Nagtext ako kay Queen para itanong kung nasaan sila dahil sasama ako sa kanila. Nagmadali akong magpalit ng damit tapos ay lumabas na ako sa HQ. "Zira." Nilingon ko si Shaneya. She smiled. "Nice game nga pala." Tumango lang ako tsaka akmang aalis na nang muli niya akong tawagin. "Nagmamadali ka?" Muli akong tumango tapos ay tuluyan na akong umalis. Hindi pa ba halatang nagmamadali ako? At kung sakaling hindi ako nagmamadali ay hindi pa ba halata na ayaw kitang makausap? Dito rin pala ang punta ni Shaneya. Bakit hindi ko naisip 'yon? Kasama nga pala nila Queen si Therese kaya malamang ay dito rin pupunta nitong si Shaneya. "Nice game, Zira! Ang galing mo! Grabe!" papuri pa ni Josh. "Crush na ata kita, e," hirit niya pa. Ngumiti naman ako. "Baliw ka!" Pasimple ko pang t

