit ako sa pagpuri niya kay Shaneya.