Alas singko pa lang nang umaga pero ginising na kaming lahat. Lumabas ako sa tent at dumerecho sa likod kung saan pwedeng maligo. Mabuti na lang ay hindi pa ganoon kahaba ang pila dahil tinatamad pang mag-asikaso ang karamihan. Anim ang portable toilet na nandito, tig tatlo ang mga girls at boys.
"Ang lamig parang hindi ko kayang maligo, Zira!"
Kasunod ko si Queen sa pila.
"Paano hindi ka sanay maligo sa umaga," pang-aasar ko pa.
Umangat ang sulok ng labi niya. "Funny."
Natawa naman ako. Ang sarap talagang asarin ni Queen kapag bagong gising.
Mabilisan lang dapat ang pagligo namin dahil marami kaming gagamit ng portable toilet. Kakatapos ko lang mag-ayos ng sarili ko at nagmadali akong lumabas ng tent para pagmasdan ang sunrise.
I'm really fond of sunrise, sunset, moon and stars.
"Coffee?"
Lumingon ako sa gilid ko.
Naglahad ng cup of coffee sa akin si Troye. Bigla ko namang naalala ang tinext niya sa akin.
"Thanks," sabi ko matapos kunin ang coffee na inalok niya.
"Troye, wag mo nga akong pagtripan!" reklamo ko.
"Sino bang nagsabing pinagtitripan kita, Zira?" madiin na tanong niya.
Nakipagtitigan pa sa akin si Troye. Hindi ko nakayanan ang mga titig niya kaya ibinaling ko ang mga mata ko sa papasikat na araw.
"Zira, Troye!"
Sabay kaming napalingon sa pagtawag ni Queen at kasabay rin noon ay ang pagclick niya sa DSLR niya.
Ngiting ngiti naman siya nang makita ang kuha niya.
"Perfect!"sabi niya tsaka umalis.
Napailing na lang ako tsaka muling bumaling sa sunrise. Napangiti naman ako.
"Sobrang ganda talaga ng sunrise."
"Sobrang ganda nga," pag-sang ayon naman ni Troye.
Busy ang lahat para sa paghahanda ng mga pagkain at groceries na ipamimigay namin sa mga nakatira sa kabilang Barrio. Doon naman ang destinasyon namin pero dito pa rin kami magstay sa Barrio Ardemia dahil dito ang may pinakamalawak na space para sa mga tent namin at portable toilet.
Bitbit ko ang isang bag ng mga nakarepack na groceries nang may umagaw sa akin nito.
"Ako na jan, Zira," sabi ni Troye.
"Kaya ko naman, Troye." Sinubukan kong bawiin ang dala ko.
"Mas kaya ko."
Matalim niya pa akong tinignan tsaka naunang maglakad.
"May napapansin na 'ko jan kay Troye, girl. Ikaw wala ka bang napapansin?" tanong ni Queen.
"Na kahit masungit si Troye e gentleman naman?"
Umangat ang sulok ng labi ni Queen. "Hindi ko alam kung manhid ka ba talaga o nagmamanhid manhidan ka lang."
"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko kay Queen.
Mukhang nainis lang lalo siya sa akin.
Pagdating sa lugar kung saan namin idadaos ang second day nang outreach program ay naging magkaiba kami ng grupo na sasamahan ni Queen. Ako ay nakasama rito sa mga magpapakain at magbibigay ng mga groceries habang si Queen ay nakasama sa tree planting.
"Zira." Lumingon ako sa tumawag sa akin.
"O, ikaw pala 'yan Shaneya." Ngumiti ako sa kanya pero hindi siya ngumiti pabalik.
Kasalukuyan kaming nagbibigay ng mga groceries ngayon.
"Narinig mo ang usapan namin kagabi ni Troye, hindi ba?"
Nanlamig naman ako. "Hindi ko naman sinasadyang marinig," pagsisinungaling ko.
"May ideya ka ba kung tungkol saan ang pinag-usapan namin?"
Mabilis naman akong umiling.
"We we're fighting because of you."
Natigilan ako sa pagbibigay ng groceries at humarap kay Shaneya.
"Dahil sa akin? Bakit wala naman akong ginagawang masama, ah?"
Lumungkot ang mga mapungay na mata niya. "Nagseselos ako sainyo ni Troye. We were in a relationship, Zira, at hindi ko gustong ang pagiging malapit niyo ni Troye."
Nangilid pa ang mga luha niya.
Nataranta naman ako. "Uy, Shaneya! Wag kang iiyak dito."
Please lang ayoko ng atensyon!
"Hoy kayong dalawa, mamaya na ang chikahan!" saway sa amin ni Mrs. Madrigal.
Pareho naman kaming nag-iwas ng tingin ni Shaneya sa isa't-isa.
"Wag mo na lang sasabihin kay Troye ang napag-usapan natin. Sasabihin niya kasi na nakapaimmature ko nanaman," sabi ni Shaneya nang makaalis si Mrs. Madrigal.
E, totoo namang ang immature ng ginagawa mo!
Pero dahil ayoko ng g**o ay iiwasan ko na si Troye. Ayoko namang madamay pa ako sa g**o nilang dalawa ni Shaneya.
Nang matapos kami sa pagbibigay ng mga groceries ay nagpunta ako sa kinaroroonan ni Queen.
"Queen, tapos ka na?" Hindi ko napansin na kasama niya pala sina Troye at Eiron.
Nang magkatinginan kami ni Troye ay agad akong umiwas ng tingin.
"Hintayin na lang kita doon sa waiting area," sabi ko at umalis na doon.
"Maghuhugas lang ako ng kamay, Zira."
Tumango naman ako kay Queen.
Nang makabalik si Queen ay halos mapunit ang labi niya sa pagkakangiti.
"Halika, Zi! Sabay na raw tayo kina Eiron pabalik sa camp site."
Mabilis naman akong umiling. "Wag na, Queen."
Nabigla naman si Queen sa pagtanggi ko.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Basta. Kung gusto mo ikaw na lang sumabay sa kanila at mauuna na 'ko," sabi ko tsaka tinalikuran si Queen.
"Hoy, Zira!" tawag pa ni Queen pero hindi ko na siya pinansin. Bahala siya kung susunod siya o hindi.
"Zira!"
Rinig kong tawag sa akin ni Troye pero nagbingi-bingihan ako at binilisan ko pa ang lakad ko. Pero sa isang iglap ay nahila ni Troye ang braso ko.
"I'm calling you!" galit na sabi ni Troye.
"Ha? Tinatawag mo ba 'ko? Naku! Mukhang kailangan ko na maglinis ng tenga ko. Nabibingi na ko, e."
"Bakit nagmamadali ka ata masyado?" He clenched his jaw.
"Ah! Najejebs na kasi ako, e. Sige, ah? Una na 'ko."
Sinubukan kong hilahin ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Troye pero imbis na bitawan niya ko ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis.
Halos magmura naman ako nang malagpasan namin ang tila iiyak na si Shaneya.
"Troye, pwede mo na 'ko bitawan."
Parang walang narinig si Troye at patuloy lang siya sa paglalakad.
Nakahinga ako nang maluwag nang pagdating sa camp site ay binitawan niya ang kamay ko tapos ay dumerecho siya sa tent nila.
Galit ba siya?
Pumasok na lang ako sa loob ng tent nang tignan ko ang gamit ko ay ang jacket ni Troye ang pumukaw sa atensyon ko.
Balak ko sanang ibalik ang jacket ni Troye kaya lang ay malapit na ako sa tent niya nang makita kong nag-uusap sila ni Shaneya. Agad naman akong pumihit pabalik.
"Zira, ano 'yon?" Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagtawag sa akin ni Troye.
Muli akong pumihit paharap sa kanila.
Umiling iling ako. "Ah, wala. Mamaya na lang."
"Ano nga?" madiin na tanong ni Troye.
"Ibabalik ko sana 'yong jacket mo."
Naiilang na sabi ko. Hindi ako tumitingin kay Shaneya.
Kumunot ang noo ni Troye. "Keep it. Malamig sa gabi at sa madaling araw."
Tumango na lang ako tsaka nagmadaling umalis.
Hay! Edi lalong manggagalaiti sa akin si Shaneya.
"Hoy, bakit ka nang-iwan kanina?"
Tanong ni Queen habang nakataas ang isang kilay.
"Ayoko nga kasing sumabay sainyo. Iniiwasan ko si Troye," mahinang sabi ko.
"Ha? Bakit?"
Kinuwento ko kay Queen ang tungkol sa pag-uusap namin ni Shaneya kanina.
"Totoo ba? Bakit wala naman silang nababanggit na may girlfriend si Troye."
Hindi makapaniwala si Queen.
"Wag mo na lang muna ikwento sa kanila, ang sabi kasi ni Shaneya ay magagalit daw si Troye at iisiping immature siya."
Tumango naman si Queen.
"Edi no more breakfast na sa morning?"
Tumango naman ako.
"Sure na ba 'yan? No more TroZi na?"
"Anong TroZi?"
"Edi Troye and Zira!"
"Hay ewan ko sa'yo, Queen!" Napailing na lang ako.
Ngumuso naman si Queen.
Muli ay tulong tulong kami sa pagluluto ng pang hapunan namin.
Isa ako sa marunong magluto kaya abalang abala ako. Hindi sinasadyang napalingon ako sa gawing kanan ko at sa hindi kalayuan ay nakita ko si Troye na nakatingin sa akin. Madilim ang mga mata niya. Umangat pa ang sulok ng labi niya. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.
Kung tignan mo 'ko, Troye Lacosta, parang papatayin mo ako, ah?
Dahil sa pagluluto kanina ay mas minabuti ko na maligo muna dahil nanlalagkit ako sa init pero nang paliko ako sa may papuntang portable toilet ay nakita ko si Troye kaya mabilis akong bumalik.
Para naman akong kriminal sa ginagawa ko.
Biglang nagvibrate ang phone ko.
From: Troye
Iniiwasan mo ba 'ko?
Oo, Troye! Dahil masyadong selosa ang girlfriend mo! Kung sabihin ko na kaya 'yong totoong dahilan para naman hindi na ako mahirapan sa pag-iwas?Kaya lang ay nakakaawa si Shaneya, nakakatakot pa naman si Troye lalo na kapag galit pero kung mahal naman niya si Shaneya ay maiintindihan niya 'yon.
After we ate our dinner, Mrs. Madrigal decided to put a bonfire in the middle. Gusto niya na magkasiyahan kami ngayong gabi bago kami umuwi bukas ng tanghali sa Montreal.
Nakapalibot kami sa bonfire, merong mga kumanta at meron pang mga nagconfess sa mga crush nila habang may kumakanta ng love song.
"Ikaw hindi ka pa ba magcoconfess kay Eiron?" tanong ko kay Queen.
Namula naman siya. "Baliw ka! Kahit papano ay may hiya pa rin naman ako."
Natawa naman ako.
"Meron pa bang gustong kumanta jan at ishare ang talent?"
Tumayo si Shaneya. "Ma'am, si Troye po magaling kumanta."
Nagtilian naman ang mga kaschoolmate namin sa sinabi ni Shaneya. Ayaw ni Troye pero walang siyang nagawa kay Mrs. Madrigal.
Bigla namang tumayo si Queen. "Ma'am, mas maganda ata kung duet naman this time."
"At sino namang willing makaduet si Mr. Lacosta?"
Queen smiled playfully. "Si Zira raw, ma'am."
Pinandilatan ko ng mga mata si Queen. Nababaliw na ba siya? Kakasabi ko lang kanina na nagseselos ang girlfriend nitong si Troye, e. Yari talaga sa akin ang babae na 'yan mamaya. Hindi na ako umangal pa dahil baka isipin nila nag-iinarte pa ako.
Binigyan nila kami ng tig isang microphone. Nagkatinginan pa kami ni Troye.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
He took a sigh.
He starts singing.
Come up to meet you
Tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you
Tell you I need you
Tell you I set you apart
Lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang derechong nakatitig sa akin si Troye.
Sobrang ingay ng paligid puro tilian at sigawan pero walang sinabi sa lakas ng t***k ng puso ko.
Kinabahan pa ako nang ako na ang kakanta.
Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh let's go back to the start
Running in circles, coming up tails
Heads on a science apart
Nagulat ako nang kunin ni Troye ang mga takas kong buhok mula sa pagkakatali at isinipit niya sa likod ng tenga ko.
Lalong nagwala ang mga tao sa paligid.
Sabay naming kinanta ang chorus.
Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start
Hindi ko alam pero biglang sumakit ang puso ko at nang ipikit ko ang mga mata ko ay paulit ulit na nag-echo sa akin ang pangalan ni Zaivier.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay sinalubong ito ng mga nag-aalalang tingin ni Troye. Ngumiti naman ako sa kanya para ipakitang okay lang ako. Nang matapos ang kanta ay nakakabinging palakpakan at sigawan ang ibinigay ng mga kasamahan namin.
"Ang galing niyo!"
Tuwang tuwa pa si Queen pero imbis na umupo ako sa pwesto ko kanina ay nagtungo ako sa tent.
Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko.
Bakit bigla kitang naisip, Zaivier? At bakit ganito kasakit? Hindi ko na gustong mapanaginipan ka pa pero paano ba ako makakatakas sa mga panaginip kong iyon?
Biglang may humila sa akin palabas ng tent at dinala ako sa likod ng puno.
"Troye."
Ang mga magaganda ngunit madidilim niyang mga mata ay derechong nakatitig sa akin.
"Zira, huwag mo na ulit tatangkain na iwasan ako."
Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin ako ni Troye.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Damn it! Ano 'tong nararamdaman ko?
At habang yakap yakap ako ni Troye ay biglang sumagi sa isip ko si Zaivier. Agad ko namang itinulak si Troye at nagmadaling umalis kahit nanghihina ang mga tuhod ko.
Pareho ko ba silang nagugustuhan?